Share

Chapter 3

"Eto oh banana cue, kain kayo." ani ko sa mga batang nanglilimos na nakaupo sa may gilid ng kalsada.

Akala ko talaga ay kakainin ni Dylan lahat ng binili nyang banana cue may lola kanina. 

"Kaya mo bang ubusin lahat ng binili mo kay lola? isang bilao yun." saad ko habang naglalakad kami pa layo.

"Haha syempre hindi ko kayang ubusin lahat kuha lang tayo ng apat, tig dalawa tayo tapos yung lahat ng tira ay ipapamigay na natin." masaya naman nitong sagot sakin.

Nakakahanga talaga itong si Dylan, unang una na ay mabait sya dahil iniligtas nya ako kanina at binigyan pa nya ako ng trabaho at ngayon naman ay  namimigay sya ng pagkain sa mga batang nakikita naming nanglilimos dito.

"Kuya salamat po," sabi ng isang batang nabigyan namin.

"Wag ka sakin magpasalamat, dun oh" turo ko kay Dylan, ito naman kasi ang bumili ng mga pagkain. 

Ang totoo nyan ay katulad din ng iba ang aking paniniwala pag dating sa mga mayayaman. Ang tingin ko sa kanila ay mga matapobre at mayayabang. Nung elementary kasi ako sa probinsya ay may naging kaklase akong mayaman daw, napaka yabang nya at ang galing manghamak ng iba. Alam kong hindi dapat hinuhusgahan ang isang tao dahil sa estado ng kanyang pamumuhay.

At nang makilala ko si Dylan ay alam kong nagkamali talaga ako.

Nakangiti akong pinagmamasdan sya habang nakikipag usap sa mga bata. Suot nya ang isang napaka gandang ngiti na sa oras na yun ay gusto kong maniwala na isa syang angel.

--------------------------

Ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa kotse nito, ubos na din ang laman na banana cue ng bilaong aking hawak.

Napakasaya pala na makatulong napakagaan sa pakiramdam habang na aalala ko pa ang mga ngiti ng mga bata kanina.

---------------------------

"Ito yung resume ko. " sabay abot sa kanya galing sa brown envelop na kanina ko pa hawak.

Nandito kami ngayon ni Dylan sa loob ng opisina nya sa bahay.

Sobrang nakakamangha talaga itong bahay ni Dylan, ang laki sobra at ang ganda. malaking bahay ito na may dalawang palapag, napaka linis at napaka kintab ng sahig pwede ngang manalamin sa linaw nitong tiles nya. 

Pagpasok pa lang namin kanina ay hindi na ako makapaniwala sa mga picture book lang ako nakakakita ng ganitong mga bahay. 

"Birth certificate mo?" nagising naman ako dahil sa tanong nya sakin.

Kinalkal ko ang loob ng aking brown envelop at ibinigay sa kanya ang dokumentong kailangan nya.

"Sige Ok na ito," sabi nito habang tinitingnan ang mga papel na hawak.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito.

'Salamat God may trabaho na po ako.'

"Teka, isang bagay pa," pahabol pa nitong sabi na ikinawala ng ngiti ko.

'Sabi nya kasi kanina ay ok na.'

"May cellphone ba ang mga magulang mo, wala kasing nakalagay na nemuro dito sa resume mo?" anito sabay pakita ng resume ko sakin. Patay nakalimutan ko pala isulat dun.

"Meron si nanay, eto yung number nya." sabay abot ng luma kong cellphone, 3310 pa ata ang cellphone ko.

"Tatawagan ko lang para makumperma ko." 

Kita ko syang pinipindot ang mamahalin nyang cellphone sabay tapat nito sa tenga nya.

"Hello po, ako si Dylan Von Hendricks ang employer ni Rylan, gusto ko lang pong malaman kung tama itong number na ibinigay nya."

"Opo, house keeper po ang trabaho nya." 

"Yes po, ok lang po sya, wag kayong mag alala wala po sya sa kapahamakan."

"Maraming salamat din po," saad nito pagkatapos ibaba ang telepono.

Ako naman ay naghihintay lang ng sunod nyang sasabihin.

"Ngayon ay sasabihin ko sayo ang mga rules and regulations ko dito sa bahay. " ani Dylan na nakangiti sakin.

Napangiti rin ako ibig sabihin approve na ako sa kanya at napa upo naman ako ng maayos pagkatapos marinig ang sinabi nya.

"Una, hindi ka pwede magpapasok ng kahit sino dito sa bahay lalo na kapag wala ko kahit sabihin pa nilang kilala nila ako sabihin mo na lang na bumalik sila pag nandito na ako sa bahay, maliwanag ba?"

Napatango naman ako bilang pag sagot, nakakatakot din pala itong si Dylan pag seryoso, parang kanina lang ay nakikipag apir pa sya dun sa mga bata. Siguro ay ginagawa nya ito para seryosohin ko ang sinasabi nya.

"Dalawa, hindi ka pwede lumabas ng bahay pag hindi mo day-off." 

Napaisip naman ako.

'Pano pag may sunog, hindi parin ako lalabas?'

"Alam kong may tanong ka Rylan, halata dyan sa mukha mo," natatawa nitong sabi.

"Pag may suno--" naputol na ang sasabihin ko.

"Syempre kailangan mo ng lumabas pero kung ibang dahilan naman katulad ng; kung gusto mo lang bumili sa labas o iba pa ay walang problema, maraming pagkain dito at hindi mo na kailangang lumabas pa hindi ka din maiinip dito dahil may TV naman o kaya ay pwede ka namang matulog pag tapos mo na ang lahat ng gawain, " mahaba at malinaw na paliwanag nito. 

Tango na lang ulit ang nai-sagot ko sa kanya.

"At ang huli ay hindi ka pwede pumasok dito sa aking opisina kung walang pahintulot ko. Maliwanag ba ang lahat Rylan?"

"Opo sir, wag ka mag alala hindi kita bibiguin Salamat talaga sa trabahong ibinigay mo. Pagbubutihan ko," masaya kong sagot sa kanya.

"Wag mo akong tawaging sir. Dylan na lang." 

Sinagot ko na lang sya ng isang tango.

Madali lang naman pala ang mga palatuntunin nya dito sa bahay.

"Gusto mo na bang pag usapan ang tungkol sa day-off at sahod mo?" tanong nito sakin ng nakangiti.

--------------------------------

"Rylan iiwan ko na lang dito sa kama mo ang damit at short," ani Dylan sa labas ng banyo kung saan ay naliligo ako.

'Hayss sarap maligo pakiramdam ko ay isang taon akong di nakaligo.' 

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang damit na sinasabi ni dylan. Itinapat ko ito sa king katawan at napa isip."

'Ang laki parang dress na to ah,' ang haba kasi. Tapos maluwag yung short pero nagulat ako ng may nakita akong pardible sa tabi nito. Napangiti na lang ako.

Pagkatapos kasi ipaliwanag ni Dylan ang ang tungkol sa aking sahod, day-off at trabaho dito ay  itinuro muna ni dylan ang magiging kwarto ko. Ang laki nitong kwarto para sakin. Puti ang pintura nito at sa tabi ay may single bed at kaharap naman nito ang aparador. May sarili din itong banyo. 

Pero kahit ilang beses kong iikot ang aking paningin ay bakit walang electric fan.

Napa iling na lang ako habang isinusuot ang short na nilagya  ko ng partible ng biglang bumukas ang pinto.

"Rylan tapos k---" naputol ang sasabihin nya at bigla na lang natulala.

Napatingin naman ako sa itsura ko ngayon. Wala pa akong damit at isinusuot ko palang yung short. Pagtingin ko sa harapan ko ay wala na si Dylan at nakarinig na lang ako nangpag bagsak ng pinto at ang kanya paghingi ng tawad.

Binilisan ko na ang pagdadamit ko at sumilip sa labas ng pinto, nandun sya at nakasandig sa pader.

"Dylan tapos na ako magdamit," ani ko habang sya naman ay hindi makatingin sakin ng deretso, namumula din ang kanyang mukha.

'Okay lang kaya sya, baka nilalagnat, imposible naman syang maging lasing.' 

"Ituturo ko lang sana sayo kung pano magbuhay ng aircon sa kwarto mo," saad nito habang papasok sa kwarto.

AIRCON! daw kaya pala walang electric fan... wow susyal naman ngayon lang ako nakarinig ng kwarto ng kasambahay na may aircon.

Kita ko na may hawak syang parang remote ng tv pero dun nya tinututok sa parang puting box na nakadikit sa pader. Tapos maya maya pa ay nakaramdam ako ng malamig na hangin, wow buhay na yung aircon. 

Tinuruan din ako ni dylan kung pano gamitin yung remote habang kami ay naglalakad ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Napaka swerte ko naman para makaranas ng ganitong mga bagay.

Sabi ni Dylan, pagkatapos ko daw maligo ay ililibot nya ako sa buong bahay at ituturo nya din sakin ang pag gamit ng iba't ibang appliances dito sa bahay. Bigla naman akong nasabik sa sinabi nya. 

Napuntahan na namin ang Kwarto nya sa second floor, ang gulo nito at halatang kwarto ng busyng tao nagkalat kasi lahat, itinuro nya din sakin ang guest room daw at dalawang kwarto ito. Ganun din ang laudry room, kitchen, mini library at Game room na may mini bar counter sa loob.

Ngayon ay nasa kusina na kami at nagpapaandar ng iba't ibang gamit dito, tulad ng rice cooker, oven, blender at iba pa. Natutuwa ako kasi ang daming gamit na pang luto dito. Siguro ay masarap magluto lalo na nang tingnan ko ang laman ng napaka laki nyang ref. Mas pa taas pa kasi sakin eh .

"Wow!!! " pagbukas ko ng ref.

"Walang masyadong laman," nanlulumo kong sabi kala ko kasi ay puno ito.

"Hindi ako nag go-grocery ng madami hindi naman ako marunong magluto. Pag umaga kape at pag hapon at merenda naman ay fastfood ang kinakain ko." 

Nalungkot naman ako, masama kasi sa katawan ang masyadong mamantikang pagkain.

"Halika dun naman tayo sa laundry room, tuturuan kita gumamit ng washing machine." ani Dylan habang kasunod ako.

Pagdating namin doon ay tinuruan nya ako kung panu buhayin yung washing machine ng bigla syang may naisip.

"Rylan kunin mo yung madudumi mong damit sa kwarto mo. Itatry natin dito sa washing machine para mas mabilis kang matuto."

Pagkasabi ni dylan ay sinunod ko naman agad ito. Kaya nga pala pinahiram ako ni dylan ng damit ay dahil madumi na lahat ng damit ko.

'Bait talaga ni dylan.'

Itinuro nya sakin step by step kung paano tapos isinet nalang nya yung timer para sa dryer at iniwan na namin ang aking damit dun. Pagbalik ko daw ay tuyo na yun.

"Rylan pede ka na bang magluto ng hapuna ngayon?" saad ni Dylan

nang tumapat kami sa may opisina nya.

"Oo naman, Sige magluluto na ako." 

"Okay yan, tawagin mo ako dito sa office pagkakain na," anito sabay ngiti. 

Yan na naman sya sa ngiti na yan eh, pag ginagawa nya yun ay para akong nauubusan ng hiniga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. 

'Inay may sakit po ba ako?' 

At dahil hindi ko na natanung kung ano gusto nyang ulam ay ako na mismo ang nag isip. Buti na lang at kahit papaano ay may mga sangkat dito sa refrigerator ni Dylan.

Hiwa-hiwa, halo-halo ang ginagawa ko hanggang sa wakas ay natapos din. Bagong lutong kanin at special adobo ni inay.

Pagkatapos ko maghain ay tinawag ko na si Dylan.

Nakaupo na sya sa lamesa habang ako naman ay pabalik na sa labahan para kunin ko yung mga damit ko.

"San ka pupunta?" tanong ni Dylan ng mapansin nya na paalis ako ng kusina.

"Kukunin ko na yung mga damit sa dyer baka tuyo na,"  sagot ko naman.

"Mamaya muna kunin yun, ang kunin mo ay plato at umupo ka dito sa mesa."

"Sabay tayo kakain?"

"Hindi, papanuodin mo lang ako kumain," sarkastiko na sagot naman nito.

Tiningnan ko na lang sya ng masama at kumuha na ng plato.

"Wow, ang sarap ng luto mo rylan, ito na ata ang pinakamasarap na adobong natikman ko," pagpuri naman nito sa luto ko.

Hindi ko naman napigilang mapangiti kaya tinago ko na lang yun sa pamamagitan ng pagsubo ng kanin.

"Tayo nga lang ang tao dito sa bahay tapos ayaw mo pa akong sabayan kumain," reklamo pa nya.

Malay ko bang pwede pala sumabay sa pagkain ng amo nya ang isang kasambahay.

Ngiting ngiti naman ang luko habang nakain, kala mo ay hindi naka-kain ng mahabang panahon. Halatang nilalasap nya yung pagkain bago lunukin.

"Ang sarap talaga," bulong pa nito sa sarili.

Sa unang pag kakataon ay naging sobra akong proud dahil sa hilig ko sa pagluluto.

---------------------------

"Dylan!!!" sigaw ko mula sa labas ng opisina nya.

Natapos ko na kasi hugasan ang mga plato at nasaraduhan ko na rin ang mga bintana at pinto.

"Pasok!!!" rinig kong sabi ng boses mula sa loob.

"Dylan, tapos ko na ang gawain ko," sabi ko ng makasilip ako sa loob ng opisina nya.

"Ganun ba, pwede ka na magpahinga." 

"Salamat," ani ko pagkasara ng pinto.

Pag pasok ko sa loob ng aking kwarto ay naibagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama. Habang naiwan sa aking isip ang katagang..

'God salamat po sa inyong biyaya... nay, tay may trabaho na po ako. '

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status