Share

Chapter 3: Promotion Letter

Magaalas-3 na ng hapon at malapit ng matapos ang pinapagawa ni Madam Ivy sa akin na report. Sa wakas ay maaga ko itong matatapos ng makapahinga ako dahil sobrang sakit na ng ulo ko.

Tumingin ako sa paligid at lahat ng tao ay busy sa kani kanilang trabaho. Napakatahimik. Maging si Cherry ay tanaw ko sa kabilang side ng opisina na busy sa pagtatype.

Ganito karaniwan ang eksena sa opisina pag palapit na ang end of the month. Sinasubmit kasi ang lahat ng reports kay Mr. Montano at bawal itong madelay. Paghahanda iyon para sa monthly meetings ng mga managers.

Ganoon na nga ang eksena ng maisipan kong kumuha muna ng tubig sa pantry. Dala ang tumbler ko ay pabalik na ko sa desk ng napukaw ang atensyon ko sa humahangos na si Mary.

Nagmamadali itong maglakad papunta sa opisina ni Mr. Montano, may luha sa mga mata at may dalang isang envelope. Nagulat ang lahat sa itsura nito at napatingin kaming lahat sa kaniya. Napatigil din ako sa paglalakad at sinundan ng tingin si Mary.

Dumiretso ito sa loob ng opisina ng boss at binagsak ang pinto ng isara.

Nagumpisang magbulungan sa opisina at ito na si Cherry na nagmamadaling lumapit sa akin.

"OMG, beshy! Mukhang may eksena!" Sabi agad ng kaibigan. Dala pa nito ang mga papel na tinatype.

"Ikaw talaga, napakabilis mo pagdating sa tsismis." Natatawa kong sagot sa kaniya.

"Sabi sayo eh, something is fishy sa dalawang iyan." Mahinang sabi ni Cherry.

Ako naman ay napatingin na lang sa saradong pintuan ng opisina ng boss. Lahat ay nagaabang pero lumipas ang alas-5 ay nasa loob pa rin ang dalawa. Mukhang bigo si Cherry malaman ang chismis ngayong araw.

"Jenna, pinapatawag ka ni Madam Ivy sa office niya." Bungad sa akin ng kaofficemate na si Pamela.

Alas-11 pa lang ng umaga at hindi pa ako tapos sa pagupdate sa status report ko. Mukhang may nakalimutang ipagawa si Madam at bigla ako nitong gustong makausap.

Agad akong nagtungo sa opisina at bumungad ang nakangiting mukha nito sa akin.

"Yes po, Madam?" Sabay upo ko sa tapat nito.

"Jenna, pasensiya na at alam kong busy ka pa pero may importante kasi akong sasabihin sayo." Biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Okay lang po." Tipid kong sagot dahil bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Nagkaroon kami ng short meeting this morning kasama si Mr. Montano. Binalita niya na nagresign si Mary kahapon." Tuloy tuloy nitong sabi.

"Ah, kaya po pala kahapon ganun ang itsura ni Mary. Nagresign na po pala siya? Bakit daw po?" Tanong ko pero sa totoo lang ay ang weird na sinasabi sa akin ni Madam ito. Eh malalaman ko din naman yun sa mga tsismis sa opisina.

"Hmm, hindi ko din alam.” Sabay abot nito ng isang papel.

"Ano po ito?" Nagtataka kong tanong, sabay basa sa title nito.

PROMOTION LETTER

Maang na napabuka ang bibig ko at napatingin sa mukha ni Madam. Nakangiti ito ng ubod tamis.

"Congratulations, Jenna!" Sabay abot ng kamay nito para ishake hands siya. Nagaatubili akong inabot iyon.

"Pero, madam. Bakit po..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin.

"Simula bukas ay ikaw na ang Executive Secretary ni Mr. Montano. Ikaw ang napili namin na maging kapalit ni Mary." Pagpapaliwanag nito sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala, pero bakit ako ang napili? Hindi ba ay mas madaming matagal sa akin at mas magaling ng di hamak?

"Eh Madam, bakit po ako?" Don't get me wrong, masaya ako pero mas lamang ang pagtataka.

Bigla na lang nagring ang telepono kaya agad nitong sinagot ang phone at nagmuwestra na basahin ko na lang muna ang iniabot nito.

"...from a monthly salary of Php15,000, we are revising your salary to a monthly salary of Php25,000. This will include overtime, out of towns and overseas business trips." Hindi ako mkapaniwala sa nakikita, ang laki ng increase at may overseas business trips pa! Ibig sabihin ba nito ay makakapunta na ako sa ibang bansa?

"So, Jenna what do you think?" Nakangiti ito. Natapos na si Madam sa kausap sa telepono.

"Hindi po ako makapaniwala, hindi ko po talaga ito inaasahan." Masayang masaya ako at hindi pa rin binibitawan ang papel.

"Pero nagtataka lang po talaga ako. Bakit sa dami ng mas matagal sa akin ay ako po ang napili?"

"Well, may mga bagay kasi na hindi ko pwedeng idisclose sayo. Pero bukod sa maganda ang performance mo at matalino ka ay nasa iyo ang isa sa hinahanap ni Mr. Montano."

"Ha? Alin po?" Pasuspence pa tong si Madam, ayaw pa akong diretsuhin.

"Yun ay ang..." Pambibitin nito sabay tawa.

"Madam naman eh." Natatawa na ako, papano ay nangaasar pa ito habang takang taka na nga ko.

"Ang pinakaimportante na bilin ni Mr. Montano ay kailangan niya ng Secretary na nakafocus lang sa trabaho. Hindi nagpapadala sa mga 'distractions'. At ikaw na ikaw yun, Jenna!" Pagpapaliwanag nito sa akin.

"Anong distractions po?" Sunod na tanong ko naman kasi parang may laman yung pagkakabanggit niya ng word na DISTRACTIONS.

"Well, madaming klase ng distractions sa loob at labas ng opisina. Pero ang pinakamalaking distraction na maeencounter mo sa trabaho na ito ay... hulaan mo?" Pambibitin na naman nito, madami ata siyang time mangasar ngayon.

"Ahm, long working hours po?" Panghuhula ko para sakyan na lamang ang ginagawa ni madam.

"Mali.” Sabi nito sabay tawa na naman. Natutuwa talaga siya na pinagtitripan ako.

Natawa na din ako dahil sa inaasal ng amo.

"Okay, seryoso na." Sabi nito at kinuha ang papel sa kamay ko. "Ang trabaho mo ay isang Executive Secretary, ibig sabihin ay palagi mong makakasama si Mr. Montano. Sa loob man o labas ng opisina, pwedeng 8,12 o 24 hours pa. Yan ang pinamalaking distraction mo sa trabahong ito, ang mismong boss mo."

"Hindi ko po gets ang sinasabi mo, Madam." Nakakunot noo kong sabi. Sa totoo lang ay naguguluhan ako, paano naman magiging sagabal si Mr. Montano sa akin?

"That's the point, Jenna! Hindi mo gets, that's the point!" Malakas na sabi nito. Ano ba itong pinagsasabi ni Madam Ivy, lasing ba ito?

"Okay, ipapaliwanag ko. Almost all the ladies in the company adores Mr. Montano. Yung tipong titigan lang sila nito ay ibababa na agad nila ang mga panty nila. Ganun kalakas ang dating niya and my point is wala kang pakielam doon. Because nakafocus ka lang sa work mo and that is very good! Kabilin bilinan ni Mr. Montano, he wants someone that will just do her job and go. No personal emotions involved, yung hindi siya aakitin. Because that's what happened to Mary." Mahabang pagpapaliwanag ni Madam.

Saglit, aakitin? Seryoso ba yun? Ano naman ang akala niya, kahit gwapo siya hindi naman lahat ng babae ay magkakagusto sa kaniya. Iba iba din tayo ng type at hindi ko siya type. Grabe naman mentality ni Mr. Montano.

"Thank you po for the compliments pero hindi naman po sa hindi ako nagaguwapuhan kay Sir. Iba lang po siguro ung tipo kong lalaki." Pagpapaliwanag ko naman.

"Then, that's good. So, do you accept the offer?" Masayang tanong nito.

"Oo naman po, Madam." Obvious naman yung sagot ko.

"Good, then I will forward this to the HR Department and expect a call from them within the day to sign your new contract. Okay, Jenna?" Sabay lapag ng papel sa desk nito at may isinulat.

"Yes po, salamat po Madam." At bumalik na ako sa aking desk.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
wow swerte mo naman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status