Share

Chapter 4

“K-KUYA-“

“Shh…” Itinaas ni Max ang kanang kamay nito at maingat na hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi kita pipilitin. Kung hindi mo gusto, hindi ko gagawin. Ngayon, tatanungin kita, Sahara…gusto mo bang halikan kita?”

Oo, noon pa niya gustong malaman  kung ano ang pakiramdam ng  halikan, lalo na kung paano ang halikan ni Max. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang pinangarap iyon at paulit-ulit na pinapantasya, lalo na matapos niyang masaksihan ang hindi dapat doon sa kuwarto ni Michaela. Oo, gusto niyang halikan siay nito  pero hindi iyon tama. “Pero kuya-“

“Max na lang kapag tayong dalawa, okay?” marahan nitong sabi. “So, gusto mo o ayaw mo?”

Ipinikit niya ang kanyang mga mata bilang tugon - dahil sa kahihiyan, at dahil parang ayaw na niyang malaman  kung ano ang susunod na mangyayari. Naramdaman na lamang niya ang paghawak ni Max sa magkabilang pisngi at ang marahang paglapat ng mga labi nito sa labi niya.

Dumoble ang init sa buong kusina nang halikan siya ni Max. Napakarahan niyon na lalo lang nagpasabik sa kanya. Unang dumampi ang labi nito sa kanang sulok ng kanyang bibig, at pagkatapos ay sa kaliwa, bago pa nito tuluyang angkinin ang buo niyang labi. It was her first kiss and she could say that it was all worth it. Max’s lips were soft and wet and warm, and when they touched hers, it made her dizzy, and her knees, unsteady. He’s moving his lips over hers ever so slowly, making  her crave for more. 

“Wow,” sa wakas ay sabi ni Max nang matapos ang maiksi at marahang halik na iyon. She could tell that he enjoyed it. Bahagya pa nitong dinampian ng hinlalaki nito ang kanyang mga labi bago ito tuluyang lumayo nang kaunti. “First time?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang halik na iyon.

Tumango siya, ngumiti at tumungo. 

“Ang suwerte ko pala.”

Niyakap siya ni Max pagkatapos. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon pero basta niyakap rin niya ito. She felt like it was the natural thing to do. At hinintay niya na muli siyang halikan nito pero hindi iyon nangyari.

“’Yung Bicol Express natin, baka nasusunog na.”

Natawa siya at dahil doon ay nabawasan ang kaba na nararamdaman niya. Itinuloy niya ang ginagawang paghuhugas ng pinggan at habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasang tapunan ng tingin si Max. Abala ito sa pag-aasikaso ng niluluto na para bang wala lang samantalang siya ay nangangatog pa rin ang mga tuhod dahil sa nangyari. Ano kaya ang iniisip nito sa mga oras na iyon?

Ngayong nahalikan na siya nito, ano na ang susunod? Ano nga ba ang ibig sabihin noon? May relasyon na ba sila? Imposible dahil nobyo ito ni Michaela. Pero bakit siya nito hinalikan? 

At ang mas mahalagang tanong, bakit niya ito hinayaang halikan siya? Gusto niya itong tanungin pero nahihiya siya dahil baka isipin nito ay masyado niyang ginagawang isang napakalaking bagay ang isang simpleng halik. Pero malaking bagay naman talaga iyon, hindi ba? Ang alam niya, ang halik ay pinagsasaluhan lamang ng dalawang taong nagmamahalan. 

Nagmamahalan na ba silang dalawa? Pero wala naman itong sinasabing mahal siya nito, kahit pa ramdam niyang may pagtingin ito sa kanya. Ah, hindi niya akalaing napakaraming tanong at problema pala ang kaakibat ng isang simpleng halik…

Kung nalaman lang sana niya iyon nang mas maaga, iba siguro ang sitwasyon niya ngayon. Pero nangyari na, ano pa nga ba ang mangyayari sa mga drama niya sa buhay? 

“Sahara!”

Kahit pa nagulat ay hindi siya lumingon. Mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makatawid siya ng kalsada pero sumunod pa rin sa kanya si Max hanggang doon sa waiting shed.

“Naiwan mo sa mesa itong folder mo,” humihingal nitong sabi sabay abot sa kanya ng folder. “Oh, wala man lang bang ‘thank you’?” panunukso nito. 

“Thank you,” pilit naman niyang sagot nang hindi tumitingin sa kausap.

“Wala man lang ba’ng ‘hi’ o ‘hello’ o ‘kumusta na?’” 

Napakaganda ng ngiti nito nang tingnan niya. Kumunot ang noo niya at itinuon ang mga mata sa kalsada. Hindi dapat siya nito kinakausap, at hindi dapat siya nito sinundan doon.

“Hindi mo ba ako na-miss?”

Kung sila lamang dalawa ang tao sa waiting shed na iyon ay nakatikim na ito ng mag-asawang sampal pero marami sila at halos magsiksikan na kaya wala siyang magawa kundi ang hindi na lang ito pansinin. 

“Galit ka ba sa akin?” taka nitong tanong na nakuha pang lumapit sa kanya. “Hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sa akin?”

“May dahilan ba para magalit ako?” balik niyang tanong.

“Wala nga, kaya nga nagtataka ako kung bakit parang galit ka.”

Ah, hindi pa rin talaga ito nagbabago. Insensitive at gago pa rin. 

“O, hihintayin ka namin ni Michaela sa hapunan ha. Espesyal ang ulam, Bicol Express. Hay, ang tagal ko nang hindi natitikman ang putahe’ng ‘yon, sobrang miss na miss ko na.”

Gusto niyang pangilabutan sa narinig mula rito dahil alam niyang hindi lamang ang Bicol Express ang tinutukoy ni Max na matagal na nitong hindi natitikman. That simple sentence meant nothing for most people but since it came from Max’s perverted mouth, it is nothing but sexual connotation. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status