"Ry ko, sige nga try mo akong picturan," masiglang sabi ni Dylan habang inaabot sakin ang bago kong cellphone."Ah sige --- teka!!! tama ba ang ginagawa ko?" tanong ko naman sa kanya habang nakatutok ang cellphone sa kanyang mukha."Ilayo mo ng kaunti haha," natatawa pa nyang sabi.Nang makita ko na ok na ang angulo ay pinindot ko na ang capture button daw, yung buton sa gitna. Nang tingnan ko ang litrato nya ay hindi ko mapigilang mapangiti, ang gwapo talaga nya at napaka-ganda pa ng kanyang ngiti. Nababakla na ata talaga ako nakakaramdam na ako ng kilig sa kapwa ko lalaki.Pero naisip ko rin noon na baka naman masyado lang ako napalapit sa kanya dahil mabait sya sakin at dahil lagi ko syang kasama pero si Nico naman ay mabait din at gwapo pero hindi ako nakaramdam ng ganung bagay para sa kanya at bukod pa dun ay wala talaga akong interes sa ibang lalaki, kay Dylan lang talaga ako nag-kakaganto.
Chapter 18"Dylan, pasensya kana talaga ha, ginabi ako sa labas." sabi ko dito habang naglalakad na papunta sa kusina."Ok lang Ry ko, mukhang nag enjoy ka naman sa paglalaro." nakangiti pa nyang sabi"Hindi ka ba galit?" tanong ko naman, nakasimangot kasi sya pagbukas ng pinto kanina."Hindi ako galit, nag alala lang ako sayo kasi gabi na," sabi naman nya sakin habang nakasunod sakin."Ok lang ako Dylan, may humarang kasing babae sakin diyan sa labas kanina kaya ako ginabi," sabi ko pa ng makarating na kami sa kusina.Nagulat ako ng bumukas kanina ang pintuan, nakasimangot si Dylan habang nakatingin sakin, wala naman syang ibang sinabi kundi lang ay unahin ko muna daw magbihis at magpahinga bago ako magluto. Napansin kasi nya na dederetso ako agad sa kusina ng makarating ako kanina. Nahihiya kasi ako sa kanya ginabi na ako sa labas tapos di pa ako nakakapagluto."H
RYLAN POVIlang araw na rin ng nakaraan ng pag usapan namin ni Dylan ang tungkol sa aming bakasyon, halatang sobrang excited nya tungkol dito hindi kasi sya nauubusan ng mga plano ng gagawin at pupuntahan namin pag nasa baguio na daw kami. Nakakatuwa syang panuodin habang hindi sya magkaintindihan sa uunahing mga plano at kwento sakin.Kung sya ay excited, ano pa kaya ang nararamdaman ko sobrang saya na may halong kaba dahil baka mainip lang si Dylan kung ako ang kasama nya.Katulad ng napag -usapan namin noon tungkol sa pag-alis nya sa Rule no.2 kung saan ay pwede na akong lumabas kahit di ko day-off ay talaga namang nakakapanibago, pag gusto ko kasing lumabas ay nakakaramdam ako ng kaba dahil nakasanayan ko na bawal lumabas sa di itinakdang araw para sakin pero habang dumadaan naman ang mga araw ay nakakasanayan ko na rin, masaya si Dylan dahil maraming bagay na akong naikukwento sa kanya kapag lumalabas ako ng ba
RYLAN POVAno ba talaga problema nito ni Dylan nalabas na naman ang pagkawirdo nya pati ba naman mga kaibigan ko ay pinag-iisipan nya ng kung ano-ano.Hayss di ko talaga sya maintindihan.."Dylan, alam kong nag aalala ka para sakin pero kaya ko naman protektahan ang sarili ko lalaki ako no, babae ba tingin mo sakin?" sabi ko pa sa kanya, sabay ngiti para naman mawala yung tensyon na bumabalot samin ngayon, di kasi ako sanay na ganto sya."Oo alam ko yun, pero --- hindi ah, di babae ang tingin ko sayo, pero bat kasi ang ganda mo," hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi dahil bigla nalang nyang ipatong ang ulo nya sa manubela ng sasakyan, napansin ko din na kanina pa pala kaming nakatigil dito sa tapat ng bahay namin."Dylan? may problema ka ba?" tanong ko pa sa kanya, nag-aalala na kasi ako sa kanya, bukod sa iba ang ikinikilos nya ay parang ang lalim pa ng iniisip nya.
Chapter 21"Boss Dylan!!!" si benny sabay fist bump kay Dylan ng makalapit ito sa kinatatayuan nila."Uyy Boss!" bati ni Rico."Dylan," saad ni Jeff, sabay tango dito.Nakatingin lang si Rylan sa kanila habang nagkakatuwaan ang tatlong nyang kaibigan at ang kanyang boss. Kala mo ay mga batang ngayon lang nagkita ."Ry ko, wala ka bang dalang towel, pawisan ka na oh," ani Dylan ng harapin na nya si Rylan, hinawakan pa nya ito sa baba para tingnan ang mukha nito, ang mga kaibigan naman nito ay natatawa lang habang pinagmamasdan sila."May dala ako, nandun oh," saad ni Rylan, sabay turo dun sa may upuan sa malayo."Kukunin ko muna." aalis sana si Rylan pero pinigilan sya ni Dylan, kumuha ito ng panyo sa likod na bulsa ng pantalon nito at madahan na pinunasan ang mukha at leeg ni Rylan."Ako na Dylan, di na ako bata," nahihiyang sabi ni Rylan
Chapter 22Maaga kaming umalis ni Dylan sa bahay para daw di kami gabihin sa daan dahil mahabang byahe papunta doon. Malakas na hangin ang humahampas sa aking mukha habang nakatanaw ako sa bintana ng kotseng sinasakyan namin. Napaka ganda ng tanawin at mga lugar na aming nadadaanan."Ry ko matulog ka muna, mahaba pa ang byahe natin.""Paano ka naman Dylan?""Ok lang ako, gusto mo din na matulog ako? sino magdadrive?"Hayss ewan ko sayo Dylan, Pagkalipas ng mahabang oras ng pagtulog ay nagising ako sa isang mahinang tapik sa pisngi at isang malambot na bagay na lumalapat pa dito."Ry ko gising ka na.""Dylan, nasan na tayo?""Nandito parin sa kotse."Sinimangutan ko na lang sya, ayaw sumagot ng matino eh."Ry ko kain muna tayo ng lunch.""Sige, eto may baon naman tayong tanghalian," sabi
Chapter 23Ang dilim ng lugar kung nasan ako ngayon, kahit tumingin ako saan mang dereksyon ay wala akong maaninag na kahit ano, malamig ang paligid at walang ingay na maririnig hindi ako makasigaw gustuhin ko man.Isang yabag ng paa ang naririnig ko palapit ito ng palapit saking kinaroroonan gusto kong kumawala pero may pumipigil sa akin, habang lumalapit ang yabag ay kasabay ng pagbigat ng aking paghinga at mabilis na pintig ng aking puso, pabilis ng pabilis at palapit na ito ng palapit ...Tumigil ito sa aking harapan...sabay tanggal sa bagay na nakaharang saking mga mataIsang lalaki, pamilyar ang mukha nya nakangisi ito sa akin na para bang wala na ito sa kanyang katinuan...Habang unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha ay unti-unti ko na rin itong na-aaninag kasabay naman ng pagbigat ng aking paghinga na parang mauubusan na ako ng hangin sa katawan...
Chapter 24Nagising ako dahil sa mabigat na brasong nakayakap sakin. Ang lamig talaga! brrrr! kaya imbis na umalis agad sa higaan ay isiniksik ko na lang ang aking sarili palapit kay Dylan, ang init kasi nya."Hmmph," ungol lang ni Dylan habang mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin, nasa likuran ko sya kaya dama ko ang mainit nyang katawan na bumabalot sakin.Pipikit pa sana ako para matulog ulit ng maaninag ko ang orasan na nakapatong sa side table ng kama, tanghali na pala, malamig lang at madilim kaya akala ko ay maaga pa. 9:30 am na ,kaya kahit gusto ko pang matulog ay pinilit kong inalis ang aking sarili sa napakakomportableng posisyon.Inayos ko pa ang kumot ni Dylan bago ako nagtungo sa banyo para maka-ligo na, Marami pa kasi kaming balak puntahan sa araw na ito.Lumabas ako ng banyo na nakasuot ng bathrobe dahil nakalimutan ko nanamang maghanda ng pamalit na damit.Naka