Share

Chapter 2: The Wander Boy

H I R O S H I ' S P O V

Ang simoy ng hangin na nang gagaling sa norteng bahagi kung nasaan ako at ang katahimikang patuloy na bumabalot sa aking kapaligiran ang siyang nagbibigay saakin ng pakiramdam na hindi na normal ang lahat. Ang paskong parating. At pati ang pagsasalita ko. Makata lang Hiroshi? 

Pero kidding aside, sobrang kakaiba talaga sa pakiramdam ang nasasaksihan ko ngayon. Tila tuluyan na ngang nawawala paunti-unti ang sense ng pasko sa ating mga Pinoy. Na kung dati, ang ramenan na kinakainan ko ngayon ay puno ng mga taong masayang nag kwe-kwentuhan tungkol sa papalapit na pasko, ngayon ay tila may dumaan ng anghel sa sobrang katahimikan. Tanging ang nagkikiskisang tunog na lamang ng tinidor at kutsara at ang paghigop nalamang sa mainit init na sabaw ng ramen ang siyang bumabalot sa aking pandinig. 

Hindi ko mapigilan na mas maging malungkot dahil dito. Na-miss ko tuloy yung mga panahon na nangangaroling pa kaming magka-kaibigan sa mga tindahan para lang makapag-ipon ng perang pangkain lang din namin ng lomi ng sabay-sabay pagkatapos. Meron pa yang hatiang matino na tinatawag at pa quota na dapat maipon para lahat makakakain. 

Sometimes, it's not really the material thing that makes us happy. Rather, it's the people whom we spend our time during those days that gives us an unforgettable memory.  And that's happiness. It’s all about creating endless film-like memories with others and seeing them be happy as well. 

Napapitlag ako ng bigla kong naramdaman ang pagva-vibrate ng cellphone ko sa loob ng aking bulsa. Dali dali ko naman itong kinuha at tumambad sa aking paningin ang mukha ng aking boss. Nako po. 

"Hoy hapon, nawala ka nanaman sa event natin ng wala kang pasabi. Nasaan ka ngayon? At bakit hindi ka nanaman nagpa-alam muna bago umalis?" Eto na nga sinasabi ko eh. Think, Hiroshi. Think.

"Ah eh boss, sumama kasi lagay ng tiyan ko eh, kaya naghanap muna ako ng mapapaglabasan ng sama ng loob." Wala sa sarili kong nasabi. Galing mo talaga magpalusot Hiroshi! I'm so proud of you. 

"Bakit wala ba ditong mapaglalabasan ng sama ng loob para umalis ka pa? At anong klaseng tiyan yan? Ilang oras ka ng nawawala hindi mo parin nalalabas lahat ng sama ng loob mo?" Sarkastiko niyang sabi. 

Butil butil na pawis ang sunod sunod na tumutulo sa aking noo dahil sa magkahalong kaba at takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko daig ko pa ang tunay talaga na nagka-LBM dahil sa sitwasyon ko ngayon. 

"A-ah sir ano kasi, lumabas ako para ano, para humanap ng botika. Ayun, tama sir! Naghanap ako ng botika sir kaya medyo natagalan ako. Sorry talaga sir." Halos walang kwenta ko ng pagpapalusot para lang matapos na ang usapan namin. Bukod kasi sa kabado ako, gutom na gutom na din ako. Grabe ka naman kasi self, bakit ka ganyan? Lagi ka na lang gutom. Tapos nagugutom ka pa sa kalagitnaan pa talaga ng trabaho. Mag repent ka talaga. Yari ka nanaman kay boss Lord. 

Lumipas ang ilang segundo bago ko narinig ang malalim na paghinga ni sir, senyales na mukhang gumana naman ang pang-uuto ko. Mapapahinga na rin sana ako ng malalim ng biglang may sumigaw ng "Itadaikimasu!" kung saan. Sakto pang nasa likuran ko lang pala ang sumigaw na yun kung kaya't narinig ito ni sir at mula sa palabas na pagbuga ko na sana ng hangin ay napost-pone pa ito. 

"Sino yon? Bakit sumigaw yun ng Itadaikimasu?" I'm dead.

"Ano ibig sabihin nun hapon?!" Jokes. I'm still alive though. 

"Ah sir sabi niya, Ito dai, paki mas check u. Hehehe may nagpapacheck lang sir ng reseta." Sabi ko sabay arte pa na akala mo talaga may tinatawag na pharmacist. Wow naman, pag ako talaga nakalusot pa dito, bibilhan ko na sarili ko ng gold medal sa Morayta. 

Mukhang nagtanong nagtanong pa muna si sir sa mga katrabaho namin at mukhang dahil ni isa'y walang nakaka alam ng ibig sabihin ng salitang yun at dahil masyado silang busy ay sumuko na din si sir bandang huli.

"Okay. Granted. Bilisan mo ang paglalabas ng sama ng loob mo kung ayaw mo mawalan ng sahod. Bye." Sabi niya at tuluyan ng binaba ang call. Agad agad naman akong napahinga ng malalim matapos ang halos nakakamatay naming usapan. Perks of being just the japanese in your group. 

Matapos ang madugong usapan namin ni sir ay saktong dumating ang ramen na inorder ko. Halos makalimutan ko na nagdanas muna ako ng isang matinding pagsubok ng simulan kong lantakin ang aking ramen. Asa kalagitnaan ako ng pagsubo nito ng biglang may kung ano ang humampas ng malakas sa isang table. Agad-agad akong napataas ng kamay at paluhod na sana para magtago sa ilalim ng lamesa ng narealize kong yung babae lang pala sa likuran ko ang gumawa nanaman ng ingay. Seryosong usapan, ano bang meron sa mga babae at bakit ang hilig hilig nilang magpakaba o mang gulat ng tao kahit kelan nila gusto? 

Ilang minuto pa ang lumipas at mistulang nahimasmasan naman na yung babae. Maya-maya'y unti-unti naman siyang umupo habang nakayuko. 

She seems sad. Her aura gives me that vibes. Pero bakit? 

Because of this thought, I tried to examine her by just looking at her back. She wears this tulle mesh skirt na kulay pink at light blue denim jacket that has been partnered by a chuck taylor na blue shoes. By her clothing preference, I can say that she is someone who doesn't care whatever people would say to her or think about her. Or so I thought. 

Nagulat ako ng marinig ko ang maliit na hikbi niya. Pero despite of crying, she is trying her best na itago ito sa pamamagitan ng pagkain. And that thought breaks my heart a lot. 

Sinubukan ko namang alisin sa akin ang thought ng pagka-usap sakanya dahil naiisip kong baka isipin niyang napaka-chismoso ko at napaka pakialamero ko. But no matter how I tried, everytime na naririnig ko ang kanyang mga hikbi ay may something sa loob ko na tila nababasag rin. 

Hiroshi, remember your mission. Chase happiness. And that happiness is making other people happy as well. 

And dahil hindi ko na matiis pa na marinig ang kanyang mga hikbi ay kinapalan ko na ang mukha ko at dali-dali akong humanap ng paraan para makausap ko siya. Sakto naman na nakita kong kakatapos lang niya manuod ng Hotarubi No Mori E kung kaya't ayun ang nahanap kong paraan upang makausap ko siya. 

"Uy otaku ka din?" Pagtatanong ko sakanya. Ay hindi Hiroshi. Hindi halata. 

Minsan talaga bago ka pa mapuna ng ibang tao, uunahan ka na ng sarili mong utak. Kumbaga, auto correct. And sometimes I think of it as a blessing. But oftenly, I see it as a curse. Ang savage naman kasi ng utak natin. Lalo ng utak ko. Wala man lang pa filter sa ipapa-realized saakin. Kala mo di din sakanya galing yung mismong nauna kong naisip. 

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakto kung nasaan ako nakadungaw. At dahil duon, muntikan ng magkadikit ang aming mukha. 5 inch. 5 inch apart na lang.

I was busy thinking too many ideas just to break our awkwardness when I was captivated by her charcoal like eyes. The wonderful pair of eyes who speaks thousand of unsaid words about pain. And it speaks through me. 

Ang ganda niya Lord. Hindi ko mapigilang maisip. 

Halos walang nag si-sink in sa akin ng mga panahong iyon ng bigla nalamang siyang napa-ubo. Maya-maya pa ay nagmistula na siyang kamatis sa sobrang pagkapula. 

Atsaka lang naregister sa utak ko na nabubulunan na siya ng tuloy tuloy na siyang umubo. Dali dali naman akong naghanap ng tubig sa table niya pero ubos na ito. I was about to second think if I will give her mine since wala naman akong virus ng narinig ko nanaman ang pag-ubo niya kung kaya't halos pikit mata kong inabot sakanya ang basong pinag-inuman ko. Ghad, indirect kiss. First kiss ko yun. Hinimas-himas ko rin ang kanyang likuran at matapos siyang mahimasmasan ay inabot ko sakanya ang panyo ko sa aking kabilang bulsa. 

Ito na Hiroshi, ito na ang chance mo to finally accomplished your last mission.

Agad agad kong tinipon ang aking gamit at pagkatapos ay pumunta sa harapan ng table ng misteryosong babaeng nakakuha ng aking atensyon. 

"Hi miss, Pwedeng maki-table?" Pagtatanong ko sakanya. I was expecting at some point na she will welcomes me warmly ng bigla siyang tumingin saakin na tila may kasamang death letter na ibibigay saakin. 

"Hindi, close ba tayo para maki-table ka saakin?" Sarkastiko niyang sabi sabay irap pa. 

Wow. So much for my expectation. But nope, hindi kita susukuan Ms. Masungit. 

Hindi ko na gaano pang pinansin ang pananaray niya saakin. Bagkus ay naghanap ako ng paraan upang mas makilala ko pa siya. At dahil sinabi niya na ang hindi ko lang naman pwedeng gawin ay maki-table sakanya, dali dali kong binaba sa gilid ng lamesa ang aking bag atsaka prenteng umupo sa kahoy na upuan sabay patong ng bowl sa aking hita. 

"Ayan, wala ka namang sinabing masamang maki-upo, maki-table lang ang hindi mo pinayagan." Sabi ko sakanya sabay ngiti. Ngiti ka din naman diyan Miss Masungit. 

Akala ko'y itatabo'y niya ako, ngunit hinayaan niya lang akong umupo duon. Hindi ko alam kung mabait na ba siya ng lagay na yun pero at some point, natuwa ako na hinayaan niya akong umupo pa rin sa harapan niya. At dahil kinapalan ko naman na ang mukha ko ay nag desisyon akong mas kapalan pa ito. For my mission. My last mission. 

"By the way, the name is Hiroshi. You can call me---" Hindi pa ako natatapos magsalita ng bigla niya akong lingunin sabay sabing, "Not interested." And once again ladies and gentlemen, nabara nanaman niya ako. 

Pero dahil wala sa diksyunaryo ko ang salitang "give up" ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking naunsyaming dapat na sasabihin. 

"Ishi. That's my nick name. You can call me Ishi. And you are?" Pagpapatuloy ko sabay lahad ng aking kamay. Dahil sa ginawa ko ay muntikan ng mahulog sa hita ko ang ramen na kinakain ko, pero hindi ko na iyon gaanong napansin dahil ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang pag face palm ni Miss Masungit at ang mga sumunod na katagang kanyang sinabi. "Tsk, too careless. Sige na nga lagay mo na yan sa table." 

Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto dahil sa sinabi niya. Agaran ko namang nilapag ang bowl ng ramen sa lamesa atsaka muli siyang tinanong sakanyang pangalan. Ngunit kahit na anong gawin ko, ayaw niya sabihin kaya naman nag desisyon ako na tawagin na lamang siyang, Miss M. Short for Miss Masungit. At ng sabihin ko ito sakanya ay namula nanaman ang kanyang mukha sabay irap nanaman saakin. 

May dalaw ata to, laging galit saakin eh. Pag-iisip ko sabay hanap nanaman ng bagong idea na pwede kong i-open up sakanya. Remember Ishi, Chase Happiness. And because of that thought, I was able to finally get the right set of words to asked her. 

"Btw, how are you Miss M?" I genuinely asked her. 

And after asking that, I saw tears escape from her left eye. Pain. She's in deep pain. 

From that moment I can't help but to immediately pray to God and silently say to him, "God, please make her happy, by using me. I am willing to do everything, just to see happiness to her eyes once more.Please let me bring her back to you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status