Share

Chapter 7

Chapter 7

"San ko ilalagay itong mga de lata Dylan?" tanong ko sa kanya habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.

Umuwi na rin kami kasi wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall.

"Ako na bahala dyan Ry, dito kasi sa taas yan nilalagay, kaso di mo naman abot." ngisi pang sabi nya sakin, inaasar na naman ako dahil ang liit ko. 

Hindi pa kasi umabot sa balikat nya ang height ko, tapos ang payat ko pa.

"Kaya nga naimbento ang HAGDAN. " inis na tugon ko naman sa kanya

"Haha joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit nyan." tawang-tawa naman ito. 

Lakas talaga mang asar nito, hindi ko na lang sya pinansin balak ko na rin kasi magluto ng tanghalian namin pagkatapos ko dito.

Bigla kong naalala ang binili naming graham nang makita ko ito sa loob ng plastic. Napangiti ako dahil sa kasabikan habang iniisip ang mga pagkain na pwede kong magawa gamit ito.

----------------------

"Mas masarap pala ang luto mo pag may sapat na sangkap," sabi nya sabay subo ng ulam na niluto ko. 

Sa lakas kumain nito ay kaya nyang mapangalahati ang malaki naming kaldero na puno ng kanin.

"Ry kumain ka ng marami para tumaba ka naman." sabi nito sabay lagay pa ng kanin at ulam sa aking plato.

Simula ng unang nagsabay kami kumain ay lagi na nya akong pinipilit kumain ng marami. Kinukuha nya din ang aking plato at sya ang naglalagay ng laman nito.

Sarap na sarap sya sa pag kain sabay inom ng ginawa kong cu-cum-ber shake.

"Wow, sarap nito ah sobrang refreshing, sarap inumin nito pagsummer." 

"Akin na yan" turo ko sa iniinom nya .

"Bakit?" 

"Ako iinom ngayon tapos pag nagsummer saka kita igagawa," sabi ko naman na ikinangiwi nya. Hinagisan din nya ako ng sibuyas galing sa ulam. Haha inis naman sya e.

----------------------

"Ano pa kayang masarap na flavor ng shake Ry?" 

"Melon at Orange." sagot ko naman habang naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Hindi ba mapakla yung Orange?"

"Bakit naman papakla yun?" sabi ko sabay taas ng kilay

"Mapakla ang balat nun diba, pag blinender mo yun papakla talaga."

Huh? ano sinasabi nito.

"Bakit mo naman isasama ang balat pag blinender?" 

"Hindi ba?" tanong pa nya na may pagtataka 

Ikinailing ko naman ang sinabi nya, pano kaya nabuhay ng ganto katagal ang isang to na hindi alam ang ganung bagay.

"Ano pa ang gusto mong gawin Ry? hindi pa naman tapos ang day-off mo hapon palang oh."

Saad nya habang pinapanuod ako sa paghuhugas ng pinggan. Nakaupo sya sa may counter at nakahalumbaba.

Napaisip naman ako, tama kasi sya bukod pa dun ay hindi na ulit ako makakalabas ng bahay mula bukas, kailangan ko na ulit maghintay na sumapit ang linggo.

"Ah Dylan! di ba may basketball court dito?" 

"Oo, nadaanan nga natin kanina diba? bakit manunuod ka ng basketball?" tanung pa nito sakin.

"Hindi ako manunuod," sagot ko naman

"Ano gagawin mo dun?"

"Eh di maglalaro, oyy marunong ako ha." pagmamayabang ko pa sa kanya. 

"Ikaw nagbabasketball? buti hindi ka napapagyapakan." sabay tawa pa ng malakas.

Gago talaga, sa inis ko ay binasa ko nga ng tubig sabay layas at baka di ko mapigilan ang sarili ko at masakal ko pa sya. 

"Oyy Ry !! Joke lang naman, wag kana magalit sasamahan pa kita." saad nya sabay habol sakin. 

Nandito ako sa sala at naka upo sa sofa.

"Gusto mo turuan din kita magbasketball?" sabi nito habang nakangisi sabay upo sa tabi ko.

"Marunong ako di ko kailangan ng pagtuturo mo!" sabay hampas ng unan sa kanya kainis talaga ang lalaking to.

"Joke lang Ry, mga kakilala ko na naman yung mga naglalaro dun papakiusapan ko sila na isali ka okay ba yun." saad nito na medyo seryoso na kaya napatingin ako sa kanya.

"Talaga?" masaya kong sabi 

"Oo naman ikaw pa." sya sabay kurot sa pisngi ko.

"Maaga pa naman nasa opisina lang ako Ry tawagin mo ako pag gusto mo na mag basketball." paalam naman nya sakin.

"Sige lang," sagot ko na lang

Nang makaalis sya ay bumalik ulit ako sa kusina upang isakatuparan na ang kanina ko pa iniisip na gawin gamit ang graham.

-----------------------------

"Dylan, ipasa mo na sakin ang bola!" sigaw ko kay dylan

Pawis na pawis na kami dahil sa paglalaro dito sa court kalaro ang ibang kalalakihan at kabataan na taga rito.

"Eto oh." sigaw ni Dylan sabay hagis sakin ng bola.

Pumunta naman ako sa 3 point line at binitawan ang bola sa ere titig na titig silang lahat sa paglipad ng bola sa ere ngayon, lahat sila naghihintay ng mangyayari parang nag slow motion ang lahat . Malapit na ang bola sa ring ayan na....

...................

..........................

At bigla itong lumampas at dumeretso sa kalsada sa likod ng basket. 

Napatanaw na lang ako habang tinitingnan kung san nagpunta ang bola. Napanguso naman ako ng bigyan ako ni dylan ng hindi makapaniwalang tingin.

"Wow, hindi ka lang marunong, napakagaling mo pa." saad nito sabay hawak sa basa kong balikat.

Ang totoo nya hindi naman talaga ako magaling, di ba sabi ko naman sa kanya kanina ay marunong ako magkaiba ang marunong sa magaling.

Pauwi na kami ngayon at hindi parin sya natigil sa pagtawa, kanina pa ito e, bahala sya pagsumakit ang tyan sa katatawa. Hindi ko na lang pinapansin.

"Ang galing mo talaga Ry, the best ka talaga." pag-aasar parin nito. 

Nung natatanaw ko na bahay namin ay tumakbo na ako iniwan ko na sya, lakas mang asar e nang tumakbo ako ay humabol din naman sya.

-------------------------

Nang makauwi kami ay bigla syang naghubad ng suot nyang sando basang basa na kasi talaga ito. Ewan ko pero kahit anong sabi ko sa isip ko na wag syang tingnan ay hindi ko magawa, nakatingin lang ako sa malapad at napaka gandang likod nya, halatang nag gy-gym siya, pawis na pawis ito na may lumutulo pang ilang butil ng pawis pababa...

Naputol ang pag iisip ko ng maramdaman kong itinaas nya ang mukha ko sa pamamagitan ng paghawak sa baba ko.

"Nandito sa taas ang mukha ko Ry ,bat sa baba ka nakatingin?" nakangisi pa nyang sabi.

Bwisit!! nahuli na naman nya ako, ramdam ko na naman ang bilis ng tibok ng puso at pag iinit ng mukha ko. kaya minabuti ko na lang na tumalikod na at dumeretso sa kwarto ko. 

Nang makapasok ako ay bigla na lang akong napaupo sa pagod at sa bilis ng tibok ng puso ko. Malala na ata ang sakit ko nay.

"Ry , gutom na ako." pagpapa-awa naman sya sakin habang nakaupo sa pwesto nya kanina.

kundi ko lang to amo, hindi ko ito papakainin dahil sa inis ko sa kanya. Tumingin na lang ako sa relong nakasabit sa pader, 3:30 palang at siguradong nawala na lahat ng kinain nya dahil sa pagbabasketball kanina.

"Ito oh." sabay lapag ng ginawa kong graham cake sa harap nya. Sabay talikod dahil gagawa pa ako ng mango shake, na-addict na kasi sya dun.

"WOW!!! ang sarap!" sigaw nito. 

Nabigla ako sa sigaw nya, muntik ng mahiwa ang daliri ko dahil sa gulat luko talaga, haharap na sana ako para pagalitan sya, pero di ko inaasahan ang makikita ko.

Ang ngiti nya ay walang katulad, napaka ganda nito at ipinapakita ang tunay nyang nararamdaman.

Napangiti na lang din ako dahil mukhang nagustuhan talaga nya ang graham cake ko.

"Masarap ba talaga?" 

"Oo naman, tanungin mo pa itong plato ko," anito sabay pakita sa malinis nyang plato na parang ilang minuto ko palang na naipapatong sa harap nya.

"Ry~ gusto ko pa." pangungulit pa nya sakin. 

Buti na lang at marami-rami ang ginawa ko, ilang tupperware din yun.

Nilagyan  ko ulit ang plato nya at ibinigay na rin ang mango shake nya. 

"Salamat Ry" sabi nya na may kasamang ngiti.

Sinagot ko na lang din sya ng ngiti ,  kasi di ako makapaniwala na nagustuhan talaga nya ang inihanda ko. Sobrang proud naman ako sa sarili ko, siguro nga at hindi ko sya kayang pahangain sa pagbabasketball kaya babawi na lang ako sa pagluluto.

"Ry gusto mo tikman? sigurado ako hindi mo nanaman tinikman ito nung ginagawa mo." aniya kaya napalingon ako.

Tunay yun nakasanayan ko ng hindi tikman ang mga luto ko ewan ko kung bakit, pero sa huli naman ay masarap parin naman daw. Siguro magaling lang ako magtantsa kaya tama parin ang lasa.

"Oh." sabay subo sakin ng graham cake, masarap nga kaya di ko mapigilang mapangiti at ganun din naman sya at katulad kanina ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

---------------------------

"Dylan, may padalahan ba ng pera dito?" tanong ko kay dylan na nakaupo sa sofa.

"Oo sa tindahan, may smart padala dyan." sagot naman nito. 

"Ganun ba, pwede pa ba akong lumabas?" paalam ko sa kanya

"Sige basta bumalik ka agad." pagpayag nya sabay tango.

Naisipan ko kasi na ipadala na lang kay nanay yung 500 na allowance ko ngayon, hindi ko naman kasi iyon nagastos.

"Ito po yung number na dadating sa inyo pag dumating na yung pera sa padadalhan nyo," paliwanag sakin ni ate sa tindahan.

"Okay po, salamat."

Pagkatapos kung magpadala ay bumalik na ako sa bahay para makapagluto ng hapunan.

Habang naghihiwa ako ng papaya para sa niluluto kong tinola ay biglang nagvibrate ang  bulsa ko, pagtingin ko sa luma kong cellphone ay ito na pala yung number na sinasabi nung tindera kanina, mukhang nakarating na ang perang pinadala ko. Napangiti naman ako sana ay makatulong yun kahit kaunti.

Maya-maya pa habang hinahalo ko na ang tinola ay biglang may tumawag, kinuha ko naman agad ang cellphone ko sa bulsa, ah si nanay masaya kong banggit sa king isipan.

"Nay!! hello po." pagbati ko pa. 

"Hello anak, naku salamat sa pinadala mo makakatulong ito samin." sabi ni nanay sa kabilang linya

"Nay maliit na halaga lang po iyan, pag pasensyahan nyo na, pagsumahod po ako ay ipapadala ko agad sa inyo." 

"Naku anak, ano ba ang sinasabi mo, malaking tulong na ito, kanina nga lamang ay iniisip ko pa kung san ako kukuha ng pera para sa pangbaon ng mga kapatid mo, tapos bigla ka nagpadala kaya naman nasagot na nag problema ko, salamat talaga."

"Ganun po ba, masaya po ako na makatulong sa inyo." miss na miss ko na talaga sila.

"Sige po, babye nay." pagbaba ko na ng tawag.

Gustong-gusto kong sabihin kay nanay ang mga bagay na gumugulo sa isip at puso ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status