Share

A Taste by You (Tagalog)
A Taste by You (Tagalog)
Author: SleepyGrey

Prologue

SIMULA na ng summer at bahagya ng umiinit ang paligid ngunit hindi nito napigilan na mapuno nang malalakas na musika at matitingkad na ilaw ang buong XYLO at the Palace. Halos lahat ay masayang nagwawala sa saliw nang malalakas at makabagong mga tugtugin na pinapatugtog ng DJ.

Sa isang gilid, habang abala sa pag-inom ng kanyang paboritong whiskey na ‘Jameson’ ay pinagkukumpulan ng mga kababaihan ang isang hot at gwapong binata na nakaupo sa isang VIP glassed room na nagmamasid sa nagkukumpulang tao na tila may hinahanap doon. Habang abala ang mga mata nito sa pagmamasid ay nahagip ng kanyang mga mata ang magagandang dalaga na hindi maalis ang mga tingin sa kanya at bahagyang kinikilig habang sila'y abala sa kakatingin sa binata.

Lihim na napangisi ang binata.“Found my target,” wika ng binata sa kanyang sarili sabay ngiti sa mga ito dahilan para mapatili ang mga dalagang hindi mapakali sa sulok na iyon.

Hindi inalis ng binata ang kanyang mga tingin sa mga ito hanggang sa hindi nakatiis ang tatlong dalaga at lumapit ang mga ito sa kanyang k'warto.

Kumatok ang isa sa mga babaeng kanina pa nagpapantasya sa binata. Mahabang buhok at may matamis na mga ngiting ipininta nito sa mukha nang humarap ito sa binata.

“You appear lonely; do you mind if we join you?” tanong nito na may pagkatamis-tamis na ngiti sa kanyang labi.

Pinagmasdan ng binata ang babaeng nasa kanyang harapan at masasabi niyang may angking kagandahan talaga ito.

“Sure,” sagot ng binata na tinugunan din nang matamis na ngiti ang babae.

Walang hiya-hiya namang pumasok ito kasunod ang dalawang kaibigan at mabilis na tumabi ang babaeng may mahabang buhok sa tabi ng binata.

“By the way, I’m Jeorgette,” pakilala ng babaeng may mahabang buhok. “This is Honey.” Turo nito sa payat na kaibigan na kasama nito na nasa kabilang tabi ng binata. “ And this is Apple.” Pakilala ni Jeorgette sa matangkad na kasama nito.

Tinignan ng binata ang mga ito at napangisi na lamang sa kanyang kaloob-looban. Kapwa may kanya-kanyang kagandahan ang magkakaibaigan may malaki ang dibdib, may balingkinitang pangangatawan at matangkad.

“Hi, ladies! I’m Kai,” nakangiting pakilala ni Kai sa dalagang nasa kanyang harapan at isa-isa itong kinamayan.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang magkakaibigan nang kamayan sila ng binata. Kapwa sila natatakam sa matipunong pangangatawan ng binata na tanaw na tanaw sa nakabukas na itim na long sleeves na suot nito. Hinayaan lang ni Kai na pagpantasyahan siya ng mga ito at masayang nakipag-inuman at nakipag-usap ng mga bagay-bagay sa mga ito. Hanggang sa ang simpleng katanungan ay nauwi sa malalanding katanungan dahilan para unti-unti nang nawala sa sarili si Honey at mapangahas na umupo sa mga hita ng binata.

“You know I've been holding out for a while, but I really want to taste you now,” malanding wika ni Honey na nagsimulang maglakbay ang mga daliri sa bato-batong dibdib ng binata hanggang sa tiyan nito na damang-dama ang katigasan na dulot nang matinding pangangalaga ng katawan.

Hinawi ni Kai ang baba nito para magtagpo ang kanilang mga mata at mabilis na siniil ng halik na wala man lang halong pag-aalinlangan sa kanyang biglaang ikinilos. Napanganga sina Jeorgette at Apple sa mainit na halikan ng binata at ng kaibigan nilang G na G na maangkin ito. Ilang segundo rin ang lumipas bago kumawala ang dalawa sa kanilang mainit na mga halik.

“You’re really turning me on, baby,” wika ni Honey sa pagitan ng kanyang hininga na pansin na pansin ni Kai dahil sa pag-angat ng mga malulusog na dibdib nito. “Can we fuck tonight?” walang kagatol-gatol na tanong ng dalaga na mabilis ikinaalma ng dalawa niyang kaibigan.

“Honey!” Sabay na singhal nina Jeorgette at Apple.

Ngunit hindi nagpatinag si Honey at nanatili pa rin sa ibabaw ng binata at hindi inalis nito ang kanyang mga titig kay Kai na kitang-kita ang pagkatakam at pagnanasa nito sa binata.

“Can we make it?” tanong nito kay Kai sabay bahagyang gumiling sa ibabaw ng malaki nitong pagkalalaki na umbok na umbok sa suot nitong pantalon. 

Napaungol pa nang mahina ang dalaga ng idiin niya ang kanyang pagkababae habang dinadama ang malaking umbok ng binata na sumasagi rito. Muli itong napaungol ng masentro ang kanyang bukana at lumingon sa mga kaibigan niya. “We can do foursome for more fun,” saad ni Honey na labis na nadadarang nang sandaling iyon. May pakindat pa itong ginawa sa mga kaibigan niya dahilan para mapalitan ang mga reaksyon nitong umaalma sa kanilang pagkadisgusto kani-kanina lang sa mga mapipilyang ngiting sa kanilang mga labi.

Napangisi si Kai sa kanyang narinig at humarap kay Jeorgette na nakaabang sa kanyang magiging sagot. Hinawakan nito ang mukha ng dalaga at tinutuyang hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang labi nito na nagdadala ng kakaibang init sa buong katawan ng dalaga.

“I'm sorry to say that we won't be able to...” mariing sabi ni Kai dahilan para mabilis na gumuhit ang pagkadismaya sa mga mukha nito na ikinatuwa ng binata ngunit mabilis niya rin itong binawi. “...but we can work it out here,” pagbabawi niyang saad dahilan para muling manumbalik ang galak sa mga ito at mabilis niyang hinalikan si Jeorgette.

Gumuhit ang mga ngiti sa mga labi nito nang sandaling iyon dahilan para mas magwala ang halimaw ng kapusukan sa kanilang kaloob-looban at mainit lalo ang kanilang mga libido sa katawan. Hindi magkamayaw ang mga dalaga upang matikman si Kai. Lahat sila ay nais tikman ang binata dahilan para humanap sila ng kanya-kanya nilang bahagi na kanilang titikman sa binata. Si Honey na tuluyan nang nawala sa sarili ay patuloy sa pagkiskis ng kanyang pagkababae sa ibabaw ng binata dahilan para maramdaman nito ang mas lumaki ang pamumukol ng alaga ng binata sa ibabaw ng pantalon nito na tila gusto na ring kumawala sa pagkakakulong nito. Dahil sa matinding init na nararamdaman ni Honey ay ikinayod ang kanyang bukana nang buong gilas habang si Kai naman ay abala sa pakikipaghalikan kay Jeorgette. Hindi na nakatiis si Apple sa kanyang naglalagablab na senaryo ng tatlo kung kaya ay kinuha nito ang kanang kamay ng binata at ipinasok sa ilalim ng kanyang suot na tube para  ipalamas ang kanyang hinaharap. Kapwa mga ungol ang mga lumalabas sa bibig ng tatlong magkakaibigan na siyang umaalingawngaw sa apat na sulok ng k'wartong kanilang kinaroroonan dahilan para mas ganahan si Kai. Magsisimula na sana ang mainit na aksyon nang biglang natigil ang malakas na musika at napalitan ng “Happy Birthday” song. Biglang nagbago ang timpla ni Kai at naging matigas ang kanyang ekspresyon na agad na napansin ni Honey.

“What’s wrong, baby?” kunot-noong tanong ni Honey na malanding umangkla ang mga kamay nito sa leeg ng binata.

“I'm sorry ladies, but I've just lost interest,” walang kabuhay-buhay na saad ni Kai na siyang ikinadismaya ng magkakaibigan.

“But, why? We've only just begun!” angal ni Honey na nagtatapon nang labis na paghihimutok.

“I'm sorry, but I'd rather be alone,” monotonong wika ni Kai sabay yuko.

“But aren't you having a good time?” tanong ni Apple na hawak ang kamay ni Kai at binigyan ng nagmamakaawang mga tingin.

“I am awhile ago, but now, I just want to be alone.”

Pinagmasdan ng tatlo ang reaksyon ni Kai na may labis na pagtataka. Ngunit hindi makakapayag si Honey na matapos ang gabi na iyon nang gano’n-gano’n lang kung kaya’t nagmatigas pa rin ito at gumiling sa ibabaw ng namukukol na alaga ni Kai.

“Bakit hindi pa ba sapat ito?” At mas diniinan ni Honey ang paggiling sa ibabaw ng binata. “I can do better!” Dagdag nito na may kasabay na pag-ungol at hinalikan si Kai sa leeg ngunit inawat ito ng binata.

Hinawakan nito ang kamay ni Honey dahilan oara makuha nito ang atensyon. “Please, just leave me alone,” seryosong pakiusap nito.

“Pero—"

“I said, “Leave me alone!” sigaw ni Kai dahilan para mapatayo si Honey sa labis na pagkabigla sa itinuran ng binata sa kanya.

Bagamat sa labis nitong pagkagulat ay mas nangingibabaw pa rin ang kanyang pagkadiskontento sa nangyayari kung kaya patabog ito na lumabas ng k'warto kasunod sina Jeorgette at Apple.

“Damn it!” malutong na mura ni Kai sabay hawi ng mga boteng nasa ibabaw ng mesa dahilan para mahulog at mabasag ang mga ito. Hindi pa nakuntento si Kai at kinuha ang bote ng alak na nasa kanyang tabi at hinagis iyon sa pader na siyang nagdulot ng lamat sa salaming pader ng k'wartong kanyang kinaroroonan.

“Damn it! Damn it!” Paulit-ulit nitong mura at napasubsob sa kanyang mga palad sabay sabunot sa kanyang buhok nang mariin. Isang patak ng luha ang kumawala sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na itong bumagsak.

“I miss you so bad,” mahinang usal ni Kai sa pagitan ng kanyang mga pagluha. “Where are you exactly in this fucking world?”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
DravenBlack
Wow this so interesting! Nice story po ate. You're one of my favorites now. ...
goodnovel comment avatar
melisamelany
Nice story! Do you have email/social media I can follow?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status