SINUNDAN ni Sahara si Baste doon sa bakanteng mesa sa dulong bahagi ng fast food. Tapos na ang klase nila, alas kuwatro na ng hapon. Maraming tao sa loob at kinailangan pang makipag-agawan ni Baste para lamang may maupuan sila.
“Ano nang balak mo?” tanong nito sa kanya nang tuluyan na silang nakaupo. Iniayos ni Baste ang order nila sa ibabaw ng mesa – dalawang soda, dalawang fries at dalawang burger. Matapos nitong ilapag ang tray sa katabing mesa ay naupo na rin ito at iniabot sa kanya ang ilang piraso ng tissue. “Kailangan mong mag-summer niyan.”
“Hindi ko na kayang mag-summer. Wala na kong budget,” sagot niya na parang wala lang. Kumuha siya ng fries at isinawsaw iyon sa ketsup na si Baste pa mismo ang nagbukas para sa kanya.
“Eh paano, hindi ka ga-graduate?”
“Ga-graduate.”
Kinunutan siya ng noo ni Baste at tiningnan siyang mabuti. “Paano? Sabi nga ni Del Mundo, hindi uso sa kanya ang special exams at projects. Ano’ng gagawin mo? Papakiusapan mo siya? E hindi naman nadadaan sa pakiusap ‘yon, eh.”
“Ako nang bahala,” nakangiti niyang sagot. “Relax ka lang, okay? Grabe, parang ikaw ang bumagsak, masyado kang praning.”
Napakamot sa ulo si Baste at umiiling-iling na inumpisahan na rin ang pagkain. “Mag-summer ka na lang. Papahiramin na lang kita ng pang-tuition.”
“At saan ka naman kukuha ng pera, aber? Huwag na. Para na lang sa mga nanay mo ‘yang iipunin mo. Ang dami ko nang utang sa’yo, ‘yung iba nga hindi ko pa nababayaran.” May ilang beses na rin kasi siyang pinahiram ni Baste sa tuwing kinukulang siya ng pera, lalo na kapag may emergency sa probinsiya at kailangan ng nanay niya ng pambili ng maintenance nito para sa sakit sa puso. “Baka mabaon na ‘ko sa utang sa iyo niyan. Baka namatay na ko’t lahat, hindi pa ko tapos magbayad sa mga utang ko.”
“Ano ka ba, Sahara? Magkaibigan tayo, normal lang naman na magtulungan. Kapag kinulang ka, pahihiramin kita at kapag ako naman ang nangailangan, papautangin mo rin naman ako, diba?”
Malakas na tawa ang itinugon ni Sahara. “Saan naman ako kukuha ng ipapahiram sa iyo?”
Nagkibit balikat si Baste dahil alam nito na wala naman talaga siyang maipapautang rito kung sakali. “Basta, pahihiramin kita ng pang-tuition sa summer.”
“Thanks, but no thanks. Sabi ko naman, ako nang bahala, diba? Don’t worry, sabay pa rin tayong ga-graduate.”
“Paano nga?” naguguluhan nitong tanong.
“Hay, ang daming tanong. Leave it to me,” sabi niya sabay kindat. “Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Wala,” mabilis pa sa alas kuwatro ang sagot ni Baste. “Kung anu-ano na namang plano ‘yang nasa isip mo. Baka ikaw pa ang mapahamak. Tanggapin mo na kasi ang alok ko.”
Napabuntung-hininga na lang si Sahara. Talaga ngang kilalang-kilala na siya ng kaibigan. “Eh sa’n ka nga kukuha ng pera?” naiinis niyang tanong.
“Ako na ngang bahala. May ipon ako, baka akala mo,” sabi ni Baste, sabay turo sa sarili.
“Eh alam ko namang may pinaglalaanan ka no’n.”
“For emergency nga. Eh ano ba’ng tingin mo sa sitwasyon mong ‘yan ngayon, hindi ba emergency ‘yan?”
“Hay,” muling buntung-hininga ni Sahara sabay tingin sa kaharap. Sunud-sunod ang ginawa nitong pagkagat ng hamburger. Palagi silang magkasama ni Baste pero hindi siya nagsasawa sa presensiya nito sa buhay niya. Kumbaga, si Baste ang nagsisilbi niyang panghimagas para iwas umay. Sa dami ng pinoproblema niya ngayon, nakapagpapagaan sa pakiramdam na mayroong katulad ni Baste na nariyan lang sa tabi niya.
“O, bakit ganyan ka makatingin?” pagkadaka’y tanong nito.
“Bakit nga ba ang bait-bait mo sa akin?” seryoso niyang tanong sa kaibigan. “Mahal mo na ‘ko, ano?”
Doon hindi na napigilan ni Baste na mabitawan ang hawak na soda at natapon iyon sa mesa. Pareho tuloy silang napatayo. “H-ha?” malakas nitong tanong. Deretso ang pagkakatingin nito sa kanya na tila ba isa siyang bata na may napakalaking kasalanang nagawa. Ni hindi na nito alintana ang dumating na fast food staff para linisin ang natapong soda.
Napangiti si Sahara dahil sa reaksiyong iyon ng kaibigan dahil alam niya na naapektuhan ito sa tanong niya. Matagal na niyang nararamdaman na may pagtingin ito sa kanya at siguro, nahihiya lamang ito at ayaw nitong masira ang pagkakaibigan nila. At siguro, kailangan lang nito ng kaunting push, ika nga.
Oo nga’t hindi si Baste ang tipo niyang maging boyfriend pero sa sitwasyon naman nila ngayon ay parang magkasintahan na rin sila, lalo na sa ipinapakitang kabaitan at pag-aalaga nito sa kanya. ‘Yun na nga lang ang kulang – ang label na ‘girlfriend-boyfriend’ para maging official na ang relationship nila. At hindi na rin naman masama kung magiging nobyo niya si Baste. Simula nang maging kaibigan niya ito noong first year college sila ay malaki na ang ikinagandang lalaki nito. In fact, she’s even considered the idea of having some kind of ‘friends with benefits’ status with him, she just didn’t know how to talk him into it.
“Eh kung tayo na lang kaya? Wala ka namang girlfriend, diba?” tanong pa niya nang palabas na sila ng fast food restaurant na iyon.
“A-alam mo ba ‘yang sinasabi mo?”
Natawa siya. His face turned bright red. “Grabe ka namang maka-react. Nagbibiro lang ako, ito talaga,” nakangiti niyang sabi. Kinuha niya ang mga libro na binitbit ni Baste para sa kanya. “Sige na, may parating nang jeep, sasakay na ‘ko.” Nang tingnan niya si Baste ay tahimik lang itong nakatingin sa kanya. “Oh, bakit para kang natuklaw ng ahas diyan?”
Umiling lang ito.
“Okay, sige, kita na lang tayo bukas.”
“T-teka, Sahara.” Hinuli nito ang kamay niya para pigilan sa paglakad palayo pero agad rin nito iyong binitiwan na para bang napaso.
“Oh, bakit?” patay-malisya niyang tanong.
“’Yung sinabi mong-“
“Joke lang nga, ano ka ba?” natatawa niyang sabi. Naroon sila sa gilid ng daan at nauunahan na siya ng ibang pasahero na makasakay sa humintong jeep. Kinabig siya ni Baste para iiwas sa pagdagsa ng mga tao.
“B-bakit mo naisip na…maging tayo na lang? Ibig kong sabihin…a-ano ‘yon? Saan galing ‘yon?”
“Teka, teka. Ang dami mong tanong e, isa-isa lang, pwede?”
Natawa rin si Baste sa sarili at napakamot sa ulo. “Bakit kasi-“
“Eh kasi ang tagal-tagal na nating magkakilala, tapos ang bait-bait mo pa sa akin,” sabi niya sabay kurot sa pisngi ng kaibigan. At muli namula ito. “Alam mo bang sa lahat ng lalaking nakilala ko sa buong buhay ko, ikaw lang ‘yung mabait sa akin na mabait lang talaga, ‘yung walang hinihingi o hinihintay na kapalit? Kaya hindi mo rin naman ako masisisi kung minsan maisip ko na baka nga may gusto ka sa akin. Pero hindi ka naman nanliligaw, e.”
“P-paano ako manliligaw e alam ko namang hindi ako ang tipo mo.” Saglit na natahimik si Baste at wala sa loob na kinuha ang dalang mga libro ni Sahara. “Kasi diba ang tipo mo ‘yung…guwapo…’yung malaki ang katawan.”
“Guwapo ka naman, malaki naman ang katawan mo.”
Umiling si Baste pero namumula ang buong mukha nito, halatang hindi ito sanay sa mga ganoong papuri. “Gusto mo ‘uung…mayaman,” patuloy nito. “‘Yung mga dine-date mo, may mga kotse, may mga negosyo, o kaya mga anak ng mga may negosyo. Eh isang kahig-isang tuka lang ako, kaya ano’ng panama ko sa mga ‘yon?”
Totoo ang sinabing iyon ni Baste pero hindi niya maintindihan ang sarili pero nasaktan siya sa narinig. Especially coming from her best friend. Ganoon na nga ba talaga siya kababaw? Siguro nga.
Kunwari ay itinuon ni Sahara ang atensiyon sa mga dumadaang sasakyan para iwasan ang mga tingin ni Baste. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. “P’wede ba, Baste, huwag masyadong serious,” natatawa pa niyang sabi sabay para sa parating na jeep at kinuha na niya ang mga libro sa kamay ng kaibigan. “Kalimutan na natin ‘yung sinabi ko, na parang wala kang narinig mula sa akin, na parang hindi nangyari.”
“Puwede ba ‘yon?” balik nitong tanong. “Sa tingin mo ba makakalimutan ko nang ganun-gano’n lang ang sinabi mo?”
“Bakit hindi? Unless talagang mahal mo na nga ako dahil hindi ka naman maaapektuhan ng ganyan kung wala kang feelings para sa ‘kin,” sabi niya nang diretsong nakatingin sa kausap. “Ano, mahal mo ba ako, o hindi?”
They are staring at each other’s eyes now. Parami na nang parami ang mga pasahero sa gilid ng daan na tulad nilang naghihintay ng masasakyan. Pilit binasa ni Sahara kung ano ang nasa mga mata ni Baste. Gusto niyang maniwala na may kaunting pag-ibig doon para sa kanya pero ayaw niyang umasa. At bukod doon, natatakot siya sa posibilidad na magkasakitan lang niya ito pagnaglaon.
But she must admit that she likes him. Love might be too big a word right at that moment but Sahara was certain that she likes him. Kung sa paanong paraan, hindi pa siya nakasisiguro – basta ang alam niya, gusto niya ang presensiya nito sa kanyang buhay.
She continued looking at him and imagining what it’s like kissing his full lips. Would he like it? How would it feel?
And without even thinking, Sahara tugged the collar of his shirt, closed her eyes and kissed him. Alam niyang nabigla ang kaibigan sa ginawa niya, maging siya ay nagulat rin. Pero huli na para bawiin ang halik na iyon kaya pinangatawanan na niya at ninamnam ang bawat sigundo ng paglalapat ng kanilang mga labi.
Nang iwan niya ang labi ni Baste ay nakita niya ang namimilog nitong mga mata. Nakita rin niya ang ilang tao na nakatingin sa kanila, ang iba’y nangingiti, ang iba’y nakakunot ang noo. Bigla siyang nahiya sa sarili at mabilis na kinuha ang mga gamit mula sa kaibigan.
Nilingon pa muna niya si Baste bago siya tuluyang sumakay sa jeep.
~~
AFTER a couple of bottles of beer at The Lounge, Sahara decided to go home. Katulad ng nakagawian, marahan ang ginawa niyang pagbukas ng pinto at dahan-dahang pumasok hanggang sa kusina. Her body was dead tired but her mind wasn’t. Matapos maibaba ang mga gamit sa dining table at makakuha ng isang basong malamig na tubig ay saglit siyang naupo, sumandal at pumikit.What did just happen? She was not supposed to kiss Baste - not in the middle of the street at least. Mali ang pagkakataon, mali ang lugar, pati yata ang nangyari ay isang napakalaking pagkakamali. Paano na lang kung hindi na siya kausapin nito pagkatapos? Paano kung pagtawanan siya nito o kaya ay iwasan sa mga susunod na araw?Pero naisip rin niya, paano kung dahil sa ginawa niyang paghalik ay masabi nani Baste na gusto siya nito? Na matagal na rin pala siya nitong gusto pero nahihiya lang ito sa kanya dahil sa matagal na nilang pagiging magkaibigan?Hay, kung puwede
KALAGITNAAN na ng pangalawang klase nila sa umagang iyon pero wala pa ring Baste na nakaupo sa tabi ni Sahara. Hindi ito ang tipo na basta-basta na lang a-absent, lalo na nang hindi nagsasabi sa kanya. She tried texting and calling him that morning pero wala.Bahagya niyang tinapunan ng tingin ang bakanteng silya sa kanyang kaliwa. Bakit ganoon, ilang oras pa lamang niya itong hindi nakikita ay parang ang lungkut-lungkot na sa pakiramdam?Napailing na lamang si Sahara nang mapagtanto ang katotohanang iba nga pala si Baste kumpara sa iba at hindi ito tulad ng ibang lalaki na kayang-kaya niyang akitin sa isang simpleng halik. O kahit sa isang simpleng mapang-akit na titig. He is the conservative type and he probably hates her now for what she had done. Baka iyon ang unang halik ni Baste at pakiramdam nito ay nasayang iyon dahil sa kanya. Siguro, na-turn off ito dahil hindi nito akalaing magagawa niya iyon.And she realized, this is it.
“LONG time no see, sissy.”Isang halik sa pisngi ang itinugon ni Karen sa kanya at agad itong na um-order ng isang baso ng brandy. Tumabi ito sa kanya doon sa bar at pinanood ang babae’ng noon ay kumakanta sa entablado. She was wearing her typical party outfit – something short and sexy.Sahara was supposed to be the one singing on that stage because Fridays were always Sahara’s night at the bar. But it was THE Friday, and that night was reserved for Del Mundo. Kaya nga maaga siyang pumunta sa The Lounge para magpaalam sa boss nila, at para na rin uminom kahit kaunti bago makipagkita sa propesor.Nang dumating ang order ni Karen ay wala pang dalawang segundo ay naubos na nito agad iyon at muling um-order ng isa pa. “Dad has been pestering me about going back to L.A. Doon ko na raw ituloy ang pag-aaral.”“Ano’ng problema?” taka niyang tanong.“I don’t want
“SAHARA!”Napapikit si Sahara. She wanted to just turn around and run away but it was all too late. Tumayo si Del Mundo at ito pa mismo ang lumapit sa kanya.“You are late,” sabi nito, pero nakangiti. Isang ngiti na madalang pa sa eklipse kung magpakita.“T-traffic…sir.”Muli, ngumiti lamang si Del Mundo at hinawakan ang kanyang siko para alalayan papunta sa loob ng coffee shop. “Nag-dinner ka na ba?”Tumango siya. Nang naroon na sila sa loob ay napansin niyang marami-rami ang tao roon - may pamilya, may magkasintahan, may mag-asawa. At marahil ay mayroong mga tulad nilang dalawa ni Del Mundo na doon palihim na nagkita. Hinila pa ni Del Mundo ang upuan para sa kanya.“Coffee?”Muli, tumango siya. While he orders coffee, she looked at the man sitting in front of him. May kakaiba kay Del Mundo nang gabing iyon. Ang buhok? Bagong gupit ba ito?
AGAD na hinubad ni Del Mundo ang T-shirt niya. Tinulungan na rin niya itong hubarin ang suot nitong polo dahil sa tingin niya ay aabutin sila ng umaga sa pagtanggal pa lamang nito ng mga butones niyon.And then he kissed her lips again while making their way to the bed. Marahan siya nitong inihiga sa gitna ng kama at pagkatapos ay pinagmasdan lang siya nito. Did he already change his mind? He was standing in front of her while she’s just laying there, half naked. Hindi maiwasan ni Sahara na titigan ang katawan ng lalaki sa kanyang harapan. Hindi niya inaasahan na sa loob pala ng mga pormal na polo’ng isinusuot nito sa klase ay napakakisig nito. Malayung-malayo ang seryoso, masungit at parating galit na Prof. Del Mundo sa Del Mundo na nasa harap niya ngayon.Lumuhod siya sa malambot na kama at dahan-dahang lumapit rito. Nakita niya ang paghigit nito ng hininga. Marahan niyang ipinadaan ang kanyang hintuturo mula sa mga labi nito,
MAGKATABI silang nakaupo ni Max sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Nagkaroon sila ng pagkakataong magkatabi dahil as usual, Michaela had to go out to have a good time with friends. Ganoon naman si Michaela, mahilig lumabas-labas kasama ng mga kaibigan na tulad nitong mayaman. Noong nakaraang buwan nga, dalawang araw itong nagliwaliw sa Malaysia.Wala pa yatang tatlumpung minutong nakaalis si Michaela ay nakita na niyang lumabas ng kuwarto si Max at tinabihan siya roon sa sofa. Hindi siya kumibo at nagkunwaring seryoso sa panonood kahit pa ramdam niya ang biglang pag-akbay nito sa kanya. She held her breath and anticipated his next move.Pero wala itong ginawa. Nang bahagya niya itong tapunan ng tingin, abala lang ito sa panonood ng telebisyon. Aba, isang himala, nasabi niya sa sarili.She had the itch to make the first move. He’s been away for almost a month and she really missed his presence in the house and of cou
ABALA si Sahara sa pag-aayos ng mga readings niya sa loob ng bag nang bigla siyang mabangga. Nagliparan ang lahat ng papel na hawak niya, maging ang laman ng kanyang malaking bag ay nagkalat rin.“Shit!” mahina niyang sabi habang pinupulot ang mga gamit. “Kung kailan naman nagmamadali, tsaka pa-““Sahara.”Napaangat siya ng tingin. Kahit hindi pa nga niya tingnan iyon ay alam niya kung kanino galing ang boses na iyon. Kay Baste. Tinulungan siya nitong pulutin ang mga gamit at halos magkauntugan pa sila nang sabay silang tumayo.“Sahara, sorry na.”“Okay na ‘yon,” simple’ng sabi niya kahit pa hindi naman talaga. Mabilis siyang naupo sa gutter para maiayos nang maigi ang laman ng kanyang bag. Agad naman siya nitong tinabihan doon sa gutter kahit pa mukha na silang tanga doon na dinadaan-daanan ng mga tao.“Pero-““Pleas
SAHARA should be happy about it, really. Matagal na niyang gusto si Baste at ngayon, sa wakas ay naamin na nito sa kanya ang tunay nitong damdamin para sa kanya. He loves her. For real.Hindi niya maiwasang matawa sa sarili dahil ngayon lang niya napagtanto na iyon ang kauna-unahan niyang ‘totoong relationship’. Iyong hindi pagnanasa lamang, iyong totoong may kasamang ‘pag-ibig’. Baste is the perfect gentleman at sa buong isang buwan nila bilang pagiging magkasintahan, hanggang simpleng halik lang sa labi ang natatanggap niya mula rito at hindi na lumalampas pa roon. Minsan nga, gusto niyang siya na ang gumawa ng paraan para may mangyari, pero bigla rin niyang naalala ang magiging damdamin ni Baste.And she should be happy about it, right? Pero bakit ganoon, ang sayang dapat niyang nararamdaman ay wala. Puro kaba at takot lang ang namamayani sa kanyang puso.Bakit ba naman hindi? Nariyan si Max, at si Prof. De