Share

Confidently Beautiful
Confidently Beautiful
Author: jhowrites12

Chapter 1

100 kilos! Mabigat na raw iyon. Panghandaan na. Baboy! Pero huwag ka, 38-32-40. sexy at maganda ang kurba. Malaman lang ako pero hindi ako baboy gaya ng sinasabi g iba riyan na inggit sa ganda ko.

I am Pretty Diozza Gonzales. Call me Diozza , para diyosang-diyosa. Sabi kasi ng nanay ko na si Beauty Quenn Gonzales, ako raw ang pinakamagandang sanggol noong ipinanganak ako. O, di ba! Iba rin ang nanay ko. Ang galing manghula, siyempre kanino ba naman ako magmamana, e di sa kanya.

Heto ako ngayon lumalamon habang nagmomovie marathon sa theatre room sa bahay. Nakaharap ako sa malaking screen, nakataas ang isang paa habang nilalantakan ang grilled chicken. Hindi kasi ako sinipot ng mga lukaret kong friends,kaya heto mag-isa akong kumakain sa pinahanda ko para sana sa kanila.

For sure, naghahanap na naman sila ng papa. Papa-tayin ko dahil hindi sila worth para pag-aksayahan ko ng oras. Ang mga lalaking iyon ay pera-pera lang naman. Ang galing pang mamintas. Buti sana kung mga guwapo, mukha namangadik o galing sa preso.

Hay naku! Mas okay pa panoorin si Keanu Reeves na love ko. Hindi kasi nakakasawang pagmasdan ang guwapo niyang mukha. Minsan nga pino-pause ko pa para lang matitigan at siyempre mahalikan siya. May sikreto nga akong malupit eh! Ay naku, kinikilig ako.

Siya lang naman ang firts kiss ko. Ang yummy kaya ng lips niya. Iyon lang flat at malamig. Hndi rin siya tumutugon. Pero okay lang, at least siya nakakuha ng virgin kong lips.

Maharaot! Charot!

Habang titig na titig ako sa malaking screen ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang isa pang loka-lokang kaibigan ko. Si Lucresia.

‘’Nabuhay ka?’’ bungad kong tanong. Isang buwan ding hindi nagparamdam kaya namiss ko talaga siya.

‘’Best, puwede tambay diyan?’’ pauna niyang tanong habang parang may kausap rin siya sa kabilang linya.

Wow! Himala. Ano kaya nakain niya at tatambay sa bahay?

‘’Tamang-tama may pinahanda akong pagkain,’’ sagot ko habang ninanamnam pa rin ang pagkain sa bunganga ko.

‘’Great! May alak?’’ nabilaukan ako sa narinig mula sa kanya.

‘’May malaki ka bang problema?’’ uubo-ubo kong tanong. Nalunok ko pa yata pati buto ng manok. Mangiyak-ngiyak akong uminom ng tubig. Tsaka muling pinagtuunan ng pansin ang kaibigan ko.

Nagdududa na talaga ako sa pagkawala niya ng isang buwan e.

‘’loka!isasama ko ang pinsan kong broken hearted. Diyan na lang natin painumin, nakakapagod na kasing I-baby sit sa bar eh.’’ mahabang paliwanag niya. Napabuntong hininga pa. Ang lakas kaya, parang naihipan ng hangin ang teynga ko.

Tuloy napabuntong hininga na rin ako. Naisip ko lang naman na ako pa yata ang gagawin niya upang magbaby sit.

“o, siya sige. Hintayin ko na lamang kayo rito,”kapagdakay pumayag ako. Wala naman akong ginagawa. Boring naman mag-isa.

Pinahanda ko sa mga katulong ang inumin at inutusan silang maglagay sa maliit na bar sa theatre room ng alak. Ibinilin ko na rin na ihanda ang guestroom sakaling hindina makauwi ang dalawa.

Naghintay lang ako ng tatlumpo’t minuto at dumating na sila. Halos lumuwa ang singkit kong mata nang makaharap ko ang pinsan ni Cresh.

“Shit, Cresh!yung sinapupunan ko nag-iinit.” deklarasyon ko. Paano ba naman kasi ang guwapo ng pinsan niya.

Parang pinaghalong Piolo Pascual at Jericho Rosales. Tapos parang badboy ang dating kasi may hikaw sa teynga. Clean cut ang buhok at ang sarap ng labi niyang reddish. At ang yummy ng katawan na bakat sa suot na puting t-shirt. Mas masarap siya kaysa sa pinahanda kong pagkain. Natakam tuloy ako.

Tinampal ako ni Cresh. Si cresh na kasin tangkad ko. Mas seksi nga lamang ako dahil napakaskinny niya. Maputi siya at morena naman ako. Pero infairness, magkasing-ganda lang kami.

“Halika na nga nang maipakilala na kita. Landi mo girl!” tatawa-tawa niyang saad saka ikinawit ang kamay sa binti ko, ay este sa braso ko pala.

Buti na lang at seksi ang suot ko ngayon. Nakapekpek short ako at hanging blouse. Maumay sila sa ganda at kaseksihan ko. Tamang- tama sa pang-aakit ko sa pinsan ni Cresh.

Joke lang! Di naman talaga ako malandi. Way ko na lamang ito dahil NBSB ako.

Kunwari na lang marami akong experience. Isa pa, hindi naman siguro masama maglandi ng kaunti, ang boring naman ng life ko kapag hindi. Hindi naman na uso ang Maria Clara effect sa panahong ito.

Just be yourself. Nasa iyo na kung mapunta ka sa mali. Dapat tamang paglandi lang.

“Diozza, meet my cousin, Adonis. Adonis, si Diozza.”

“Nice to meet you,” simpatikong sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay. Siyempre sinunggaban ko agad.

Inamoy ko ang kamay niya. Nagulat yata siya kaya nahila niya iyon. Ang bango kaya, kaya lang magaspang. Di bale, keri lang. Lalaking-lalaki ang dating.

“Sowri, ngayon lang kasi ako nakaamoy ng ibang putahe eh,”maarte kong saad sabay tuck ng kaunting hair sa teynga ko. May palabas pa ng dila sa gilid.

Napakunot noo ito at umiling-iling na para bang werid ang ginawa ko. Hindi naman e! tapos nairita yata kaya binalingan si Cresh at kinausap. Agad lumapit sa akin si Cresh.

“Pet, nasaan na raw ang alak? Magpapakalunod na yata e!” nakangusong wika ni Cresh sabay pinasadahan ng tingin ang pinsan.

Napangisi ako. Akala ko iignorahin na niya talaga ang beauty ko. Pero ito talagang si Lucrazy! Pet na naman ang tawag sa akin. Ano ako? Alagang baboy! Nakakasakit na siya ng damdamin ah.

Nagsimula na kaming mag-inuman. Kahit anong gawin ko, hindi talaga ako pinapansin ng mokong. Iyong buong atensiyon niya nasa alak.

“Bakit kayong mga babae, hindi makuntento sa meron kami!” lasing na tirada ni Adonis. Tinungga muli ang basong may lamang alak.

“Hindi lahat boy, sa akin ka, nang makita mo. Iba ako sa ex mo, mamahalin kita ng buo.’’ sabat ko kahit alam kong hindi naman ako ang kinakausap. Mas kausap pa nga niya ang basong hawak.

Nagkatinginan kami ni Cresh.

Sige pakipot pa. Mapapasa-akin ka lang din balang araw. Itaga mo iyan sa matigas na ulo ni Lucrazy.

Kinurot ko ang kaibigan kong tatawa-tawa.

“Hindi ka niyan papansinin. Inlababo masyado iyan sa ex!” napangiwi ako sa sinabi ni Cresh.

Lasing na talaga si Adonis dahil kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig. Naawa tuloy ako sa kalagayan niyang hindi makamove-on. Ang guwapo naman kasi para iwanan. Sabagay sabi nga ni Cresh, mayaman ang babae. Samantalang si Adonis, isang hamak na construction worker.

Inakay namin si Adonis papunta sa guestroom. Pabagsak namin siyang inihiga sa kama. Hindi ako agad umalis. Siyempre kung may alak, may balak na! Itinaas ko ng t-shirt niya para mahubad. Aksidente niya kasing natapunan iyon kanina kaya basa.

“Pet, anong ginagawa mo?” gulat na tanong ni Cresh. Nauna kasing lumabas, e bumalik pa. Sinulyapan ko siya.

“Rape-in ko na ang pinsan mo Cresh, para wala nang kawala. Huwag ka mag-alala pananagutan ko siya ng buong puso.” deklarasyon ko.

“Tumigil ka , gaga!”asik niya sabay batok sa akin. Matalim ko siyang tinitigan.

“Pagkakataon ko na ito,” giit ko at ipinagpatuloy ang paghuhubad ng t-shirt ni Adonis.

Nahiga bigla si Cresh. Tapos ay humarap sa amin. Nakaside view ito at nakasuporta ang isang kamay sa kanyang ulo.

“O,siya dito lang ako. Manonod ng live show! Umpisahan mo na.” utos niya. Tawang-tawa pa talaga. “Ay wait! Videohan ko. Para kung sakaling magdemanda pinsan ko, may pruweba na ginahasa mo,” sabi niyang winagayway pa ang kanyang celphone. “Go na, Action!”

Ibinato ko sa kanya ang damit na natanggal ko kay Adonis. Saka ko isinuot sa kanya ang t-shirt ko. Pero siyempre habang ibinababa iyon ay may pahaplos na ako sa mainit na pandesal.

Humagalpak ng tawa si Cresh. Napatawa na rin ako. Nahiga ako sa gitna nila. King size ang kama kaya kahit anong laki ko ay kasya naman kami. Yumakap ako sa tulog na tulog na si Adonis. Kahit itong pagkakataon lang na ito ay makatyansing ako. Mahaplos ko man lang ulit ang six packs niyang pandesal.

Kinuha ko ang cellphoe ko at pinicturan si Adonis. Sinulyapan ko si Cresh. Hayun at naglalaway na sa himbing ng tulog. Kaya naman may pagkakataon akong nag selpie kasama ni Adonis kahit tulog. Hays, makatulog na nga rin.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nikk Mo Ferrer
tnx mis author ...
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
go Diozza itayo ang bandera nating malulusog ......
goodnovel comment avatar
zellerougeliet
Sinapupunan is the word of the day. Ahahah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status