Share

Chapter 4

Erizzabeth's POV

Nagtungo ako sa patlang dahil oras na ng ensayo namin. Iyon ang nakalagay sa schedule ko na kailangan kong sumali sa ensayo nila dahil gaya ng sinabi ni Mayor, kailangan kong matutunan ang kultura nila.

Pagdating ko sa patlang, naroon na sina Wayne, Yrixx at iba pang kasamahan na mga pinuno para simulan ang pag-ensayo ng mga archery.

"It's your turn, Wayne." Binigay ni Yrixx ang pana kay Wayne.

Agad na pumuwesto si Wayne at itinutok ang palaso sa direksyon kung saan niya papanain ang target board. Binitiwan niya ang palaso at agad itong tumama sa gitna. Nagsipalakpakan naman ang mga taong nakasaksi sa galing niya habang nakaupo lamang sa gilid. May mga binibini ring nanunuod habang pinapayungan ng kanilang katulong at pinaypayan ang sarili gamit ang kanilang magarang pamaypay.

"Ang ayos nang pagtira mo, ah! Nakakahanga!" puri ng isa nilang kasamahan.

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status