Chapter 8
"Ry luto na ba yan?"
Nabigla ako dahil may nagsalita sa likod ko, sino pa edi si Dylan.
"Hindi pa ito luto, nakulo pa lang oh," ani ko sabay halo sa tinola.
"Ako ang titikim." sabay hawak sa kamay kong may hawak sa sandok at sumalok ng kaunting sabaw at tinikman ito.
Napakabilis ng mga pangyayari hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin at ramdam ko din ang katawan nyang nakalapat sa aking likuran.
Bigla akong kinilabutan pero pinigilan ko ang sarili kong magreact.
"Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para ma perfect ang lasa? ang sarap kasi," anito pagkatapos lumayo sa akin.
Medyo nakahinga naman ako ng magaan ng maka-layo na sya, hindi ko nga napansin na pinigilan ko pala ang paghinga ko, hayss ikamamatay ko talaga tong si Dylan.
Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong nya.
"Ok ka lang ba Ry? napagod ka ba ng sobra kanina? Magpahinga ka muna ako na ang magbabantay nyan," saad naman nito na may halong pag aalala.
Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya e, napakamaalahanin kasi nya siguro talagang magaling syang mang-asar pero sa tingin ko ay paraan nya lang yun ng paglalambing.
"Hindi ok lang ako, sige na manuod ka na lang ng TV, tatawagin kita pagluto na," ani ko sabay ngiti para makumbinsi sya.
"Sure ka?" mukhang hindi pa din sya kumbinsido.
Tumango na lang ako at pinaalis na sya.
"Ry akin na ang plato mo." habang kinuha ang plato ko, tatambakan na naman nya ng maraming kanin at ulam iyon.
Pagkatapos nyang lagyan ng pagkain ang plato ko ipinatong na niya ito saking harap.
Kakain na sana ako ng inguso naman nya ang plato nya, inabot ko naman yung platong nilagyan na nya. Umiling lang sya.
Natapos din kami kumain pagkatapos ng matagal na panahon dahil sa kakulitan ni Dylan. Ayaw sumuko lagay lang sya ng lagay ng kanin sa aking plato, ako naman ay pilit iniiwas ang plato ko.
Nang matapos ko na din ang aking mga gawain ay nagpaalam na ako kay Dylan na magpapahinga na ako.
Parang gusto kong tawagan si nanay mamaya, gusto ko syang tanungin kong ano ba itong nararamdaman ko, ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito, medyo hawig ang nararamdaman ko kapag nagkakaroon ng crush, katulad nung high school ako ay nagkaroon ako ng crush yung muse ng room namin, mabait, matalino at palakaibigan pa kaya naman nagustuhan ko sya pero imposible naman na magka-crush ako kay Dylan kasi unang una na ay lalaki sya ang galing pang mang-asar.
Pero baka naman kaya pagka-ilang lamang ang nararamdaman ko dahil hindi pa ako ganun sa kasanay sa kanya, siguro ay darating ang araw na mawawala din itong nararamdaman ko. Tama! ang totoo nyan ay hindi ko maipagkakaila na humahanga talaga ako sa kanya mabuti kasi syang tao.
Pagpasok ko sa kwarto ay sinubukan ko nang tawagan si nanay kaso hindi nasagot. Bigla ko na lang nasampal ang noo ko wala nga pala akong load kaya hindi talaga yun sasagot.
----------------------------
Lunes ngayon at nandito ako sa kusina para maghanda na ulit ng agahan ni dylan, dinagdagan ko din ang aking niluto.
Kagabi kasi habang nakahiga ako ay hindi ako dalawin ka agad ng antok kaya nag isip-isip muna ako at ang isang bagay na naisip ko ay kung pano hindi na ulit makikihati si dylan sa baong pagkain ng kanya secretary.
Nandito naman ako para ipaghanda sya ng tanghalian, hindi na nya kailangan pang maki-share sa iba.
Nakakain na kami ng agahan at naghahanda na si dylan sa pagpasok sa trabaho, sa isang opisina nga pala sya nagtatrabaho, sabi nya sakin ay sya daw ang CEO ng kumpanyang iyon.
Hindi ko na lang pinansin ,hindi ko naman alam ang ibigsabihin ng sinabi nya.
"Dylan oh." sabay abot ng baon nya ng mapansin kong papunta na sya sa garahe.
"Ano yan Ry?" tanung pa nya.
"Bomba pampaswerte."
"Ikaw talaga, kulit mo," anito habang tumatawa sabay akbay sakin at gulo sa buhok ko.
"Baon mo yan para mamayang tanghali para hindi fastfood ang kainin mo."
"Ang bait naman ng Ry ko, salamat." sabay ngiti pa nito.
"Oo na, layas na baka ma-late ka pa." pagtataboy ko naman sa kanya para hindi na nya makita ang pagpipigil ko ng ngiti.
--------------------------
Ang lakas ng ulan sa labas, nakatanaw ako dito sa bintana habang nag aalala kay Dylan.
"May payong kaya syang dala?" bulong ko sa aking sarili.
Tapos na akong magluto ng hapunan at hinihintay na lang sya. Bumalik muna ako sa kusina para uminom muna ng tubig.
"Ry im home!" sigaw ng isang boses na sigurado akong si Dylan na.
"Dyla--" naputol ang sasabihin ko ng makita ang basang basa nyang katawan dahil sa ulan.
Papasok na sana sya ng pigilan ko.
"Hep, diyan ka lang wag kang gagalaw kukuha lang ako ng twalya." ani ko sa kanya sabay takbo para kumuha ng twalya sa kwarto nya.
"Oh, Dylan ang twalya mo," sabi ko sabay abot sa kanya pansin na pansin ko ang pangangatal ng kayang katawan dulot ng lamig na kanyang nararamdaman.
"Salamat Ry," sagot nya habang nagpupunas ng katawan
Sinamahan ko sya sa kanyang kwarto para tulungan sya na makapagbihis.
"Dylan iligo mo na yan , baka magkasakit ka pa," sabi ko sa kanya habang naghahanap ng damit na pwede nyang isuot.
Sumunod naman sya at dumeretso na sa banyo para maligo.
Nagbilis na sya ng damit na aking inihanda nang makalabas sya ng banyo.
Kaso medyo basa pa ang buhok nya kaya pinunasan ko pa, pinaupo ko sya sa kama para lang maabot ang ulo nya kahit kasi naka yuko na sya ay hindi ko parin magawalang abutin ito. Habang pinupunasan ko naman ay napadako ang kamay ko sa may leeg nya.
"Hala, ang init mo dylan, okay ka lang ba?"
Hindi sya sumagot at bigla na lang syang yumakap sa katawan ko dahil naka upo sya ay umabot lang hangang dibdib ko ang ulo nya, imbis na makaramdam ako ng ano pa mang bagay ay mas namayani sakin ang pagka awa sa kanya.
Pinahiga ko na sya sa kanyang kama para makapagpahinga na sya. Naawa naman ako sa kanya habang nakahiga sya sa kanyang kama napaka amo ng itsura nya.
"Dylan kailangan mong kumain ha, " ani ko bago lumabas ng kwarto nya, kailangan kasi nya kumain bago uminom ng gamot.
"San ka pupunta Ry?" paghabol pa nya sakin.
"Sa kusina, ipagluluto kita ng sopas para makakain ka." paliwanag ko naman sa kanya.
"Mamaya na yun, dito ka muna Ry." pagpapa-awa naman nya sakin
"Dylan, hindi pwede kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot bahala ka hindi ka agad gagaling pag hindi ka kumain." sinasabi ko sa kanya habang inaalalayan sya pabalik sa kama.
"Ry wag ka umalis dito ka lang," sabi nya habang hawak hawak parin ang kamay ko.
Na-aawa ako sa kanya pero hindi pwedeng pagbigyan ko sya.
"Dylan wag makulit ha, promise pag gumaling ka agad ay may premyo ako sayo." magiliw kong sabi sa kanya para pumayag na sya.
Nag isip muna sya bago sumagot.
"Anong premyo?" takang tanong nya
"Hindi ko pa pwede sabihin kaya magpagaling ka agad para malaman mo, ok?"
"Okay," sagot nya habang nahiga sa kama.
Napangiti naman ako, buti naman at nakumbinsi ko na rin sya. Haha may pagkaisip bata talaga itong si dylan .
"Dito ka lang ha, magluluto lang ako mabilis lang yun" paalam ko naman sa kanya.
Tumango na lang sya at pumikit na.
----------------------
"Ano ok na? nainom mo na ?" tanong ko pa kay Dylan habang inaabot ang baso ng tubig mula sa kanya.
"Oo Ry wala na oh." pakita pa nya sakin ang loob ng bibig nya.
Tapos na nyang kainin ang sopas na niluto ko at kaiinom lang nya ng gamot. Ngayon ang kailangan kong gawin ay punasan sya ng twalya na may maligamgam na tubig para bumaba ang lagnat nya.
Tatalikod na dapat ako para pumunta sa kusina ng biglang...
"Ry san ka pupunta?" maagap na tanong na naman nya sakin.
"Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig at plangganita sa baba para ma-punasan na kita."
"Pero--" nakanguso nyang sabi
"Walang pero - pero Dylan, ayaw mo bang gumaling?" tanong ko naman sa kanya pabalik.
"Syempre gusto ko para makuha ko yung premyo galing sayo, kiss ba yun?" sabi nya na may kasama pang pagngisi
"Hindi syempre, balakajan." saad ko sabay labas ng kwarto nya.
May sakit na ay nakukuha paring mang-asar ng Dylan na yun. Iwan ko nga sya
"Ryyyyyyy!!" rinig ko pang sigaw nya mula sa loob ng kwarto.
'Ano kayang premyo ang ibibigay ko sa kanya?'
Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt."Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan."Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko.Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako,
"Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko."Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya."Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman."Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin."Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e."Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakuli
Dumaan ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at sa pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis ni Dylan dito sa bahay ay pagsisimula pa lang ng aking araw sa trabaho bilang kasambahay.Hinuhugasan ko muna ang mga platong aming pinagkainan sa umaga pagkatapos naman ay maglilinis na ako ng bahay at kwarto ni Dylan, ang totoo nyan ay halos wala namang lilinisin dito sa loob ng bahay, kaunting walis ay ok na.Pagtapos ko na ang lahat ng gawain sa loob ng bahay ay magsisimula na akong diligan ang mga halaman dito sa harap ng bahay, magwawalis at nagbubunot din ako ng mga damo.Pumupunta din ako sa garahe upang labhan ang mga basahan dun. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.Tumingin ako sa relo na nakasabit sa kusina, 11:30 am na pala kailangan ko na magluto ng tanghalian ko. Kinuha ko sa ref ang ibinabad kong bang
Antok na antok pa ako habang nagdidilig ng halaman dito sa labas ng bahay.Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag iisip. Nakahiga na ako sa kama ko ng maalala ang bagay na nasa aking bulsa, habang pinagmamasdan ko ito ay bigla kong naisip ang napakalaki kong pagkakamali, kinuha ko lang naman ito ng walang paalam kay Dylan, ibigsabihin ay isa iyong pagnanakaw! Naisampal ko ang isang kamay ko sa noo ng maisip ko iyon.Gusto ko sana ibalik pero hindi naman ako pedeng pumasok sa opisina nya ng walang pahintulot, isa yun sa mga rules nya.Umabot na ng madaling araw ay gising na gising parin ako, hindi ko alam ang oras pero nakatulog din pala ako, Pakiramdam ko ay ilang minuto lang ang aking naitulog ng magising ako ngayong umaga."Kuya Rylan!!!" sigaw ng boses sa mula sa kabila ng bakod.Kilala ko ang boses na iyon kaya sumilip ako sa gate, tama ako si Gab nga, kasama ang
"Ry ko Good morning!!!" si Dylan habang nag-iinat pa."Good morning din, sige maligo ka na at kakain ka pa," sabi ko naman habang inihahanda ang damit nya."Ok po Ry ko," masayang sagot nya."Nandito sa kama mo ang damit mo," sigaw ko kay Dylan na nasa loob na ng banyo."Salamat Ry," huling narinig ko bago lumabas ng kwarto nya."Ry gusto ko ng cucumber shake para sa baon ko pwede ?" si Dylan habang nakain ng agahan."Oo naman," sagot ko naman. Tatayo na dapat ako para gumawa kaso pinigilan nya ako."Mamaya na Ry pagkatapos mo ng kumain.""Sige, gusto mo ba ng milo graham para sa baon mo?" tanong ko naman sa kanya."Sige!!! Ry ko salamat," saad ni Dylan habang kumikinang pa ang mga mata dahil sa saya."Gusto mo ba ang mga ni
Chapter 14Rylan POV"Ry ko Im home!!!" si Dylan na nasa sala."Dylan welcome home," bati ko naman sa kanya habang nakasilip sa pinto ng kusina.Tapos na akong magluto ng hapunan namin, sinisimulan ko ng lutuin ngayon ang pangpulutan nila para mamaya.Habang nakangiti sakin si Dylan ay bigla kong napansin ang lalaking nasa likod nya, yun na ata yung kaibigang sinasabi nya."Halika Ry ko, may ipapakilala ako sayo," masayang sabi pa ni Dylan habang pinapalapit ako sa tayo nila.Mabilis naman akong lumapit sa kinaroroonan nila dahil sa kanyang sinabi."Ry ko, ito nga pala si Nico," saad ni Dylan sabay turo sa lalaking katabi.Tiningnan ko naman ito, matangkad din, maputi at medyo singkit ang mga mata, naka ngiti din sya sakin ng maganda, ang itsura nya ay pang Good boy look. Inilahad ko na lang ang kamay ko para makipa
Chapter 15"May kinausap lang ako sa cellphone kaya ako natagalan," saad nito habang nakatingin pa rin ng masama kay Nico."Ganun ba, gusto mo na ba kumain ng hapunan? maghahain na ako.""Mamaya-maya na Ry ko, pwedeng pahingi din ako ng brownies?" nagpapa-cute pang sabi nito."Oo naman," sagot ko na lang, parang kanina lang ay parang mangangain sya ng tao ngayon naman ay balik sya sa pagiging maamong tupa.Habang nakatalikod ako sa kanila ay medyo naririnig ko pa rin ang usapan nila."Uyy ikaw Nico, anong mga sinasabi mo sa Ry ko ha?" pabulong pa ni dylan"Wala naman boss," natatawang sabi pa ni Nico nalalong ikina-simangot ni Dylan."Dinedeskartehan mo ata ang Ry ko e," inis na sabi pa ni dylan"E ano naman boss sayo kasambahay mo lang naman sya di ba?" lalong lumawak ang ngisi ni Nico ng makita ang reaksyon ni Dylan.
Chapter 16Tahimik lang kami dito sa loob ng sasakyan nya pero yung pakiramdam ay hindi nakakailang para bang dinarama namin yung presensya ng bawat isa.May maliit na screen dito sa harapan ng sasakyan medyo katabi nung manebela, nahiwagaan ako kung ano yung mga buton na nandun kaya pinindut ko isa-isa nagulat pa ako ng biglang may tumunog."Radyo yan, Ry ko," natatawa pang sabi ni Dylan sa tabi ko.Napatango naman ako sa sinabi nya, Oo nga pala, marunong na akong mag seat belt! haha proud na proud naman ako sa sarili ko.Ang ganda nung kanya di ko mapigilang hindi damdamin ang bawat liriko nito."Akala'y di pa handang tumibok ang damdamin ngunit bigla kang dumating sa buhay ko."Sumasabay si Dylan sa pagkanta, parang feel na feel nya yung kanta, nakakatuwa sya pag masdan hindi sya ganun kagaling kumanta pero marunong sya. Minsan napapansin ko na sumusulyap sya sa dereksyon ko."O kay tagal kitang hinanap O kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka o aking mahal"Bakit ba laging ga