Share

Chapter Seven

Chapter 7

|Kent Frayler's POV|

Hindi magiging magulo ang buhay ko kung hindi pinairal ng mga magulang ko ang pagiging hapit sa pera. Business partners ang mga magulang namin ni Caden, pero magkaiba kami ng lahi. We're humans, and they are vampires. Oo nakakatakot, pero wala naman silang masamang ginawa sa amin.

Hindi nila sinaktan ang mga magulang ko, pero pinilit ni Tita Amanda na maging kalahi ko sila dahil ako ang nakatadhanang ikasal kay Charlene. Masakit sa kalooban kong namatay ang parents ko ng wala ako sa tabi nila. Nalugi ang negosyo nila kung saan nag-share ang Rhett Family ng pera, at upang mabayaran nila Mommy at Daddy ang kanilang utang ay pinasalinan ako ng dugo ng mga bampira. Kasama sa ginawang ritwal ang pagkagat ni Charlene sa aking leeg.

Pero habang tumatagal at habang tumatanda ako ay maraming bagay akong naiisip. Una, hindi ito ang mundo na para sa akin. Pangalawa, hindi ako kagaya nila. At pangatlo, may panibagong biktima si Caden, babalik na naman siya sa dati tapos kapag iniwan siya maaapektuhan na naman ang mga nasasakupan niya.

Minsan nagsasawa na rin ako sa uri ng pamumuhay na mayroon ako ngayon. Let's say may pera ako at nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko, pero hindi sapat ang lahat ng 'yon dahil iba pa rin kapag kasama mo ang totoo mong kalahi at kadugo. Iba rito sa mundo nila Caden, ibang-iba. Hindi ka magiging malaya kung hindi mo kaibigan ang Rhett Family.

Masuwerte ako't nasa puder ng Rhett Family at itinuring na anak nila Tita Amanda at Tito Dylan. Pero kapag nakatungtong na kami ni Charlene ng thirty years old ay magpapakasal na kaming dalawa. Mabait naman siya minsan, pero hindi mo siya mapipigil kung gusto niyang kumain ng sariwang laman at dugo. Natatakot ako na baka ang magiging anak namin ay madamay sa masama niyang gawain.

Kaya heto ako ngayon at naguguluhan sa aking mga desisyon. At may isa na namang bagong biktima si Caden, may bago na naman siyang pahihirapan at dito pa niya talaga dinala sa future house namin ni Charlene. Tss! Ang kapal talaga ng pagmumukha.

"Gusto ko nang umalis dito. Alam mo ba kung saan ang daan?" tanong sa akin ni Brielle, ang babaeng dinala ni Caden dito.

Naaawa ako sa kaniya. Palagi ko siyang nakikita na kasama ni Caden kahit saan. Umiiyak, at naghahanap ng kasagutan.

"Gustuhin ko man na tulungan ka, pero hindi ko 'yon kayang gawin dahil papatayin ako ni Caden. He is our Prince. And no one can disobey him." paliwanag ko kay Brielle.

"Bakit ako pa? Atsaka nasaan ba ako?" tila naiiyak na tanong niya sa akin.

"He's in love. At nandito ka sa future house namin ni Charlene." sabi ko.

Binitawan ni Brielle ang juice na iniinom niya.

"Uminom ka lang, wala naman akong magagawa kung dito kayo tutuloy ni Caden dahil siya naman ang nasusunod sa lahat. Sabit lang ako rito." saad ko.

"Sigurado akong hinahanap na ako nila Mama at Papa, pati na rin ng mga kaibigan ko. Tapos si Rex nasa ospital pa. Teka, alam mo ba kung ano ang nangyayari kay Leo?" ani pa ni Brielle.

Si Leo, ang taong pumatay sa granparents nila Caden at Charlene.

"Bago niya mapatay ang mga biktima, kinuha niya ang holy blood pendant ni Lola Amira. At sa tingin ko ininom niya 'yon kaya siya nagkakaganun, kaya may abilidad siya na gaya ng kay Caden." I explained.

Hays! Sinabi ko na kay Brielle ang lahat ng nalalaman ko. Sana hindi ito malaman ni Caden, masyado na akong namumuro sa kaniya, masyado na akong maraming kasalanan sa kaniya. May itatanong pa dapat si Brielle sa akin pero biglang humangin ng malakas, bumukas ang pintuan at mabilis naman akong umalis. Nandyan na si Caden, at mukhang masama ang mood niya.

****

|Brielle's POV|

Nawala na lang bigla si Kent. Sakto naman at biglang lumitaw si Caden na magkasalubong ang kilay at tila wala sa mood. Tahimik lang akong nakaupo habang umiinon ng juice. Delikado kasi kung kakausapin ko siya.

Dahan-dahan akong lumilingon sa kaniya, hindi maipinta ang mukha ni Caden at tila may nangyari ata na hindi niya nagustuhan. Kinakabahan na naman ako. Baka kasi pati ako madamay sa pagkabadtrip niya. Okay Brielle, kalma lang. I inhaled, I exhaled. Wooh! Okay, medyo kalmado na ako.

Lumingon ako sa likod, sa kaliwa at kanan. Hinahanap ko si Kent, nasaan na kaya siya? Nagtago ba siya? Umuwi? Argh! Baka naman nandyan lang siya sa paligid. Well, mamaya ko na lang hahanapin si Kent kapag umalis na ulit 'tong si Caden.

Huminga ako ng malalim dahilan para mapatingin siya sa akin. Nagulat ako sa kulay ng kaniyang mga mata, kuay pula. May nakaaway na naman kaya siya? Kinain? Binubog?! Aaahh! Ang gulo-gulo naman nito.

"Nakatakas sa kulungan si Leo, at nandito na siya sa paligid natin. Huwag ka munang lalabas, ikaw ang hinahanap niya. Papupuntahin ko si Charlene dito para may makasama ka." seryosong paliwanag ni Caden sa akin.

Mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

"P-Paano siya nakatakas?" kinakabahan kong tanong.

Lumapit si Caden sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Magka-level na ang lakas namin ni Leo dahil nasa kaniya ang banal na dugo ng Lola ko. Brielle, kung uuwi ka sa inyo mas magiging delikado ang buhay mo at madadamay pa ang Mama't Papa mo." saad ni Caden.

"Gusto ko na silang makasama. Baka naman may ibang paraan para maging secured kami ng pamilya ko." naiiyak kong sabi.

"Hindi talaga pwede." tumayo si Caden.

Hindi pwede?! Baka naman ayaw niya lang talaga akong paalisin dito. This vampire prince has kidnapped me. He was just making excuses for Leo's escape from prison so that I could not return to our house.

Bakit ba ayaw na niya lang sabihin yung totoo sa akin? Ginagalit na naman niya ako.

"How long will you imprison me in this sad place?" umiiyak kong tanong sa kaniya.

Tumingin sa akin si Caden na may galit na ekspresyon.

"Forever. So you can never go back to your parents. They will grow old and die without Brielle taking care of them." said Caden who made me cry a lot.

Nanginginig ako sa galit. Manhid talaga ang halimaw na 'to, walang puso't kaluluwa.

"Maawa ka naman, pauwiin mo na lang ako, hayaan mo na ako." pagmamakaawa ko.

"I'm sorry Brielle, but it's really too late. If I let you come back, Leo can kill you."

Wala na akong nagawa, dahil kahit anong pakiusap ko ay hindi naman pumapayag si Caden sa mga gusto kong mangyari. Nasa panganib na ang buhay ko, hindi na ako ligtas. Kung hindi ko sana nakilala si Caden, hindi sana nakataya ang buhay ko sa kapahamakan.

Ito na nga talaga ang kapalaran ko. Magmula ngayon ay hindi na magiging normal ang buhay ko, hindi na ako makakapamuhay ng masaya at payapa. Muli akong tumingin kay Caden na kanina pa hindi mapakali.

Sana wala siyang binabalak na masama sa akin, pati na rin ang buong pamilya niya. Hindi ko na muna siya kinausap at nagtungo na ako sa kwartong tutulugan ko. Kinuha ko ang charger na nakapatong sa coffee table, kailangan kong tawagan si Grace. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat, at siya muna ang bahala sa Mama't Papa ko.

"Brielle." may bumulong sa balkonahe.

Ni-lock ko muna ang pintuan. Si Kent pala!

"Nasa baba si Caden, sabi niya nakatakas daw si Leo at hinahanap ako." marahan kong sabi.

Malakas ang pandinig ni Caden, at anytime pwede niya kaming puntahan dito. Kaya nga nag-iingat kami.

"Hindi ka na talaga makakabalik sa inyo. Ano na ang plano mo?" tanong ni Kent sa 'kin.

"Tatanggapin ko na lang 'tong kapalaran ko. Si Grace na lang muna ang bahala sa mga magulang ko." tugon ko sa kaniya.

Tumango lang siya. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan, mabilis na namang nawala si Kent. Agad kong binuksan ang pinto, si Charlene pala. Ang bilis niyang nakarating dito! Nakakagulat naman siya.

Binigyan niya ako ng dalawang malalaking paper bags.

"Binilin ni Caden na bilhan kita ng mga magagamit mo." nakangiting sabi ni Charlene.

Agad ko namang kinuha yung mga dala niya at pinatong ito sa kama. Mga damit, pabango at iba pang cosmetics na magagamit ko sa araw-araw. Pwede na rin.

Inayos ko isa-isa ang mga gamit at nilagay ito sa tamang lalagyan. Malaki ang kwarto, maganda't malinis. Parang hindi bampira ang nakatira. Hindi rin dark-colored, mukhang totoong tao ang may-ari ng bahay.

"Salamat." naiilang kong sabi kay Charlene.

"Kay Caden ka magpasalamat. Ni minsan hindi niya ginawa 'to kay Thalia." saad niya.

"Talaga?" nagtataka kong tugon.

Naupo siya sa tabi ko.

"Sa totoo lang, maarte talaga ang babaeng 'yon. Choosy, basta medyo naiinis ako sa kaniya. Dependent at maarte. Nagulat nga ako kasi ibang-iba ka sa kaniya." tila nagiging komportable na akong kausapin si Charlene.

Mapapakinabangan ko siya para mas marami pa akong malaman tungkol sa pamilya nila.

"Ibang-iba? Huwag mo akong ikukumpara sa kaniya kasi hindi naman ako nobya ng kapatid mo." saad ko.

"Future nobya." nakangiting tugon ni Charlene.

Huh? Nababaliw na ata siya.

"No." mabilis kong sabi.

"Welcome ka naman sa pamilya namin. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sayo kapag nagagalit si Caden." saad ni Charlene.

"Ano ba talaga si Caden?" seryoso kong tanong.

Tumitig si Charlene sa akin. Mas lalo pa niya akong nilapitan.

"Vampire Prince, pangalawa sa pinakamataas. Bakit mo natanong?" saad niya.

"Ah- wala. Sa tingin ko mahal pa niya si Thalia, nililibang lang ni Caden ang sarili niya. Huwag mong isipin na ako ang babaeng mahal niya." paalala ko kay Charlene.

"Mahal ka niya. Hindi 'to gagawin ni Caden kung wala siyang special feelings para sayo. Ayaw mo ba sa kaniya?" saad niya.

Huminga ako ng malalim. Nakaka-pressure naman kausap ni Charlene, pero nagpapaka-honest lang naman ako sa mga sasabihin ko.

"Hindi naman sa ayaw, hindi lang talaga ako handa. Atsaka magkaiba kasi kami." sabi ko.

"Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo susukatin 'yon sa pagkatao niya. May chance ba na magustuhan mo rin si Caden?"

Dahan-dahan akong tumango. Depende naman kasi 'yon kung makikita ko ang halaga ni Caden, pero sa mga nangyayari ngayon ay baka magkaroon nga ng chance na magustuhan ko rin si Caden. At some point, nagpapasalamat din naman ako dahil sa pagprotekta niya sa akin.

Pero minsan nakakainis kasi siya. Kung saan-saan niya ako dinadala, kung anu-ano ang mga bagay na na-eexperience ko. Palagi akong natatakot, umiiyak at nangangamba.

"Huwag ka nang magdalawang-isip d'yan. By the way, uuwi muna ako ha? May kailangan lang akong ayusin. Huwag ka na lang lalabas ng bahay." bilin ni Charlene sa akin.

Mabilis siyang nakaalis. Dumungaw na lang ako sa balkonahe para libangin ang aking sarili. Habang nakatayo ako ay may lalaking tumakbo sa pagitan ng dalawang puno, umatras ako at sinarado ang bintana.

Bumaba ako sa sala para i-secure ang lahat ng pintuan. Kung sino man 'yon, wala sana siyang balak na masama sa akin. Maya-maya pa ay kumakalabog ang maindoor dahilan para mataranta ako. Dumampot ako ng kutsilyo.

"S-Sino 'yan?!" malakas kong sabi.

Patuloy lang sa pagkalabog ang maindoor, nanginginig na talaga ako sa takot.

Nasaan ka na ba, Caden? Kailangan kita ngayon. Tulungan mo ako! Please Caden, nasaan ka na? Natatakot ako.

Tumahimik na. Lumapit ako sa pintuan, dahan-dahan ko itong binuksan at bigla na lamang may sumakmal sa leeg ko. Napahiga ako sa sahig, pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Nahihirapan na akong huminga.

"P-Please!" pagmamakaawa ko sa kaniya.

Pinilit kong kilalanin ang nilalang na sumasakal sa akin.

"L-Leo?!" nanlaki ang mga mata ko.

Kanina ko pa hinihintay na dumating si Caden. Hindi manlang ba niya naririnig o nararamdaman ang mga nangyayari?! Malapit na akong mapatay ni Leo. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking leeg, nagsisimula na rin mag-iba ang kulay ng mga mata niya.

Pumikit naman ako at hinayaan na lang siya na sakalin ako.

****

|Caden's POV|

Kasalukuyan akong nasa photoshoot para sa isang magazine cover. Nandoon naman sa bahay si Charlene para bantayan at samahan si Brielle. Nakadalawang set na kami ng shoot, it's already two o'clock in the afternoon at malapit na kaming matapos.

Kanina pa hindi nag-uupdate si Charlene tungkol kay Brielle at kung anong ginagawa nila. Nag-aalala na ako at hindi makapag-focus sa trabaho. Sigurado akong malayo na si Leo sa kulungan at mahirap na siyang hanapin. Sana okay lang si Brielle.

"Caden, last shoot na tayo. Let's go." sabi sa akin ng assistant photographer.

Bago pa ako makatapak sa loob ng studio ay may narinig akong malakas na sigaw. Sigurado akong boses ni Brielle 'yon, nararamdaman kong nasa panganib siya. Pero naghihintay na sa akin ang mga tao sa loob, last shoot na. Ano ba ang uunahin ko?

Mas tumindi pa ang sigaw na naririnig ko dahilan para mapatakbo ako. Mabilis kong narating ang bahay kung saan tumutuloy si Brielle, naabutan ko siyang nakahiga sa sahig, lalapit pa lamang ako sa kaniya ay bigla namang may sumuntok sa akin.

Medyo nahilo ako, pero naaninag ko kung sino yung sumapak sa akin.

"Ikaw?" gulat kong ani.

Ngumiti lang siya at nagtangkang sugurin si Brielle, pinigilan ko naman ito sa pamamagitan ng paghila at pagtapon sa kaniya. Walang malay si Brielle, binuhat ko siya at dinala sa Red Mansion.

Inutos ko kay Mommy na siguraduhing hindi makakapasok si Leo, kaya nagpakalat na rin kami ng mga bantay.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Paano nalaman ni Leo kung saan nagtatago si Brielle? Masyado na talaga siyang malakas. At umabot pa sa puntong pinadugo niya ang labi ko. Hindi ko mapapalagpas itong ginawa niya sa akin, babawi ako. Humanda siya!

~

🖊 author_mj

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status