Share

Chapter 4

Nasa labas sila ng Mansiyon at hindi pa nakakapasok dahil nakaantabay sa labas ang kaniyang ama. Madilim ang mukha ng Don nang makita siya nitong parang basang sisiw na walang inahin, pero biglang sinalo ni Gideon ang galit ng ama na para sana sa kaniya.

"Ako na ang humihingi ng pasensya para kay Jewel, Don Sebastian."

Hinintay ni Jewel ang galit ng ama. Ngunit nagulat siya nang ngumiti ito kay Gideon. Napanguso siya.

'Unfair talaga! Palagi lang siyang ngumingiti kay Gideon. I didn't even remember the last time he smiled at me!' maktol niya.

"Ano na naman ang ginawa ng aking unica hija at para siyang sisiw na naligaw dito sa mansiyon?" Bumaling ang ama niya sa kaniya. Pinaningkitan siya nito ng mga mata.

Nagbaba na lang siya ng tingin at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Hinayaan niyang si Gideon ang magpalusot para sa kaniya. Total, pinagtanggol na siya nito. Edi lubos-lubosin na.

"Nahulog lang siya sa ilog," kuwento ni Gideon.

Nanlaki ang mga mata ng ama at bumaling ulit sa lalaki. "Nahulog? Talagang nahulog ang anak ko sa ilog?" Magkasalubong na ang kilay ng Don. Bumaling ulit ito sa kaniya na mas madilim pa ang ekspresyon kaysa kanina. "Jewel Laine! Sinabi ko sa 'yong wag na wag kang magliwaliw sa dilim! Alas tres ng umaga at nandoon ka na sa gubat? Wala akong anak na lakwatsera!"

"Don Sebastian." Napatingin ang ama kay Gideon. Maging siya ay bumaling dito. "Naanod sa ilog si Fransisko. Naikuwento sa akin ni Pedro na hindi gumagamit ang anak niyo ng ibang kabayo. Baka ito na ang daan para manatili sa bahay si Jewel."

Ilang segundo niyang pinroseso ang sinabi ng lalaki, at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Gideon. Ngumiti naman nang pagkalapad-lapad ang kanyang ama.

'I'm doomed!' aniya sa isip.

"Buweno," sambit ng ama. Umikhim pa ito bago bumaling sa kaniya. Ngumiti ito kaya napalunok siya. Talagang hindi maganda kapag ngumingiti ang Don. May naiisip itong labag sa loob niya kaya napapangiti ito sa saya. Mas lalong nanlumo si Jewel. "Hindi ko na ipapahanap ang Fransisko mo dahil nasa dagat na siya, Jewel Laine. Gumayak ka na sa loob at magbihis sa iyong silid."

"Papa -"

"Sundin mo ang utos ko. O gusto mong ako ang kakaladkad sa 'yo sa itaas?"

Padabog siyang umalis sa harap nang ama at pumasok sa Mansiyon. Nakita pa niya si Dalya na may sinesinyas sa kaniya pero masama ang loob niya. Masamang-masama. Alam niyang ilang taon pa bago siya ulit makakatanggap ng kabayo. Hindi pinapagamit ng ibang kabalyero ang mga kabayo sa kwadra, lalo na't inaalagaan ang mga 'yon. Si Fransisko lang ang tanging nasasakyan niya sa halos limang taon. Pero wala na ang kabayo niya.

Papunta pa lang siya sa hagdanan kaya humabol sa kaniya si Dalya. "Senyorita, 'yong mga -"

"Wala ako sa mood, Dalya."

"Pero Senyorita -"

"I said shut up!" Huminto siya at pinadyak ang paa sa inis.

Natahimik si Dalya. Dali-dali itong bumalik sa kusina. Napansin naman niyang nagtatawanan ang ilang katulong sa gilid ng hagdanan. Nakilala niya ang mga ito. Naging kaaway ito Dalya noong isang buwan.

"Anong tinatawa niyo riyan? Bumalik kayo sa trabaho!" singhal niya.

"Opo, Senyorita." Mabilis na nabuwag ang grupo ng katulong. Nagkanya-kanyang takbo palayo sa hagdanan.

Napabuga siya ng hangin. Mabigat pa rin ang dibdib niya habang umaakyat sa hagdanan. Dumiretso siya sa kuwarto at pumasok sa kaniyang banyo. Naligo siyang malungkot at masama ang loob. Pagkatapos, lumabas siyang nakatapis lang ng tumalya.

Pero nang bumaling ang tingin niya sa kama, natigilan siya nang makita ang isang malaking box na nakasampa doon. Nangunot ang noo niya, pagkuwan ay nagningning ang mga mata nang mapagtanto kung ano iyon.

Patakbo niyang niyakap ang box at binuksan ito. Tumalon ang puso niya sa saya nang makita ang iba't ibang international at local books. Isa-isa niya 'yong inilabas mula sa box at inilatag sa kaniyang kama. Bawat nahahawakang libro ay hinahagkan niya.

Wala na yatang makakapaglarawan sa kung gaano siya kasaya nang mga oras na 'yon. Para siyang hindi mapakali sa nakikita, at kung pwede lang makain ang mga libro ay ginawa na niya.

Halos isandaang aklat ang nakuha niya mula sa box. Tinapon niya sa sahig ang lagayan at dali-daling kinuha ang Iphone sa bedside table. Agad niya 'yong kinunan ng litrato, pagkatapos ay nag-selfie kasama ang mga ito. Binuksan niya ang Messenger at sinend ang mga litrato sa gc nilang magkakaibigan. Wala pang tatlong segundo nang mag-chat si Hazel.

Hazel: wow! That's awesome!

Tiara: How cheap.

Gabbi: *****ina! Ma-harbor ng ilan!

Jewel: More books to come.

#bookAddict

Natatawa niyang binaba ang Iphone pero bigla 'yong nag-ring. Nang tingnan niya, nakita niya ang pangalan ni Hazel. Sinagot niya ang tawag.

"Have you seen Ara's book?"

Nanlaki ang mga mata niya at impit na napasigaw. "Hindi ko pa nakita! Kababalik ko lang sa mansiyon."

Dali-dali niyang binuhay ang laptop at habang hinihintay iyon ay kumuha siya ng bestida sa walk-in closet, at nagbihis sa gilid ng kama. Nang makita niya ang homescreen sa laptop, agad siyang nag-log in sa website ni Ara Taliman.

Doon lang niya naalalang hindi pa pala niya napatay ang tawag ni Hazel. Nang tingnan niya ang Iphone, patay na ang tawag.

                                                                                PHANTOM OF DESIRE

New Book Series by Ara Taliman

Local and International orders are now open!

Local Delivery

International Delivery

USD 40 per book title + shipping fee!

Bundle 1 (USD 50 + SF)

Inclusions:

â–ª Sexy Darling Next Door

â–ª Play With Me

â–ª Lust

â–ª Hush and Let Me

Bundle 2 (USD 75 + SF)

Inclusions:

â–ª Bundle 1 + Merchandise

Merchandise include: Pillows, Lightstick, Bookmarks

w/ special dedication from the author!

Bundle 3 (USD 100 + SF)

Inclusions:

â–ª Bundle 2 + Travelogue

â–ª Graphic illustrations of characters and places

found in series.

â–ª Signature of author in every book

â–ª Special discount in next series

Pinili niya ang Bundle 3. Nagbigay siya ng pera gamit ang Paypal at nakangiting nag-browse saglit sa buong website ng aranew.home.blog. Nangunot ang noo niya nang may makita siyang comment na nag-aaway. Nang tingnan niya ang username ng isang nagalit na fan, rishellmaganda ang nakalagay. Napailing siya at pinatay ang laptop.

Masaya siyang nag-unat-unat at nagpunta sa dingding malapit sa balkonahe. Tinulak niya ang dingding. Nagkaroon ng munting pinto roon at nabuksan niya ang isang sikretong kuwarto. Pumasok siya sa loob at binuksan ang flourescent lamp sa itaas.

Nagkaroon ng liwanag ang maliit na kuwartong puno ng mga libro. Nasa dingding ang bookshelf na nilalagyan ng mga librong binili niya limang taon ang nakakalipas hanggang kasalukuyan. Inanay na ang ibang libro. May ilang halos tupi na ang cover, at may ilang nawalan na ng kulay. Pero lahat ay tinambak niya sa isang sulok.

Anim na taon na ang nakakalipas nang pinagawa ang kuwartong iyon. 13 years old siya nang humiling siya sa kaniyang ina ng isang aklatan. Dahil gusto rin ng ina niyang nakikita siya nitong nagbabasa, pinagawa ang kuwartong iyon para sa pag-aaral niya. Pero dahil nababagot siya sa isang monotonic at walang ka-kre-creative na artikulo, binaling niya ang pansin sa Tagalog Romance Pocketbooks. Hanggang nabasa niya ang isang akda ni Ara Taliman. Isa 'yong sexy romance na maraming-maraming bedscene. Explicit pa. Doon nagsimula ang hilig niya sa erotica.

Siguro totoo ang sinabi ni Gabbi na naging s** addict siya. Pero ang rason niya, hanggang libro lang ang pantasya niya at hindi mangyayari sa personal.

Bumalik siya sa kaniyang kuwarto at isa-isang kinuha ang mga aklat. Nilagay niya isa-isa sa bakanteng shelf ang mga 'yon hanggang sa kahuli-hulihang aklat. Inilagay naman niya ang box sa sulok, kasama ang mga inanay nang libro.

Napangiti siya. Kinuha niya ang aklat na kasalukuyang binabasa. Enter Me, Engineer ang title. Nagpunta siya sa kama at doon nagpatuloy sa pagbabasa.

His smile is wicked, almost demonic.

"It's time," he breathed.

He rose and -

Humikab siya at nilagay ang aklat sa tabi. Bigla na lang siyang hinila ng antok. Kinusot niya ang mga mata pero hindi niyon napigilan ang pagbigat ng talukap niya. At bago pa man niya mapikit ang mga mata ay may nakita siyang taong nakatayo sa paanan ng kama niya.

Nagising siyang hinihingal. Napaupo siya bigla sa kama. Doon rumehistro sa pandinig niya ang tumutunog na Iphone sa bedside table. Inabot niya 'yon at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller.

"Hello," she breathed.

"Hey, you will not believe what I'll say."

Nangunot ang noo niya. Nakilala niya ang boses ni Hazel. "So what is it?"

Pikit-mata siyang sumandal sa headboard ng kama at inalala ang panaginip.

'It's the same dream. Again.'

Pero this time, hindi na sa isang kuwarto. Nasa open sea sila. Nakahiga siya sa buhanginan habang nasa ibabaw niya ang lalaki. Madilim sa parteng iyon. At maraming bituin sa langit na palagi niyang nakikita. No wonder, the man in her dream is strong.

"Ara Toga accepted my friend request!"

Bumalik sa siya sa realidad. "W-Well, that's nice. But who's that?"

Natawa si Hazel. Huminga naman siya nang malalim para pakalmahin ang nagrurumentado niyang puso. There is something in that man! Sa tuwing naiisip niya kung paano sila mag-ano ng lalaki, palagi nalang siyang nababasa sa ibaba!

"You don't know her? That's sad, girl. Ara Toga is the most followed erotic author in Bokipad!"

She remembered one time, may sinabi ito tungkol sa isang app na free reading and writing site. "Is Bokipad the app that you've -"

"Oh yes, you're right girl. Come on, I told you mag-install ka ng Bokipad sa Iphone mo. You'll never regret it. There are millions of erotica in Bokipad. You don't have to hoard all erotica in bookstores, girl. Magtira ka naman sa iba!" At natawa na naman si Hazel.

"Erotica ba lahat?"

"Nope. May mga good stories doon. Actually, almost all genre nandoon sa Bokipad. So, it's not solely for erotica."

Napailing siya. "I prefer physical books though."

"Duh, try it. At kakainin mo rin ang sinasabi mo."

Natawa siya. "Confident, e?"

"Of course! Doon kaya ako nagbabasa."

Nakangiti siyang bumangon at dumiretso sa banyo. "Alright. Sige na. I'll take a bath."

"Okay. Text me when you've installed it."

"Okay."

Pinatay niya ang tawag at nilagay ang Iphone sa lababo. Naligo siya saglit at siya nang naglaba ng kaniyang undies. May kung ano kasi doon na mukhang galing sa kaniya. Ayaw naman niyang ipalaba kay Dalya 'yon. Nakakahiya.

Lumabas siya ng banyo at nagsuot na naman ng panibagong bestida. Naupo siya sa kama at pumasok sa app store ng kaniyang phone. Hinanap niya ang Bokipad. Dinownload niya ang app at makaraan ng ilang minuto ay nakita na niya sa homescreen. Gumawa siya ng account at tuluyan niyang napasok ang app.

Napangiti siya nang makita niya ang ilang mga amateur at professionally made book covers. Totoo nga ang sinabi ni Hazel. Maraming libro sa Bokipad na pwedeng niyang basahin nang libre. Nag-save siya ng ilang libro sa library bago nag-text kay Hazel.

To Hazel: Installed. Suggestions?

Tumawag ang kaibigan makaraan ng ilang segundo.

"Hey! Di ba? I told you. Maraming books sa Bokipad."

Pabiro siyang umirap sa kawalan. "Okay. What now? May na-save na akong ilang books sa library. Any suggestions?"

"Hello, hindi mo ba alam na may Bokipad account si Ara Taliman? Search her profile now!"

"Anong username?"

"aranew."

"What's with that username? Ang baho pakinggan."

Nagtawanan silang dalawa.

"So? Nahanap mo na?"

"Yeah. I'm browsing her profile. Hmm... 32 works? Erotica lahat?"

"Oh yes! Happy long weekend, girl!" Natawa si Hazel.

Napangisi siya. "Alright. Babasahin ko na -"

Natigilan siya nang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Napaupo siya nang tuwid sa kama.

"Jewel Laine? Buksan mo 'to," rinig niya mula sa labas ng pinto.

Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis niyang kinuha ang libro sa kama at tinago sa ilalim ng higaan. "Haze? Mamaya ka na tumawag. My Mom is here."

Pinatay niya ang tawag at agad in-exit ang Bokipad sabay lagay ng Iphone sa bedside table. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pinto habang inaayos ang kanyang buhok at suot na bestida. Nakangiti niyang binuksan ang pinto.

"Yes, Ma?"

Salubong ang kilay ng kaniyang ina. "Sinabi ng ama mo na nahulog ka sa ilog. Totoo ba 'yon?"

Nagkamot siya ng batok. Napatalon siya nang sumigaw ang ina niya. "Wag mong kamutin ang batok mo, Jewel Laine! Tumayo ka nang tuwid!"

Napalunok siya at agad tumalima.

"Sagutin mo ako nang maayos. Maliwanag?"

"Yes, Ma."

"Sinong nagbigay permiso sa 'yong lumabas nang maaga? Alas tres? Sira ba ang kokote mo o napasukan lang ng hangin ang utak mo?"

"Ako lang, Ma. Minsan lang naman... siguro?"

Napa-aray siya nang mahigpit na humawak sa palapulsuhan niya ang kaniyang ina. Kinaladkad siya nito pabalik sa loob ng kaniyang kuwarto. Nanlaki ang mga mata niya. Baka makita nito ang mga libro niya!

Nakahinga siya nang maluwag nang pinasok siya nito sa loob ng walk-in closet. Napalabi siya nang mapansing may hinahanap ang ina sa mga bestida.

"What's the matter, Ma?"

"Nandiyan sa ibaba ang Mayor at kailangan mong magpaganda. Mamamanhikan sila ng anak niya."

Ibigay nito sa kaniya ang isang bestidang kulay asul. Simple lang pero elegante tingnan.

"Ipapadala ko rito si Dalya. Ihanda mo ang sarili. Lagot ka sa akin kapag mukha kang basahang haharap sa Mayor. Wag mong ipahiya ang ating apilyedo. Magmadali ka at kanina pa sila naghihintay sa ibaba."

Isang tango at nguso ang tugon niya sa inang naunang lumabas ng walk-in closet.

#032720.3.1P

#020121.R

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status