Share

Chapter 2

Nakatitig lang ako sa salamin sa cr habang naghihintay sa kaibigan ko, dito kami madalas dumederetso ni Kiara pagkakatapos ng klase. Paano ba naman kasi every after class palagi siyang tinatawag ng kalikasan.

Staring at my own reflection makes me think about what I look like. I am nothing without my glasses. Masyado na kasi talagang malabo ang mga mata ko, paano namang hindi, e bata pa lang talaga ako ay hilig ko na magbasa ng mga libro, iyon rin kasi ang pinamulat sa 'kin ni Tiya. I have lots of pimples, yes? Madalas kasi ako magpuyat sa pag-aaral at pagbabasa saka sensitive ang balat ko. I also have pale lips because I am not fond of lipstickand lip tint. Allergic ako sa mga cosmetics, nangangati ang labi ko, nalaman ko 'yon no'ng minsan akong nilagyan ni Kiara, pero may iba namang hindi.

I don't have braces. Wala rin naman akong makapal na bangs, at wala akong masyadong makapal na kilay. Kahit baduy ako manamit, at medyo old fashioned talaga, hindi naman ako katulad ng typical na nerd na makakasalamuha mo. Hindi ako 'yong madaling mangatog sa takot, hindi rin ako 'yong nauutal magsalita at palaging nakayuko.

"Alam mo Mavis maganda ka naman e, hindi ka lang marunong magayos, saka hindi ka pangit, sadyang mapanghusga lang sila." Natawa ako at binalik ang salamin ko sa pagkakasuot.

"Wala akong panahon sa mga bagay na 'yan, eto ako e feeling ko kapag binago ko 'yon parang binago ko na rin ang pagkatao ko."

"Sabagay, embrace your flaws and appreciate your own beauty nga kasi. Kaso 'yong beauty mo tinatago mo," Natawa na lang ako at inayos na ang libro saka iyon binuhat gamit ang dalawang kamay na halos magmukha na 'yong akap-akap ko.

"Uuwi ka ba agad?"

"Dadaan muna ako kay tiya," Nag-usap kami habang naglalakad.

"Kumusta naman unang araw niyo?"

Mahinang bulong niya kaya agad naman akong nagkibit-balikat. Alam ko na rin naman kung ano at sino ang tinutukoy niya.

"Parang wala lang."

"Bakit kasi—" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang may kumausap sa kaniya.

"Ay bestfriend mo siya?" Tiningnan ako no'ng bakla mula ulo hanggang paa bago hilaw na ngumiti sa akin.

"H-hello! Ang cute mo naman manamit—oo, 'yan ba bagong uso? Gusto ko ma-try."

"Oo e, gusto mo talaga? Payag akong maging stylist mo," Hilaw na ngiti ko rin na kinasimangot niya. Napakaplastik!

"Mauna na kami, pasa ko na lang sa SC office bukas."

"Sige Kiara bye! And bye rin, Miss stylist," Ngumiwi pa ito. Tss! Hirap kasi sa mga tao mas gusto pa magpakaplastik kaysa magpakatotoo, tanggap ko naman.

"May sundo ka ba?"

"Mayroon pero on the way pa lang."

"Hintayin na kitang makaalis."

"Naks naman talaga naway lahat Mavis."

Tulad ng sabi ko'y hinintay kong dumating ang sundo ni Kiara, bago ako nag cab papunta sa bahay ni tiya, kung saan ilang taon rin akong tumira.

Medyo tahimik 'yon at animo'y walang tao, pero alam kong naroroon si tiya at tama nga ako medyo mahina lang ang pagpatugtog ng cassette.

"Tiya mano po,"agad niya akong nilingon.

"Kaawaan ka ng Diyos, ano't naparito ka?"

"Namiss lang po kita."

"May asawa ka na, dapat umuuwi ka ng maaga para ipagluto siya." napaisip naman ako, parang ang saya sa pakiramdam no'n.

"Maya-maya po sigurado naman na gabi na siya makakauwi kaya aabot pa ako."

Tumagal pa ako ng kalahating oras bago nagpasyang umalis. Tahimik na nilalakad ko ang na bahay ni Drei kung saan na ako nakatira ng may makitang lalaki di kalayuan, unti-unting bumagal ang paglakad ko, titig na titig ito sa bahay mismo ni Draven.

Who is he and what does he want?

Why is he staring at my husband's house?

Nang makita ako nito ay mabilis na nitong sinuot ang salamin at agad na sumakay sa kaniyang motor saka mabilis na nagmaneho paalis.

With my brows shut, I started to formulate assumptions in my mind. That guy is up to something, and if it's about Draven... should I be bothered?

May kutob ako, at noon pa lang alam ko ng konektado ang lalaking 'yon.

Ilang minuto pa akong tumayo sa harapan ng gate bago tuluyang pumasok. I saw Draven's car, so I assumed he was already home at hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro niya sa calculus.

"Good afternoon Drei," hindi nya ako tinapunan ng tingin, ngunit hindi ko pa rin 'yon ininda.

"Nagmeryenda ka na? Gagawa ako?"

"No need," malamig na sagot niya.

Kahit na ayaw niya'y gumawa pa rin ako ng para sakin bago umakyat at nag shower saglit saka nagbihis. Isang short na hanggang tuhod at maluwang na tshirt ang sinuot ko saka muling pinusod ang buhok. Suot ang salamin na muli akong bumaba upang magluto ng gabihan.

"Drei, let's eat? Nagluto ako."

Hindi niya ako pinansin at piniling umakyat sa kwarto niya. Napabuntong hininga ako at kumain na lang mag-isa, saka ko siya pinaghanda ng gabihan at piniling ihatid iyon.

"Drei hindi ka pa kumakain malilipasan ka na."

"Pwede ba Mavis?! Stop acting like you're really my wife!? Sa papel lang kita asawa kaya 'wag kang umakto na para bang asawa nga kita! Kakain ako kung kailan ko gusto at wala kang pakialam doon, so get out!" Napaatras ako ng bahagya ng galit niya akong sigawan.

"Gusto ko lang nama—"

"I said get the fuck out!" He tried to push me out, dahilan para mataktak ang sabaw na dala ko, kahit mainit iyon at tumama sa paa ko ay hindi ko ininda. This is my fault, and I deserved to feel so unwanted.

Bagsak ang balikat na ibinalik ko ang pagkain sa kusina at nag-iwan nalamang ng pagkain sa mesa in case na magutom siya, nag-iwan din ako ng note bago hinugasan ang mga pinagkainan ko at ginamit sa pagluluto.

Chineck ko rin ang pinto kung naka-lock nang maayos bago tinungo ang kwarto. May kailangan pa kasi akong tapusin na plate, dalawang araw na wala pa rin akong natatapos...pupursigihin nanaman ako ni Sir Gab nito kapag nagkataong umabot ako sa deadline.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ay biglaang umilaw ang cellphone ko dahilan para mabilis ko 'yong tingnan.

'10 pm, West Rosewood, Bldg. 2 (179) xygoMt8'

Nalaglag ang lapis ko sa sahig na nagdulot ng ingay, napatulala na lamang ako sa screen at saka napakunot ang noo.

'I am counting on you, Red.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status