Share

Chapter 2

"Gusto mo ng maiinom?" tanong sakin nitong katabi ko.

"Naku wag ka nang mag abala pre, maraming salamat sa pagkain na binigay mo, kahapon pa ako huling kumain eh." ani ko sabay subo ng fries na isinawsaw ko sa ketsup.

"Tsaka salamat din pala, kung di mo ako tinutungan kanina ay baka callboy na ako." pasalamat ko ulit sa kanya.

"Ang dami mo namang pasasalamat, wala lahat iyon," saad ni dylan na pansin kong nakatayo na pala sa harapan ko.

"Dito ka lang, bibili lang ako sa loob." paalam pa nya.

Di ko na sya napigilan ang bilis maglakad, ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Eto oh." alok nya sakin ng biniling softdrink.

Inabot ko na lang ito at nagpasalamat. Makalipas ng ilang minuto, malapit na akong matapos kumain ay bigla syang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

'Nandito pa pala sya'

"Mag-iisang buwan nang muli akong maka-uwi dito sa pinas, isang taon kasi akong nagtrabaho sa Europe." kwento nya.

Hindi ako sumagot nakinig na lang sa kanya. Binigyan niya ako ng pagkain kaya pakiramdam ko ay obligado akong makinig sa kanya.

'Hayys iba din ang paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob ah'

"Ikaw Rylan, san kang probinsya galing at bakit mo naisipang pumunta dito sa maynila?"

Napabaling ako kay Dylan dahil sa kanyang tanong.

"Ah Sa Bulacan ako galing, nagbaka sakali ako dito sa maynila katulad ng ibang taga-probinsya na gustong makapag trabaho. Hindi naman iba sakin ang kaibahan ng lungsod at probinsya, maraming tao dun sa amin ang nagpayo sakin na mag ingat sa pagpunta ko dito. lalong-lalo na ang aking mga magulang, alam kong nag aalala  na sila sakin, pero nagpursige talaga akong pumunta dito kasi gusto ko silang matulungan."

Nakatingin lang sa aming harapan si Dylan pero pansin kong tumatango siya minsan habang nakikining.

"May mga nakababata pa akong kapatid na nag aaral ngayon kaya naman, kung makahanap ako ng trabaho dito ay gusto kong suportahan ang pag aaral nila, gusto ko ding padalhan si inay ng pera para mabawasan naman ang aming utang at kung papaladin ako ay baka mapatigil ko na sila sa pag tatrabaho lalo na si tatay. Sobrang delikado kasi ang trabaho nya."

"Ano ba ang trabaho ng tatay mo?" tanong naman nya.

"Nagtatrabaho sya sa isang pataniman ng palay."

"Ano naman ang sobrang delikado dun? nangangain ba ang lupa sa pinagsasakahan nya?" napapatawang tanong muli nito.

Tiningnan ko naman ito ng kakaiba bago sumagot..

"Hindi naman sya magsasaka, taga spray sya ng mga kemikal sa mga palayan." sagot ko naman sa kanya.

'luko eh, kung nangangain ba daw yung lupa? iba din to.'

"Oo nga, baka magkasakit nga sya dahil dun," pagsang ayon naman nito.

At yun ang kinatatakutan ko sana naman ay makahanap na ako ng trabaho dito bago pa mahuli ang lahat at magkasakit na si tatay dahil sa trabaho nya.

Pero sino naman kaya ng tatanggap sakin sa trabaho kung (amoy, amoy sa kili-kili ) hindi pa ako nakakaligo.

"Mula nung mag highschool ako ay sa condo na ako nakatira," anito habang nakatingin saking ginagawa.

"Condo? iyon ba yung tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya sabay turo ng isang building na mataas na nasa may di kalayuan samin.

"Oo yan nga, maganda tumira sa condo, mataas at nakakamangha talaga ang view. Pero nung nasa Europe ako ay naisip ko pagnakabalik ako dito sa pinas ay gusto kong bumili ng sariling bahay, gusto ko kasi magkaroon ng privacy at katahimikan." pagpapatuloy pa nito.

"At natupad naman ang gusto ko, nang makauwi ako dito sa pinas ay naisipan kong bumili ng bahay sa isang subdivision sa marati. Maganda yung bahay, nakuha ko yung privacy at katahimikan na gusto yun nga lang..." putol nya sa sinasabi nya.

"Yun nga lang?" tanong ko.

"Yun nga lang ay kailangan ko ng kasambahay, di kasi ako marunong magluto kaya kada umaga puro kape lang ako, tapos di ko na rin maayos ang bahay dahil busy sa work. Hayys," saad nito sabay buntong hininga dahil sa problemang meron sya.

Napaisip naman ako sa kanyang sinabi, kakapalan ko na mukha ko at mag magtatanung kung pwede mag-apply .

"Marunong ka ba maglinis ng bahay?"

Oo naman, yan ang trabaho ko sa bahay namin wala kasi lagi si inay para gawin pa iyon, busy kasi sya sa paglalaba sa kapit bahay at pag racket pa sa palengke.

"Marunong ka bang magluto?"

Dyan ako sigurado, mahilig kasi talaga ako magluto at libangan ko talaga iyon, dahil siguro sa dami na ng napasukan kong karenderya noon. Natutuwa din ako pag nagugustuhan ng kumakain ang luto ko.

"Oo parehas ang sagot ko, bakit mo naman natanong?"

"Pwede bang ikaw nalang kunin kong kasambahay?"

Bigla akong nabingi sa tanong nya, magtatanong pa lang dapat ako kung pwede ako mag apply tapos kinukuha na nya ako.

Tulala parin ako habang naka titig sa mukha nya.

"Ano payag ka ba Rylan?" tanong nya ulit.

Teka kailangan ko sumagot, eto na yung hinihintay ko ang magkatrabaho, eto na yun kaya di ko na to palalampasin pa.

"O-Oo naman, tinatanggap ko ang trabaho, Maraming salamat pre," masaya kong sagot na may kasamang magkakasunod na tango. Halos matanggal na ulo ko sa katatango.

"Ganun ba, nasaan ang mga gamit mo?" tanong pa nya habang tumatayo na sa pagkaka upo sa tabi ko.

"Ah yun gamit ko kasi ay na sa may Quiapo. May pinag iiwanan lang ako dun. Tapos sa hapon kinukuha ko na sya dahil uuwi na yung pinag hahabilinan ko. " sagot habang sumusunod sa paglalakad nya.

"Tara kunin na natin ang gamit mo."

'Ha? pero medyo malayo na ang Quiapo dito... wala na din akong pamasahe, ayaw ko namang gastosin itong pera ng bakla, hindi naman ito sa akin.'

"Wag ka mag alala, may dala naman akong sasakyan," ngiti nitong saad sakin.

Nakarating kami dito sa may gilid ng fastfood nang may nakita akong napakagandang sasakyan, itim ito na talaga namang mamahalin. Napansin ko na lang na nakalapit na pala sya dun at kumakaway sakin para lumapit din.

"Sakay ka na."

Ang totoo ay nahihiya ako, ayaw kong madumihan ang sasakyan nya dahil madumi na talaga ako kaya kahit nakatingin sya sakin at naghinihintay ay di ko parin magawang gumalaw at sundin ang utos nya.

"May problema ba?" tanung nya na may halong pag aalala.

"Ah wala naman, ano-- mag lalakad na lang ako pede mo bang hintayin na lang ako dun." ani ko sa kanya pansin ko naman ang pag kunot ng kilay nya.

"Alam kong hindi pa tayo nagtatagal na magkakilala pero hindi ako masamang tao Rylan, hindi kita sasaktan at lalo ng hindi naman kita dadalhin sa ibang lugar sa oras na sumakay sa kotse ko," sagot nito na may halong lungkot.

Nabigla ako sa sinabi nito, siguro ay di talaga kami nagkaintindihan wala naman akong duda sa kanya sa totoo nga ay magaan ang loob ko sa kanya eh.

"Ha? naku hindi yon ang iniisip ko Dylan, ano kasi ang totoo ay nahihiya akong sumakay, bukod sa madumi ako ay--" pinutol nanaman  nya ang sasahin ko.

"Rylan, wala naman iyon sakin." sabay ngiti pa nito.

Di ko alam pero dahil sa mga ngiti nyang yan ay di ako maka tanggi sa kanya.

Wala na akong nagawa at tuluyan ng sumakay sa sasakyan nya. Ang lamig sa loob at napaka bango.

"Rylan mag seat belt ka," utos pa nito kaso hindi naman ako marunong maglagay nun.

Siguro ay napansin nya na di ako magkaintindihan kung pano ba ikakabit yung seat belt na sinasabi nya kaya bigla naman akong nagulat ng lumapit sya sakin at parang yayakapin pa ako, kaya napapikit na lang ako.

Tapos naka rinig ako ng *click* kinabit nya lang pala yung seat belt, kinabahan naman ako dun. Nung tingnan ko ang mukha nya ay naka ngisi na sya.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan nito. Habang nakatanaw ako sa bintana. Sya naman ay deretso lang nakatingin sa harap.

Napaka bilis ng mga pangyayari, hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala, sa wakas ay may trabaho na ako.

Bigla kong naalala nung pagdating ko pa lang dito sa maynila, nakakahilo ang mga building na nakapalibot sakin, para akong baliw na nakatigil sa gitna ng maraming taong mabibilis na naglalakad at di nadaanan lang ako, yung iba naman ay binibigyan ako ng tingin na para bang  nagtataka sila kung bakit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang nakakapanibago dito sa syudad, lahat ng tao ay halanag busy at nagmamadali. parang napaka laking bagay ang mawawala sa kanila paglumipas ang isang minuto.

At tanda ko pa din ng dumilim na, ginugol ko kasi ang unang araw ko pa lang sa pag hahanap agad ng trabaho imbis na maghanap muna ng matutuluyan. Kaya eto naglalakad ako sa madilim na daan, hindi ko alam nung mga panahong iyon kung san ako magpapalipas ng gabi. Dahil siguro sa pagod ay minabuti ko munang umupo sa harap ng isang saradong tindahan. At ng magising ako ay umaga na pala ulit. Bagong araw na naman isip isip ko.

Nagpatuloy ang mga araw ng paulit ulit lang, tipid na tipid ko pa ang dalawang daang piso na aking huling pera, halos isang tinapay at madaming tubig lang amg gawa ko para magtagal ng kunti ang pera ko, kahit alam ko naman na hindi na ito sapat pa para sa mga susunod na araw.

Naranasan ko din ang sobrang lungkot dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang aking loob, gusto ko nang umuwi alam ko yun pero may isang parte ng aking pagkatao na nagsasabi sakin na kailangan kong tatagan ang aking kalooban para sa aking pamilya.

Halos maiyak ako sa takot ng isang gabi na muntik na akong masali sa isang gang war. Ganto kasi ang nangyari...

Isang gabi pag higa ko sa harap ng isang saradong tindahan ay nagising ako sa malalakas na ingay parang may nagtatalo, nag aaway kaya biglang naimulat ko ang aking mga mata sa di kalayuan ay naaaninag ko pa ay dalawang grupo ng mga kalalakihan na nag bubugbugan tapos bigla silang nagtakbuhan papalapit sa dereksyon kung nasan ako tapos nakita ako nung isa na may hawak syang kutsilyo at masama ang tingin nya sakin sa takot ay hindi ko nagawang makagalaw hanggang sa...

"Rylan? Uy okay ka lang ba kanina pa kita tinatawag," saad ni Dylan, dahil sa pag tawag nya sakin ay naputol ang aking pag babalik tanaw sa nangyari sakin.

"Hayss, ah oo okay lang ako nasan na tayo"

"Kanina pa tayong nakarating at nakatigil dito, pero di ka naman gumagalaw kala ko kung ano nangyari sayo."

"Ah ganun ba, tayo na." nagmamadali kong sabi pa. ' nakakahiya kasi.'

Nang makababa kami ay hinanap agad ng aking mata ang aking pinaghabilinan ng gamit isang bag lang naman iyon na may lamang maduduming damit.

Habang naglalakad-lakad kami ay nakita ko na rin, isa syang matanda na nagtitinda ng banana cue dito sa harap ng simbahan.

"Lola, maraming marami pong salamat sa pagbabantay nyo lagi sa aking gamit," masaya ko pang sabi dito.

"Naku walang anuman iyon utoy mag iingat ka lagi ha."

Habang nakikipag usap ako kay lola ay di ko napansin na nasa likod ko na pala si Dylan.

"Lola magkano po ang tinda nyo?" tanong pa ni dylan sa matanda.

"12 pesos hijo ang isa nitong banana cue," sagot naman ng matanda.

Napahiya naman ako ng maisip na baka kaya gutom na si dylan ay dahil ibinigay niya ang pagkain nya sakin kanina. Pero di ko akalain na kahit mayaman si Dylan ay kumakain pala sya ng mga ganung pagkain.

"Sige po, bibilhin ko na lahat ng paninda nyo para maka uwi kayo nang maaga," ani Dylan sabay ngiti sa matanda.

Hindi naman makapaniwala si lola sa sinabi ni Dylan, ako may ganun din.

'Mukhang gutom na gutom na nga sya.'


Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status