Share

Chapter 4: Kill for you

“Oh, Sindy mauuna na kami,” pukaw ng ama matapos nitong ipatong sa lababo ang kalderong pinaglagyan ng ulam.

     Alas-Onse y Trenta na ng tagpong iyon at bago pa lang sila natapos sa pagkain dahil sa pabidang eksena ni Maria. Hindi kasi ito maubusan ng kuwento ng kung ano-ano kaya walang ibang pagpipilin kundi antayin itong matapos kahit napakaimposible. At mukhang narinig ng diyos ang panalangin niya, sa huli natapos din ito sa pagkukuwento. “Salamat naman,” bulong ng isip niya.

     “Sige po, Pang,” sagot niya sa ama habang bitbit ang mga ginamit na pinggan, mangkok at kutsara. Nagkabanggaan pa sila nito. “Sorry po, Pang.”

     “Ate, saan ko ’to ilalagay?” tanong naman ng kapatid na siyang ikinalingon niya rito. Dala nito ang malaking mangkok na may natira pang mga prutas. Pababa pa lang ito ng hagdan.

    “Ilagay mo na lang diyan sa lamesa pero lagyan mo muna ng kaunting tubig ang trey bago mo ’yan ipatong. Mahirap na, baka langgamin,” singit-paliwanag naman ng kanilang ina na nakasunod na pala rito. Ito na’ng sumagot sa tanong ng kapatid kaya hinayaan na lang niya. Kung ibabase kasi sa kaalaman mas marami itong nalalaman kaya mainam na rin iyon.

     Kaya lang minsan hindi niya maiwasang isipin na may mga anak pa rin na napapariwara ang buhay dahil sa ’di pagsunod sa payo ng magulang, at iyon ang ayaw niyang mangyari sa kanilang magkakapatid. Gusto niyang maging huwaran sa mga kabataan sa kasalukuyan upang madagdagan ang kabutihang dapat tularan ng mga pasibol na binhing pag-asa ng bayan.

     “Sige po, Mang,” tugon naman ng kapatid na nagpabalik ng wisyo niya. Agad itong tumalima sa iniutos ng kanilang ina pagkarating sa dako ng lamesa. 

     “Siya, mauna na kami, kailangan ng magpahinga nakakapagod ang araw bukas,” anang sabi naman ng kanilang ama na siyang balik-tingin niya rito. Bakas ang pagod at antok sa mga mata nito.

     Katatapos lang nitong maghugas ng kamay sa lababo kung kaya ipinatong na niya ang mga bitbit. “Kami na pong bahala, Pang,” sagot niya upang hindi na humaba ang usapan.

    “Tingnan ninyo munang maigi kung nakasara ang pinto. Ayusin ninyo muna rito bago kayo pumanhik,” pahabol naman ng kanilang ina na siyang ikinalinga niya ulit dito.

     Nauuna ito sa pag-akyat muli ng hagdan. Katatapos lang nitong ipatong sa mesa ang pitchel at mga baso na siyang kinuha na rin ni Maria. Nakasunod naman dito ang kanilang ama na nagpupunas ng kamay gamit ang bimpong galing sa kaliwang balikat.

     Ganito kasi silang pamilya, nagtutulungan para sa ikakabilis ng mga gawain. Hindi puwede sa kanila ang pansariling kagustuhan lang kaya naman naturuan sila ng tama at mali.

     “Ate Sindy, puwede bang mauna na rin ako?” pukaw ni Maria makalipas ng ilang minuto na siyang ikinalingon niya rito. Ito ang tagabanlaw ng mga nasabunang aparato. Napapakamot pa ito sa batok na halatang nag-aalinlangan sa maari niyang isagot.

    “Ganoon ba?” Sabay tingin niya sa mga natitirang hugasin: kaldero ng ulam, kanin at mga kutsara.

     “Sige, kaunti na lang naman ito,” sang-ayon niyang patuloy pa rin sa pagkikiskis ng bakal-lana sa takure na hawak. Kahoy kasi ang gamit nilang pangluto kaya maitim na naman.

     “Talaga, Ate Sindy—hindi ka ba galit?” nakayukong anito bagamat bakas ang hindi makapaniwalang mata pero naroon ang malungkot nitong pakiramdam.

     “Bakit, ayaw mo? Sige, babawiin ko na,” natatawa niyang biro bagamat hindi niya maiwasanang makadama ng kakaiba.

      Malaking gasera man ang gamit sa kusina at kahit pilit iwinawaglit sa isipan ang lahat hindi niya maiwasang kabahan sa hindi malamang kadahilanan.

     “Icheck mo muna ang mga bintana at pinto bago ka umakyat,” pahabol na lang niya. Pilit minamadali ang ginagawa na siyang ’di na tinapunan ng tingin ang kapatid.

     Gayon din, matapos masunod ang habilin tuluyan na rin itong umakyat. Dinig na dinig niya ang hakbang nito sa baitang ng hagdan. “Ate, mauna na ako, ah,” paalala nito. Ayaw man niyang payagan pero natatakot siyang magsumbong na naman ito at mas gumulo pa ang lahat. 

     Masyado kasing pihikan ang ina. Sinisigurado nitong nasusunod nila ang mga iniutos ayon sa kagustuhan kaya wala silang ligtas sa bagsik ng pag-obserba nito. Kaya naman, paulit-ulit niyang tinitingnan kung malinis pa rin ba ang ginagawa bagamat bakas sa kaniya ang pagmamadali.

    Malapit na rin siyang matapos nang maramdaman ang kakaibang pakiramdam. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok na siyang nagbigay takot at kaba sa kaniya. Lumamig din ang simoy ng hangin na siyang mas ikinanginig niya habang pilit tinatapos ang trabaho. Walang nakabukas na pinto o bintana kaya imposibleng magkaroon nang malakas na hangin mula sa kung saan.

     “Diyos ko po, Ama. Help me, ayaw ko ng pakiramdam ko ngayon,” naisaisip niya habang nagdudumoble ang pintig ng dibdib. Nanginginig na nagpapawis ang pakiramdam niya habang pilit pinapalakas ang loob dahil baka mapahiya na naman siya gaya kanina. Kaya ang tanging solusyong nakikita niya’y pagmamadali bago pa may mangyaring hindi dapat. 

      Ngunit sa gitna ng pagmamadali isang anino ang tumakip sa ilawan na bumubuo sa buong kusina. Nakatayo ito sa kung saan na siyang patong naman niya sa huling kalderong hinuhugasan.

      Bumuntonghininga muna siya nang malalim bago napapikit na humarap sa dako nito, ngunit pagdilat niya wala na’ng aninong tumakip dito. Tanging ang gaserang naroon na lang ang tumambad sa kaniya pero dinig na dinig pa rin niya ang malakas na tibok ng dibdib isabay pa ang naghuhumigpit na kapit sa magkabilang gilid ng lababo upang humugot ng lakas.

      Ngunit nang tuluyang mahimasmasan sa panginginig agad niyang kinuha ang gaserang nasa lamesa at mabilisang humakbang paakyat na siyang gumawa pa ng katamtamang kalabog dahil sa pagmamadali pero wala na siyang pakialam pa. 

ALAS-DOS NG MADALING ARAW. Tulog na tulog ang buong paligid pero naroon siya sa kuwadradong silid. Nakatunghay sa gaserang nakapatong sa katamtamang laki ng kabinet. Nagsusumayaw ang apoy na nandirito na siyang kinakunot-noo niya. “Bakit kaya? Wala namang hangin, ah?” Titig na titig siya rito na animo’y hinahatak siya papalapit.

     Ngunit agad din niyang napansin ang suot na damit nang matapakan ang laylayan nito. Dahil din dito, napadaing siya nang tumama sa paanan ng papag na kahoy ang isang paa. “Damn! Ano bang klaseng higaan ’to?” aniyang nakataas ang kilay. Bakas ang pagkairita at nagpipigil na gigil para dito. “Damn it!” 

     Pero agad din siyang napatulala nang makita ang babaeng nahihimbing na natutulog sa harapan. Napapatagilid tuloy ang ulo niya kaliwa’t kanan habang nagmamasid. Alinsabay naman ito sa mukhang pananaginip ng dalaga dahil sa bahagyang pag-ungol at baling ng ulo sa magkabilang gilid.

    “Sino naman kaya ang babaeng ’to?” nakakunot-noo niyang bulong. Nakataas na din ang kanang kamay niyang animo’y gusto itong hawakan. Mukhang isip at katawan niya’y humihiwalay sa sarili pero nananatili pa rin siyang nakatayo sa puwestong hindi matinag sa pag-obserba.

     “Hindi!” sigaw niya nang hindi makayanan ang pagkatulala sa napagmamasdan. “Damn it!” Bago tuluyang nawala sa karimlan.

      Muli’t muli ay nakarating siya sa malamlam na pulang silid. Agad siyang nagsisigaw dahilan ng paliwanag at pagkislapan ng kulay kahel na sumasabog sa magkabilang sulok. Dalawang magkatabing kuwarto rin ang sukat nito habang nasa gitna naman ang kama niyang nakukulayan ng pula’t itim na sapin sa kaliwang bahagi.

      Matapos kasing makalabas sa Simbolika Cage namalayan na lang niyang nasa dako ng babaeng iyon. “Sino ba siya? Bakit ako nandoon? Sa dinami-rami ng lugar doon pa?” nagpapabalik-balik na turan niya sa magkabilang dulo ng kama. 

     “Imposible!” sigaw niya nang maalala muli ito. “Wala akong natatandaan na tulad niya—”patuloy pa rin siya sa paglalakad-balik habang hindi mapakaling umiiling. “Hindi maari!” sigaw niya muli dahilan nang paglakas lalo ng kulay kahel na sumasabog sa bawat sulok. “Hindi puwede ’to!” matigas niyang turan bago tuluyang nawala sa loob ng silid.

SA MAPUNONG LUGAR naman mula sa malayo nakikita niya ang babaeng naglalakad; nakasuot ng maiksing kulay pulang blusa na sobrang hapit sa katawan.

     Kitang-kita niya ang mahahabang binti nito na maputi’t makinis sa kabila ng madilim na gabi. Natatanglawan din niya ang makapal na kolorete nito sa mukha habang susuray-suray na naglalakad sa gitna ng kakahuyan.

     Nakasanayan na niya ang ganitong sitwasyon kaya hindi na bago sa kaniya; may naglalakad sa gitna ng nagtataasang mga puno’t sanga na tanging ang sinag ng buhay na buwan lang ang nagbibigay liwanag sa karimlan ng gabi.

     Gayunpaman, madalas mga dayuhan ang nakikita niyang pakalat-kalat tuwing ganitong oras. Mga kaanakan ng mga mamamayan dito o bakasyunista mula sa ibang lugar. Kung kaya, bakas ang kaibahan ng mga ito sa pananamit.

     “Damn!” hiyaw niya nang matapakan muli ang laylayan ng damit, ngunit paglingon sa harapan; sa kaliwang bahagi, nakita na niya ang babaeng kanina pa pinagmamasdan. Patuloy ang pag-uumpugan ng mga paa nito sa labis na kalasingan.

     Gayon din, dahil dito mas kitang-kita na niya ang kabuuan nitong mas nagpapatindi ng galit at kagustuhang makapaghiganti. Isang tao lang kasi ang nakikita niya sa puntong ito at gusto niyang kitilan ng sariling buhay.

     Kaya upang maibsan ang galit na nararamdaman agad siyang lumapit dito na hindi alintana ang postura. “Magandang umaga, Binibini. Inumaga ka ata,” mapang-akit niyang wika. Nagulat pa ang babaeng lumingon sa kaniya habang pagewang-gewang.

     “Saan ka galing? Mukha kang clown—may cosplay ba? Saan? Umagang-umaga ganyan itsura mo?” nang-uuyam na ngiti nito habang inililibot ang tingin sa kabuuan niya. Idinuro-duro pa siyang nakangisi pero nananatili lang siyang hindi nagsasalita.

   

     “Nababaliw ka na ba? Ba’t ayaw mo magsalita? Ang hirap sa inyo puro kayo mayayabang. Akala mo kung sinong nagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mundo. Bakit, hindi ba kayo mamamatay?” hindi maintindihang sigaw pa nito ngunit agad na niya itong nilapitan dahilan upang sumubsob sa batuhang lubak-lubak.

     “Sumusobra ka na, ah,” pasuray-suray na duro nito dahilan upang tumaas ang suot hanggang hita. “Anong nginingisi mo?” Tingin nito sa tinitingnan niya. “Manyakis!” Duro nitong tumatayo. “Bastos!” Sugod nito na agad niyang nahawakan sa balakang. “Saan mo ’ko dadalhin at paano mo ginawa ’yon—”nagkandautal na wika pa rin nito. Halatang lasing na ito at hindi na kayang maintindihang ang sinasabi.

     Pero ganoon pa man, malinaw sa isip at pandinig niya ang narinig. Kaya tuluyang nagdilim ang paningin niya at hindi na nakapagpigil pa. Agad niya itong itinulak na siyang patiyayang tumalbog pabagsak sa damuhang mabatong pinagdalhan niya.

     “Hayop ka! Ang sakit noon!” banat nito saka hinaplos ang nasaktang pang-upo pero nagulat na lang siya nang hindi inaasahang hatakin siya nito at tuluyang maramdaman ang labi nito sa labi niya.

      Dahil sa nangyari pakiramdam niya nawala lahat ng galit na nararamdaman ngunit naglaho rin ang mga iyon nang sumambulat sa kaniya ang mga alaalang gusto ng kalimutan. Hindi rin siya agad nakahuma sa malabong imahe ng babaeng nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kaniya.

      Ngunit bumalik lang ang wisyo niya nang makitang natanggal na ng kaharap ang taklubong niya. “Hindi ka nagsasabing guwapo ka pala. I like you,” malanding wika na nito na siyang agad siyang hinagkan sa labi.

    Sa una nadala siya ng sariling katawan ngunit agad din naglaho ang nararamdaman ng isang imahe ulit ang naalala. Agad niyang itinigil ang pagsagot dito at hinaklit ito sa braso dahilan upang mapatitig ito sa kaniya.

     “Aray! Ano ba, nasasaktan ako,” hinaing nito. Pilit itong nagpupumiglas sa pagkakakapit niya pero isang nakakalukong ngisi ang sagot niya rito. “Sandali, ugh!” sigaw nito.

     Dinaganan niya ito bago isinubsob ang ulo sa leeg. “Ah! Nasasaktan ako. Ugh! Tama na. Tulong, parang awa mo na—nasasaktan ako,” pagmamakaawa nito nang biglain niya. Bakas ang disgusto at kirot sa mukha nito pero wala na siyang pakialam pa.

     Pilit itong nagpupumiglas sa pagkakadagan niya pero walang itong magawa, lalo na nang pasadahan niya ito ng halik sa leeg habang umaarangkada sa gitna ng mga hita na siyang nagpaliyad lalo rito.

     “Ah! Tama na. Ugh.” Tuluyan ng kumawala ang tinatago nitong damdamin na siyang ikinangisi niya lalo.

     Gayon din, kusang nawala ang pag-apela nito at napalitang umayon sa makamundong ligaya na salungat sa ipinapakita nito kanina. “Ugh! Let me kiss you,” paos na tinig nito. Pilit inaabot ang mga labi niya.

    “Sorry, Dear, hindi ko ibinibigay ang labi ko sa mga babaeng pinapaligaya ko lang. Suwerte mo lang, naka-tyiempo ka,” aniya sabay kawala ng umaalingawngaw na halakhak.

    “Ito ang gusto mo, ’di ba? Puwes, ibibigay ko sa ’yo. Kahit kailan ganito kayo, pari-pariho kayo,” nanlilisik na turan niya at mas pinag-igi pa ang pag-arangkada na siyang ikinahiyaw nito sa labis na ligaya.

    “Himala ata na nawala na’ng lasing mo, matino ka ng kausap,” nakangising aniya. Hindi naman ito sumagot bagkus mas naglumakas pa ang halinghing na buong-buo sa tahimik na gabi. “Wala kang pinagkaiba sa kaniya,” nang-uuyam na aniya. Sa kasawiang palad hindi pa rin ito sumasagot at patuloy lang sa pagsunod sa ginagawa niya.

     Makikita ang mas tumitinding pagkapit pa nito sa kaniyang braso habang nagsusumigaw sa kaligayahan. Nanlalaking ngisi naman ang sagot niya rito habang napapapikit muli. Pabilis nang pabilis hanggang sa maarok ang kaligayahan. Hingal at pagod na’ng kanaig pero lumalaban pa rito. Kaya naman napapailing na lang siya sa mga nasasaksihan. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa kasalukuyan. “Ano bang mali?” aniyang nakatitig dito.

    “Paalam, Binibini. Salamat sa gabing ito,” aniya saka ito sinasaksak ng kumikinang na bagay.

    Isang huling sigaw ang kumawala sa bibig nito bago bawian ng buhay. Nagkalat ang mamasa-masang malapot sa paligid ng katawan nito habang patuloy bumubulwak ang pulang likido mula sa bahaging sinaksak niya.

    Puro pasa rin ito na tanda nang matinding pagkapit at pagpupumilit na magpumiglas ng saksakin niya. “Ano bang nangyayari sa akin? Damn it!” nakayukong aniya habang nakatitig sa mga takas na luhang galing sa mga mata nito, ngunit dahil sa likas niyang lakas hanggang sa huli wala itong nagawa upang protektahan ang sarili.

     “Kill for you—” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status