Share

Chapter 4

Buti nalang at Friday nangyari ang kagagahan ko. May weekends pa ako para mag-isip ng alibi o paano lusutan ang problemang pinasok ko.

Pero Lunes na wala pa rin akong maisip na solusyon. Naisip kong huwag pumasok, pero hanggang kailan naman ako magtatago?

Parang weird lahat ng estudyanteng makasalubong ko.Nakatingin silang lahat sa akin. Halos lahat tumatawa o kaya ay napapailing. Yung corridor papuntang classroom ko parang ang haba-haba. Kanina pa ako naglalakad pero bakit hindi ko marating-rating.

Taas noo pa rin akong naglakad kahit na nangangatog ang tuhod ko.

Ang lakas din nang kabog ng dibdib ko dahil alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon makatingin sa akin ang lahat.

"Diozza!" lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa dagundong na boses ni Adonis. Ayaw kong lumingon sa aking likod kaya tumakbo ako.

Tumakbo ako pero bakit 'yung mga hakbang mas lalong lumalapit.

Lumingon ako, malapit na sa akin si Adonis at halatang nanggagalaiti sa galit. Takbo na ang ginawa ko pero bakit mas lalo siyang lumalapit samantalang lakad-takbo lang ang kanyang ginawa.

Nakita ko ang lab room, bukas at walang tao. Pumasok ako doon at akma nang isasara nang maabutan ako ni Adonis.

Hinila niya ako sa loob at siya na mismo ang nagsara. He pinned me in the wall. Wala talaga akong mapupuntahan dahil napagitnaan ako ng kanyang mga kamay. Sisigaw sana ako ng rape, pero

wala pa naman siyang ginagawa. Isa pa, asa pa ako! Rape agad kasi teh?

"Now talk, anong ipinagkakalat mo?"

Umiling-iling ako. Kahit malaki pala katawan ko, nagmukhang maliit ako dahil sa tangkad at maskuladong katawan ni Adonis.

"Where's your phone?"

"Shit!" mahinang mura ko.

"lbibigay mo o huhubaran kita para makuha ko." He is damn serious. Galit talaga siya sa mga kasinungalingan ko.

Mahuhubaran talaga ako dahil nasa bulsa ang cellphone ko..

"I'm sorry,"gumaralgal ang boses ko. Naiiyak na talaga ako. Nakatingin pa rin ako sa baba.

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang sinungaling!"

Napapikit ako. Mahinahon siyang magsalita pero halata ang diin at galit sa bawat bigkas nito.

"I just want to help you,"I said in low tone na halos ako lang din ang nakarinig.

"I dont need any of your help!" Usal niya.

I look at him in a snap.

"Sa tingin mo ba hahayaan ka ng grupo ni Bryan lalo na at aaligid-aligid ka sa ex mo? Do you think, maililigtas ka ni Crystal lalo na kung nalaman nila na nagmakaawa ka para bumalik siya sa iyo..." Natutop ko ng kamay ang aking bibig. My big-big mouth! Hindi na napigilang magsalita! Ipinagkanulo ako ng matabil kong dila!

Nakipagmatigasan ako ng tingin sa kanya. Lalong inaapoy sa galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"What did you say?" Wala na akong aatrasan pa. Bumuntong hininga ako bago magsalita muli.

"I heard you that day, noong magmakaawa kang bumalik si Crystal sa iyo. Nalaman ni Bryan na nag-usap kayo ni Crystal. He wants to hurt you and expel you from here. I just save your ass from them!"

Matapang ko siyang tinitigan. Galit ka, galit na rin ako. You should appreciate what I did, you damn loser!

"I dont need your help or saving me. Kaya ko ang sarili ko. At hindi nila ako basta-basta mapapatalsik dito!"

Tumawa ako ng pagak. Tinabig ko ang kanyang mga kamay. Malaya akong nakawala.

"Is that so? Then what's the big deal having me cornered here? Puwede mo naman palang i-deny at sabihing ilusyunada ako. Na bakit ka naman papatol sa pangit at matabang tulad ko!"

Itinulak ko siya as I walk out. Binuksan ko ang pinto at palabas na sana noong bigla niya akong hilain at pinagsalikop ang aming mga daliri.  Nanlaki ang mga mata ko at hinila bahagya ang aking kamay.

"What are you doing?" Namamangha kong tanong. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Ang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko.

"I'm saving your ass too!" He said as he locked our fingers again. Holding hands while walking. With the eyes of bystander students and teachers, we pass by holding hands! Hihimatayin yata ako.

Pero wala siyang pakialam sa tingin ng mga tao. Malapit na kami sa room nang mamataan namin sa bungad sina Bryan.

"Woah, hindi nga nagsisinungaling si porky,"he said as he look into our locked hands. Sinulyapan ko si Crystal. Parang naiiyak ang mga matang nakatingin sa amin.

I look into Adonis. Nakatitig lang din siya kay Crystal. Pinisil niya ang aking kamay saka ako binulungan.

"Mauna ka na sa loob!" It sent shiver to my spine as his breath touching my face as he whisper. Sinunod ko siya. Hindi na rin ako lumingon dahil nakaramdam ako ng pagseselos.

Selos na wala naman katuturan dahil nagpapanggap lang naman kami. Ang aga naman kasi umatake ang selos sa kalooban ko, juice ko Diozza! nagpapanggap lang kayo.

"Diozza! Diyosa ka nga." Sigaw ni Martha as I'm heading to them. Tahimik lang ang iba na nakamasid sa akin. Alam kong nakita nila kami ni Adonis.

Adonis is still talking to Bryan's group.

Wala naman akong nakikitang tensiyon as he seriously talking to them. Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila. Wala na akong pakialam.

Nilawakan ko ang aking ngiti. As in hanggang teynga na ngiti kahit deep inside hindi naman masaya.

"O, di ba! lakas ng dating ko. Nakuha ko si Mr macho gwapito."Pagmamalaki ko. May gana pa akong mag malaki 'di ba? Ganyan yata talaga kakapal ang mukha ko hindi lang ang taba sa katawan ko.

"Ano'ng gayuma ang ginamit mo? Pahingi at nang magayuma ko rin ang taong gusto ko?" Maarteng inilahad ni Martha ang kanyang kamay.

"Walang gayuma no, makamandag lang talaga ako," tumawa ako. "Alindog ang puhunan friend." umirap ito sa akin. Tapos itong si Eula pinisil-pisil ang katawan ko mula braso hanggang beywang.

"Best, pumayat ka. Ganyan ka pala mainlove, pumapayat?"

Inismiran ko siya. Anong pinagsasabi niyang pumayat. Wala naman akong napapansing pagbabago sa katawan ko. Pero aminado akong halos hindi ako ganoong kagana kumain for the past weeks. Pero 'yun lang, nagloose na ako ng weight?

Hindi naman siguro, isa pa mula noong nag 100 kilos ako, hindi na ako muling tumingin kung ilan ang weight ko.

"Kayo ba talaga?" Si Mahinhin na seryoso. Sa aming lahat siya ang may maraming experience sa pakikipagrelasyon.Hindi ko siya masisisi na magduda

"Sa totoo lang..."

"Yes indeed we are!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla akong akbayan ni Adonis at sagutin na rin ang tanong na iyon ni Mahinhin.

Tapos itong si Martha biglang tumili sa kilig. Eh, sa hindi ako binibitawan ni Adonis. Siniko ko ito para tanggalin na ang braso sa balikat ko.

Oh di ba, pakipot pa ang lola ninyo...kinikilig naman inside.

Tumawa ito as in normal na normal na nakikipagflirt sa akin.Parang kami talaga at hindi nagpapanggap.

Kanina lang galit na galit ito sa akin. Ngayon naman sweet m-sweetan. Bipolar ata, tsk!

"Talk to you later, Huwag ka agad umuwi. Ihahatid na rin kita." Bulong niya sa akin. "And we need to talk! Real talk!"pahabol pa niya

Inirapan ko nga siya.

Yikes!Yung balahibo ko sa buong katawan nagtayuan.

"Ay ang sweet ni papa Adonis," palatak ni Martha at Eula.

Kinindatan lang sila ni Adonis bago umalis at bumalik sa kinauupuan.

Mas lalo akong naging lutang sa araw na iyon.Bangag na bangag ang pakiramdam ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status