Share

Chapter Four

Chapter 4

|Brielle's POV|

Nakatanggap ako ng email mula kay Dylan Rhett. Inaanyayahan niya ako na dumalo sa isang dinner kasama ang kaniyang mga anak. Hindi na naman maganda ang kutob ko. Pupunta ba ako? Paano kung may masama na namang binabalak si Caden sa akin? Paano kung tuluyan na akong hindi makabalik dito sa amin? Mawawala ang lahat. Si Papa, si Mama at ang lahat ng pangarap ko.

Nagpunta ako sa aking kwarto. Binuksan ko ang aparador para pumili ng maisusuot. Hindi dapat ako magpaka-elegnate, baka kasi may binabalak lang sila na masama sa akin. Bumalik ako sa aking computer table at isang email na naman ang natanggap ko.

"From: Amanda Rhett/I can't wait to see you.\"

Argh! Kinakabahan talaga ako. I decided to wear a casual clothes. Kung pagpipiyestahan lang din naman nila ang laman ko, hindi na ako magbibihis ng maganda. Bahala na si batman!

Nagsuot ako ng denim shirt dress at pinaresan ko ng flap bag, nagsuot din ako ng T-strap heel para bumagay sa damit ko. I'm ready-to-go! Malay natin may naghihintay na magandang opporunity. Puro negative kasi ang nababasa ko tungkol sa Rhett Family kaya nanghihina ang loob ko.

Nagpaalam na ako kay Mama. Hindi pa man ako nakakarating sa gate ay may nakita akong kotse na naka-park mismo sa harap ng gate namin. Isang blue mitsubishi mirage. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinungo ang gate.

Si Caden.

"Good evening, Brielle." nakangiti nitong bati sa akin atsaka binuksan ang pinto ng kotse.

Mahigpit kong hinawakan ang bag na dala ko, may holy water, maliit na bible at rosary kasi sa loob nito. Kabado akong sumakay at mabilis namang nagmaneho si Caden. Tahimik sa loob ng kotse, tanging ang tunog ng mga sasakyan lang sa labas ang naririnig namin. Nakatutok si Caden sa kalsada, habang ako naman ay nagdarasal na sana'y hindi ako mapahamak.

Nadaanan namin ang Amazing Wines, imbes na tumigil ay dumeretso lamang sa pagmamaneho si Caden hanggang sa narating naming ang napaka-dilim na kalsada. Wala manlang street lights! Sobrang delikado sa lugar na ito. Inilibot ko ang aking paningin, wala akong ibang maaninag kundi ang ilaw lamang ng kotse na sinasakyan namin.

Tumigil kami sandali, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

"Kinakabahan ka." biglang nagsalita si Caden.

Tumingin ako sa kaniya. "Huh?"

"Naririnig ko ang tibok ng puso mo." seryoso nitong sabi at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Hindi na ako nagsalita. Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa labas. Teka, nagliliwanag ang mga pulang mata sa kanang bahagi ng kalsada. Hindi ba 'yon nakikita ni Caden? Hindi na ako mapakali. Gusto kong tumalon, pero baka lalo lang akong mapahamak.

Nakarating na kami sa harap ng isang malaking gate, nag-uusok, nakakatakot. Niyaya na akong bumaba ni Caden. Hahawakan dapat niya ang kamay ko pero mabilis ko itong iniwas sa kaniya. Lakad lang ng mahinahon, Brielle. Walang masamang mangyayaring sayo.

"You're here." salubong sa amin ni Charlene.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa dining area at doon ko nakita ang mag-asawang Dylan at Amanda.

"Maupo ka, hija." nakangiting sabi sa akin ni Amanda.

Isa-isa kong tinitigan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Sa tingin ko'y normal naman ang mga pagkaing ito. Nagsandok na sila ng mga kani-kanilang pagkain, habang ako ay nagdadalawang-isip pa rin. Ayun! May caramel cake, paborito ko pa naman ang isang 'to. Nag-akma na akong kukuha nito pero biglang hinawakan ni Charlene ang kamay ko.

Nagkatitigan pa kaming dalawa. Sinubukan kong hawiin ang kamay niya, pero pilit niya talaga itong tinutulak.

"Ganyan ba kayo kumain? Inuuna ang dessert bago ang main dish." sarkastikong sabi ni Charlene sa akin.

"Charlene, stop it. You're being too mean on her! She's our visitor." depensa naman ni Caden.

"Pasensya ka na, hija. Tikman mo itong chicken pastel na niluto ko." nilagyan ni Amanda ng kaunting pagkain ang aking plato.

Nag-aalangan talaga akong kainin 'to. Nakakatakot. Dahan-dahan akong sumubo ng chicken pastel na inalok ni Amanda sa akin. Masarap, lasang manok. Ngumiti ang mag-asawa sa akin. Sana talaga walang bahid ng kakaibang rekado itong kinakain namin. Pumayag ako sa alok nila, pero sana huwag nila akong babuyin.

Sunod kong sinandok ang buttered shrimp na malapit lang sa plato ko. Isa ito sa paborito ko.

"Do you love seafoods?" Dylan asked me.

"O-Opo, sobra." kabado kong tugon.

Nguya pa Brielle. Konting oras na lang at malapit ka nang umuwi.

Matapos kumain ay niyaya kaming lahat ni Dylan sa living room. Naghanda naman si Amanda ng wine para sa aming lahat. Tiningnan ko ang tatlong maid na nakatayo sa gilid namin. Yung isang maid, may mga kalmot sa braso. Yung katabi niya ay may sugat sa leeg at yung isa naman ay namamaga ang mata, nakatakip ito ng gasa.

I think this family is violent. Tss! Mga walang puso. Patago kong pinindot ang device upang ma-record ang lahat ng ingay sa buong bahay.

"This is Sauvignon Blanc White wine. Sauvignon means “savage” or “wild,” which describes the state of the wild white grape vines planted around Bordeaux and the Loire Valley of France. Sauvignon Blanc is being recognized as increasingly special, as it was recently identified to be the parent grape of Cabernet Sauvignon." Amanda explained while pouring the wine in each glass.

"The idea of ​​our family business came from Amanda. She loves wines, so I thought of building a wine restaurant. And I did not expect it to reach different parts of the world." Dylan added.

Ano naman ang pakialam ko doon? Hindi naman ako mahahatian ng yaman nila kung aalamin ko pa ang tungkol sa business nila.

"Why did you invite me to come here?" I courageously asked.

Napatingin silang lahat sa akin, ganun din ang mga maid na kanina pa sumeseniyas sa akin na mag-iingat ako.

"Caden told me that you are a good journalist. And you are one of the writers about Leo's murder case." Dylan answered.

Naku! Nahuli na ata ako. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ano'ng ibig niyang sabihin, pero sige, paglalaruan ko na lang itong usapan namin.

"Ano naman ang problema doon?" sabi ko.

"Did Leo tell you anything about our family? "Charlene spoke while turning the glass of wine.

Kinakabahan na naman ako. Hindi pwede 'to! Malakas ang pandinig nila, kaya dapat pigilan ko ang kaba at takot na nadarama ko.

"He was scared, so he told me nothing but about their happy family life back then." I lied.

"Really? In that case, we have nothing to worry about, Dylan. "Amanda said with a raised eyebrow.

Napalunok ako. Tumingin ako kay Caden na kanina pa tahimik.

"According to Caden, you were in the cemetery where the live interview with Leo took place." Dylan added.

"Daddy doesn't like to watch the news because the content of TV programs is just slander to our family." Charlene said.

"But I saw a video on social media of you arguing with Leo." Dylan suddenly became serious.

"W-Wala po 'yon." kabado kong tugon.

Please Caden, magsalita ka naman. Kailangan kita ngayon!

"He warned you. Do you believe him?" Amanda stared at me.

Tumingin ulit ako kay Caden. Bakit ba nananahimik lang siya dyan?! Lutong-luto na ako rito. Hindi ko na alam ang sasabihin sa kanila. Hays! Natatakot na ako. Sana naririnig ako ni Caden. Sana nararamdaman niyang natatakot ako, sana nararamdaman niyang kailangan ko ang kaniyang tulong.

I want to run out of the mansion. But how do I do that?

"Ms.Brielle, are you okay?" Dylan asked me.

"Y-Yes." saad ko.

Tumayo naman si Caden atsaka hinawakan ang kamay ko.

"Ihahatid ko na po siya." saad niya.

Hindi pa kami nakakalayo ay biglang humarang si Charlene sa daraanan namin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tinulak siya ni Caden, nagsimula na silang magkagulo.

Tumakbo si Caden habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko kayang sabayan ang bilis niya. Napapagod na agad ako! Hindi ko namalayan na nasa kagubatan na pala kaming dalawa. Ang sakit ng paa ko, hindi ata alam ni Caden na naka-high heels ako.

Pero ang pinaka-importante rito ay ang bag ko.

"Iuuwi na kita." sabi ni Caden.

"Paano kung hindi ako tigilan ng pamilya mo? May magagawa ka ba?" sabi ko.

"Marami akong magagawa para lang maging ligtas ka. Kaya kitang protektahan mula sa kanila." seryosong sabi ni Caden.

Tumigil ako sa paglalakad atsaka bumitaw mula sa pagkakahawak niya sa akin.

"How can you say you can protect me? Every time I see you I always feel scared! My life has not been normal since I met you." umiiyak kong tugon kay Caden.

Dahan-dahan niya akong tiningnan.

"I know it's you, Thalia. Huwag ka nang magtago sa pagkatao ni Brielle." nagtaka naman ako sa sinabi niya.

THALIA?

Palagi kong naririnig ang pangalan na 'yan!

"Sino ba si Thalia?" inis kong tanong.

"Thalia is the woman I love the most. And I know it's you."

Kasabay ng pagluha ni Caden ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Niyakap ko ng maigi ang bag na dala ko dahil may importanteng laman ito.

Ngayon alam ko na kung sino si Thalia. Pero bakit ako? Wala akong kinalaman doon!

"Iniisip mo ba na ako si Thalia? Tss! Nagkakamali ka, Caden. Tigilan mo na ang mga pag-iilusyon mo. Hindi na siya babalik." sabi ko.

Sa tingin ko'y nagalit si Caden sa sinabi ko kaya siya sumigaw ng malakas at bigla namang kumulog. Napapaatras ako dahil unti-unting nagbabago ang kaniyang anyo, pinunit nito ang suot niyang damit, namula ang mga mata at nagkaroon ng pangil.

Hinubad ko ang aking sapatos atsaka ako tumakbo ng mabilis. Bilis pa, Brielle, bilis! Hindi pa ako nakakalayo kay Caden pero hinihingal na agad ako.

"Hindi ka makakatakas."

Sinakal niya ako.

"Ugh! C-Caden."

Nahihirapan akong huminga. Hindi ko na alam ang gagawin, hindi ko siya kayang labanan.

"Stop it!" nahulog ako mula sa pagkakasakal ni Caden sa akin.

Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila maglaban ng isang lalaki. Nagsusuntukan, nagtutulakan, hindi ko maintindihan. Hinawakan ko naman ng maigi yung bag na dala ko atsaka ako muling tumakbo. Kailangan kong makaalis sa sinumpang gubat na ito.

Nakarating na ako sa kalsada. Walang ilaw, walang sasakyan. Dilim. Madilim. Nilakasan ko na lamang ang loob ko, naglakad ako maski madilim, maski wala akong makapa.

"Yung cellphone ko!" napangiti naman ako.

Low battery! Aish. Kapag minamalas ka nga naman talaga. Muli kong nilingon yung gubat, ano na kaya ang nangyayari doon sa dalawa? May namatay na kaya sa kanila?

Bahala na.

Naglakad na lang ako hanggang sa makalabas na ako sa kalyeng puro kababalaghan. Sa wakas ay nakakita na ako ng mga sasakyan, mga tao at pati na rin streetlights. Muli kong sinuot ang aking highheels at pumara na ako ng taxi para makauwi na ako.

****

"Anak, basang-basa ka. Ang mga gamit mo, baka basa rin!" tarantang sabi ni Mama.

Buti na lang at waterproof ang bag na dala ko. Kundi ay mawawala lahat ng nirecord ko. Nagtungo na ako sa aking kwarto para makapagbihis. Kailangan ko pang pumasok ng maaga kinabukasan para iparinig kila Rex at Grace yung mga na-record ko sa Red Mansion.

Bago pa ako makahiga sa kama ay may bumato sa bintana ng kwarto ko. Sinilip ko ito, wala namang tao. Pfft! Malas lang nila dahil pinalilibutan ng CCTV ang bahay namin. Pagtalikod ko ay may bumato na naman, binilisan ko ang pagsilip pero wala talagang tao. Pinaglololoko ako ng mga ito!

Hindi ko na lang papansinin 'yon.

"Traydor."

Nakaramdam na naman ako ng takot.

"Caden, tigilan mo na ako. Gusto ko nang mamuhay ng payapa!"

Muli akong lumingon sa bintana, may anino ng isang lalaki. Inihanda ko ang isang pamalo, tumapat na rin ako sa pintuan ng kwarto.

"Hindi kita patatahimikin."

Sa sobrang takot ko ay tumakbo na ako papunta sa kwarto ng parents ko. Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang kama na puno ng dugo. Nanginig ang buo kong katawan at hindi ko na mapigilang maiyak.

Nasaan si Mama?!

Nagmamadali akong tumakbo pababa para hanapin siya. Wala sa kitchen at dining area, wala siya sa washroom, wala sa livingroom, wala rin sa office. Sinubukan kong lumabas pero naka-lock ang main door, umikot ako sa kitchen pero naka-lock din ang pintuan.

"Mama! Mama nasaan ka?!" naiiyak kong sigaw.

Bigla namang bumukas ang TV at nag-flash dito ang 18th birthday video ko. Masaya kami, nandoon ang mga friends ko, family and relatives. Nakaupo lang ako sa sahig habang pinapanood 'yon.

Habang nakatutok sa TV, hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Pababa na ako sa hagdan at nahagip ng camera ang isang lalaki na naka-button mock neck sweater at simpleng jeans, nakasuot din siya ng trilby hat.

Wala akong naalalang may inimbitahan akong ganyan. But he's familiar.

"See?"

Biglang dumating si Caden, he's wearing the same clothes.

"I-Ikaw?" gulat kong saad.

"Ako nga, Brielle Mendoza." nakangiti niyang tugon sa akin.

Mabilis akong nakatayo. Hindi pwede 'to! Paano niya ako nahanap?

~

🖊 author_mj

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status