Chapter 3

Hindi ako makapag focus sa klase sa antok na nararamdaman. Mabuti nalang at kahit inaantok ako'y nagagawa ko parin namang makasagot sa mga recitations.

"Hoy ba't mukhang puyat na puyat ka? Hindi ka ba natulog?" Natulog, 2 hours lang. 

"Natulog, pero tinapos ko 'yung plates eh."

"Dapat nagising ka nalang nang maaga, ingatan mo sarili mo mahirap magkaanemia."

"Ang advance mo, masamang damo matagal mamatay." Natawa nalang siya sa tabi ko, habang ako naman ay napatingin sa gawi ng grupong kakapasok lang.

They are four, the first one is Jered Levis, ang pinakamapangasar sa kanila, siya ang madalas akong pandirihan at siya rin ang pinakakinaiinisan ko sa kanilang apat, there's something on him I couldn't like.

Next, Mario Gostav' Alande---The Mr. Perfectionist. I heard lot of things about him, and he really loves to correct everything.

'Dude, fillet as in filley not fillet as in fi-let, that's silent'

'The measurement isn't fine with me, We should make another one.'

'I want a perfect one, ayoko ng sakto lang'

Ilan lang 'yon sa mga naririrnig ko sa kaniya, at isa rin  siya sa kinaiinisan ko. Siguro kung magkakasama kami hindi ko matatagalan ang ugali niyang bawat galaw mo sinisita.

Clover Leaf Ansel, the guy who loves to laugh at someone's downfall.

Lahat tinatawanan niya kahit simpleng pagkakamali, na siguradong maooffend ka. Mahirap siya makasama sa iisang classroom dahil siguradong pag nagkamali ka sa pagrecite o kahit sa pagsolve ng mathematical problem tawa niya ang mangunguna at aalingaw ngaw sa buong silid.

And the last,

Draven Reil Montecillo, the campus crush cold hearted guy who loves to play with girls.

Tahimik siya pero pag nagsalita, masakit. Dun siya magaling, pranka at sasabihin niya ang gusto niya kahit ikasasakit ng iba. Bukod 'dun napakasungit niya sa mga taong hindi niya gusto at isa na ako doon.

Sa kanilang lahat medyo okay pa sakin si Drei, may sense naman ang kasamaan ng ugali niya.

"Matunaw!" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Kiara.

Kiara hates their group too.

Puno kasi ng mga gago.

"Ang gwapo talaga ni Drei no? Ugh! Kung ako girlfriend niyan, kama agad ang bagsak namin."

"Sheess bakit kasi si Zaira ang gusto niya pwede namang ako."

"Gaga! Di pa naman sila! Nagd-date lang kaya pang maagaw."

Hindi ako natigilan sa kung gaano nila kagusto si drei. Natigilan ako sa narinig tungkol kay drei at zaira.

They're dating? I feel a lamp on my throat.

He's dating behind my back?

Sa inis na naramdaman ay naikuyom ko ang kamao ko na agad nahawakan ni kiara.

"Oh what the hell are you doing here nerd?!" Hindi ko nilingon ang kung sino mang nagsalita noon. Ano bang pakialam ko?

"Hey! I am talking to you! Matutong gumalang sa mas malinis sayo." Wow!

Bumuntong hininga ako at hinarap siyang nakataas ang kilay sa akin.

"Ano nga ulit tanong mo?"

"Akala ko ba matalino ka? Boba! Sabi ko bakit nandito ka?" Iba ang boba sa bingi, matatanggap ko pa kung sasabihin niyang bingi ako kesa boba tss.

"Kasi cafeteria 'to at nagugutom ako? Diba dito pumupunta lahat ng nagugutom? Bakit saan ba dapat? Sa library? In case nakakain na pala ang mga libro." Nakarinig ako ng 'oooohs!' Sa mga nakakarinig samin habang siya naman ay napatanga sa akin. Narinig ko rin ang muntik nang halakhak ni kiara kung hindi lamang niya iyon natakpan.

"Stupid! What I mean is! You shouldn't be here! Trash don't eat!"

"Sa pagkakaalam ko ang basura hindi humihinga, pero naamo'y sa hininga---parang 'yung sayo,  amoy bulok na."

Nakarinig ako ng tawanan na mas kinapula ng mukha niya.

I maybe a nerd, but told you not the typical one, lalo pa ngayon bitin ang tulog ko at mabilis uminit ang ulo ko.

"How dare you!" Mabilis niyang dinampot ang juice ko at mabilis 'yung isinaboy sa akin. I heard gasps. Napatingin ako kay kiara na mukhang nagulat din at nang bumaba ang tingin ko sa table ay doon ko nakita ang pinaghirapan kong tapusin na plates kagabi.

My eyes widen.

"Shit!" Mabilis akong tumayo at sinubukan pang tuyuhin iyon.

"Ops! I mean it." Mariin akong napapikit at pinigilang makagawa ng isang bagay na alam kong hindi makakabuti para sa akin.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at pinili nalamang umalis. Agad na sumunod sa akin si kiara.

"Looser! Akala mo kasi kung sinong matapang talunan naman. Tss!"

Napalingon ako sa gawi ni Drei and they were laughing. Seryoso akong naglakad papalabas habang tahimik naman si Kiara na tila tinatanya kung paano ako kakausapin.

"Ayos ka lang?"

"Hindi," iyon ang totoo.

I was mad inside but I need to calm outside.

"Dapat kasi hindi mo nalang pinansin."

"Next time,"

"Paano 'yan?"

"Gagawin ko na muna." Shit! Ang pagod pagod lang gawin nito.

Dumeretso kami sa student park para doon gawin ang plate ko.

Halos nakailan pa akong subok na mabilis ko ring ginugumos a ibinabato kung saan na siya namang pupulutin ni kiara.

Fvck! Pinangungunahan ako ng iba't ibang emosyon.

Muli ko pang nakita ang grupo ni  Drei at nakitang may kasama siyang babae, si Zaira.

Hindi lingid sa kaalaman kong gusto siya ni drei, bago pa man kami ikasal.

At mas naiinis ako.

"Wag mo na muna kayang gawin? ipahinga mo muna sarili mo?" Inaantok parin ako at talagang mainisin ako kapag ganitong gusto kong matulog.

Marami akong ugali na natatago, sobrang dami na kapag inilabas ko, alam kong makakasakit ako.

Kaya hanga't maaari pinipilit kong maging kalmado at intindihin nalang. Hindi ako lumalaban, kasi alam kong kapag ginawa ko wala silang laban.

Hindi ko lang napigilang magsalita kanina dahil wala ako sa mood.

"Hi, Mavis." Nilingon ko ang nagsalita at napaisip ako kung anong kailangan niya.

"Hello,"

"Gusto kita iinvite sa birthday ko, okay lang?" Tiningnan ko ang invitation na hawak niya, ngunit hindi sa akin nakaligtas ang klase ng tingin na pilit niyang itinatago pero agad ko rin namang nahuli, sa bagay na ganito hindi niya ako maloloko.

Kunwari'y inabot ko iyon at pekeng ngumiti.

"Bakit mo naman ako naiisipan iinvite? Hindi naman tayo close."

"Eh diba crush mo naman isa sa kaibigan ko? Kaya sige na pumunta ka." Hindi ko alam kung paano kumalat na crush ko si drei, I never confessed my feelings infront of everyone, I am not that stupid. Maybe someone leaked an information she or he heard from our me and kiara's conversations. Bunch of stupids.

Gustong gusto ko siyang taasan ng kilay pero dahil may pinangangalagaan ako, hindi ko ginawa.

"Sige,"

"Wear anything you want...aasahan kita." Kumindat pa siya sa akin na gusto kong ikangiwi pero napakarami ang nakatingin kaya yumuko ako at doon nilabas ang pagngisi.

"Don't tell me pupunta ka? Nakuh mavis ah kahit naroon si draven...hindi mo parin sure kung ano ang gagawin nila sayo."

Bago pa ako sumagot ay nakita ko nanaman ang pagilaw ng phone ko.

'Levis Residence, tomorrow night 8 pm. Rm 3'

Sinasabi ko na nga ba.

Hinarap ko si kiara gamit ang kalmado kong mukha.

"Wala namang masama, susubukan ko lang. Saka hindi naman siguro ako pababayaan basta ni Drei, lagot siya sa parents niya." Napailing naman ito.

"Ewan ko sayo kung bakit ang bilis mong nagpapauto."

Kung alam mo lang kiara, iba ang pakay ko.

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status