Share

Chapter Two

Chapter 2

|Caden's POV|

Kakaiba ang babaeng 'to. Paano siya nakasama sa akin sa ibang dimension? There's something on her. Iba siya makatitig sa akin, takot na takot, pinagpapawisan. Bigla kong naalala si Thalia. Ganun na ganun siya noong dinala ko rin siya sa ibang dimension, she looks like her. Yung journalist.

Everytime na nagsasalubong ang mga mata namin, automatic na nagbabago ang kulay ng akin. Tapos sumasama siya sa akin saan man ako magtungo. Siya na ba si Thalia? Buhay siya! Nagbalik siya. She's alive again!

"Caden, hindi ba't sinabi ko sayo na huwag mo nang isasabit pa ulit sa wall ng kwarto mo ang painting ng babaeng 'yan?" iritadong sabi ni Mommy sa akin.

"She's back." sabi ko.

"Yung babae kanina? Hindi si Thalia 'yon. Ramdam ko na may masama siyang balak sayo at sa kapatid mo. Ano ba'ng nangyayari sayo? Dapat alam mo 'yon!" galit si Mommy.

I swear! Wala akong ibang naramdaman, wala akong nakitang negative vision mula sa kaniya. Marahil ay siya na nga yung hinahanap ko.

"Caden, baka naman may pangontra yung journalist kaya nagkakaganyan ka." bigla namang dumating si Charlene.

"Saan ka galing?" inis kong tanong sa kaniya.

Nilapitan ko si Charlene para punasan ang bloodstain sa kaniyang pisngi.

"What kind of creature have you victimized again? I advise you not to go out and go anywhere because it is dangerous!" sinakal ko si Charlene dahil sa sobrang pagkainis.

Agad naman kaming inawat ni Daddy at tinulak ako palayo sa aking mahal na kapatid.

"Stop it! Galangin nyo naman ang mga Lolo't Lola ninyo!" sigaw ni Daddy sa amin.

"Yes, galangin. But look at your beloved princess, lumabas ng bahay para tumikim na naman ng kung ano." depensa ko.

Nakayuko lang si Charlene at tila pinagsisisihan ang kaniyang ginawa. Sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang painting atsaka ako lumipat sa kabilang kwarto.

Dito ako natutulog noong high school pa lamang ako. At ito ang kwarto na saksi sa pagmamahalan namin ni Thalia. Dito kami natutulog noong tumakas siya sa bahay nila. Isinabit ko ang painting, tinitigan ko ito. Nakikita ko talaga yung journalist sa kaniya.

The way she speaks, her actions, lahat. Hindi ako nagkakamali, si Thalia talaga yung babaeng kaharap ko kanina.

****

Three years ago ...

"Thalia, huwag na huwag kang lalabas ng bahay!"

"Thalia! Thalia!" bumuhos na ang malakas na ulan, kasabay nito ang pagmamakaawa ko sa magulang ni Thalia na hayaan kaming maging masaya.

Mukhang hindi talaga sila boto sa akin. Nakasilip lang si Thalia sa pintuan, nakatingin sa akin habang basang-basa ako sa ulan. Wala siyang magawa, mahal ni Thalia ang kaniyang mga magulang.

Pumikit ako sandali.

"I, Caden Rhett, Prince of Red Mansion! Give me the power of death, let me kill these people so I can be with Thalia!" mula sa black ay naging red ang aking mata.

Dugo.

Nakikita ko na ang kahihinatnan ng lahat. Ulo. May mapupugutan ng ulo. Oo, ang mga magulang ni Thalia ay mapupugutan ng ulo.

"Caden, huwag!"

Huli na ang lahat, wala nang buhay ang kaniyang mga magulang. Nag-iba muli ang kulay ng aking mata, bumalik ito sa blue. Hinawakan ko ang kamay ni Thalia atsaka ko siya dinala sa Red Mansion.

Umiiyak pa rin siya. Pero wala na akong magagawa dahil patay na ang mga mahal niya sa buhay. Habang nakaupo si Thalia ay hiniling ko kay Charlene na ipinta siya, pero gagawing masaya ang kaniyang mukha.

"Caden, bakit?" tanong niya sa akin.

"I know how much you love me, Thalia. I  do everything I can to make us happy. That's what you want, isn't it?" I started crying.

Itinutuloy pa rin ni Charlene ang pagpa-painting kahit na matindi pa ang usapan namin ni Thalia.

"Gusto kong maging masaya tayo pero hindi sa ganitong paraan! You promised me you would never hurt or kill anyone again. Pero pati mga magulang ko dinamay mo. Caden, hindi ko kayang mag-isa!" nagda-drama si Thalia.

Hindi ko kayang tiisin si Thalia. Pero hindi ko na siya pwedeng ibalik sa bahay nila, ayaw kong buhayin ang kaniyang mga magulang. Ayaw kong ibalik ang lahat sa dati dahil magkakalayo na naman kaming dalawa.

Kaya kong ibalik ang nakaraan, pero maaari itong mabago. Mahal ko si Thalia, sobrang mahal ko siya. Hinayaan ko lang siyang umiyak, nagtungo muna ako sa magiging kwarto namin para ayusin ito.

Sa wakas, makakasama ko na siya araw-araw. The long-awaited opportunity has come. We will be together every second, every minute and every hour of our lives.

"Caden tapos na ako. Umiiyak pa rin si Thalia sa baba. Kapag narindi ako, papatayin ko siya." inis na sabi ni Charlene.

Mabilis ko siyang nilapitan at sinakal.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang babaeng mahal ko kung ayaw mong ikaw ang patayin ko! She's part of our family now, and no one can stop me from loving her. Naiintindihan mo ba ako, Charlene?" galit kong sabi.

Hindi siya makapagsalita, kaya minabuti kong bitawan na ang kaniyang leeg.

"Unbelievable!" nauubo niyang sabi.

"Charlene shut up your mouth. Tanggapin mo na lang si Thalia bilang parte ng pamilya natin, hayaan ninyo na akong maging masaya. Please?" sabi ko.

Nakatitig lang si Charlene sa akin. Nag-iiba ang kulay ng kaniyang mata, lumabas ang kaniyang pangil at mabilis niya akong sinugod. Buti na lang at dumating si Daddy para awatin kaming dalawa. Sinugatan niya ang braso ni Charlene habang sinugatan naman niya ang leeg ko.

Normal lang 'to sa pamilya namin para pakalmahin kaming magkapatid. Aaminin ko, maikli lang talaga ang pasensya ni Charlene. Ganun din naman ako minsan. Yun nga lang at kailangan kong habaan ang aking pasensya dahil mas matanda ako sa kaniya.

"Where is Thalia?" Dad asked me.

"N-Nasa baba." mahina kong tugon.

Bumaba kaming lahat. Umiiyak pa rin si Thalia, nakayuko at may hawak siyang— rosaryo?! Mabilis akong lumapit sa kaniya at itinapon ang hawak niya sa labas.

"Caden, ibalik mo na sila please." pagmamakaawa niya sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"What happened?" nagtatakang tanong naman ni Daddy kay Thalia.

Tumingin si Thalia sa kaniya atsaka lumapit upang magmakaawa.

"Mahal ko po si Caden, pero hindi ko kayang mabuhay ng wala ang mga magulang ko. Pinatay sila ni Caden!" hagulgol ni Thalia.

Napaatras naman ako. No way! Hindi dapat siya nagsusumbong sa Daddy ko, ang hari ng Red Mansion. Kumunot ang noo ng aking ama atsaka niya sinampal ng malakas si Thalia dahilan ng pagbagsak nito sa sahig. Agad naman itong nilapitan ni Charlene atsaka kinagat sa leeg. Wala akong nagawa.

Maya-maya pa ay binitawan siya ng kapatid ko.

"Argh! Bakit ganun?!" saad ni Charlene.

"Anong problema, hija?" agad naman siyang nilapitan ni Daddy.

Hinihingal si Thalia, nagsimula na siyang mamutla at muling bumagsak sa sahig. Niyakap ko siya. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya naglaho at naging abo.

Bakit?

Ano'ng nangyari?

Nasaan si Thalia?

Bakit siya umalis?

Paano siya nawala?

"Dad, nasaan na siya?" I asked my father.

"Hindi natin siya mapipilit sa kagustuhan mo. Mabubuhay si Thalia sa ibang dimensyon, pero sa ibang pangalan at ala-ala. Pasensya ka na anak, hindi ito ang tamang panahon upang maialay mo siya sa Inang Bampira." paliwanag ni Daddy sa akin.

"Sumpa ba 'to?!" nagsimula na akong magalit.

Pumagitna agad si Charlene sa amin.

"Ito ang nakatadhana para sa inyo ni Thalia. Maaaring hindi siya sang-ayon sa mga plano mo kung kaya't salungat ang reaksyon ng kaniyang kaluluwa sa mga nangyayari ngayon. Hindi pa huli ang lahat, mahahanap mo ang babaeng mamahalin ka higit pa sa pagmamahal ni Thalia sayo." dagdag pa niya.

Napaisip ako bigla. Paano kung sundan ko si Thalia sa ibang dimensyon at hanapin siya? Baka posibleng mangyari 'yon.

Sinubukan kong sundan si Thalia, nagtagumpay naman ako at nakatayo ako sa harap ng Amazing Wines sa mga oras na 'to. May nakita akong kamukha niya. Pero isang matapang na Thalia ang nakita ko, may prinsipyo at masyado siyang takot sa akin.

Bihira lang ang taong nakakapansin sa kakaibang katangian na taglay naming mga bampira. Kaya't nakapagtataka na kung bakit nakasama sa akin yung journalist sa ibang dimensyon. Magulo. Sobrang gulo. Kailangan kong hanapin ang babaeng 'yon at alamin ang tunay niyang pagkatao.

Malapit na tayong magkita, Thalia. Hindi mo matatakasan ang nakaraan, dahil kahit saan ka magpunta ay kaya kitang sundan.

****

|Brielle's POV|

Hindi ko matapos-tapos ang pakikinig sa recorded interview namin sa magkapatid na Rhett. Kanina pa ako hindi mapakali dahil may mga kakaibang tunog akong naririnig. Parang may mga bumubulong, humihiyaw at humihingi ng tulong. E samantalang tahimik sa restaurant kanina.

Hays! Dala lang siguro 'to ng pagod.

"Thalia—"

Napalingon ako sa bintana, walang tao, sarado ito at patay ang ilaw sa labas. Sigurado naman akong ni-lock ni Papa ang gate bago siya pumasok sa trabaho. Radio newscaster ang Papa ko at gabi ang kaniyang pasok, at sigurado akong secured muna kami ni Mama sa bahay bago niya kami iwan.

Guni-guni ko lang ang lahat.

"Comeback."

Bigla na lamang lumamig ang simoy ng hangin sa loob ng bahay. Hindi maaari! Nakapatay ang aircon namin.

"Kung sino ka man, pwede ba'ng tigilan mo ako?" inis kong sabi.

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Habang naglalakad ako, mayroong something sa sahig na madulas. Aish! Si Mama talaga palagi na lang nagtatapon ng jam sa sahig— OMG!

Napalundag ako sa takot.

"M-Ma! Mama!" takot kong sigaw.

May ulo sa lapag, hindi ko alam kung saan nanggaling ito. Tumakbo ako patungo sa kwarto nila Mama, nanginginig ako sa sobrang takot. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon.

Naabutan kong tulog si Mama, nakatalukbong pa siya ng kumot. Ni-lock ko naman ang pintuan para sa seguridad naming dalawa.

"Mama!" napaiyak ako ng tuluyan atsaka ako naupo sa kama.

Wala akong tugon na natanggap mula sa kaniya maski niyuyugyog ko na ang kama. Ayaw ni Mama ng iniistorbo siya kapag ganitong oras, pero sa pagkakataong ito kakaiba ang mga nangyayari. Hinawakan ko ang gitnang bahagi ng katawan ni Mama, humihinga siya.

Tumayo ako at marahang tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa kaniya.

"Mama!!" napatakbo ako sa takot.

Si Mama. Wala siyang ulo. Paano nangyari 'yon? Sino'ng gagawa 'nun sa kaniya? Naka-lock ang pintuan sa buong bahay namin, may mga security guard ang subdivision na ito at alam kong ligtas kami.

Nagkulong ako sa aking kwarto at nagdasal.

"Lord, gabayan nyo po si Papa. Gabayan nyo po ang mga taong malalapit sa akin." naiiyak kong sabi.

"Brielle! Brielle!"

Napadilat ako at nagtaka. Boses ni Mama 'yon. Mabilis akong tumayo at nagpunas ng luha. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto, bumungad sa akin si Mama na may dalang mga supot. Buhay siya, buhay na buhay. Masigla at humihinga. Nginitian niya ako.

"Bakit pawis na pawis ka?" tanong niya sa akin.

"Uh- wala po. Tara sa baba." kabado kong sabi.

Bago pa kami makarating sa hagdan pababa sa sala ay nadaanan naming bukas ang pintuan ng kwarto ni Mama't Papa. Pilit ko itong tinanaw. Maayos ang kama, nakatupi ang kumot. E sino yung nakita ko kanina?

Hays! My imagination is getting worst. Dala lang ito ng pagod at stress sa trabaho.

"Bumili ako ng snacks natin. Ginamit ko yung kotse mo." nakangiting saad ni Mama.

"Ako na po ang kukuha ng kubyertos." sabi ko habang papunta sa kusina.

Malinis ang sahig. Brielle, you need to rest.

"Thalia."

May bumulong mula sa aking likuran. Heto na naman ang aking dibdib na tila nakikipag-karerahan sa bilis ng tibok. Agad akong bumalik sa sala at niyakap si Mama.

"Sus! Naglalambing ka na naman. May gusto kang sabihin?" sabi ni Mama.

"Wala naman 'Ma. Nagpapasalamat lang ako kasi ligtas kayo palagi ni Papa." tugon ko.

"Wow! Ang sarap naman pakinggan 'nun anak. Nagpapasalamat din ako dahil ligtas ka palagi kahit medyo delikado ang trabaho mo. Mag-iingat ka ha?" saad naman ni Mama.

Tumango naman ako kasabay ng pagkagat ko sa burger na dala ni Mama. Binuksan niya ang TV para mapanood namin ang live broadcast ni Papa.

"BREAKING NEWS: Murderer Leo revealed that he will share Rhett Family's secret if the authority let him visit his daughter and wife's tomb on his 55th birthday tomorrow. According to some of Leo's fellow inmates, they always saw him speak alone and seemed scared and saw something strange. They are not ready to speak to the media yet because they are afraid that Leo might hurt them."

What? Si Leo? Ano'ng nangyayari sa kaniya? Hindi dapat siya nagkakaganun. Marahil ay dala 'yon ng trauma dahil sa nangyari. Totoo na kaya ang mga sinabi niya sa amin?

"This the live interview with PO1 Marquez."

Nag-flash sa TV ang isa sa mga pulis. Nakatutok lang ako ng maigi. This is insane!

"Takot na takot yung mga inmates habang nagsusumbong sa akin. Gusto nilang lumipat sa ibang selda at hayaan na lang na mag-isa si Leo doon. I would like to file a request to consult Leo with a specialist. This is for the safety of all the people here. At tungkol sa doon sa kaniyang kahilingan, pagbibigyan namin siya." paliwanag ni PO1 Marquez.

Kailangan namin magpunta bukas sa sementeryo para makita namin ang mga mangyayari. Lumabas ako sandali para tawagan si Rex.

- dialing: Rex -

"Rex?"

"Napanood mo rin ba?"

"Yes. Pupunta tayo bukas sa sementeryo. Sabihan mo na si Grace."

"Sige. Magkita na lang tayo doon bukas."

"Okay, bye."

Bumalik ako sa loob. Ibang balita naman ang nirereport ni Papa.

"A fifteen-year-old girl was found dead right in front of their house. According to the security guard of the subdvision, no one else can enter the subdvision but the home owners."

Hays! Patayan na naman. Minabuti kong iwan na si Mama dahil kailangan ko nang magpahinga at maaga pa akong aalis bukas.

Muli kong nadaanan ang kwarto nila, maayos pa rin.

****

Six-thirty ako nagising. Tulog pa si Mama kaya ako na ang naghanda ng aking almusal. Habang nagluluto ako ng bacon ay tumunog ang doorbell kaya naman tinapos ko na agad ang aking ginagawa.

Lumabas ako. Sino 'yon? Naka-hoodie siya, nagdadalawang-isip pa akong lumapit.

"Sino pong hinahanap nyo?" malakas kong sabi.

Iniangat niya ng bahagya ang kaniyang ulo.

"R-Rex?" agad akong lumapit.

Oh. S-Si Caden? Tinitigan ko siya ng maigi.

"Caden?"

Ngumiti siya atsaka tinanggal ang hood.

"Ako nga, Ms.Journalist." tugon niya sa 'kin.

Nakaramdam bigla ako ng kaba. Binuksan ko ang gate, pero hindi kami pumasok sa loob at dito lang kami sa labas mag-uusap.

"Paano mong nalaman na dito ako nakatira? Atsaka bawal pumasok dito sa subdivision ang strangers." matapang kong sabi.

"Tss! Kilala ako ng mga tao, kaya marami akong connections. Bakit ba parang ayaw mo akong makita? Samantalang hawak mo ang kaso ni Leo na siyang pumatay sa grandparents ko." sabi ni Caden atsaka ipinakita sa akin ang isang papel.

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang ipinakita. Nakalagay doon ang lahat ng detalye tungkol sa akin. Nagtangka akong agawin sa kaniya 'yon pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

Masyadong malakas si Caden. Kakaiba yung reaction ng katawan ko. Nag-iinit, nanghihina, hindi ako makahinga. Nakita ko na naman ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata. Naging pula ito, at hindi ko na naman mawari ang mga nangyayari.

Inilibot ko ang aking paningin. Nasa isang madilim na kagubatan ako.

"Caden! Caden!"

Samu't saring tunog ang aking naririnig. Hiyawan, sigawan, kapareho ng tunog sa device. Tinakpan ko ang aking tenga atsaka naupo malapit sa isang puno. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Maya-maya pa ay may babaeng naupo sa tabi ko. Maganda siya, pero umiiyak.

"S-Sino ka?" kabado kong tanong.

"Umalis ka na rito. Papatayin niya ang mga magulang mo." sabi niya habang umiiyak.

Unti-unting nalulusaw ang katawan ng babae. Mas lalo akong nag-alala sa sinabi niya, gusto ko pa siyang kausapin pero bigla na lang siyang naglaho. Tumakbo ako ng mabilis sa abot ng aking makakaya, hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng pagtakbo ko.

Takbo Brielle, bilisan mo pa. Takbo! Kailangan kong makatakas dito at siguraduhing ligtas sila Mama at Papa.

"Aaahhh!"

May nabangga ako.

Ano 'yon?

Ayoko na! Takot na takot na ako, hindi ko na kaya 'to. Lumingon ako sa aking likuran, may tao. Naglalakad siya papalapit sa akin.

"Tulungan nyo ako!" naiiyak kong sabi.

Nakarinig ako ng malakas na pagtawa. Itinuloy ko ang pagtakbo hangga't sa matanaw ko ang isang bahay. Pumasok ako sa loob nito para magtago mula sa humahabol sa akin. Pumikit ako at nagdasal.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Nasaan ba kasi ako? Paano ako nakapunta rito? Maaaring si Caden na naman ang may kagagawan nito. Sa tuwing makikita ko siya ay napupunta ako kung saan. Madalas ay sa madidilim na lugar, sa gubat.

Habang nakaupo ako ay bumagsak ang bintana na gawa sa kahoy. Wala na akong ibang matatakbuhan, huli na ang lahat. Pumasok ang isang lalaki, naka-blacksuit siya at may hawak na papel.

"Thalia."

Palapit siya nang palapit sa akin. Nanatili lang akong nakaupo at umiiyak. Wala naman akong ibang magagawa, hindi ko siya kayang labanan. Kakaiba ang nilalang na ito, wala akong sapat na lakas para gumanti sa kaniya.

Nasa tapat ko na siya.

"S-Sino ka? Ibalik mo na ako sa bahay namin." umiiyak kong pakiusap sa kaniya.

"Paano kung ayaw ko?" tugon niya sa akin.

Inangat ko ang aking ulo, si Caden! Tumayo ako.

"Hindi pwede!" malakas kong sabi.

Tumawa siya. Hinawakan ni Caden ang magkabila kong pisngi atsaka niya hinalikan ang noo ko.

"Nandito na tayo sa tahanan natin." malambing niyang sabi sa akin.

Umiling naman ako.

"Tahanan? Sa tingin mo masayang manirahan sa ganitong klaseng lugar?!" malakas kong sabi atsaka pinaghahampas ang kaniyang dibdib.

Hindi siya nagsalita, walang siyang ginawa. Pinapanood niya lang akong umiyak sa kaniyang harapan. Marami pa akong katanungan na dapat masagot. May dapat pa akong tapusin.

Alam kong nasasaktan si Caden, pero hindi manlang niya ako magawang sakalin gaya ng ginawa sa akin ni Amanda, ang kaniyang ina.

"Huli na ang lahat." sabi niya.

"Anong huli? Ibalik mo na ako sa bahay namin, nagmamakaawa ako sayo Caden." lumuhod ako sa harapan niya.

"Tumayo ka!" awtomatiko akong napatayo at napayakap sa kaniya.

Naninigas ang mga paa ko. Ano na naman ba ito?! Marahang nagdikit ang aming mga labi. Gusto kong pumiglas pero hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko, naramdaman kong lumulutang kaming dalawa. Naiiyak ako. Saan niya ako dadalhin? Mamamatay na ba ako?

Huwag sana niya akong saktan. Gusto ko nang bumalik sa amin.

Tulong!

~

🖊 author_mj

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status