DEC. 25
"Kuya Rylan!!! Merry Christmas po!" magiliw na sabi pa ni Gab habang nasa gate ito ng bahay.
"Merry Christmas din Gab, halika pasok ka," sabi ko pa dito at niluwagan ang pagkakabukas ng Gate.
Masaya naman ito at nakangiti bago sumunod sakin.
"Nasan ang ate mo?" tanong ko pa nang makapasok na kami, pinaupo ko pa sya sa sofa.
"Ah papunta na po dito," sagot naman nito.
"Oh hello, Gab!" masigla namang bati ni Dylan ng makarating ito sa sala.
Masaya namang binati din ni Gab si Dylan at nakipag apir pa ito. Nagpunta ako sa kusina para kunin ang mga ginawa kong gave away na dessert, tulad ng Macaroons at brownies na nasa box. Naghanda rin ako ng pagkain para makakain muna ang mga bisita namin.
Naghanda rin kami ni Dylan ng maraming mga 20-50 peso bill para ipamigay sa mga batang namamasko sa labas ng bahay. Maya-maya ay narinig ko ulit na may n
"Tay naman?" reklamo ko pa"Anak, ako nang bahala dito, okay," sabi pa ni tatay kaya napayuko na lang ako, pero naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humawak sa akin sa ilalim ng mesa.Tumingin ako sa kanya at binigyan nya ako ng matamis na ngiti bago sumagot kay tatay."Opo, seryosong-seryoso po ako kay Rylan, tay. Una ko pa lang po syang nakilala noon ay alam kong may espesyal sa kanya kaya hindi ko na sya pinakawalan pa at nung makilala at makasama ko ng sya ay masasabi kong hindi ako nagkamali, mabait , ma-aalahanin, mapagmahal at napakabuti po nya kaya naman hindi ko po hahayaan na humadlang samin ang estado ng buhay namin, kasarian o kahit ang sasabihin ng iba," confident na sabi ni Dylan sa aking mga magulang kaya napatango at napangiti ang mga ito."Handa ko po syang panagutan at kukunin ko po lahat ng responsibilidad, ipagkaloob nyo lamang sya sakin," dugtong na sabi pa nito.Namumula na ang mukha ko sa lahat ng sinasabi nya pero di maalis ang saya at pagka-proud ko sa kanya. Pa
"Lily kinakabahan ako," sabi ko pa dito habang inaayusan nya ako."Ngayon mo pa talaga natripan na kabahan ha, sa araw pa talaga ng kasal nyo," sagot naman ni lily habang inaayos ang buhok ko."Di ko mapigilang kabahan eh," sagot ko pa sabay pahid sa mukha."Wag kang kabahan, easy lang to, At wag mong burahin ang nilagay kong face powder!" confident pang sagot naman ni lily sabay hampas sa kamay kong pumapahid sa mukha ko."Kung maka-easy ka naman, bakit nakapag pakasal ka na ba?" tanong ko naman."OO DAPAT!!! kaso nauna kayo diba, dapat kami ni Brandon ang ikakasal eh, pero sabi nyang unggoy mong asawa ay kayo muna," may inis na sabi pa nito kaya napailing na lang ako."Para kasing ambilis naman," sabi ko pa habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin."Ano bang mabilis? isang taon na ang nakalipas mula nung magpropose sayo si Dylan" Sabi pa nito
DYLAN POV"Dylan, gising na!!!" excited na sabi ng asawa ko habang nagmamadaling inaalog ang aking balikat.Kinukusot ko pa ang mata ko dahil sa antok, nailibot ko ang aking paningin sa paligid. Preskong hangin, at mahinang tunog ng alon.'Hayss, napakagandang tanawin at lugar, perpekto para sa aming honeymoon ng aking mahal,' isip-isip ko pa habang gumuguhit ang malapad na ngiti sa aking labi."Dylan, maligo ka na!" sabi pa sakin ng mahal ko ng makita nya akong nakatayo lang sa gilid ng kama."Sobra ata ang excitement ng asawa ko ah," nakangisi ko pang sabi sa kanya, Inirapan lang naman ako nito at lumabas ng kwarto.Napailing na lang ako habang nakangisi parin at bumagtas na papunta sa banyo. Mabilis akong naligo dahil baka magalit na talaga ang mahal kong asawa. Mukhang excited na excited na syang maglibot sa tabing dagat ah.We're here at hawaii for our 2 weeks honeymoon, mom and dad fund this vacation for us, a gift in