Share

Chapter 4: Taste of Your Lips

NAKARAMDAM ng pagkailang si Blessie dahilan para mawalan itong muli ng balanse sa biglang paggalaw nito sa kanyang pagkakaupo sa duyan. Mabilis na iniapak ni Kai ang kanyang mga paa sa buhanginan upang makuha niya ang balanse at maging suporta upang masalo si Blessie sa muntikang pagkakahulog nito.

“Haven’t I told you to be more careful?” madiing sabi ni Kai na may halong matinding pag-aalala sa kanyang mga mata.

Hindi nakaimik ang dalaga dahil sa naagaw ng mga mata ni Kai ang kanyang atensyon. Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng kakaiba nang sandaling iyon. Where I had saw this eyes? Pakiramdam niya ay nakita niya na iyon. Pamilyar siya ngunit ‘di niya maalala. May kung anong kabog sa kanyang dibdib ang dinala ng mga matang iyon sa kanya.

“Here’s your punishment for making me worried.”

Isang mabilis na pagdampi ng mga labi ang ginawa ni Kai sa dalaga na kinalaunan ay unti-unting lumalalim. Tila naparalisa ang katawan at tinakasan ng huwisyo si Blessie sa biglaang ikinilos ng binata, habang lumalalim ang halik ay hindi niya namamalayan na unti-unti na rin siyang natatangay at sumasabay sa bawat pagkain ng labi ng isa’t-isa. Ang una’y pagkain lamang ng mga labi ay nasundan ng pagpasok at paglaro ng kanilang mga dila sa loob ng kanilang mga bibig. Ang init na kanilang nararamdaman ay unti-unting tumaas na mas nagpatindi ng kanilang libido. Mas naging maigting ang kanilang mga halik na maging ang kanilang mga kamay ay nagsimula na ring maglakbay. Hinapit ni Kai ang katawan ni Blessie papalapit sa kanya na mas dumiin sa ginagawa nitong paghalik. May mga impit na ungol ang dahan-dahang lumalabas sa bibig ng dalaga dala nang matinding sensasyon na kanyang nararamdaman. Nagdala ito ng matinding init kay Kai nang marinig niya ito kung kaya binigyan niya ito ng daan at dumako ang kanyang mga halik sa tainga pababa sa leeg nito na mas nagpatindi ng pag-ungol nito. Tila musika ito sa pandinig ni Kai ngunit natapos ang lahat ng mag-iwan ito nang love bite sa leeg ng dalaga.

“That’s it for now, we can’t go too far maybe next time,” wika ni Kai na may pilyong ngiti. “We can do more.” Sabay kindat kay Blessie.

Doon lamang natauhan si Blessie matapos ang lahat na nangyari dahilan para mamula nang husto ang kanyang mukha.

“Shit! Don’t blush you’re making it hard for me not to own you,” malutong na pagmumura ni Kai.

Nanlaki ang mga mata ni Blessie kung kaya itinulak niya ito sabay bangon nang mabilis dahilan para magkauntugan sila ng noo. Kahit masakit ang kanyang noo ay dali-daling bumaba ng duyan si Blessie at bahagyang lumayo sa binata.

“Nahihibang ka na kung ano-ano ang mga lumalabas sa bibig mo!” saad ni Blessie na hanggang ngayon ay hawak ang kanyang noo dahil sa sobrang sakit.

“Do you think I already lost my sanity?” tanong ni Kai.

“Sa lagay mong ‘yan hindi pa ba?” gigil na tanong ni Blessie.

“If losing my sanity is done by you, I don’t mind,” diretsang sagot ni Kai na titig na titig sa mga mata ni Blessie.

“Tse! Tigilan mo ko! Huwag ako ang pinaghaharot mo!” bulyaw ni Blessie na namumula ang mukha na ng sobra sa labis na hiya at pagwawala ng kanyang puso sa kanyang dibdib.

“I’m not flirting though,” saad ni Kai.

“Tigilan mo ko!” napaungol sa pagkasiphayo si Blessie sa mga pinagsasabi ni Kai dahilan para bigla siyang nakaramdam ng pananakit ulo. “Aray!” mahina ngunit nagngitngit niyang daing.

“Huwag ka ngang mag-inarte diyan! Big catch na aayawan mo pa!”

Narinig ni Blessie ang boses ni Blythe sa pagitan ng pananakit ng kanyang ulo na siyang kanyang ikinagulat. Napansin iyon ni Kai dahilan para mabilis na lumapit ito papunta sa kanya.

“Blessie, are you okay?” tanong ni Kai habang inaaral ang reaksyon ni Blessie.

“Blythe?”

Naguguluhan si Blessie nang sandaling iyon, naririnig niya ang boses ni Kai maging ang boses ni Blythe sa kanyang isipan. How could I hear her voice? Naririnig ko ba talaga siya o guni-guni ko lang ang lahat? Nalilito si Blessie sa nangyayari, iyon ang unang beses na marinig niya si Blythe habang na sa sarili niyang katinuan.

“Blessie?”

“If you won’t take him then I will,” nanghahamong saad ni Blythe.

“Blessie! Hey, go back to yourself!” sigaw ni Kai.

Napatingala si Blessie at tinignan si Kai nang nanghihina.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong nito.

Nanlalata ang mga mata niya ng magsalubong ang mga tingin nila ni Kai, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng proc (programmed random occurrence). Nalilito at hindi maunawaan ni Blessie ang nangyayari nang sandaling iyon. Napahawak muli siya sa kanyang ulo nang bigla itong sumakit na labis niyang ikinadaing.

“Why do you keep making me worried?” tanong nito sabay buhat sa kanya. Aangal pa sana siya pero agad siyang pinigilan ni Kai.

“Don’t even try to stop me. You’re not okay, you should be checked,” mariing sabi nito.

Hindi na rin makaangal si Blessie sapagkat patuloy pa rin ang pagsakit ng kanyang ulo kaya napasubsob na lang ito sa dibdib ng binata habang hawak ng magkabila niyang kamay ang kanyang ulo. Dali-daling dinala naman ni Kai ang dalaga sa clinic ng resort at agad na pinatingnan sa doktor na naroon.

“HOW IS SHE?” nagmamadaling tanong ni Kai sa doktor. Isinabit ng doktor ang kanyang stethscope sa kanyang leeg bago humarap sa binata.

“Don’t worry about your girlfriend, she just had light concussion due to what happened earlier as what you had said so there’s no need to worry,” nakangiting sabi ng doktor.

“If she’s okay then why she’s in pain?” pagkukuwestiyon nito na hindi niya maintindihan kung anong rason ng pagdaing ng dalaga sa kanyang ulo.

“I know you’re worried but it’s natural. I already gave her pain killer and she all need is to rest. I think she has low tolerance in pain that's why and she's quite tired so take care of your girlfriend,” paliwanag ng doktor saka umalis.

“Hindi mo naman ako girlfriend paulit-ulit ‘yong doktor,” nakanguso at banas na saad ni Blessie.

“It’s okay, you can used to that,” nakangising saad ni Kai.

“Shut up! Kung ano-ano mga pinagsasabi mo!” napapikit nitong sabi sa sobrang hiya.

Lumapit si Kai sa kanya at dinampi ang ice pack sa kanyang noo na may bukol na dahilan para mapaatras si Blessie pero hindi hinayaan ng binata na makalayo ang ice pack sa noo nito.

“Will you feel glad that I’m here for saving you in times you’re in a disaster? I just offer you help but you seems to be ungrateful. Have I done wrong with you since from the start we’ve met?” tanong ni Kai sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Natauhan si Blessie sa mga sinabi ng binata. Alam niyang tinulungan siya nito pero sa inaasta niya pinapakita niya na parang may ginagawa ito sa kanya ng masama.

“Bakit ko nga ba siya iniiwasan?” tanong niya sa kanyang isipan. Bigla ito napaisip sa kung ano ba ang dahilan niya dahil ba sa sa kanyang sikreto? Takot?

Napatingin ang dalaga kay Kai na ngayon ay dahan-dahan ang pagdampi ng ice pack sa kanyang noo. Mapupungay at singkit na mga mata, matangos na ilong, manipis na mga labi, strong jawline at matikas na pangangatawan ang meron ang binata na labis na kapansin-pansin dito.

“Dapat ba akong matakot? Sino ba matatakot sa lalakinh gan’yan ang itsura? Kahit sinong babae magkakagusto sa kanya with his strong appearance, imposible na walang maghabol sa kanya,” saad ni Blessie sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang kabuuhan ng binata.

Ipinagpatuloy ni Blessie ang pagmamasid at pag-aaral kay Kai na halos hindi niya namalayan na nalunod na rin siya sa kanyang isipan. Nagulat na lamang siya nang maramdaman niya nakadikit na ang noo ni Kai sa kanyang noo at ilang sentimetro na lang ang layo nito na anumang oras ay maaaring magdampi ang kanilang mga labi.

“Whom do you think, when I’m here in front of you?” tanong ni Kai na may nakakapangtunaw ng pagkababae ang kanyang boses.

Hindi nakaimik ang dalaga dahil sa labis na pagkagulat. Pinagmasdan siya ni Kai sa mga mata at bumaba ang mga tingin nito sa kanyang mga labi at muling ibinalik ang tingin sa kanyang mga mata.

“Should I punish you again? You keep on ignoring my presence and it hurts me,” wika nito na anino'y nasasaktan sa ginagawa ng dalaga.

Lumapit ng bahagya si Kai  dahilan para mas lumiit ang kanilang espayo at konting pagkakamali ay maaabot niya na ang mga labi ni Blessie, isang pagkakamali lang ay muli niyang matitikman ang malambot at matamis na mga labi nito. Napapikit ang dalaga sa labis na kaba at pagkalito sa nangyayari. Hindi niya magawang maitulak ang binata sa kadahilanang may bahagi sa kanyang utak na nagsasabi na gusto niya ang mangyayari. Ngunit bigla nawala ang lahat ng kaba at pagkalito na kanyang nararamdaman nang maramdaman niya ang pagdila ni Kai sa kanyang labi.

“It’s too bad for you if you get to much kissing,” bulong ni Kai sa kanyang tainga na may kasamang panunukso sa kanyang tinig.

Napadilat ito at napatingin kay Kai na malayo na ang mukha sa kanya.

“Ba-bakit? May sinabi ba ako?” nauutal at namumulang bulalas ng dalaga.

“You didn't  but your red face said so,” nakangising saad ni Kai na tuwang-tuwa sa reaksyon ng dalaga.

“Tigilan mo nga ako!” singhal nito sabay layo ng tingin kay Kai.

“That’s so cute of you,” matamis na sabi nito.

Hinawakan niya ang mukha ni Blessie at muling iniharap sa kanya. Muli nitong nilapit ang mukha sa dalaga sabay himas sa labi nito.

“This is so sweet,” nanlulusaw na sabi ni Kai. “If you want to taste me or kiss me then be my date tonight.”

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Anong sinasabi mo na gusto kitang tikman? Halikan?” napapalatak ito sa labis na pagkahiya at pamumula ng kanyang mukha. “Asa ka! Hindi ikaw ang tipo kong lalaki!” At itutulak na sana ng dalaga si Kai ngunit ang binata na ang unang lumayo.

“Don’t push yourself too hard, just take a rest. I won’t bother you,” mahinahong saad ng binata sabay upo sa upuan na naroon.

Hindi nakaimik ang dalaga pero ramdam niya na tila nasaktan ang binata sa kanyang mga sinabi. Sumobra ba ako?

“I won’t do any silly things so rest assured,” paninigurong sabi nito at itinuon na ang pansin sa phone ng hawak nito ngayon.

Hindi pa rin inalis ng dalaga ang tingin niya kay Kai dahil sa naging reaksyon nito kanina at may parte rin sa kanyang sarili ang pagdududa na baka may hindi matino na naman itong gagawin sa kanya tulad kanina. I should guard myself.

“If you keep staring at me in that kind of manner I might think that you really want me—” panunukso nito sabay tingin kay Blessie. “…badly.” At ngumisi nang nakakaloko.

“Shut up! Better not to do anything or else I’ll kill you!” pagbabanta ni Blessie at tinakpan ang mukha ng unan.

“Is that the way you will pay off my kindness?”

Natahimik si Blessie at biglang natauhan sa sinabi ng binata. Napakagat siya ng kanyang labi at napaisip nang sandaling iyon at nakaramdam ng guilt. Kung kaya pasimple niyang sinilip si Kai na ngayon ay abala pa rin sa phone nito.

Nahihiya man ay huminga ito nang malalim. “Then what should I do to pay you?” mahinang tanong ni Blessie. Alam niya na sa kabila ng pagkairita at pagkahiya ay may utang na loob pa rin siya rito lalo na kanina nang tulungan siya nito na dalhin sa clinic para mapatignan.

“What? I can’t hear you clearly.”

Shit! Napamura sa kanyang isipan si Blessie na binabalot na naman ng pagkairita.

“Bingi ka ba? Ang sabi ko, “Ano ba kailangan kong gawin para mabayaran kita?” Ano? Dinig mo na ba ako?” pasigaw na tanong nito.

Biglang napalingon si Kai at ngumiti. “Be my date, later,” masayang saad nito.

Napabalikwas ang dalaga sa kanyang pagkakahiga sa labis na pagkabigla. “Ipipilit mo talaga ‘yan? Para-paraan ka rin ‘no?” inis na sigaw ni Blessie.

“Then if you don't want, why bother asking me?” tanong ni Kai with his straight face.

Napakagat ng labi si Blessie pero wala siyang magawa hindi p’wede na hindi niya bayaran ang ginawa nito sa kanya. Ayaw na ayaw niya na magkautang na loob sa kahit kanino man.

“’Kay! Then let me sleep! Inaantok na ako nang sobra,” diretsang sagot ni Blessie.

“Are you sure ‘bout that?” naninigurong tanong ni Kai.

“Oo nga! Kaya siguraduhin mong wala kang gagawing kabalbalan diyan kun’di walang sisipot na date mo mamaya!” matigas na saad ni Blessie.

“Okay then I should behave well,” anas ni Kai.

“Good!”

Humiga ang dalaga at sinimulang ipikit ang kanyang mga mata ngunit lingid sa kanyang kaalaman may ngiti sa kanyang mga labi ang nakatakas. May parte sa kanyang puso ang hindi niya maunawaan, nalilito siya sa nararamdaman niya hindi niya kilala ang lalaking ito pero ramdam niya na parang may koneksyon sila na kahit anong sabi ng utak niya na lumayo rito ay gusto ng katawan niya na mas mapalapit dito at ang mga nangyayari.

MATAPOS ang ilang oras ay nakapagpahinga na rin nang maayos si Blessie dahilan para magkaroon siya ng magandang gising.

“Ang sarap sa pakiramdam!” masiglang sabi ni Blessie sabay inat ng kanyang mga braso.

Pagkatapos ay mabilis nitong iginala ang mga mata para hanapin ang binata ngunit ni anino ay hindi niya nagawang makita. Hindi niya alam pero may parte ng sarili niya ang na-disappoint.

“Nasaan na kaya ‘yon?”

Bumangon at lumapit sa salamin ang dalaga para tignan ang kanyang itsura medyo namamaga pa ang noo nito pero mas okay na ito kaysa kanina. Napansin niya ang sticky note na nakadikit doon.

How’s your sleep? I hope it recharged you well. Don’t go back with your words after I made my promise. See you there.

-Kai

(P.S. I really try hard to restrained myself not to touch you so better not to chick out)

Nairita ito sa kanyang nabasa sabay lukot sa papel saka tinapon sa basurahan.

“Anong tingin niya sa akin hindi tumutupad ng usapan?” iritang saad nito.

Napatingin siya sa labas ng bintana at napansin na madilim na ang paligid. Tinignan niya ang kanyang relo at pasado ala syete na ng gabi.

“Crap!”

Mabilis siyang tumakbo sa kanyang room at dali-daling isinara ang mga bintana at pinto.

“Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?” natataranta niyang tanong sa sarili.

Hindi niya napansin ang oras masyado itong napasarap sa kanyang pagtulog at inakalang hindi siya aabutin ng gabi sa event na ‘to. Hindi ito makapag-isip nang maayos sa labis na pagkataranta. Anumang oras ay lalabas na si Blythe at wala na siyang ibang magagawa kun’di hintayin ang umaga.

“Anong gagawin ko? Tatakas na ba ako? Pero paano ‘yong usapan namin ni Kai?”

Hindi makapag-isip ng tama si Blessie at tumatakbo ang kanyang oras. Mabilis siyang kumuha ng papel at ballpen saka nagsulat.

“Bahala na!” natataranta niyang pagsasabahala habang patuloy sa pagsusulat. Tinignan niya ang oras at malapit na mag-alas otso kaya mas binilisan pa niya ang pagsusulat hanggang sa nagsimula ng manakit ang kanyang ulo. Unti-unting nandilim ang kanyang paningin,

“Teka…sandali na lang,” pakiusap niya na tila nahihirapan hanggang sa tumunog ang kanyang relo at bumagsak na sa sahig.

“Ikaw na ang bahala, Blythe.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status