Share

Chapter 1

The Aisle of Medellin is the longest straight highway in Cebu. A seven and half kilometer highway from Dayhagon to Curva at the heart of sugarcane fields, which the Mangubat owns from the foundation of Medellin until the present age.

The green and glorious field is the crown of Don Sebastian Mangubat and Donya Belinda Sanchez-Mangubat. And the little nipa hut at the right portion of the field is the favorite spot of their daughter, Jewel Laine.

What she loves in that place is the peaceful ambiance. Nakikita niya sa malayo ang berdeng mga tubo at ang maputing kalsada ng Aisle mula sa loob ng kubo. Pero ang pinakagusto niya ay walang mga taong nag-iistorbo sa kaniyang pagbabasa.

Isang 'yong magandang lugar para sa kaniyang mahilig sa pagbabasa. Preskong hangin, awit ng ibon, tahimik na lugar... talagang napaka-

"Senyorita Laine! Senyorita! Narito na po ang pinabibili niyong mga libro!"

She blinked. She'd just praised the place but then... hay, she groaned and stood in her feet. Nevermind.

Lumabas siya ng munting kubo at kunot ang noong tiningnan si Dalya na nakangiting naglalakad papalapit sa kaniya. May bitbit itong dalawang malalaking supot na sa tingin niya ay mga libro mula sa Pandayan at NBS.

"Dalya, pwede bang 'wag kang sumigaw?" aniya nang nilapag ng babaeng katulong ang dalawang malalaking supot sa harap niya. "Saka, bakit mo nilagay riyan sa lupa? Sana dinala mo na diretso sa bahay. Alam mong hindi ako nagwawara riyan sa Aisle at hayaan ang mga taong malamang nagbabasa ako ng ganiyang aklat."

"Pero senyorita, sinabi ni Pedro na nandoon sa mansiyon sina Don at Donya. Baka palayasin ako ng mama at papa mo 'pag nakita nilang dinala ko ang mga ito sa pamamahay niyo. Alam niyo naman ang ugali ng mga magulang mo."

Nagusot ang mukha niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Nah, not good. "Fine." Umirap siya. "Ilagay mo riyan sa kubo. Nasa'n si Pedro?"

"Nando'n sa gilid ng Aisle, hinihintay kayo."

"Sige. Pababalikin ko rito si Pedro mamaya. Ilagay niyo ang mga aklat sa isang box. Tapos ipasok niyo sa likod ng bahay at dumiretso kayo sa kuwarto. Hahayaan kong bukas ang pinto para makapasok kayo kaagad. Kakausapin ko ang mama at papa para mahatid niyo ang mga aklat nang matiwasay."

Hilaw na ngumiti si Dalya. "E, senyorita, bakit ba kinahihiya niyo ang mga libro? Hindi ba mas gusto ni Donya na makitang nagbabasa kayo?"

Naningkit ang mga mata niya. "Dalya."

"Po?"

"Don't ask. Basta sundin niyo ang utos ko at bibigyan ko kayo ng tip ni Pedro."

Nagningning ang mga mata ni Dalya. "Masusunod, Senyorita!"

Tinago niya ang Iphone10 sa bulsa at inilagay ang librong The Sexual Assault sa loob ng supot kasama ang ibang aklat. "I'll go. Bantayan mo ang mga 'to, maliwanag?"

"Opo."

Isinuot na niya ulit ang sumbrero at boots sa may tabi. "Dinala ba niya si Fransisko?"

"Hindi po. Nag-arkila lang siya ng motor sa bungad ng Aisle. Hindi kasi pwedeng isama sa siyudad ang kabayo."

Tumaas ang kilay niya. Tinapos niya muna ang pagsusuot ng boots at nilagay niya sa ulo ang sumbrero bago humarap kay Dalya. Naningkit ang mga mata niya. "Sa tingin mo hindi ko alam na bawal siya sa siyudad?"

"Pasensya naman, Senyorita. Pero sinabi ko lang at baka nakalimutan mong -"

Tinalikuran niya ang babae at nagmartsa papunta sa gilid ng Aisle. Narinig pa niya ang sigaw ni Dalya. "Mag-ingat kayo, Senyorita!"

Pero hindi na niya nilingon ang dalaga. Hindi sa na-offend siya sa sinabi nito pero gusto niyang matuto itong piliin ang mga salita. Minsan, nakakasakit na si Dalya nang hindi nito alam.

Nagsumbong si Ramos no'ng isang araw. Pinagsabihan ni Dalya ang kawawang lalaki sa harap ng iba pang hardinero. Mura at masasakit na salita ang lumabas sa bibig nito. Hindi naman pwedeng saktan ni Ramos si Dalya dahil babae ang huli at may ordinansa sa lungsod na bawal pagbuhatan ng kamay ang mga babae.

Nonetheless, ayaw niya sa mga taong hindi alam kung pa'no magdisiplina ng sarili. At hindi dapat pinagsasabihan ang tauhan sa harap ng maraming tao dahil talagang nakakahiya 'pag nangyari 'yon.

Ilang hakbang ang ginawa niya sa ilalim ng tirik na araw. Maya-maya pa'y nakita niya si Pedro sa malayo.

May kausap itong isang lalaki na nakasuot ng malaking sumbrerong abaka. Tanging matangos na ilong at manipis na labi lang ang nakita niya. Pero dahil masyadong mainit ang sinag ng araw at pinagpawisan na siya nang malagkit, hindi na siya nag-usisa kung sino ang lalaki, at binaling nalang ang pansin kay Pedro.

Nilahad niya ang palad para sana kunin ang susi ng motor mula rito. Gusto na niyang makauwi sa lalong madaling panahon.

"Pero senyorita," paunang saad ni Pedro. "Kailangan niyo munang mag-bundak. Isanlibo para sa isang biyahe."

Nangunot ang noo niya. "Sinong maysabi?"

Tinuro ni Pedro ang lalaking kausap nito.

Binaling niya ang tingin sa estrangherong lalaki. Unang nakaagaw sa pansin niya ay ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

"Siya ang may-ari ng motor, Senyorita. Dalawang-libo para sa buong biyahe ng Aisle pero pinakiusapan ko kanina na kalahati na lang muna para mahatid ang mga libro sa payag. At ikaw na ang magbibigay ng kalahati pa. Naubos na kasi ang pera dahil nagtaas ng presyo ang mga libro. Sabi ng maniger na tumaas ang presyo ng gasolina kaya nagmahal ang mga libro."

Ilang segundong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Maya-maya'y nagpaypay ng sarili. "Naman, Pedro. Ang init... Ito na." Inilabas niya sa bulsa ang pitaka at kumuha ng isanlibo. Inabot niya 'yon sa lalaking estrangehro. "Ako na ang magpapatakbo ng motor. You know me, right? Just get your motor later at my dad's mansion. I'll call Ramos to drive you three to mansion."

"Pero Senyorita -"

Tinaas niya ang malayang kamay at bumaling kay Pedro. "Ayokong umaangkas, ayos?"

"Pero Senyorita, lagot naman ako kay Don Sebastian."

Napairap siya sa hangin. Humalukipkip siya at pinaningkitan ng mga mata si Pedro. "Kung dinala mo na lang sana dito sa field si Fransisko, wala sana tayong problema. Pero hindi mo natali sa field, kaya magtiis ka muna."

Napakamot ng batok si Pedro. Umikhim bigla ang lalaking estranghero kaya napatingin siya rito. "Ihahatid na lang kita sa dulo ng Aisle," alok nito.

Umiling siya. "Hindi na." Nilahad niya ang palad sa harap ng lalaki. "Akina na ang susi. Wag kang mag-alala, may student permit ako rito. Hindi ka mapapahamak 'pag may checkpoint sa unahan."

Ilang segundo itong walang kibo, pero kalaunan ay napabuntong-hinga at may dinukot sa bulsa. Inasahan niyang ilalagay nito ang susi sa palad niya, pero nang makuha nito ang susi ay hinawakan lang nito ang kamay niya. Nangunot ang noo niya nang maramdaman ang mainit nitong palad na sumakop sa kaniya. Ramdam pa niya ang susi ng motor sa pagitan ng mga palad niya at ng lalaki.

"Bitiwan mo," babala niya. Ngunit ngumiti lang ang lalaki at humigpit ang hawak sa kamay niya. Iginiya siya nito papalapit sa malaking motor. "Ano ba!" Madali siya nitong nahihila dahil sa lakas nito.

Lumingon siya kay Pedro. Nakita niyang nagkamot ito ng ulo. "Pedro!" sigaw niya sa pagbabakasakaling sasaklolohan siya ng alalay niya.

"Pasensya na, Senyorita. Hindi ko pwedeng basta-basta na lang uutusan ang Senyor Gideon."

Nangunot ang noo niya. "Just help me out, okay? Lagot ka kay Mama 'pag nalaman niya 'to!" Hinigit niya pabalik ang kamay pero masyadong mahigpit ang hawak ng lalaki. Inis niyang hinampas ang kamay nito.  "Mister, let go! Hindi mo ba ako kilala?"

"Everyone knows who you are, Jewel."

Umismid siya. "Then let go. Sino ka ba?" Hinigit pa niya ulit ang kamay pero walang nangyari.

Humarap sa kaniya ang lalaking tinawag na Gideon. Ngumiti ito at walang sabi-sabing binuhat siya pasakay sa motor. Umawang ang mga labi niya. "Way batasan!" inis niyang sigaw.

Mabilis na sumakay ang lalaki sa motor at hindi siya nito binigyan ng pagkakataong tumalon dahil bigla nalang humarurut ang pagmamay-ari nitong Xtown. Napahawak siya sa balikat nito.

"Kita nalang tayo sa mansion, Senyor!" sigaw ni Pedro.

Senyor? May iba pa bang anak-mayaman sa lugar na ito? Saka hindi pa niya kailanman nakilala ang tinatawag nitong Gideon. Hindi pamilyar ang hubog ng katawan, pati ang pabangong gamit ay bago sa pang-amoy niya. Kaya sigurado siyang hindi ito taga-Medellin. At kung taga-Medellin man ay hindi namamalagi dito. Dahil halos kilala na niya lahat ng lalaking anak-mayaman sa buong lugar ngunit hindi pa niya nakita ang bruskong lalaki.

Mas bumilis ang takbo ng motor sa tuwid na Aisle.

Marahas ang hampas ng hangin sa mukha niya. May ilang hibla ng buhok niya ang malayang sumasayaw tungo sa harap. Nanlaki bigla ang mga mata niya nang may mapagtanto. Walang silang suot na helmet!

Nang hawakan niya ang ulo ay wala na ang suot niyang sumbrero. Mas lalong sumama ang tingin niya sa ulo ng estrangherong lalaki.

Bigla nalang huminto ang motor. Napahiyaw siya nang muntik nang tumama ang mukha niya sa ulo ni Gideon. Mabuti nalang at naiwas niya 'yon kaya bumaon ang mukha niya sa balikat nito. 

"Don't be a reckless girl, Jewel." Hinuli nito ang mga kamay niyang nakakapit sa damit nito, saka iginiya ang mga 'yon papulupot sa tiyan. Tinapik pa nito nang marahan ang mga kamay niya.

Nahigit niya ang hininga. Unang pagkakataon na yayakap siya sa driver ng motor at talagang naiinis na siya. Hindi siya alalay para maging sunod-sunuran lang sa estrangherong lalaki!

"Stop that -"

"Shh," pigil nito sa kaniya. Pinaandar nito ang motor kaya humigpit ang yakap niya sa lalaki. Mas lalong sumama ang pakiramdam niya. "Prevention is better than cure. You've heard that, Jewel?"

Bumilis ang takbo ng motor kaya mas humigpit din ang yakap niya rito. Natatakot siyang matangay ng hangin sa lakas ng hampas niyon. At para yatang walang balak ang estrangherong pabagalin ang takbo ng motor. Bagkus mas lalo lang bumilis.

Bumilis din ang tibok ng puso niya. Ayaw pa niyang mamatay nang maaga.

#032520.3.5P

#013121.7.10P.R

Comments (2)
goodnovel comment avatar
norma quarteros
napakagandang kwento
goodnovel comment avatar
Loven Sol
interesting!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status