Share

Chapter 4

Chapter 4

Nagising ako ng maaga, tiningnan ko ang relo na nakasabit sa pader ng kwarto. Alas kwatro palang ng umaga at madilim pa sa labas. 

Minabuti ko nang gumising at magtungo na sa banyo para maghilamos at makapag toothbrush, ito ang unang araw ko sa trabaho. Excited na ako kaya minadali ko na ang ginagawa ko.

--------------------------

Nandito ako sa kusina upang ipaghanda si Dylan ng agahan. Nagluto ako ng itlog, hotdog , at sinangag , ito lang kasi ang nakita kong pwedeng iluto base sa laman ng ref nya. 

"Yan tapos na, kailangan ko nang gisingin si Dylan," sabi ko sa aking sarili. Sabay tingin sa relo dito sa kusina. 5:30 na pala tamang tama lang.

"Dylan!!! gising na, tanghali na liligo ka pa!" pag gising ko sa kanya habang maramang inaalog ang braso nya. 

Nandito na ako sa kwarto nya para ihanda ang kanyang susuotin.

"Rylan?" tawag nya sakin habang naghihikab pa.

Nang makita ko na naka upo na sa kama si dylan ay minabuti ko nang dumeretso sa loob ng ng kanyang walk in closet.

Ang ganda ng kwarto nya, Simple lang ang design nito. Pinaghalong black and white ang kabuoan ng kwarto nya. Inikot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto nya, maganda nga madumi naman. 

Nagkalat ang mga damit at mga gamit nya, napa-iling na lang ako.

"Lilinisin ko nalang pag alis nya" sabi ko pa sa sarili ko.

Habang naghahanap ako ng babagay na necktie para sa polo at coat nya ay naramdaman ko na lang na nasa likudan ko pala sya. 

Napatingin na lang ako ng nakatalikod na sya at may naka sabit na twalya sa balikat. Naka boxer lang pala sya pag natutulog kaya kitang kita ko ang katawan nya na nagbigay ng init sa aking mukha.

Ano ba itong nangyayari sakin? hindi ko maintindihan. Nagulat ako ng bigla syang humarap sakin at nakangisi pa.

"Like what you see?" sabi nito sabay tawa kaya lalong namula ang aking mukha dahil sa hiya.

Nahuli ba naman nya akong nakatingin sa kanya . Ano ba nangyayari sakin ? hindi naman ako bakla at kahit kailan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Sabay sabay pa nga kami ng mga kaibigan ko dun sa probinsya  na naliligo sa ilog kahit walang saplot. Kahit kailan ay hindi ako nailang nangganito.

"Hays." napabuntong hininga na lang ako. 

Walang mangyayari sakin kung iisipin ko pa ang mga bagay na yun. Baka malate pa si Dylan dahil sakin.

Nangmaihanda ko na lahat ay bumaba na ako para ipaghain sya ng pagkain. Hindi muna ako nag timpla ng kape. baka kasi malamig na pagbaba nya.

-------------------------

"Rylan, umupo kana." tawag sakin ni dylan habang ako'y nakatalikod sa kanya. 

"Wait lang ipagtitimpla pa kita ng kape." 

"Ayaw ko na ng kape, pakiramdam ko ay nenerbyosin na ako dahil sa madalas na pag inom nyan dati," sagot naman nya habang nakatingin sakin.

"Ok, eh ano gusto mong inumin?" 

"Ikaw na bahala" saad ni Dylan

Ano kaya pwede sa kanya na magugustuhan din nya? juice kaya? pero hindi healthy at mabuti sa katawan ang mga powdered juice. 

Dahil wala akong maisip ay nagpunta na lang ako sa ref nya, baka maghimala at may makita akong sagot sa loob nun.

At mukha ngang tunay na may himala dahil pagtingin ko sa babang parte ng ref ay may nakita akong mangga. Dahil dito ay may naisip ako. Kinuha ko yun at lumapit sa blender.

"Dylan oh." sabay patong ng inumin sa tapat nya.

"Ano yan?" 

"Ihi ko," kase naman alam naman nya ay itatanung pa.

Binigyan naman nya ako ng masamang tingin na may kasamang pandidiri. Natawa na lang ako dahil sa itsura nya. ang laking tao nito pero di ko maiwasang mapansin na ang cute nya.

"Ihi ka dyan, ipa-inom ko yan sayo e, Kung ano sinasabi mo kumain ka na nga," inis nyang pagkakasabi.

May painis inis pa sya pero iinumin din naman pala nya. 

"May gatas ba ito, ang sarap ah," saad ni Dylan sabay may pagturo pa sa basong may lamang mango shake .

"Talaga masarap?" hindi ko kasi tinikman yun eh, buti nalang at hindi pa bulok yung mangga kundi baka lalo ng nagalit si Dylan.

"Eto oh , tikman mo." sabay abot ng basong ininuman nya. 

Tinanggap ko naman ito at wow masarap nga, ang natitikman ko lang kasing shake ay yung gawa ni nanay na tinitinda nya sa harap ng bahay namin. Yung shake na gawa sa power din. Mas masarap pala pag sariwa ang prutas na ginagamit sa shake.

-------------------------

"Mag iingat ka Dylan sa pag mamaneho ha." 

Nandito na kami sa garahe habang nakasakay na sa kotse si Dylan. Ako naman ay naka-silip sa bintana ng kotse nya.

"Oo naman, ikaw din wag mong kakalimutan ang mga rules Rylan." ito habang nagkakabit ng seat belt.

"Oo naman hindi ko kakalimutan lalabas lang ako ng bahay pagnasusunog na ito." sabay ngiti.

"Baka naman sunugin mo yung bahay makabili ka lang ng kendi sa labas?" ngiwi pa nyang sabi.

Napatawa na lang ako. Habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ni dylan.

"Ba-bye!!" sigaw ko sa labas ng gate.

Kita ko naman na may kamay na lumabas sa bintana ng sasakyan nya at kumaway.

------------------------------

"Pagod." yan ang isang salita na saktong sakto sa narardaman ko ngayon. Pero kahit pagod ako ay may ngiti parin sa labi. Kasi alam kong pagkatapos ng buwan ay may makukuha na akong sahod para maipadala sa aking pamilya. At hindi ko din naman maipagkakaila na masaya ako sa trabaho ko ngayon.

Tapos na akong maghugas ng pinggan tapos nalinis ko na rin ang kwarto ni dylan. Nasimulan ko na din ang paglalaba ng  nakatambak na damit nya.

Hindi ko din kinalimutan na diligan ang mga halaman na ibinilin pa ni Dylan sakin para alagaan.

2:30 na pala ,nakapagtanghalian na ako kanina at hindi ko maiwasang mag alala kay Dylan, habang naka upo ako dito sa sofa at nagtutupi ng mga nilabhan ko kanina ,sigurado akong fastfood nanaman ang kakainin nun para sa lunch. 

Biglang tumunog ang telepono na nasa may hagdan, kaya iniwan ko muna ang ginagawa ko.

"Hello? This is Hendricks residence." yan ang turo sakin ni dylan pag may tumawag daw sa telepono.

"Rylan" 

"Dylan? ikaw ba yan?" 

"Oo kamusta ka na dyan, kumain ka na ba?" saad nito. 

"Oo naman kanina pa, ikaw ba, wag mong sabihin na fastfood nanaman ang kinain mo?" Nag-aalala kasi ako sa kanya

"Haha hindi fastfood ang lunch ko kanina, naki-share ako ng pagkain sa secretary ko may dala kasi sya."  

Dahil sa naring ko ay bigla na lang akong natahimik, secretary daw nya, ano pa ba ang papasok sa utak ko kundi isang babaeng sexy na sobrang ganda, di ba ganun naman talaga ang mga tipikal na secretarya.

"Oyy, Rylan? nandyan ka pa ba?" narinig ko sa kabilang linya.

Para naman akong nawalan ng gana. 

"Ah oo nandito pa ako dylan, Pero iba-baba ko na ha, may gagawin pa kasi ako." ibinaba ko na ang telepono ng hindi hinihintay ang sagot nya. 

Ewan parang may inis akong naramdaman na di ko mapaliwanag.

Habang pabalik ako sa sofa ay bigla kong naisip na maling-mali ang aking ginawa, pinagbabaan ko na sya ng telepono, kabastusan yon.. kailangan kong humigi ng tawad pag dating nya mamaya.

'Nahihiya akong humarap sa kanya mamaya.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status