Share

Chapter Five

Chapter 5

( the 18-year-old ME )

I was famous at our school. Not because I'am beautiful, but because I'am a top student. All the teachers here are impressed with me. I have won many school competitions. Hindi sa nagyayabang ako, pero ito talaga ako e. Proud sa akin sila Mama at Papa, kaya nag-desiyon sila na mag-donate ng pera sa school kung saan ako nag-aaral.

At dahil sa kilala nga ako sa buong academy ay hindi rin mawawala ang mga manliligaw. Isa na rito ang lalaking nagngangalang Charlie. People usually bullied him because of his appearance and sense of fashion.

Charlie Lopez. The nerdy boy alive. He's quite, may braces, k-pop hairstyle, medyo old-fashion din kung manamit, palaging naka-sweater, kung minsan naman ay simpleng t-shirt. Hindi ko siya masisisi kung ganiyan ang itsura niya. Pero infairness cute siya.

Close kami. Yeah, friendly naman kasi ako. Teammates kasi kami sa chess at sa math quiz bee, pati na rin sa iba't ibang school competitions. Matalino si Charlie, mabait pero tahimik. Sabi pa nga niya sa akin ay ako lang daw ang bukod tanging student na nakakausap at nakakasama niya.

Aaminin kong medyo hindi ako komportableng kasama siya, pero wala kasi akong choice kaya tinitiis ko na lang.

Malapit na ang 18th birthday ko at namimigay na ako ng mga invitations. Kasama sa party pati ang mga teachers at ang mga students sa buong academy. Excited na akong suotin yung gown na pinagawa ni Mama. Syempre mas excited ako sa eighteen flowers and candles.

I'm on my way to science laboratory para mag-training sa nalalapit na competition. Hindi ko alam na nauna na palang magpunta si Charlie doon at kanina pa niya ako hinihintay.

"Am I late?" tanong ko kay Charlie.

"Hindi naman. Actually kakasimula pa lang ng training." nakangiting tugon niya sa akin.

"Uhm, good." naupo na ako.

Nagsimula nang mag-discuss ang trainer namin. Habang nagsasalita siya sa harap ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko ito ininda, baka kasi dala lang ito ng pagmamadali ko kanina.

"Okay ka lang?" tanong ni Charlie sa akin.

Tumango lang ako. Buti na lamang at mabilis na natapos ang training namin kaya nakapunta kaagad ako sa school clinic.

Nagpasundo na rin ako kay Papa para maaga akong makapagpahinga at para matapos na rin ang ibang mga detalye sa nalalapit kong birthday party. Bago pa ako makasakay sa kotse ay sinalubong ako ni Charlie, nginitian pa niya ako.

"Advanced happy birthday."

Kinabahan naman ako kaya nagmadali na akong sumakay sa kotse.

****

Nakarating na kami sa bahay at sakto namang dumating na rin ang mga magdedecorate sa venue. Hindi ko na talaga makaya yung hilo so I decided to rest. Nakahiga lang ako sa kama, alam naman na ni Mama ang mga gusto ko para sa party kaya siya na ang bahalang makipag-usap.

Nakapagtataka. Paano nalaman ni Charlie ang tungkol sa birthday ko? E wala naman akong balak na imbitahan siya sa party. Kanino niya malalaman 'yon? Walang ibang kumakausap sa kaniya kundi ako lang. This is insane.

Nag-check ako ng mga posts and messages sa aking social media account ko. Tinanong ko ang ilan sa mga schoolmates at classmates ko, wala silang alam tungkol sa sinasabi ko. Never silang lumapit kay Charlie.

Kung ganun, sino ang nagsabi 'nun sa kaniya? Manghuhula ba siya? Stalker?! Tss. Hindi na dapat ako makipagkaibigan pa sa kaniya. He's a dangerous creature. He don't deserve my kindness and attention. Sinayang niya ang tiwala na ibinigay ko sa kaniya.

Habang nagpapahinga naman ako ay pumasok si Papa at may dalang merienda.

"Tapos na kami makipag-usap sa kanila, masusunod ang mga decorations na gusto mo anak." nakangiting sabi ni Papa.

Sinuklian ko naman siya ng mahigpit na yakap.

"Thank you for all your efforts. And one thing nga pala 'Pa, pwede ba tayo mag-hire ng security guards?" ani ko.

Nagtaka naman siya at nagsalubong ang mga kilay.

"Syempre naman." seryosong sabi ni Papa.

Ngumiti naman ako. Mahirap na kasi kapag hindi secure ang isang lugar, baka may makapasok na stranger at guluhin pa ang party ko.

****

( party )

Ready na ako! I can't wait to walk down the stairs, I can't wait to dance! Habang naghihintay ay tumitig muna ako sa salamin. Ang ganda ko! Ang ganda ng suot ko. Mas lalo ko pang inilapit ang aking mukha sa salamin.

"Surprise!"

Napaatras ako sa takot. May batang lumitaw sa salamin, kamukhang-kamukha siya ni Charlie. Pero duguan ang mukha nito, hindi ko maintindihan, basta nakakatakot at kakaiba siya. Tumakbo na ako para buksan ang pinto, sa wakas ay dumating na si Papa.

Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad pababa ng hagdanan.

"Let's all welcome and greet a 'happy birthday', the birthday girl Brielle Mendoza!"

Nagpalakpakan naman silang lahat habang naglalakad ako. I'am so happy that the party I've waited for so long is now happening. Madaming bisita, madaming pagkain, maganda ang decorations.

Nagsimula na ang eighteen roses dance. Habang nagsasayaw kami ay unti-unti akong nakakaramdam ng pagkahilo, nilalamig ako at parang lalagnatin. Pero kinakaya ko dahil masasayang ang effort ng mga magulang ko. This is my day, my party. I need to be strong infront of many people. Ayaw kong mapahiya sila Mama at Papa.

It's time for the last dance, lumapit na si Papa sa akin. Hilong-hilo na talaga ako. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa akin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso ni Papa dahil alam kong babagsak na ako.

Matapos ang mahigit dalawang minuto ay nagtungo muna ako sa washroom. Naghahabol ako ng hininga, tila ba ako'y babagsak na sahig at parang mamamatay.

"Happy birthday."

Lumitaw ang isang lalaking naka-button mock neck sweater at jeans na nakasuot ng trilby hat. Si Charlie! Sinakal niya ako at nanlilisik ang kaniyang mga mata.

"Traydor!" tinulak niya ako.

"What is your problem?!" inis kong tanong sa kaniya.

"Ikaw ang problema ko. Alam mo bang malaki ang tiwala ko sayo kasi akala ko true friend kita! Pero katulad ka rin pala nila." seryosong sabi ni Charlie.

Nagbago bigla ang kulay ng kaniyang mga mata, naging pula ito at lumabas ang kaniyang pangil. Sinugod niya ako at nag-akmang sasakalin ako pero hinampas ko siya ng flower pot. Nagmadali akong tumayo at tumakbo palabas.

Naging maayos naman ang takbo ng party. Pero si Charlie, hindi na siya nagpakita sa akin simula nang tangkain niyang tapusin ang aking buhay.

****

|Caden's POV|

Itinadhana talaga kami ni Brielle. Lingid sa kaniyang kaalaman na ako si Charlie Lopez na trinaydor niya noon. E hanggang ngayon traydor pa rin naman siya. Tsk! Walang pinagbago ang babaeng 'to. Pero sa kabilang banda ay naaawa ako sa kaniya. Nasa pagkatao ni Brielle ang babaeng pinakamamahal ko. Kaya hindi ko siya pwedeng patayin maski na malaki ang kasalanan niya sa akin.

Hindi rin alam ng pamilya ko ang tungkol sa ginawa ni Brielle sa akin noon. Ang alam lang nila ay ang tungkol kay Thalia. Sa ngayon ay babantayan ko na lang muna siya hanggang sa makahanap ako ng tamang tiyempo at tuluyan ko na siyang ikukulong sa Red Mansion.

Akin si Brielle.

Pagmamay-ari ko na siya.

At hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa ni Kent para lang mailigtas si Brielle. Akala ko magkaibigan kami, pero ang lakas ng loob niyang kalabanin ako para sa babaeng 'yon.

Hindi pa naman huli ang lahat. Prinsipe ako ng Red Mansion at ako ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng bampirang nasasakupan namin. No one can beat me. 'Cause I'am LEGEND.

Late na akong nakauwi sa bahay dahil pinuntahan ko pa si Brielle. Akala niya siguro hindi ko siya masusundan. Tss! Nagkakamali siya. Hindi ako matatalo ng isang walang kwentang nilalang.

"Nakipag-away ka." nakaupo si Charlene sa sofa habang may hawak na atay.

Tinitigan ko siya ng masama.

"Ano naman kung nakipag-away ako? Kaysa naman kumain ako ng kung ano sa labas. Am I right, Charlene?" I raised my right eyebrow.

Maglalakad pa lang ako papunta sa kitchen ay mabilis akong hinarangan ni Charlene.

"Atleast pinapakita ko ang tunay ako. Am I right, Charlie?"

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Charlene mula sa akin. Hindi manlang siya umiyak. Kahit sutil ang batang ito ay ipinagmamalaki ko siya dahil sa angkin niyang tapang. Charlene is an independent woman.

Madalas ko talaga siyang masaktan, madalas talaga kaming mag-away dahil magkasalungat palagi ang mga kagustuhan at opinyon naming dalawa. But besides all of those fights between us, hindi ko pa rin maikakaila na mahal ko ang nag-iisa kong babaeng kapatid.

Sumosobra siya minsan, pero dahil sa mas matanda ako ay iniintindi ko na lang.

Hinihintay ko na gantihan ako ni Charlene, pero tahimik pa rin siya at hindi kumikibo.

"Ayaw na ayaw kong ibabalik o maririnig ang pangalan na 'yan. Charlene, m-mahal kita. But please stop annoying me so that I won't h-hurt you." nginig-boses kong sabi.

Bago pa man tuluyang tumulo ang aking luha ay tumakbo na ako pataas sa aking kwarto. This is the very first time na napaiyak ako ni Charlene ng ganito. Ako yung tipo ng kapatid na hindi mo basta-basta mapaluluhod sa harapan mo. But Charlene is so precious to me kaya ako nagkakaganito.

Argh! Stop it, Caden. Nakakasira ng image.

"Anak! Anak!"

Nagpunas muna ako ng aking luha atsaka binuksan ang pintuan.

"Tumawag ang isang magazine company at gusto ka nilang maging cover for this month. Are you willing to sign a contract with them?"

"I don't know." walang-gana kong sabi.

"Opportunity na natin ito." excited na sabi ni Mommy.

Nagtaka naman ako.

"Anong opportunity?" inis kong tanong.

Pumasok siya sa loob ng aking kwarto at naupo sa couch.

"Kapag naging sikat ka na, yayayain natin ang mga fans mo na magpunta rito sa mansyon for a little gathering. Tapos isa-isa natin silang kukuhaan ng dugo at puso para sa ritwal. Gusto mong mabuhay ang Lolo't Lola mo 'di ba?" tumingin si Mommy sa akin.

Napaisip naman ako bigla. For some reasons may point si Mommy. Pero paano naman namin magagawa yung sinasabi niya? E mukhang may mga taong alam talaga kung ano kami at ang pamilya namin.

Si Leo. Marami siyang abilidad na kagaya sa aming mga bampira, marami siyang alam. At si Brielle, malakas ang loob niya at kaya niyang sumama kahit saan man ako magpunta.

Itinadhana ata na magkakilala kaming tatlo para mapabagsak ako. Pero si Brielle, mukhang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ni Leo. O baka naman nagkukunwari lang siya para hindi kami maghinala sa kaniya.

Hays, ang gulo!

Bukas na bukas ay kakausapin ko si Brielle. Gagawa kami ng kasunduan para hindi na ako mag-alala pa.

****

Tinanggap ko ang alok ng isang magazine company to be their guest coverboy for this month. Mag-isa akong nagpunta sa kanilang kompanya, kaya ko naman ito ng mag-isa. Nag-meet kami ng isa sa mga editors.

"Hello Mr.Caden, ako nga pala si Michelle. Have a seat." she greeted me warmly.

Naupo naman ako. This place is so amazing. Hindi ko akalain na ako ang mapipili nila para sa cover ng magazine nila.

"Thank you for choosing me." sabi ko.

"It's honor for us because a popular Caden Rhett signed a contract with us." nakangiting sabi ni Michelle.

Binuksan niya ang kaniyang laptop atsaka siya nagsimulang mag-discuss.

"First of all, welcome to BluePages magazine. I'am editor Michelle. So today idi-discuss ko lang naman sayo ang ilan sa mga parts na gagampanan mo for this month's issue."

Nakatutok lang ako sa mga photos na pinapakita niya sa akin.

"Everyone knows how popular Amazing Wines around the world. So our team decided that the prince of Amazing Wines would be the cover of our magazine. And also according to our last week survey, many young people admire you, especially your peers." dagdag pa ni Michelle.

"How did you say that I'am the Prince of Amazing Wines?" I asked her with a smile.

Natawa naman siya. Naninigurado lang ako. Wala naman kasing ibang nakakaalam na ako ang prinsipe ng Red Mansion kundi ang mga kalahi ko lamang.

"That is what people call you. Especially women who like you or let's say your FANS. Are you not aware that you are already popular on social media?" Michelle said.

Umiling naman ako. Sa totoo lang nakakatuwa ang mga sinasabi niya, hindi ko kasi talaga alam na sikat pala ako. At hind rin naman kasi ako masyadong umaalis magmula nang namatay ang grandparents ko.

"I'm happy to know that. But I do not like to talk to anyone so I am not very aware." natatawa kong tugon kay Michelle.

"Naku, okay lang yan. Kapag na-release na ang monthly magazine namin ay mas lalo ka pa nilang makikilala. Ipa-plug din ang mga branches ng Amazing Wines pati na rin ang mga social media accounts mo so that your fans will easily reach you." paliwanag niya.

"I'm excited. Hope all goes well. I also do not want to disappoint the people who support me.

"Great! So here are the clothes that you will wear during the shoot. And the theme is GUY IN RED, inspired by red wines." saad ni Michelle.

Nagpatuloy pa lamang siya sa pagpapaliwanag at tahimik naman akong nakikinig. Interesting! Halatang pinaghandaan talaga nila ang lahat.

"Good. Hindi na ako makapaghintay na makatrabaho kayo." sabi ko.

Natapos na ang aming meeting. Pero wala pa akong balak umuwi dahil may pupuntahan akong isang importanteng tao sa buhay ko. Si Charlene muna ang bahala sa Amazing Wines, habang ako ay mag-eenjoy muna dito sa labas.

Kung dati ay kailangan ko pa ng driver kahit saan ako magpunta, ngayon hindi na. Nadala na ang pamilya namin na magtiwala sa mga taga-labas. Kaya kalahati ng mga empleyado namin ay bampira, except sa mga maids.

Medyo nasasaktan nga lang sila nila Mommy at Charlene. Wala naman kaming magagawa ni Daddy dahil iginagalang namin silang dalawa.

"Caden Rhett?"

"Uy, si Caden nga!"

"Hala! Pa-picture tayo."

Napatigil ako sa paglalakad. Narito na ako sa harapan ng North Star Publishing House. At yung mga nagsasalita kanina, tingin ko ay mga empleyado sila rito.

Lumapit yung tatlong babae para yakapin ako. Inilabas din ng isang babae yung kaniyang cellphone atsaka kami nag-groufie.

"Caden?"

Napalingon ako sa bandang kanan at nakita ko si Brielle na may kasamang lalaki at may dala pang mga pagkain.

"Hi." nakangiti kong bati sa kaniya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka naman niyang tanong.

"Binibisita ka." tugon ko dahilan para tuksuhin siya ng mga babae.

Hindi na siya sumagot at niyaya na niya yung kasama niya na pumasok sa loob. Syempre sinundan ko siya dahil siya naman talaga ang ipinunta ko rito. Gaya nga ng sinabi ko, pagmamay-ari ko na siya at hindi niya alam 'yon.

~

🖊 author_mj

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status