"Bakit ka umakyat dyan?" Tanong mula sa may likuran nya. Mabilis syang napalingon at nakita si Aiden na kunot noong nakatingin sa kinatatayuan nya.
"Bumaba ka dyan, baka mahulog ka" sabi nito, pero wala syang nahimigang pag-aalala sa tono.
"Ah... eh... pasensya na po" paumanhin nya at mabilis na tumalon sa bakod nakita pa nyang nagulat si Aiden sa ginawa nya.
"Sorry po" paumanhin nya ulit at napatingin sa binatang nakatayo sa harapan nya. Matangkad ito, may pagka moreno, ang buhok nito medyo makapal tinatangay ng hangin pero bagay naman rito, may magagandang mata at makakapal na kilay, matangos ang ilong at manipis na labi na bumagay naman dito. Napakasimple lang ng suot nito, puting t-shirt at itim na pantalon pero may kakaiba ng dating sa kanya.
"Ano bang tinigtignan mo dyan?" Tanong nito na nagpahinto sa kanya sa palihim na pagsuri rito.
"Wala po, gusto ko lang pong makita ang tabing dagat" sagot nya at inayos ang t-shirt na may mukha ni Hello Kitty napansin kasi nyang nakatingin si Aiden sa damit nya at lalong nagkasalubong ang mga kilay nito. Alam naman nyang may malaki syang hinaharap na sinasabing biyaya nilang magkakapatid dahil yon ang naging puhunan ng mga kapatid. Sa edad nyang kinse hindi rin nya maitatago ang namanang hinaharap.
"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Tanong nito at napahawak sa mga kilay at iniwas ang mga mata sa damit nya.
"Wala po akong pambayad ng entrace fee"
"Bakit di ka humingi sa mga kapatid mo, lalo na sa Ate Grace mo!" Matalim na sagot nito. Alam naman nyang imposibleng hindi pa alam ni Aiden ang tungkol sa Ate nya at Papa nito. Kalat na sa buong San Miguel ang relasyon ng kapatid nya at ama nito.
Panganay sa tatlong anak ni Mr. Gabrielle Del Castillo si Aiden at dalawang babae ang sumunod rito. Sa pagkaka alam nya nasa 3rd year college palang si Aiden sa San Miguel University, at kilala ito dahil pa iba-iba rin ng di-ne-date na mga kadalagaan sa bayan nila, hindi naman nya masisisi ang mga babaing sumasama rito, ano pa nga ba ang hahanapin nila sa isang Aiden Del Castillo. Mayaman, gwapo, matalino kahit naman siguro sya papangarapin nyang maka date si Aiden kung palalarin, pero syempre malabong mangyari yon dahil sa agwat ng edad nila at estado sa buhay, sa mga naririnig kasi nya hindi naman basta babae di-ne-date nito, namimili daw ito ng ka level nito, kaya wala syang pag-asa dahil hindi sila nito magka level. Pero ganoon pa man alam nya ang lahat ng tungkol kay Aiden dahil palihim nya itong pinapangarap kahit alam nyang hindi pwede at walang mangyayari sa pangarap nya kay Aiden, kailan man hindi sya magugustuhan nito, lalo na ngayon nadadawit ang pangalan ng Ate nya sa Papa nito.
"Ah.. mauna na po ko, pasensya na po ulit" iwas nya at mabilis na hinila ang bike sa gilid. Pero nagulat sya ng marahas na hilahin yon ni Aiden at binagsak sa kalsada. Napatili sya at nanlalaki ang mga matang napatitig kay Aiden.
"Bago bike mo ah!" Kalmado pero mariing sabi nito. Hindi sya kumibo yumuko sya para itayo ang natumbang bike pero inapakan yon ni Aiden.
"Binili ba yan ng Papa ko?!" Galit na tanong nito. Napasinghap sya at nilayo ang kamay sa bike.
"Kasama ba ng Ate mo ngayon ang Papa ko?" Mariing tanong nito at sinulyapan sya. Nanatili lang syang nakatingin sa mga mata nitong puno ng poot. Napaatras sya at nagulat sya ng marahas na hilahin ni Aiden ang braso nya, bumunggo sya sa dibdib nito, napangiwi pa sya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso nya, nararamdaman nya ang mga kuku nitong bumabahon sa balat nya.
"Sabihin mo sa Papa ko, umuwi na sya at hinahanap na sya ng pamilya nya!" Utos nito sa kanya na halos maglabasan na ang mga ugat nito sa leeg. Nasasamyo rin nya ang mainit nitong hininga sa sobrang lapit ng mga labi nito sa labi nya.
"Aiden" tanging lumabas sa bibig nya na ewan nya kung narinig ni Aiden dahil sa takot.
"Ganyan nga matakot ka! At sabihin mo sa kapatid mo kung paano ako magalit!" Patuloy nito at lalo pa syang hinila palapit rito, naramdaman nyang bumunggo ang dibdib nya sa matipuno nitong dibdib. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang pagyuko ni Aiden at pagsulyap sa mga dibdib nya. Nag init ang pisngi nya sa kakaibang naramdam.
"You got the body and looks, perfect huh..." bulong nito at sadyang pinaglandas ang mata nito sa katawan nya. Naka t-shirt at walking short lang sya na madalas nyang isuot at litaw litaw ang makikinis nyang bintin.
"Sa dami ko nang narinig na hindi magaganda sa mga kapatid mo, bakit sa iyo Carmella wala pa" sabi nito na kinagulat nya, paano nalaman ni Aiden ang pangalan nya?
"Carmella Perez" bigkas nito sa pangalan nya at lumuwag na rin ang pagkakahawak nito sa braso nya.
"Kilala mo ko?" Wala sa loob na tanong nya at nais nyang pagsisihan yon.
"Sino bang hindi nakakakilala sa mga Perez dito sa bayan na ito huh Carmela?" Panunuya nito.
"Of course Carmella I know you" sagot nito at muling pinaglandas ang mga mata sa kabuuan nya.
"At the young age masasabi kong may maganda kang mukha at katawan tulad ng mga kapatid mo" sabi nito na ewan nya kung matutuwa ba sya oh hindi dahil sinabihan sya nitong maganda.
"And you are still mysterious eh, sa mga naririnig ko never ka pang nagka boyfriend, samantalang ang mga kapatid mo elementarya palang kung kani-kanino na sumasama" patuloy nito. Nagyuko sya ng ulo at sinubukan bawiin ang brasong hawak parin nito. Pero hindi yon binitawan ni Aiden at muli'y hinila sya nito palapit sa kanya.
"Aray!"
"Why Carmella? Dahil ba hindi mo pa nakikita ang tamang lalaking mag aahon sa iyo sa kahirapan, that's why you reserving yourself, hindi pa ba dumarating ang matandang mayaman na mag-aalis sa iyo sa bayan na ito?" May galit na tanong nito.
"Bitiwan mo ko!" Inis na hiyaw nya at pilit binabawi ang braso rito.
"Yun ang totoo hindi ba? Dahil katulad ka rin nila! Naghihintay ka lang ng tamang lalake para gamitin mo katulad ng mga kapatid mo! Katulad ng ginagawa ng Ate mo sa Papa ko! At buong pamilya mo nakikinabang sa pera ng pamilya ko! Dahil sa kalandian ng kapatid mo!" Galit na litanya nito at mabilis na umigkas ang isang kamay nya para sampalin ito pero mabilis nitong nahuli yon.
"Don't you dare! Baka magulat ka at masampal din kita!" Banta nito habang pareho na nitong pigil ang mga kamay nya. Nagpumiglas parin sya para makawala rito pero ano ba naman ang laban nya sa lakas nito.
"Hindi ako nananakit ng babae, pero kung isang tulad mong Perez hindi ako magaatubili!"
"Wala akong kasalanan sa iyo" Nakuha nyang sabihin sa takot kasabay ng pagpatak ng mga luha. Hindi sya iyakin pero takot sya, takot na takot sya kay Aiden. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa mga kamay nya at nakakuha sya ng pagkakataon at mabilis na binawi ang mga kamay rito at pinunasan ang mga luhang sunud-sunod na pumatak.
"Hindi ko din gusto ang nangyayari sa mga kapatid ko" sabi nya at lalong nag-iiyak.
"Akala mo ba masaya ako sa ganitong sitwasyon namen? Sa tuwing lalabas ka ng bahay pinagbubulungan ka, puro masasamang salita ang naririnig mo! Sa eskwela, akala mo ba may mga kaibigan ako? Wala dahil ayaw ng mga magulang nilang nakikipag kaibigan sila sa akin" umiiyak na litanya nya. Nananatili lang nakamata sa kanya si Aiden.
"Hindi ko rin to gusto, pero anong magagawa ko?" Umiiyak na patuloy nya at mabilis na dinampot ang bike sa kalsada at walang lingon na sinakyan yon habang umiiyak at mabilis na pinaandar. nais na nyang makalayo mula kay Aiden. Yon ang unang pag-uusap nila ni Aiden pero sobra-sobrang takot ang dinulot non. Matagal na nyang pinapangarap na makaharap si Aiden at makausap pero hindi sa ganitong paraan.
"Papasok na po ako" paalam nya kinabukasan."Ingat ka Mella dahan-dahan ka ah sa pag ba bike ah, huwag kang nagmamadali" bilin ng Nanay nya."Opo Nay" sagot nya at inilabas na ang bike sa gate."Mella! Mella!" Tawag ng Ate Grace nya at tumatakbong lumabas ng gate. Bagong gising palang ito at nakapantulog pa."Idagdag mo to sa baon mo" sabi nito at iniabot ang limang daan."Huwag na ate may binigay na si Nanay sa akin""Ano ka ba, idagdag mo, kumain ka sa Ice cream house" pamimilit nito kaya naman kinuha na nya para maitabi nalang."Anong nangyari sa bike mo?" Biglang tanong ng Ate nya ng makita ang basag na salamin nito sa gilid ng manibela.Hindi nya sinabi kanino man na nakita nya si Aiden Del Castillo, hindi nya sinabi na halos durugin na sya nito sa mga kamay nito dahil sa pagkasukla nit
Nag-iiyak sya habang tinatahak nya ang daan papuntang Del Castillo Resorts alam nyang hindi sya dapat magtunggo roon matapos ang nangyari sa kanila ni Aiden kahapon, pero sa nais nyang kumalma at sa tabing dagat lang sya makakalma nais nyang masamyo ang malamig na hangin doon at marinig ang mga alon na nagmumula sa dagat.Nang makarating sya doon kaagad nyang itinabi ang bike at bitbit ang sundae na binili umakyat sya sa pader at naupo doon. Humugot sya ng malalim na hininga at tinuloy ang pag-iyak. Hindi naman ito ang unang beses na tila nabastos sya pero ito ang unang beses na andoon si Aiden at ayaw nyang isipin pero tila syang ipinangtanggol ni Aiden. Pinangtanggol nga ba sya ni Aiden kay Jeff kanina? Hindi ba galit ito sa kanya at ang nangyari kanina patunay lang na hindi talaga maganda ang reputasyon ng pamilya nya sa bayan nila."Bakit ba lagi kang nandito?" Tinig na nagmula sa likuran nya. Napalingon sya at naki
Kinabukasan nagising sya sa mga sigawan mula sa labas ng silid nila. Mabilis syang tumayo at tumakbo palabas ng silid."Nay!" Tawag nya at mabilis na tumakbo sa labas ng pinto ng makita ang Nanay at mga kapatid na nakikipagtalo sa labas."Wala kayong karapatan paalisin kami rito! Kayo umalis!" Sigaw ng Ate Joan nya sabay bato pa ng lagayan ng basura."Ate, Nay anong pong nangyayari?" Tanong nya at nilapitan ang Nanay nya na nakaupo lang sa tabi habang sigaw ng sigaw ang Ate Joan nya at Ate Lanie."Ano po bang nangyayari?" Tanong nya ulit at ginala ang paligid, wala ang Kuya Erwin nya at ang Ate Grace nya."Umalis na kayo!" Sigaw ng Ate Lanie nya at pinagtulakan ang dalawang lalaki palabas ng gate."Pag kayo nadatnan pa ng amo namin mamaya lagot kayo!" Banta ng isa sa dalawang lalaki."Kayo na nga binal
Kanina pa sya paroo't parito, hindi sya mapakali alas siyete na ng gabi wala parin ang Ate Grace nya at nakakasigurado syang wala rin si Mr. Del Castillo sa bahay ng mga ito. Ano nalang mangyayari pag tinotoo ni Aiden ang banta nitong ito mismo ang magpapalayas sa kanila rito sa bahay. Ano nalang kung kaladkarin sya palabas ni Aiden? Anong mararamdaman nya pag nangyari yon? "Mella! Tumigil ka nga ng kalalakad dyan!" Sita ng Ate Joan nya. Sinabi nya ang pag babanta ni Aiden sa mga ito, ang mga nangyari sa tapat ng eskwelaan kung saan sinadya talaga syang hintayin ni Aiden sa labas para lang pagbantaan."Asaan na ba kasi si Ate Grace?" Tanong nya at sumilip sa relo sa dingding. Mag aalas syete kinse na."Gaga din kasi ang babaing yan eh kung bakit kasi sumama-sama tayo tuloy ang nahihirapan!" Maktol ng Ate Lanie nya na tulad nya hindi rin mapakali dahil marahil tulad nya natatakot din sa mga pwede
Present."Mella kumusta naman ang unang araw mo sa Del Castillo Resorts?" Tanong ni May ng makasabay ito sa School Cafeteria."Ok lang" tipid na sagot nya. Ayaw sabihin sa kaibigan na unang araw palang nya pinapalayas na sya ni Aiden. Inaasahan naman nyang mangyayari yon, pero hindi sa unang araw."So ano, nakita mo ba si Aiden Del Castillo roon?" Excited na tanong nito at siniko pa sya."Narinig ko bumalik na raw sya sa San Miguel, at ito na raw ang mag mamanage sa Resorts nila, alam mo bang si Aiden Del Castillo ang topic ng mga guest sa VincElla Hotel" paliwanag nito. Hindi sya sumagot. Tinuon ang pansin sa kinakain na pancit, pero di naman nya nalalasaan na dahil na kay Aiden ang isip nya. Matapos ang nangyaring insedente sa kanila ni Aiden kahapon, tila naulit ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas. Walang nagbago kay Aiden sa loob ng limang taon, mas lalo lang itong naging makisig at gumuwapo pa at pa
Aiden"Ma, I'm sorry, I can't make it, ang dami pang trabaho dito sa Resorts" sagot nya sa ina ng tawagan ito kinagabihan. Nakailang tawag na ito sa kanya sa cellphone nya at sa Secretary nya pero hindi na nakausap dahil sa dami ng inaasikasong mga papeles sa Resorts."Hijo, alam mo naman na schedule ng dinner ni Ivy ngayon sa bahay diba?" "Yes, Ma, but and dami kong paperworks na kailangan tapusin tonight""I'll set another dinner date when you are not busy Hijo, just call Ivy tonight and explain everything to her. Baka magtampo sa iyo yon" sagot ng Mama nya sa kabilang linya."Yes Ma, don't worry I'll call her tonight. Enjoy the dinner and goodnight Ma" paalam nya sa ina at inilapag sa ibabaw ng mesa ang cellphone. Hinagod nya ang batok na kanina pa sumasakit sa dami ng trabahong kailangan nyang gawin."I'm not supposed to be
Carmella"Sino yon Mella?" Nakangusong tanong ng Ate Lanie nya ng salubungin sya nito sa pinto. "Sinong naghatid sa iyo?" usisa nito habang nagkanda haba-haba ang leeg nito sa pagtanaw sa labas."Kaibigan lang" matamlay na sagot nya at nagtuloy na sa pagpasok sa loob."Wala ka namang kaibigan ah" nakasunod na sabi nito. Nagkibit balikat lang sya at naramdaman ang jacket na nakasabit sa mga balikat."Kanino jacket yan? Mukhang mahal ah" tanong nito at mabilis na hinila ang jacket sa balikat nya."Ang bango pa ah" habang inaamoy-amoy ang jacket."Mayaman ba yong naghatid sa iyo? Lalaki yon no? Ano jowa mo?" Sunod-sunod na usisa nito habang hawak hawak parin nito ang jacket ni Aiden at inaamoy-amoy."Akin na nga yan!" Inis na sabi nya sabay hila sa jacket at naglakad na paakyat sa taas. Pinagpasalamat nyang ang Ate Lanie nalang nya
AidenPagpasok sa opisina hinihagis nya ang susi sa kotse at pabagsak na umupo sa swivel chair at inikot yon paharap sa salamin na bintana, kung saan nakikita nya ang halos kabuuan ng Del Castillo Resorts.Pagbalik nya kagabi sa Resorts kaagad nyang hinanap ang lalaking nambatos kay Carmella at kaagad pinalabas ng Resorts nya, kasama ang mga kasamaan nito, ayaw nya ng gulo kaya binalik na lang nya ang bayad naman mga ito para hindi na humaba pa ang usapan, basta ang nais nya mawala oras mismo ang taong nambastos kay Carmella. Kung hindi lang malakas ang pagpipigil na ginawa nya baka nabugbog pa nya ang dayuhan pero ginawa nya lahat ang pagpipigil dahil ayaw nyang madala sa eskandalo ang Resorts. At gaya ng sinabi nya kay Carmella ayaw nyang madikit ang pangalan nito sa Resorts nya. Alam nyang gulo ang dala ni Carmella sa Resorts nya kaya una palang pinapaalis na nya ito, pero matigas ang ulo at nagpupumilit na tapusin ang