Share

Chapter 1

From: Cassy

Cose! Saan kana? Kanina pa nag-start ang exam!

And I'm beyond nervous dahil sa text message ni Cassy sa akin. Tf! bakit kasi hindi ko narinig yung alarm clock ko kanina? I run as fast as I can para lang maka-sakay na ako sa kotse namin.

"Manong, paki-bilisan 'ho kasi late na ako eh." paki-usap ko sa driver namin.

"Yes Ma'am."

I'm trembling in fears kasi exam namin today sa major subjects, and there's this terror professor na super higpit when it comes to our schedule. Damn, I'm so done.

Pagkahinto na pagkahinto ng kotse sa tapat ng University namin, I run again and I didn't noticed that there's someone na makakasalubong ko.

"Damn." mahinang bulong ng nabangga 'ko. Bakit ang bango niya? Ano kayang pabango nya? Try ko kaya.

"I'm sorry! I didn't notice you. Sorry, Bye."

I felt guilty na hindi ko man lang siya natulungan sa mga gamit niya na nahulog, I saw a glimpse of his face but I can't remember it. Sayang, I badly wanted to apologize for what I have done.

"Gaga ka muntikan ka nang hindi makapag-take ng exam kanina!" Bulyaw sa akin ng bestfriend kong si Cassy.

"Yung alarm ko kasi.." Pero atleast tapos na.

We decided to eat sa labas ng campus para naman mag-celebrate na natapos na ang first sem. I'm currently taking up a course related to Fashion design, since I'm really fond of designing clothes.

"Cas, actually kanina may nabunggo ako na guy when I was running para makahabol sa exam but you know, I can't remember his face eh." I really felt guilty, hindi ako sanay na hindi nakakapag-apologize ng maayos.

"What do you remember ba na dala niya?" She asked while eating.

"I remember there are some books, then may guitar, but wala naman tayong course for music related diba?" I'm really confused.

"Yeah, baka kasali sa mga band sa school." After we ate our lunch, I decided to roam at the mall since, I have to buy some books for the second sem. And I'm planning to make a dress para sa upcoming project namin this sem.

This is really my passion, eventhough our company mostly known for producing a rice, vegetables and fruits. May farm kami sa Quezon na hina-handle, I'm not really into business that's why hindi ko tinake ang business course and my kuya is the one who will take over the company in the future. I'm a party girl so I don't want to held a big responsibility, basta ang gusto ko gumawa ng mga damit.

I was about to call our driver pero na-lowbat ako. Paano 'to? Like paano mag-commute? Wala talagang dumadaan na sasakyan kahit cab other than bus, so I have no choice.

Umupo ako sa bandang dulo ng bus, tabi ng bintana. I plug my earphones and I enjoyed the night scenery ng manila. Ang ganda tignan ng lights sa mga building.

Now Playing: Like I need U by Keshi

I'm also into music, I know lahat siguro ng tao sa mundo. They can find comfort in listening to a music na nagde-describe ng mood nila right at the moment.

Nagulat ako ng may tumabi sa akin, familiar yung amoy niya. I immediately look at his belongings, I saw the familiar guitar. I also look to the owner, na tumabi sa akin sa dami ng bakanteng upuan. I'm pretty sure na siya yung nakabangga ko kanina!

"Hey, earlier-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko since bigla niyang kinuha ang isang earphones ko.

"But you don't need me like I need you

Pray that I won't be alone" 

Pagkanta niya sa lyrics, bakit sobrang ganda ng boses niya? Mukhang singer nga siya kasi gitara palang eh. Yun na agad makukuha mong impression for him.

"Nice taste." Sambit niya, pero ang tingin niya nasa harapan lang, hey nasa tabi mo kaya ako?

"Ah, thank you. You know keshi din pala?" Malamang kinanta niya nga eh, stupid mo cosette!

"Yeah." Maikling sagot niya, hindi kaya napapanis yung laway niya sa konti niya magsalita.

"Oo nga pala, ikaw yung nabunggo ko kanina. Sorry nga pala? I'm really nagmamadali na kasi--" Paliwanag ko pero naputol din sa sagot niya.

"It's fine."

 Pagkatapos nun, pinikit niya ang mga mata niya, ang hahaba ng eyelashes niya. Babae ba siya sa past life niya? Hindi na kailangan ng fake eyelashes eh. Mukhang pagod siya, maaga naman natapos ang klase ah? I also close my eyes, until I fell asleep.

Nagising ako sa flashlight na tumama sa mukha ko, nagulat ako ng nakatulog pala ako sa balikat ng katabi kong singer kanina.

"Ma'am at Sir, hindi ko alam na may tao pa pala. Kaya pasensya na 'ho pero naka-garahe na ang bus." Bakit kasi hindi kayo nagcheck kuya? hays.

"Hey, gising na daw." Kahit siya hindi namalayan na lagpas na ata kami sa mga bahay namin. Mapupungay ang mata na gumising siya, ni-hindi man lang na-alarma na hindi kami nakababa sa destination namin. Nag-inat pa si kuya.

Bumaba kaming dalawa sa bus, nilibot ko ang paningin ko pero hindi ako pamilyar sa lugar na 'to.

"Hala naligaw na ako, ano ba yan first time na nga lang mag-commute naligaw pa!" Nagpapadyak na ako sa inis, it's almost 9pm na baka nagaalala na sa bahay sila mom.

"First time?" Nagtataka niyang tanong sabay hikab.

"Yes." Nahihiyang pag-amin ko.

"Taga-saan kaba?" Sinabi ko sa kaniya ang address ko, wala naman siguro masama kung mag-tiwala ako sa kaniya. Mukhang hindi naman siya masamang tao sa gwapo niyang yan? Charot lang.

"Nilalamig ka?" Tanong niya habang naglalakad kami, since sabi niya malapit lapit na daw ang subdivision namin dito.

"Hindi, okay lang ako." Medyo nahihiya talaga ako sa kaniya, ang intimidating ng aura niya. Bakit ngayon ko lang siya nakita sa school? Third year ko na sa college, ni-hindi ako naging aware sa presence niya sa school.

Hinubad niya ang black niyang jacket, at bored na inabot sa akin. Nakakatakot naman 'to tanggihan, I accepted his offer nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng manly niyang perfume.

"Thank you-" Hindi ko pala alam pangalan niya.

"Kael." Nahimigan niya siguro na hindi ko alam ang pangalan niya.

"Ah thank you, Kael. I'm Cosette." Inabot ko ang kamay ko sa kaniya. At ngumiti sa harapan niya.

"Bilisan mo baka hinahanap ka na sa inyo." Nilagpasan niya lang ako at hinayaan sa ere ang mga kamay ko na gusto lang naman makipag-kamay sa kaniya. How rude.

Natatanaw ko na ang subdivision namin, hinatid niya ako hanggang sa tapat ng gate namin. I was about to return his jacket but he turn his back at me.

"Hey, your jacket!" I said to him.

"Just return it when we had a chance to meet again." He said while walking away.

"Okay! Thank you so much for tonight Kael!" I'm really fond of him kahit na ang sungit niya.

"No worries, Sette." He replied without looking at me. He just called me "Sette" Akala ko hindi niya maalala ang name ko, ginawan niya pa talaga ako ng nickname omg. Bakit ang init ng pisngi ko?

Till we meet again, Mr. Bump guy.


Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status