Share

Chapter 4

"So guys, let's start making some decorations para sa booth natin."

Pagkatapos sabihin yun ng leader namin para sa gaganaping foundation day, Inassign niya na din kami sa mga shift namin, at kung sinong kasama namin. It happens na apat kami sa 8:00 to 9:00 am na magiging waitress, si Cassy, Zades, our leader Naih and ako.

"Hello, kayo pala ka-group ko."

Nahihiyang lumapit samin si Zades, half korean siya kaya maputi and medyo singkit siya. Si Naih naman, maputi din but mas maputi si Zades sa kaniya, she's a leader type. Halatang magaling mag-handle ng mga tao.

"Ang cute! Tayo magkaka-group, dati ko pa gustong maging friends kayo!" Masiglang sambit naman ni Naih sa amin. We exchanged smiles, sobrang gaan nila kausap.

"Tara lunch na, sabay sabay na tayong apat kumain."

Pumunta na kaming cafeteria at agad ginala ko ang aking mga mata para hanapin sila Kael, Nakita din agad ni Cassy ang apat kaya doon kami dumiretso.

"Feeling ko crush ako ni Cassy." Bungad samin ni Zico ng makalapit kami.

"Kapal naman, may kalyo ba yang mukha mo?"

Nagtawanan kami sa pag-sagot ni Cassy kay Zico, after that pinakilala namin sila Naih at Zades sa kanila. I saw Kael, kung hindi siya nag-aaral madalas naman tulog. Kagaya, ngayon. Tulog na tulog siya, kaya kinalabit ko si Darrel para magtanong.

"Palagi ba talaga siyang tulog?" Napalingon naman si Darrel sa tinutukoy ko.

"Oo, madalas pag wala masyadong ginagawa, natutulog nalang yan. Pagod din kasi sa trabaho." Nagtaka ako, anong trabaho? Working student ba siya?

"Trabaho?" I asked him, since I'm really curious kung bakit siya parang pagod and antok dito sa school.

"Yes, hindi mo ba alam? Working student siya. Nagta-trabaho siya sa fast food chain sa mall, para pangtustos sa ibang necessity niya dito sa school kasi tuition lang naman ang sagot ng scholarship niya."

Bigla akong napatingin sa pagod na mukha ni Kael, sobrang hard working naman niya. I felt guilty na winawaldas ko lang ang pera ng parents ko para sa walang katuturang bagay.

"Farmers ang parents niya sa province nila, he only took the opportunity to study here in Manila since may nag-offer sa kaniya ng scholarship. Well, matalino naman kasi si Kael."

"Kumain naba siya?"

I felt the urge to take care of him, kasi walang nag-aalaga sa kaniya. Mag-isa lang pala siya dito sa Manila, mas lalo mo akong pinapa-hanga sayo, Kael.

"Hindi pa ata Cose, kasi kanina pa siya tulog eh." Pagsabat naman ni Lander sa usapan namin ni Darrel. So I quickly buy a food for him, kahit hindi niya tanggapin talagang ipipilit ko sa kaniya.

I tried to wake him up, mabilis lang siyang nagising. Pagkakita niya sa akin, bored niya akong tinignan habang nagtataka. Kaya nilapit ko sa mukha nya yung foods na dala 'ko.

"I'm full." At bumalik siya ulit sa pagkaka-yuko sa mesa.

"Seriously? Kanina kapa daw kaya tulog, you can't focus in discussion pag walang laman ang tiyan mo." Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at hindi man lang ako binalingan ng tingin na umalis sa table namin.

"Mukhang badtrip si regla boy." Pang-aasar ni Zico.

"Ayaw niya ata na naaawa sa kaniya, Cose." bulong sa akin ni Darrel. Kaya ang ginawa ko, iniwan ko sa locker niya ang foods with a note.

"Wag mo isipin na, I pity you because I already know your story. It's just that nag-aalala lang ako since hindi kapa kumakain. I hope you eat this food I bought for you."

-Sette

Sabay sabay na kami nila Naih, Zades and Cassy pabalik sa mga klase namin. Habang nagku-kwentuhan silang tatlo, ako naman hindi makapag-focus iniisip ko talaga baka nagalit sa akin si Kael kasi nanghihimasok na ako sa buhay niya.

After ng ilang days na preparation para sa foundation day. Natapos din ang pag-design namin sa booth, sobrang dami nang booth na nakatayo dito sa school, and ang gaganda sobrang creative naman nila.

Bukas na ang foundation day namin, so I'm really excited right now. Ilang days ko din na hindi nakita si Kael. Sana hindi siya galit.

"Cosette, let's eat our dinner." I was called by my Mom, so we will be having our dinner tonight, mukhang wala silang appointments.

"How's school anak?" My dad asked me.

"It's fine dad, bukas ang foundation day namin." I said.

"Kilala mo si Nick right? Schoolmate mo siya?" My dad asked me about this certain Nick Guzman na lagi niya pinapakilala sa akin everytime na may event sa company.

"Yes dad, if we're both thinking a certain guy named Nick Guzman."

"Sabay na kayong papasok sa University since schoolmate naman kayo." He stated.

"Why dad? May driver naman tayo ah. In fact I will just be a burden to him if ma-late ako sa class." I don't think I like the idea, hindi ko siya ka-close.

"That's the point Iha, you will be responsible with your time management if there's someone na naghihintay sayo kapag papasok." My mom also infavor with this idea huh?

"Fine, I don't think I have a choice tho."

After our dinner, I quickly take a haft bath and open my social media accounts. I tried to search 'Kael Valdez' on instagram but there's none, also in facebook but there's some post that he's mentioned with I think his old classmates? Hindi man lang siya nakatingin sa camera, most of it are stolen shots. Super private naman ng life mo, Kael.

Today will be helding our Foundation Day, everyone are excited lalo na ako. Pero nawala yung excitement ko nang maalala ko na may naghihintay sa akin sa baba na kasabay ko sa pagpasok ngayon.

Pagkababa ko mula sa kwarto, naabutan kong masayang nagku-kwentuhan si Mom and Nick.

"Anak, andyan ka na pala, here's Nick siya na maghahatid sundo sayo from now on. So be a good girl and wag paghintayin si Nick." Napatawa naman si Nick sa sinabi ni Mom.

"It's fine Tita, I can manage." Sagot naman ni Nick kay Mom. Nick is handsome we can't deny the fact, masculine but not my type.

"I bet you already knew my name, but I want to formally introduce myself. I'm Nick Guzman."

Ngumiti siya saglit sa akin bago ituon ang pansin sa daan. Ngumiti din ako, nakakahiya naman maging mataray siya pa nga naaabala kasi naging taga-hatid sundo pa siya.

"I'm Cosette Santos, yes we have been introduce many times sa mga events."

"Your course is fashion related right? I'm taking up business."

Halata naman, kasi siya lang tagapag-mana ng kompanya nila. We remained silent after that conversation, we're still awkward. Pagkarating sa school, I bid my goodbye and nag-thank you na din.

"See you around Cose, I will try to visit your booth."

Ngumiti siya ng matamis, he's a type of guy na charming yet masculine. Hindi katulad ni Kael na sobrang masculine, he's a type of guy naman na hindi tatanggapin na sabihan siyang 'cute'

Pagkarating ko sa booth, andun na sila Naih, Cassy and Zades.We started to clean our booth, arranged the tables and chairs. Nang pumasok sila Zico, Darrel and Lander. Wala si Kael.

"Hey Cose, kung hinahanap mo si Kael. Wala pa siya mukhang late." Nahulaan agad ni Lander kung sinong hinahanap ko sa kanila.

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ni Zico.

"Bawal 'to sa abnormal." Sagot naman ni Cassy. Nag-aayos kasi kami ng ingredients for coffees.

"Ay bawal pala sayo 'yan"

Ganting asar naman ni Zico kay Cassy. Pinukol ni Cassy si Zico ng walis tambo kaya ang ending naghahabulan ang dalawa. Si Darrel naman, maloko din siya pero may pagka-mysterious din. Kasama niya si Zades nagpapaturo kung paano magtimpla ng isang flavor ng coffee sa menu namin. While the best known leader na si Naih, kinukulit ni Lander. Mukhang thirdwheel lang ako sa kaharutan ng mga 'to ah.

Nagsimula na buksan ang lahat ng booths, that means start na ng pagtanggap ng mga students bilang customers.

Medyo marami din ang customer ng booth namin, that's why it's a bit tiring. May mga single na din kaming napag-match, they have a dare na spend the rest of the day with their assigned partner. I hope magka-lovelife na sila after this.

Pagkatapos ng shift namin nila Cas, naisip namin na maglibot sa mga booth.

"Tara punta tayo naman tayo sa booth ng mga abnormal."

Yaya naman samin ni Cassy, kaya siya laging inaasar na walking megaphone ni Zico kasi talagang madaldal 'tong bestfriend ko.

"Game! Alam niyo ba kung saang booth sila? Eh magkakaiba sila ng course!" Nag-aalala naman na sambit ni Naih, since sa dami ng booths baka nga ikutin namin lahat.

"Si Kael, agri yun. Si Darrel at Lander parehong engineering. Tapos si Zico naman, business." Talagang kabisado ni Cassy mga course ng mga tipaklong.

"If I haven't mistaken, ang alam ko hindi sila kasali sa booths ng course nila kasi they are the one who'll be performing sa mini concert ng foundation day." Mukhang tama si Zades, kasi busy nga sila sa pag-practice kaya malamang hindi na sila makakatulong sa booth nila.

We have decided na pumunta nalang sa practice room ng The Resistance para alamin kung pwede ba sila yayain maglibot sa loob ng school. But sadly, wala sila doon.

"Eh saan nagsusuot yung mga yun?" Nagtataka na tanong naman ni Naih, lahat kami walang may alam. They already texted them pero walang reply. So kami nalang naglibot.

Nagulat kami sa mga babaeng nagkukumpulan sa isang booth, nag-aagawan at nagsisigawan sila. Parang masyadong patok ang paninda ng booth na yun ah?

"Wow naman, pinagkakaguluhan yung booth na yun. Tara tignan natin kung anong meron." Since we are all curious, nagpadala kami sa paghatak samin ni Cassy.

"Pag 5 ang binili, automatic kiss agad sa cheeks pag another 5, hug naman!" Narinig namin ang familiar na boses, parang boses ni Lander yun ah?

At hindi nga kami nagkamali, ang mga mokong nagtitinda ng hotdogs! Tf! at gustong gusto naman ng mga babae, may kiss at hug?

Nakita ko si Kael, he's the one who's cooking and si Darrel naman taga-serve. While Lander and Zico were being kissed and hugged by girls! Napaka-galing nga naman sa negosyo ng tatlong 'to.

"All this time akala namin nagpa-practice kayo?" Napa-irap na si Naih sa kalokohan nila.

"Wag ka magselos Naih babe, sayo lang ang mga labi ko. Hanggang cheeks lang sila."

Sigaw naman ni Lander. Parang kinikilabutan naman si Naih sa sinabi ni Lander. Natatawa nalang ako sa kalokohan ng mga 'to.

Napatingin ako kay Kael, na naka-shirt na white at may apron. Pawis na pawis na siya kakaluto.

"Can I help?" Nag-offer ako ng tulong sa kaniya, pero tumango lang siya.

"I will be the one who will cook baka mapaso ka." Napangiti naman ako sa saad niya, okay hindi na ako tampo sa pag-walk out mo sa akin two days ago.

"Alright?" Matamis akong ngumiti at tumulong sa paghiwa ng hotdogs.

"I'm sorry about what happen in Cafeteria." Nagulat ako sa pag-hingi niya ng sorry sa ginawa niya. Kaya hindi ko napansin na nahiwa ko na ang daliri ko, shit naman ang sakit.

"Damn!"

Nataranta siya ng may nakitang dugo sa daliri ko kaya agad niya akong pinaupo sa loob ng booth nila. Naghanap siya ng first aid. Sobrang sakit ng sugat ko, pero natutuwa ako sa concern niyang mukha. Sobrang focus siya sa pag-gamot ng sugat ko.

"Anong nangyari?" Tanong naman nila Darrel.

"Wala, nasugatan lang ako. I'm fine." Pero napangiwi ako sa sakit ng alcohol, lumabas na agad sila para i-entertain ang mga customers.

"Be careful next time." Patuloy pa rin siya sa pag-gamot ng sugat ko. Parang kung maka-asta siya sobrang laki ng sugat ko.

"Can I have your number? Uhm so that I can check on you, if your wound is not yet healed." Natatawa ako kasi kabado siya mang-hingi ng number ko.

"Sure."

Binigay ko sa kaniya ang number ko, pagkatapos nun bumalik na siya sa pagluluto at hindi na ako hinayaan tumulong. I just sat there, watching him cook. Sometimes he will stare at me, as if he's checking if I'm okay.

Bawing bawi ka sa ginawa mo nung nakaraan ah.

From: Unknown Number

Does it still hurts? Apply some ointment.

From: Unknown Number

Thank you for the food.

I set his name on my contact number into 'Mr. Bump Guy'

To: Mr. Bump Guy

It's fine, gagaling din 'to. Thank you. And also you're welcome, everytime you open your locker expect that there's a food and a letter.

I thought he's not gonna reply.

From: Mr. Bump Guy

I will expect that there's a food and a letter in my locker then. Goodnight, Sette.


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status