Share

Chapter 9

Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt.

"Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.

Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan.

"Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili. 

Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko. 

Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako, kala mo naman ay iiwan sya ng matagal.

"Dylan kukuha lang ako ng damit ha, babalik din ako kaagad." kahit makulit sya ay hindi ko naman magawang mainis dahil sa kalagayan nya ngayon.

"Kasi Ry pagkasi nawala ka sa paningin ko ay pakiramdam ko ay hindi ka na babalik," malungkot pa nyang sabi na ikinagulat ko naman.

Kawawa naman ang isang to, ang tikas at tapang ng dating nya pag normal na araw pero hindi din pala natin mapipigilan na lumabas ang ating mga kinatatakutan pag mayroon tayong nararamdaman sa katawan lalo na pag may sakit.

Natatakot syang iwan at mapag-isa. Hindi ko alam kung kelan pa nyang nararanasan ang kalungkutan na iyon, ang alam ko lang ay napaka tapang nyang tao para makayanan ang lahat.

"Promise bibilisan ko lang tapos babalik na ulit ako," nakangiti kong turan sa kanya para mapanatag ang kalooban nya. 

----------------------------

"Dylan talikod ka nga para malagyan ko din ng pulbo ang likod mo," utos ko naman sa kanya. 

Katulad kanina ay hindi sya nagpapasaway, Goodboy ang Dylan ko ah, eh Dylan ko daw? kelan pa sya naging akin? Naguguluhan na naman ako.

Tapos ko na syang pulbuhan hindi ko pa nga magawang hawakan at ikalat ang pulbo lalo na sa dibdib nya at abs, naiilang talaga ako, Binihisan ko na rin sya para makapagpahinga at makatulog na sya.

"Ok, matulog kana ng maaga ngayon para makapagpahinga ka at sigurado ako bukas ay mababa na ang lagnat mo." 

"Ry salamat ha," sabi pa nya habang kinukumutan ko sya.

"Wala yun, Goodnight." pagpapaalam ko na sana sa kanya.

"Eh wag mo akong iwan Ry dito ka lang sa tabi ko please." sabi nya kahit hinang-hina na sya.

Hindi ko sya matatanggihan pag ganito sya.

"Sya sige, wag ka mag alala hindi ako aalis at babantayan kita," ani ko sabay ngiti sa kanya. 

Napangiti naman sya ng malawak dahil sa sinabi ko.

Nakaupo lang ako dito sa tabi nya habang pinagmamasdan ko ang natutulog nyang mukha, napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sya siguro dahil sa nararamdaman kong pag aalala sa kanya ay nagawa ko pang hawakan ang kanyang kamay.

Bago pa ako makatulog ay narinig ko ang cellphone ni Dylan na nasa loob ng drawer, wala naman itong lock kaya nasagot ko ang tawag, hindi naman sa nakikialam ako pero baka mahalaga ang tawag at kung ano man ang mensahe nito ay ako na lang ang magsasabi kay Dylan pag gising nya, Nakakaawa naman na gisingin pa sya.

"Boss pasensya na at naistorbo pa kita, sasabihin ko lang sana na may meeting ka kay mr. Sanchez," saad ng boses galing sa cellphone

"Ay sorry po pero tulog na si Dylan at hindi rin sya makakapasok sa trabaho bukas, nilalagnat kasi sya ngayon." mahinahon at may pag galang kong tugon sa lalaki.

"Ganun ba, naku pasensya na talaga sa abala pasabi na lang ay pagaling sya," pagpapaumanhin naman nya.

"Sige po sasabihin ko pagkagising nya," sabay babaang tawag pagkatapos kong marinig ang kanyang pamamaalam.

Naramdaman ko na lang ang  maiinit nyang palad na nagbigay  sakin lalo ng antok.

---------------------------

Nagising naman ako dahil sa mahinang tapik sa aking pisngi, nang maimulat ko ang aking mata ay nagbigay naman ng isang ngiti ang aking nakita, si Dylan ay nakangiti at nakatitig lang saking mukha na nakapatong sa kanyang kama, dito na pala ako nakatulog kagabi.

Pero ng mapansin kong walang balak magpatalo sa titigan tong kaharap ko ay ako na ang unang umiwas ng tingin. Iniunanat ko ang aking mga braso dahil sa pagka ngalay nito.

"Good morning Ry," masaya pero nanghihina pa ring bati sakin ni Dylan.

"Good morning din, kamusta na ang pakiramdam mo?" 

"Mas ok na kaysa kahapon," sagot naman nya.

"Mabuti kung ganun," saad ko naman habang sinasalat ang leeg nya medyo mababa na nga ang lagnat nya.

"Oo nga pala Dylan may tumawag sa CP mo kagabi, taga opisina ata sabi ko sa kanya ay hindi ka makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam mo." 

"Talaga, Salamat Ry ko," pangiti-ngiti pa nyang sabi.

"Hindi ba tinanong nung tumawag kung sino ka?"

"Hindi nam--" Naputo na ang sasabihin ko dahil sa pagsingit nya

"Dapat sinabi mong asawa kita  haha," sabi pa nito sabay kindat pa.

Hala ano daw? matindi ata ang epekto ng lagnat sa kanya.

"Ewan ko sayo Dylan," sabi ko na lang sa kanya habang naglalakad na ako palabas ng kwarto.

"Ry--" 

"Oops wag mo ako pigilan kailangan ko nang magluto" sabi ko sabay pigil sa kanya.

---------------------------

"Dito ka lang Ok, bibili lang ako ng mga gamot mo, akalain ko ba namang ubos na pala ang mga gamot mo dito sa bahay," saad ko kay Dylan habang inaatupag nya ang pagsimangot at pag nguso dahil sa sinabi ko.

Kanina pa naming pinagtatalunan yang tungkol sa pag alis ko ayaw na ayaw kasi nya pumayag.

"Hindi ko na kailangan ng gamot Ry ko, ipapahinga ko na lang to tapos aayos na ang pakiramdam ko mamaya." pagpupumilit pa nya.

"Dylan."

"Ry."

"Wag na makulit."

"Pero kasi--"

"Walang na pero ok, di ba sabi ko naman babalik ako agad, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?" pangungusensya ko pa sa kanya para pumayag na.

"Syempre naniniwala ako sayo Ry alam kong hindi mo ako iiwan," sabi nya sabay tingin sa mga mata ko na may malaki tiwala sakin.

"Yun naman pala e, matulog kana ngayon paggising mo nandito na ulit ako promise," nakangiti kong sabi sa kanya, hindi ko alam na sa ikli pa ng oras na magkasama kami ay pinagkatiwalaan na nya ako ng sobra.

Huwag kang mag alala Dylan hindi kita bibiguin sa lahat ng tiwala na pinagkaloob sakin.

Hapon na ngayon at kasalukuyan akong nakasakay sa jeep pauwi ng bahay ni Dylan. Hayy ano kayang pwedeng premyo ang ibigay ko sa kanya pakiramdam ko kasi ay kaunting pahinga na lang ay magaling na sya. Sigurado akong hindi ako tatantanan sa pangungulit tungkol dun.

Bumaba na ako at naglakad papasok sa subdivision,  hapon na kaya hindi na masyadong maiinit, nadaanan ko naman yung basketball court dito nang mapansin kong may isang batang tumatakbo palapit sakin.

"Kuya Rylan, bat hindi po kayo sumali samin naglalaro po kami nina kuya oh," sabi sakin ni gab, isa sa mga batang nakalaro namin dati ni Dylan.

"Naku pasensya na Gab, kailangan ko na umuwi e, may sakit si Dylan at kailangan ko ng dalhin ang gamot nya," saad ko naman sabay pakita ng dala kong supot na may lamang gamot.

"Ganun po ba, pasabi po pagaling po sya." 

"Sige ba sa susunod na lang ulit tayo maglaro ha," pagpapaalam ko sa kanya kasi baka ng wawala na si Dylan pag hindi pa ako umuwi.

"Ok po kuya." 

Ilang lakad at liko pa ay nakarating din ako, pag pasok ko ay dumeretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig dahil bigla akong nauhaw.

Pag bukas ko ng ref habang nakuha ng pitchel ng tubig ay napansin ko ang graham cake na nasa tupperware. 

"Aha alam ko na ang premyo ko kay Dylan," masaya kong bulong dahil may naisip na ako.

Minabuti ko ng umakyat para tingnan kung kumusta na si Dylan, pagbukas ko ng pinto ay napansin kong wala sya sa higaan. Nagsimula na akong kabahan, napatakbo ako sa may kama nya at pilit syang hinahanap.

"Dylan!!? nasan ka?" sigaw ko pa.

Hinanap ko sya sa ilalim ng kama baka nahulog dun e, kaso wala kaya pumunta din ako ng banyo, wala din. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nasan na ba sya. Bubuksan ko na sana ang pinto palabas ng kwarto nya ng bigla itong bumukas.

"Ry nandito kana pala," masaya pang sabi ni Dylan ng makita nya ako.

Hindi naman maipinta ang mukha ko dahil sa pag aalala sa kanya, luko to, may pagngiti pa hindi ba nya alam kung gaano nya ako pinag alala.

"Baliw ka talaga, san ka ba galing?" sabi ko sabay hampas sa dibdib nya. Hanggang ngayon kasi ay nangangatal parin ang mga kamay ko dahil sa kaba.

"Ok ka lang ba Ry? bakit ka umiiyak?" sabi nya habang seryosong nakatingin sakin. Bigla din nyang pinunas ang ilalim ng mga mata ko. 

"O-ok lang ako at hindi ako umiiyak napuwing lang," sabi ko na lang, hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa paghahanap sa kanya.

Hindi sya sumagot ng maramdaman ko na lang na nakayakap na sya sakin, yung ulo nya ay  isiniksik pa nya sa may leeg ko.

"Magaling na ako Ry, nasan ang premyo ko?" bulong pa nya sa tenga ko.

'Patay na premyo yan hindi ko pa nagagawa.'

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cherrymae Villanueva Laturnas
Ganda ng story...️
goodnovel comment avatar
Ch En
ang ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
Rocky Sarondo Fran
ok po mabuti
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status