"Did you see him already?"Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito."You see him, don't you? And…I found you, Lady.""Don't touch her!"Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya."Wooh! Cierra? Any problem with me?"Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso."What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa
“Saan na naman kaya nagpunta ’yon?” Hindi siya mapakaling nagpapaikot-ikot. Hindi rin niya matukoy kung magtutungo ba sa kaliwa o sa kanan. Pagkalabas sa quarters agad niya itong hinanap sa buong paaralan ngunit ni anino nito’y wala. “Sinabi kasing magpaalam. Bakit ba ang tigas ng ulo niya.” Iling niya sabay labas ng kahon na hugis triangulo mula sa bulsa ng maroon na pantalon. “Ito na talaga,” aniyang nangingiti na. Matapos iyon, nagpaikot-ikot muli siya hanggang makasalubong ang lalaking nakayukong nagkakalikot ng kung ano. “Nakita mo ba si Sindy?” Pigil niya sa kanang braso ng kaharap habang palinga-linga sa paligid. “Ikaw pala,” nakangiting sagot naman nito habang patuloy sa pagpindot ng hawak. “Puwede ba—saan galing ’yan?” tanong niyang nakakunot-noo. Hindi makapaniwalang tingin ang ipinupukol niya rito habang pilit inaapuhap ang mga kasagutan sa nakikita. “Ssshh! Sekreto lang natin ’to.” Pahapyaw ngiting-tingin nito sabay taas ng hawak na telepono
Naalimpungatan siya nang maalala ang gawaing nakatakda sa araw na iyon. Dumagdag pa ang nakasisilaw na haring-araw na patuloy sumisilip sa siwang ng bintana. “Sandali.” Nakakunot-noo na tingin niya sa kulay dumihing kalendaryo; nakadikit sa likod ng pinto. “Sus me, ano ba naman ’to. Inaantok pa ako, e.” Nakangiwing kuyakoy niya sa papag. “Sabado nga,” buntonghininga niya. “Welcome sa bagong umaga, Sindy,” bulalas niya sa sarili sabay tingin sa dingding na nai-iling. Nakatayo ang kanilang mumunting kubo sa mapunong lugar na kababakasan ng katandaan; minana pa raw kasi ito ng kaniyang ama sa namayapang mga magulang. Kaya naman, gustuhin man maisaayos ngunit wala pang panahon ang mga ito dahil sa abala pa sa pagbebenta ng mga gulay, prutas maging sa pagsasaka upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Bagamat hindi sila mayaman ngunit ang pamumuhay ay maihahalintulad din sa mga pilipino na kahit papaano nakararanas ng kaginhawahan sa buhay. Samantala, tatlo naman silang
Kinagabihan. Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa pintuang-kahoy. Naririnig niya ang pahinto-hintong lakas ng katok na kahit labag sa kalooban napilitang tumayo’t kunin ang gasera. Inilawan din niya ang ibaba ng papag upang mahanap ang pangsapin sa paa. “Sandali lang po!” hiyaw niya sa katamtamang lakas, sapat upang marinig ng kung sinuman ang boses niyang bakas ng pagmamadali. Katatapos lang nilang maghapunan, palibhasa’t Alas-kuwatro palang ng hapon naghahanda na upang pagsapit ng Alas-syete ng gabi namamahinga na, sapagkat tanging lampara ang nagbibigay liwanag sa natutulog na karimlan. Gayon din, habang naglalakad sa maliit na espasyo ng silid, tanging ang kakarampot na gasera ang nagbibigay liwanag sa dinaraanan, at bawat apak niya’y nakakakilabot na langitngit ang maririnig. Papalagpas na siya sa silid ni Cora nang masulyapang nakaawang na naman ang silid nito. Dala ng kuryusidad, agad niyang hinawakan ang seradura at dahan-dahang itinulak ang pinto.
January 2005, Araw ng Lunes
“Oh, Sindy mauuna na kami,” pukaw ng ama matapos nitong ipatong sa lababo ang kalderong pinaglagyan ng ulam.Alas-Onse y Trenta na ng tagpong iyon at bago pa lang sila natapos sa pagkain dahil sa pabidang eksena ni Maria. Hindi kasi ito maubusan ng kuwento ng kung ano-ano kaya walang ibang pagpipilin kundi antayin itong matapos kahit napakaimposible. At mukhang narinig ng diyos ang panalangin niya, sa huli natapos din ito sa pagkukuwento. “Salamat naman,” bulong ng isip niya.“Sige po, Pang,” sagot niya sa ama habang bitbit ang mga ginamit na pinggan, mangkok at kutsara. Nagkabanggaan pa sila nito. “Sorry po, Pang.”“Ate, saan ko ’to
“Mang!” sigaw niyang ubod lakas. Kulang na lang mapatakip sa tainga ang kaharap sa biglang pagsulpot niya. Napatigil din ito sa ginagawa na siyang nakalinga na sa puwesto niya.“Mang,” ulit niyang halos maubusan ng hininga sabay kapit sa magkabilang gilid ng pinto.“Huminahon ka nga, Maria! Ano bang problema?” tanong nitong nakakunot-noo. Bakas ang pagkayamot sa kabuuan.
“Napakaganda talaga ng lugar na ito,” aniyang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Nakapikit pa siyang dinadama ito na animo’y nasa isang pelikula lang.Sa lugar din nilang ito matatagpuan ang natatagong lugar na kung tawagin ay Ilog Minanga. Pinaniniwalaan din kasing ibiniyaya ito ni Bathala; ayon na rin sa mga kanayon nila. Kaya naman dahil sa angking ganda at kakaiba maraming mga mandarayo ang nahuhumaling mamasyal na siyang pinapayagan naman ng kanilang pamunuan.