Share

Chapter 5

Chapter 5

"Ry !! Im home." 

Boses na narinig ko mula sa salas, ibig sabihin nandito na si Dylan. Kinakabahan na ako at hindi mapakali dito, pero kailangan ko syang batiin.

"Ah Dylan nandyan ka na pala." sagot ko sa kanya habang nakasilip sa may kusina 

"Oo at may pasalubong ako sayo" saad ni Dylan pagpasok nya sa kusina at ipinatong sa counter ang dala nya.

Napalapit naman ako at naintriga sa pasalubong daw nya.

"Wow, mukhang ang sarap nito." may dala syang box na donut.

"Reward ko yan sayo dahil ginalingan mo sa unang araw mo sa trabaho."

Nang marinig ko ang sinabi nya ay bigla naman akong nakonsensya, ang bait-bait talaga nya tapos pinagbabaan ko pa sya ng telepono kanina. 

"Ry, gawa mo ulit ako nung mango juice katulad kaninang umaga, magbibihis lang ako." request pa nito.

"Shake yun hindi juice." sagot ko na lang.

Ngayon ko lang napansin na pinaikli pala nya ang pangalan ko parang nickname ganun. Iba kasi ang tawag sakin sa probinsya e, tisoy, maputi daw ako. Hindi ko naman pansin na naiiba ang kulay ko sa kanila.

Ginawa ko na ang shake ni Dylan at inilipat na rin sa plato ang mga donut.

"Bakit isang basong SHAKE lang ang ginawa mo?" tanong nya habang ipinagdiinan pa ang salitang shake.

"Dalawa na lang kasi yung mangga kaya ikaw na lang ang iginawa ko," sabi ko habang nililinis ang blender na ginamit ko.

"Halika ka, ayaw mo ba ng pasalubong ko?" pag papa-awa pa nyang sabi

"Syempre gusto ko yang dala mo, tatapusin ko lang ang paglilinis nito."

Habang inaayos ang blender ay napatingin ako sa kanya, hindi pa kasi sya nagsisimula kumain.

"Bakit ayaw mo pangkumain?" 

"Dala ko nga ito para sayo , kaya sabay na tayo kumain," ani Dylan habang nakangiti 

Parang hindi na naman ako makahinga pag nakikita ko yang ngiti nya. Isa lang ang sigurado ko.

"Dylan is bad for my health".

Dahil iisa yung baso ng shake ay pinag hatian na lamang din namin iyon.

"Ah Dylan pasensya na nga pala kanina, napagba-baan kita ng telepono." saad ko sa kanya habang nakatingin sa hawak kong donut, nahihiya kasi akong tumingin sa kanya.

"Yun ba, wala yun dapat nga ako ang humingi ng tawad kasi naistorbo pa kita alam ko naman na marami kang ginagawa"

Nagulat naman ako sa sinabi nya, ako naman talaga ang may kasalanan eh bigla kasi akong nagselos, Hala! tama ba ang rinig ko sa sarili ko?

Selos..

Selos daw? hindi! hindi ako nagseselos, bat naman ako magseselos ay kasambahay lang ako, at lalaki pa. Sigurado nga ako na may kasintahan na sya.

"Hindi ! ako ang may kasalana---" pinutol nya ang sasabihin ko ng bigla akong salampakan ng donut sa bibig.

"Wag na nating isipin pa yun, enjoy mo na lang itong pasalubong ko sayo." 

Wala na akong nagawa dahil sa sinabi nya tama din naman sya wala din naman akong balak na sabihin ang tunay na dahilan kung bakit ko sya pinagbabaan ng telepono.

"Omph." tunong nya ng salampakan ko din ng donut ang bibig nya. 

Kala ko magagalit sya , pero bigla na lang syang napatawa kaya napatawa na din ako. Hayy, God salamat po pinagkalooban mo ako ng hindi lang basta trabaho kundi isang kasiyahan din.

------------------------

"Kailangan na talaga natin mag grocery." sabi ni Dylan habang kumakain na kami ng hapunan.

"Oo nga , ilang gulay na lang kasi at itlog ang laman ng ref mo." 

"Meron pang frozen na karne sa freezer sa kabilang kwarto, mamaya ililipat ko dyan sa ref." anito pa. 

" Ganun ba, tulungan na lang kita mamaya," sabi ko naman. 

Hindi ko kasi alam na may iba pa pa lang taguan ng pagkain si Dylan. 

"Sabado na bukas at linggo naman ako naggo-grocery pag day-off ko kaya sapat pa ang mga frozen na karne sa freezer."

Oo nga pala isinabay ni Dylan ang day-off ko sa kanya para daw may tao sa bahay pag nag day-off. 

"Nagsisimba ka ba pag linggo Dylan?" tanong ko naman. 

"Oo at pang umagang misa ako napunta." 

"Pede ba akong sumama?" sabi ko sabay kamot sa ulo para sana hindi na ako mamasahe papunta dun. Magsisimba din naman ako, marami akong gustong ipagpasalamat sa Dyos.

"Sige ba." pagsang-ayon nya

"Teka, paano yung grocery?" tanong ko naman

"Pagkatapos natin magsimba saka na tayo mag-grocery." 

Tumango na lang ako habang nakain tanda ng pagsang ayon sa sinabi nya.

"Ang sarap talaga ng luto mong Mechado." 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagpuri nya o maiinis dahil hindi naman mechado yun eh, Caldereta.

---------------------------

Nandito ako sa sofa at nanunuod ng teleserye sa TV.

Kanina pang naka alis si Dylan papunta sa trabaho nya at tapos ko na rin ang lahat ng aking mga gawain para sa araw na ito hapon na rin naman kasi.

Nakakatuwa talagang manuod dito, para akong nasa sinehan ang laki kasi ng TV nya, feeling ko ay kaharap ko lang ang mga tauhan sa aking pinapanuod.

Simula nga pala ng tumawag si Dylan kay nanay nung isang araw ay nagulat ako dahil tinawagan din nila ako nung gabing iyon, kinamusta ako ni nanay kung okay lang daw ba ako, masaya din sya na nakahanap ako nang trabaho at nasa maayos akong kalagayan.

Nagpaload daw talaga sya para makausap ako, sabi ko kay nanay na miss na miss ko na silang lahat. At sa katapusan ng buwan ay sa wakas ay makakapag padala na ako.

Nagpasalamat naman sya pero lagi nya akong sinasabihan na alagaan ko din ang aking sarili at wag masyadong magpakapagod. 

Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanila at gusto ko pa sanang makausap ang ang mga kapatid ng bigla na lang naputol na ang tawag, siguro ay ubos na ang kaunting ipinaload ni nanay.

Wala pa kasi akong pera kaya hindi ko sila magawang tawagan. Natapos na ang teleseryeng pinapanuod ko ng magsimula naman ang isang cooking show, tuwang tuwa ako sa panunuod. Ang gagaling nila at mukhang masasarap ang mga niluluto nila, yung cooking show nga pala ay para sa paggawa ng panghimagas yung mga dessert ba, puro mga cake, pie, cup cake at iba.

Habang nanunuod ako ay bigla kong naalala ang paborito kong panghimagas, ang Graham cake na una kong natikman ng umattend ako ng isang birthdayhan. yun ata ang una at huling beses na nakatikim ako nun. Mula nun ay gustong gusto ko ulit makatikim yun, pero wala naman kaming pera para makabili ng sangkap para makagawa.

-----------------------

Araw na ng linggo at sabik na ako dahil ito ang pinaka una kong day-off .

'Ano kaya ang gagawin ko at san kaya ako pupunta?' tanong ko sa sarili ko.

Maaga akong nagising para maghanda ng agahan namin ni dylan para makakain kami bago magsimba.

"Dylan!!! kakain na gumising ka na," saad ko habang ginigising sya.

"Excited ka ata ngayon Ry,"

rinig kong sabi nya habang naglalakad papasok sa banyo.

"Oo naman, excited talaga ako kaya bilisan mo na maligo," sabi ko na lang habang palabas na ng kwarto nya para makapaghain na ng agahan.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko para maligo at magbilis na.

Paglabas ko ay nakaupo si dylan sa sofa, tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at bigla syang umiling.

Napatingin naman ako saking sarili, nakasuot ako ng pinaka maayos kong t-shirt (yung pinaka-kakaunti ang butas) at kupas na pantalon samahan pa ng lumang tsinelas dahil wala akong sapatos. tumingin ako sa kanya at napansin na nakatayo na sya sa harapan ko.

"Wala ka bang mas maayos na damit?" huling narinig ko nang bigla nya akong hinigit papunta sa kwarto nya.

----------------------------

"God, maraming marami pong salamat sa lahat ng inyong biyaya sakin at pag gabay sakin dito sa maynila ,kung hindi dahil sa inyo ay baka matagal na akong sumuko, ayaw kong biguin ang ang pamilya, gusto ko po silang matulungan, salamat sa inyo dahil nakilala ko si Dylan.

 Alam ko pong sya ang ipinadala nyo para tulungan ako, pero may mga bagay pa rin po akong hindi maintindihan pag malapit sya sakin biglang bumibilis ang tibok ng puso ko at umiinit ang mukha ko. pasensya na kayo dahil sa inyo ko ito nasasabi  wala pa kasi akong ibang mapagsabihan.

 Sana po gabayan nyo ang aking pamilya sa probinsya  yun lang po. Amen." panalangin ko naman ng tahimik habang nakaluhod dito sa simbahan.

'Marami ng tao dito na katulad ko din ay nagdadasal upang pagpasalamat o humingi ng kapatawaran.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status