Share

Chapter 2

"OMG!"

Reaction ni Cassy when I told her what happen last night with matching paypay pa yan, the fact na aircondition ang room.

"Wag ka ngang maingay, para kang sinapian jan." Pina-upo ko agad siya after niya mag-react ng bongga.

"Halika, after this class alamin natin ano name niya tsaka kung anong course niya!" Mas excited pa siya sakin kahit ako yung may crush. Yes, I admit crush ko talaga siya. Sino bang hindi? Ang ganda ng boses, gwapo pa kaso yun nga lang panis laway mo.

As soon as the class dismiss. Hinatak niya na ako palabas ng room at nag-ikot sa University since 2 hrs din kaming vacant.

"Kung nagba-banda siya sis, ibig sabihin palagi siyang nasa practice room. Andun lahat ng instruments tsaka dun nagpa-practice iba kong classmates."

Sumilip kami sa labas ng practice room, pero wala namang tao. Maybe, may klase pa sila. So we decided na tumambay sa library kasi di pa naman kami gutom.

"Alam mo ba nakakatamad na minsan pero you know, parehas nating dream diba maging designer."

Naka-nguso niyang sambit. Cassy is really pretty, morena siya pero ang ganda niya. Yung tipong panlaban sa mga beauty pageant? She's like that, ang tangkad niya. But my height is 5'7 sya naman 5'6.

"Yeah, we have no choice kung hindi baka ipag-take ako ni dad ng business pag may bumagsak akong isang subject dito."

Tinignan ko ang mga students sa loob ng library when someone caught my attention.

"Kael, pare gising dyan turuan mo naman kami dito. Hindi namin gets."

Pagkalabit ni Zico, drummer ng band ng school namin.

"Kunwari kapa zic, mangongopya ka lang din." Pang-aasar naman ni Lander, pianist ng band.

"Manahimik ka nga dyan bakit kaba nandito? Engineering ka ah." Sagot naman ni Zico.

"Tanga ka ba? Ikaw nga business ang course pero nagpapaturo ka jan kay Kael na Agri student."

Singhal naman pabalik ni Lander. Nagulat sila ng pinagbabatukan sila ni Darrel.

"Mga tarantado, bakit ba ang ingay nyo? Masita na naman tayo ni Madam Librarian." Pagtapos nun, bumalik na siya sa paglalaro sa phone niya.

"Kindatan lang yan ni Kael, kikiligin na yan diba pre?" Pangangalabit naman ni Zico kay Kael na tulog na tulog.

Bakit siya tulog? Ginawa niya pang unan yung libro niya. Parang lagi siyang puyat.

Parang ayaw ko pa magpakita sa kaniya, parang ayaw ko pa ibalik yung jacket.

I didn't had a chance to talk to him, kasi umalis na din sila ng mga kaibigan niya kaya nagtago ako sa likod ng hawak kong book.

"Hoy anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Cas.

"Nakita mo ba yung mga lalaking nasa tapat ng table natin? Isa dun yung guy kagabi." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"You mean yung kasama nila Zico? OMG. He's the hottie transferee na pinag-uusapan last time!"

Yeah, before the first sem starts kasi may bagong students na galing sa province ng Quezon but hindi ako nakinig kay Cassy na may bagong crush na naman ang campus.

"He's also the new vocalist ng The Resistance." Yun pala name ng band ng school namin, mukhang magiging fan na ako simula ngayon ah?

"May fan group ba sila? Sasali ako." Kinikilig na pahayag ko.

"Grabe iba na talaga tama mo jan kay Kael ha." After that, we proceed to our next class.

Pagtapos ng klase namin, naunang umuwi si Cassy kasi may family dinner pa daw sila. Maaga pa it's 6pm palang kaya naisip ko dumaan sa practice room ng The Resistance, umaasang andun siya at nagpa-practice.

Sumilip ako sa pinto ng room, at kung sinuswerte ka nga naman, nagpa-practice sila sa loob. Mukhang sound proof ang room kaya mas nilapit ko pa ang tainga ko sa pintuan para marinig ko ang kantang tinutugtog nila. Sobrang ganda ng boses niya, vocalist siya pero nag-gigitara din siya sobrang talented naman niya. Pero hindi ako makontento sa naririnig ko, gusto ko pa siya marinig ng maayos-

Napahinto sila ng makitang nakahandusay ang chismosa kong katawan sa sahig ng practice room nila.

"Anong ginagawa mo dyan miss?"

Si Darrel ang unang nagtanong sakin. Shit! Pulang pula na ako sa kahihiyan, hindi ko alam na bukas pala yung door! Malay ko ba at sumandal pa ako. Agad akong tumayo at pinagpag ang damit ko. Act proper and prim, like how they know you Cosette. You are elegant and prim.

"I was just trying to hide from someone, maybe my stalker? But I came up randomly opening the doors and I didn't control my force when I open your practice room. I'm sorry for interruption."

I shook my head, hiyang hiya talaga ako. Tumawa bigla si Zico ang pinaka maloko daw sa banda.

"It's okay miss, akala namin admirer na naman ni Kael." I choke from what he said, kaya napunta na naman sa akin ang atensyon nila.

"Yes, I mean no! Ofcourse not. Actually, I don't know who's Kael?" Nakakahiya na talaga ano ba pinagsasabi ko.

"Hmm, Really?" Napa-angat ang tingin ko kay Kael na prenteng naka-sandal sa pader habang hawak ang gitara niya.

"Y-Yes." Baka ma-offend siya, ano ba itong pinasok ko?

"Sure, Maybe your twin sister is the one who borrowed my jacket last night." He strummed his guitar, I know that song! Yan yung pinakinggan namin kagabi sa earphones ko.

"May kakambal ka pala?" Tanong ni Zico, malamang wala!

"Gusto mo ba makinig sa tutugtugin namin?" Tanong naman ni Lander.

"Can I?" Dream come true ata 'to. Kunwari nalang hinaharana ako ni Kael.

"Oo naman, kaibigan ka ni Cassy diba? Kaibigan ko din siya." Pag-amin naman ni Darrel.

"Really? Hindi ko yan alam." Nginitian niya lang ako then nagstart na magstrum si Darrel, since he's the lead guitarist.

"We need you as our audience for tonight, para malaman namin opinion mo. Magpe-perform kami sa foundation day." Zico said, their drummer.

"Wow, Sure makikinig ako." I smiled sweetly.

"Shet nakakatunaw naman yang smile mo cosette!" May pag-acting na sabi pa ni Lander, their pianist. Binato naman ni Kael si Lander ng drum stick sa ulo.

"Aray naman pre, inaano kaba?" Nagkakamot ng ulo na sabi ni Lander.

"Magsimula na tayo." Tsaka nag-ayos na siya ng gitara niya.

"May regla ka gurl?" Pang-aasar naman ni Zico.

Natatawa ako sa mga asaran nila kaya hindi ko talaga mapigilan. Mukhang bakla magsalita si Zico pag nang-aasar ng mga ka-banda niya pero pag tinignan mo siya, lalaking lalaki. Nagsimula na sila.

Now Playing: Once Upon a Time by Jeff Bernat

"Called you on your phone

Damn I can't leave you alone

For some reason, I just can't get enough of you lady

I'm sure you already know

That you're beautiful

But your smile and complexion

Is driving me crazy"

Tumingin si Kael sa mga mata ko habang kinakanta niya ang line na yun, sobrang lamig at ganda ng boses niya. I don't know pero parang hinehele ako nito.

"I'll come over to your place

We'll have some drinks and chill

Or we could watch some TV fall asleep

See as long as I am with you

Tell me stories I'll just listen

Let's do something new

And even if it's only for a second

As long as I am with you"

I can't get my eyes off him, parang may magnet between us. His voice is really something, he's someone na nakikita kong magiging sikat na singer in the future. Naniniwala akong deserve niya makilala ng mundo.

"'Cause we could be just like

A story from the movies

You next to me all night

Just like how it's supposed to be"

After nilang matapos yun, I can't help but to clap. I'm now their number one fan, especially to him. Nagpaalam na ako sa kanila at nauna na kasi mag-aayos pa sila ng practice room.

Akmang aalis na ako ng marinig ko na naman ang boses ni Kael.

"Tell your twin sister that, I had a great time last night."

Surely, you had fun teasing me tonight.


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status