"Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo.
"Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden.
"Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden.
"Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya.
"Tara na ate Mella" magiliw na yaya
"Bakit sa Del Castillo bakit hindi sa VincElla Hotel" Tanong ni May ng sabihin sa kaibigan na balak nyang gawin ang On-the-job training nya sa Del Castillo Resort ang nag-iisang resort sa bayan ng San Miguel na pag mamay-ari ng pamilya Del Castillo. Graduating student na sya sa SMU sa kursong HRM."Mas gusto kong matuto ng mga bagay bagay sa may beach" tanging sagot nya kay May na halos apat na taon na nyang kaibigan mula ng mag enroll sya sa SMU."Pero boring doon, hindi gaya sa VincElla Hotel andaming gwapong nag oover night, dagdag mo pa na makikita natin si Vincent Dela Merced doon""Ano ka ba may asawa na yon" saway nya sa kaibigan at inisa-isa ang gamit sa mesa at nilagay sa bag pack."Sulyap lang naman eh hindi naman kasalanan ang sumulyap""Bahala ka basta ako sa Del Castillo Resort ako papasok""Ano ngang dahilan?""Wala kailangan ba may dahilan
"Mella ikaw anong gusto mong drinks?" Tanong ng Ate Grace nya ng makarating na sa isang mamahaling restaurant sa Tragora Mall."Strawberry shake nalang Ate" Sagot nya at umayos ng upo. Pansin nya ang ilang mga matang pasulyap-sulyap sa kinauupuan nila. Alam naman nya kung bakit, halos naman lahat ng nakakakilala sa kanila eh tinatapunan talaga sila ng tingin, lalo na ang Ate Grace nya pero hindi naman pansin ng Ate nya ang mga mapang husgang matang nakasunod rito."Mike dito!" Tili ng Ate Lanie nya. Nakita nya si Mike ang boyfriend nito na taga kabilang bayan. Hindi na rin nya alam kung pang ilan na ba si Mike sa mga naging boyfriend ng kapatid, dahil highschool palang ito mahilig na itong magpapalit-palit ng boyfriend, wala kasing tumatagal na lalaki dito dahil masyado itong maarte at ma luho sa katawan at mayayaman lang ang sinasamaan nito para makuha nito ang luho sa katawan. Sa nakikita nya kay Mike tanggap na nito kung ano ang ugali ng kapatid
"Uy Mella!""Ah, ano yon?" Tila lutang na tanong nya kay May."Lutang ka te?" Biro nito at kinurot sya sa pisngi."Ah...aray!""Ang sabi ko tuloy ka naba talaga sa Del Castillo Resort?" Tanong nito. Yan din ang iniisip nya, ilang araw na mula ng makita nya si Aiden sa Tragora mall at hindi parin ito maalis-alis sa isip nya, alam nyang hindi sya nagkakamali si Aiden ang nakita nya."Ewan ko" sagot nya. Dahil yon ang totoo mula ng makita nya si Aiden tila nagbago ang isip nya, dahil baka makita at makilala sya ni Aiden at paalisin sya sa Resort. Nakaramdam sya ng takot ng makita ito kahapon, alam nyang halos mahigit limang taon na ang nakakalipas pero tila sariwa parin sa kanya ang bawat eksena nangyari ng gabing yon. Takot na takot sya noon at yon ang takot na naramdaman nya muli ng makita ito makalipas ang mahigit limang taon."Sama ka nalang kasi sa akin sa VincElla Hot
Hindi nya alam ang gagawin habang nanatiling nakamata kay Aiden sa di kalayuan, alam nyang hindi sya nagkakamali ang lalaking nakikita nya ngayon at ang lalaking nakita nya sa Tragora Mall ay si Aiden. "Bumalik na sya" bulong nya."Aiden is back for good" narinig nyang tinig sa di kalayuan napalingon sya doon at nakita ang babaing nakabunggo nya sa Mall na kasama ni Aiden noon, kausap ang may edad na babae na kung hindi sya nagkakamali ito ay si Mrs. Del Castillo."Yes Tita, ewan ko ba dyan kung bakit gustong-gusto nyang umuwi dito" maarteng sabi ng Babae. Nanatili sya sa kinauupuan habang pinaglilipat-lipat nya ng tingin kay Aiden at sa dalawang nag-uusap malapit sa kinauupuan nya. Napasulyap sa kanya ang babae at kumunot noo nito ng makita sya. Mabilis syang nag-iwas nag mukha at dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo at mabibilis ang ginawang paglakad palayo sa mga ito bigla syang malakas na bumun
"Carmella Perez" tawag ng receptionist matapos nyang maibigay ang lahat ng requirements na hiningi ng mga ito para makapag simula na syang mag OJT. Tumayo sya at lumapit sa magandang babaing nakangiti sa kanya."Sabi sa HR pwede ka na daw mag umpisa ngayon kung gusto mo" nakangiting sabi ng babae."Talaga oh?" Tumango ang kaharap at sinabing pumunta sya sa opisina para ma ipaliwanag sa kanya ang mga gagawin at maipakilala din sa mga makakasama nya sa OJT.Matamis ang ngiti nya sa mga labi habang naglalakad sa malawak na pasilyo. Maliban sa mga cottages may hotel din ang Del Castillo Resort pero hindi ito tulad ng VincElla Hotel, katamtaman lang ang laki nito at kung hindi sya nagkakamali tatlong palapag lang ang taas ng building.Alam nyang binalaan na sya ng kapatid na huwag ng ituloy ang pag O-OJT nya rito dahil baka pagsimulan pa ng gulo, pero ewan nya kung bakit gustong-gusto nyang makapasok sa Del Castillo Reso
Nanatili syang walang kibo at nakatingin lang sa mga mata ni Aiden na puno ng galit. Paanong nangyari ganoon kadali syang nakilala ni Aiden,limang taon na ang lumipas at napaka bata pa nya ng mangyari yon, ngayon sa pagkikita nila kaagad sya nitong nakilala kung paano nya ito kaagad nakilala ganoon din ba ito sa kanya, ibig bang sabihin ganoon ito kagalit sa buong pamilya nya at hindi nito nakalimutan ang itchura nila sa paglipas ng mga taon."Ano bang ibig mong sabihin?" Nakuha nyang itanong sa kabila ng kaba at takot."You know exactly, Carmella don't fool me! Mariing sagot nito at pinaglandas nito ang mga mata sa mukha nya, pababa sa leeg at sa puting t-shirt na suot nya at sya mismo kitang-kita nya ang pag taas baba ng mga dibdib sa kabang nararamdaman nya at tila humahaplos ang mga yon sa basang t-shirt ni Aiden."Andito ako para.. para sa pag-aaral ko at-""Bakit sa Del Castillo? Anong binabalak mo? Inakala mo
Flashback"Nay hanggang kailan po nila tayo patitirain rito ng libre?" Tanong nya sa Nanay nya habang nag-aayos ng mga pinamili sa palengke, sinama sya ng Nanay nya mamalengke kanina, at halos madaanan nilang mag-ina nagbubulungan at alam nyang naririnig ng Nanay nya ang mga binubulong ng mga ito, tungkol sa Ate Grace nya at kay Mr. Gabrielle Del Castillo ang nagmamay-ari ng malaking resort sa bayan nila ang Del Castillo Resort.Si Mr. Del Castillo ang may-ari ng bahay na tinitirhan nilang mag-anak ngayon, lumang bahay ito ng mga Del Castillo at wala ng tumitira dahil sa malapit sa Resort na nakatira ang pamilya ni Mr. Del Castillo. At pinatitira sila nito dahil tila may interes ito sa Ate Grace nya, at hindi nya ikinatutuwa yon. Alam nyang marami ng kinasama ang kapatid na di pamilya, na syang tila kinabubuhay nilang mag-anak, wala naman syang magawa kahit tutol sya, ano ba naman ang magagawa ng isang kinse anyos na da
"Bakit ka umakyat dyan?" Tanong mula sa may likuran nya. Mabilis syang napalingon at nakita si Aiden na kunot noong nakatingin sa kinatatayuan nya. "Bumaba ka dyan, baka mahulog ka" sabi nito, pero wala syang nahimigang pag-aalala sa tono."Ah... eh... pasensya na po" paumanhin nya at mabilis na tumalon sa bakod nakita pa nyang nagulat si Aiden sa ginawa nya."Sorry po" paumanhin nya ulit at napatingin sa binatang nakatayo sa harapan nya. Matangkad ito, may pagka moreno, ang buhok nito medyo makapal tinatangay ng hangin pero bagay naman rito, may magagandang mata at makakapal na kilay, matangos ang ilong at manipis na labi na bumagay naman dito. Napakasimple lang ng suot nito, puting t-shirt at itim na pantalon pero may kakaiba ng dating sa kanya."Ano bang tinigtignan mo dyan?" Tanong nito na nagpahinto sa kanya sa palihim na pagsuri rito."