Share

Chapter 7: Future Dra.

H I R O S H I ' S  P O V

Ang ganda niya.

Wala akong ibang masabi magdamag kung hindi yan lang mga salita na yan. Alam ko namang maganda talaga si Malachi, pero iba pala talaga ang ganda ng isang tao pag genuine na ngiti na ang makikita mo sakanya.

Please be genuinely happy. Even if we drift apart after all of this.

Realizing na malapit ng matapos ang araw na magkasama kami, sinabihan ko si Malachi na kuhanin muna namin yung camera sa taas bago kami tuluyang tumuloy sa kung ano mang trip niya sa buhay. Pumayag naman siya kaagad at sabay kaming umakyat papuntang cyber world.

Ng nasa escalator na kami, nagulat ako ng biglang naunang naglakad saakin si Malachi. Sinundan ko naman siya at pumwesto ako sa likurang bahagi niya. Ang cute lang ng babaeng to, akalain mo yun, yung dress pinartneran ng converse na black shoes. Kakaibabe ngang talaga.

Busying busy ako sa pagmamasid sakanya patalikod ng bigla siyang humarap saakin at kasabay nito ay nag cross-arms siya na parang ang laki-laki ng problema niya sa mundo.

"Oh bat nakasimangot si Miss M? Anong masamang elemento nanaman ang pumasok sa katawan mo at nakasimagot ka nanaman?" Pagtatanong ko sakanya. Inis naman niyang tinuro gamit ang kanyang mata ang kaninang nasa bandang harapan niya. Napasilip naman ako at nakita ko ang dalawang magkadikit na couple na naka holding hands pa talaga ang nasa parehas na baitang ng escalator.

"Tignan mo, maglalandian na nga lang, ayaw pa sumunod sa proper protocol, kakainis." Bulong niya saakin. Halos matawa naman ako sa reaksyon ni Miss M dahil inis na inis talaga siya, tipong kulang na lang magbuhol na ang mga kilay niya.

"Wag ka daw kasing bitter Miss M. Gusto mo lang ata may ka holding hands din eh. Andito naman kamay ko, freely siyang pampitik sa noo mo pag naging bitter ka nanaman. Guard your heart hoy." Balik ko sakanya at marahan siyang pinitik sa noo. Galit naman niya akong minata sabay hampas pa sa braso ko.

Isa pa talagang hampas saakin, ikukulong ko na yang kamay mo saakin gamit ang posas.

Pagkakuha namin sa camera ko ay napag desisyunan muna naming mag chill kaya nag ikot muna kami ulit sa mall and sakto naming nakita ang pangarap daw na cafe ni Miss M. Cafe Medic.

Pagpasok namin ay halos tumalon sa tuwa si Malachi dahil feeling niya daw ganap na ganap na siyang doctor. Kung hindi ko pa muna siya hihilahin para tumingin muna sa Menu na nakapaskil sa dingding ay baka naupo na siya duon sa korteng utak o puso na upuan. O kaya naman baka humilata na siya duon sa parang higaan ng mga pasyente. Lord ang sabi niyo po maging Doctor si Malachi, pero bakit parang mas bagay ang pagiging pasyente sakanya?

Ng nakita ni Malachi ang mala utak na cake na nakalagay sa cake display counter ay halos magmistulang heart shape ang mga mata niya. Hinahatak hatak pa niya ang laylayan ng damit ko habang tuwang-tuwa sa cake. Ang cute naman neto. Utak lang pala, este cake lang pala pangpauto dito eto.

Dahil sa sobrang kasiyahan ni Malachi ay hindi niya namalayan na na naorderan ko na siya kasabay ng akin. Nag register na lang sakanya nung matapos ko ng bayaran yung inorder kong foods namin. Dali dali naman niya akong pinag papalo ulit at nag reklamo pa siya bakit daw di ko man lang siya sinabihan. Hindi ko naman masabi sakanya na sobrang saya kong titigan siyang masaya kaya di ko na muna siya ginulo. Hoy Ishi, makasabi kang guard your heart, gawin mo hoy. Apply apply din sa sarili bago sabihin sa iba.

Para matigil siya sa pang hahampas saakin ay hinawakan ko siya sa palapulsuhan at maingat na hinatak papunta duon sa mga upuan. Hinayaan ko din lang siyang pumili kung saan niya trip umupo at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay nagulat ako ng halos humiga na nga siya duon sa parang kama ng pasyente sa hospital. Ang cute talaga neto. Di ko mapigilang mapausal.

Hindi pa siya nakontento at talaga namang kinuha niya pa yung libro ng Anatomy dun sa likurang table atsaka binasa ito. Suprisingly, I was able to know at that very moment as well na Malachi wears eyeglasses too. Sabi niya reading glasses lang daw niya yun since medyo nastre-stress ang eyes niya kapag wala nuon. Hinayaan ko naman siyang magbasa at ginawa ko muli siyang subject ko (nagpa-alam naman ako sakanya, at halos lapain niya ako sabay sabing "don't disturb someone who is reading" saakin) para rin ma-check kung okay naman ba yung camera ko.

Mga wala pang sampung minuto ang lumipas ng dumating na ang inorder kong food. Isang slice nung choco na brain-style cake, some fries, two burgers, at dalawang frappe na cookies and cream and inorder ko for us. Si Malachi naman ay tila hindi maka get-over sa sobrang saya niya habang binabasa yung Anatomy book. Ng nakita niya ang pagkain sa harapan niya ay dali dali niyang tinanggal ang salamin niya sabay ngiti saakin na akala mo mala huling kain na niya to. Sinenyasan ko muna siya na mag dasal bago kami kumain and she agreed. I then lead the prayer and after that, we both started to eat.

Asa kalagitnaan na kami ng pagkain ng napansin ko na tila may nagsoli ng white coat sa bandang likuran namin, kaya naman nagpa-alam muna ako kay Malachi upang makuha ito. Inabot ko din ang stethoscope na sinauli din atsaka tumabi muli kay Malachi na busying busy sa paglantak nung fries. Ng nakita niya ang hawak hawak ko ay napa-"woah" siya at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Di-did she just hug me?

Nabalik lang ako sa ulirat ng makita kong nakatayo na si Malachi sa gilidan ko habang suot suot niya yung white coat at naka sabit naman sa leeg niya yung stethoscope. Everything suits her perfectly. Future Dra. Sandoval. Even her name suits her future profession.

"Ishi, picturan mo naman ako please. Gusto ko lang magkaroon ng memory." Pakiki-usap niya saakin. Ngumiti naman ako sakanya tanda ng akong pag payag at humanap muna kami ng magandang anggulo at lugar kung saan siya maaring mag pose na para talagang isang doctor.

Pinaupo ko siya duon sa mala-utak na upuan pati puso. I also orchestrated her some pose that she can do like standing beside the heart shape chair while holding the anatomy book and just looking in the book. Pinasuot ko pa sakanya muli yung eye glasses niya and joked her na pang props lang para kunwaring genuis siya. And because of that joke, muntik na akong mabato nung librong hawak niya. Jokes nga lang eh, di na po uulit master.

Matapos pa ang ilang shot ay napag desisyunan naming tapusin na ang aming pagkain at pagkatapos ay dumiretso na kami sa National Book Store dahil daw may titignan lang si Malachi. And pag dating namin duon, isa lang ang nausal ko, it's a scam everybody.

Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakilalang tao na hindi kasing scam ni Malachi. Pagpasok na pagpasok namin sa National Book Store ay dali dali niya akong hinatak sa Arts Area at halos hakutin na ata lahat ni Malachi yung makikita ng mata niyang maganda. Kung hindi ko pa siya pagsasabihan at tatanungin kung kailangan niya ba talaga ang mga yun ay malamang sa malamang, gumastos nanaman to ng sobrang laki. It's not that I disagree with her buying things that she needed. Pero there's a thin line between needs and wants. And siyempre kung hindi naman masyadong kailangan ay bakit bibilhin pa ng sobra sobra hindi ba?

Ng mapadaan kami sa Section kung nasaan ang mga malalaking maps ay mabilis akong hinatak ni Malachi duon sa mga scrolls ng map sabay ngiti saakin. I then asked her if she badly wants it and she nodded to me like a little kid that wants to buy a children book. Tinanong ko naman kung world map ba ang gusto niya or by continents lang and she told me na world map sana if possible. I then get her the map and told her na I will pay for it as my present for her.

"Teka Ishi, sure ka ba? I mean, medyo pricey yan, and ang laki ng nagastos mo saakin. Sigurado ka ba dito?" Nag-aalala naman niyang tanong saakin. Napangiti naman ako sakanya sabay pat sa ulo niya. Akala niya ata ay wala akong gaanong pera dahil sa naging reaksyon ko kanina sa camera store. Well if she thinks of me that way, that's better. It's actually better than her knowing my real identity.

Nag nod lang ako sakanya at inassure siya na okay lang talaga saakin. I even told her na may sahod naman ako sa pag pho-photography ko today kaya she doesn't need to worry that much. She then simply agree with me and then tried to hide the smile on her face.

Matapos naming mag-ikot sa Art Section and Mga Poster Section ay naoag desisyunan kong hatakin si Malachi sa Book Section. Ng makarating kami duon ay dali dali akong sumalampak sa sahig while trying to find one of my favorite books of all time, "The Little Prince".

Sinundan naman ako ni Malachi at sumalampak din siya sa harapang bahagi ko. Duon naman siya tumingin sa classical books na nasa tapat lang shelf ng pinag hahanapan ko ng favorite kong book. Later on, I saw her picks the book "The Phantom of The Opera".

Sakto namang nakita ko din yung "The Little Prince" at dali dali ko itong kinuha at binasa.

My attention was been drifted away from reading when I saw Malachi pick another book that is entitled "Her", and as she scan through the pages, nagulat ako ng itapat niya ang libro sakanyang ilong sabay amoy nito. She even close her eyes while sniffing it. What a habit she have. Very lovely.

Wala naman sa sarili ko siyang kinuhanan atsaka bumalik muli sa aking pag babasa para hindi ipahalata sakanya na kinunan ko nanaman siya ng palihim.

"What is essential is invisible to the eye."

Agad akong napatingin kay Malachi ng sinabi niya ang mga katagang iyon.

"Nice choice of book." Pag dadagdag niya pa.

"Alam mo tong libro na to?" Pagtatanong ko naman sakanya. Tumango-tango naman siya sabay ngiti saakin.

"They say that kung anong favorite na libro ng isang tao, it greatly reflects kung sino at ano yung katangian ng individual na yun. And now, I greatly understand the reason kung bakit halos iba ka sa mga lalaking nakilala ko. You have the heart Ishi." Sabi niya saakin.

And the next set of words that comes from her totally spins my entire world and change it.

"You chase on what is more essential in this life than just physical. Can you then teach me how to chase what is essential for me too? Can you go with me to an adventure in finding myself to seek the lost peace and happiness within me?"

From that very moment, as tears rolled down to Malachi's eyes, I was left speechless. All I know is, I immediately cross the space between us and wipe her tears away using my bare hands. Yes I will. I silently replied while looking intently to her eyes.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status