Share

Memories with you
Memories with you
Author: KATHA

Let us live with Harmony (Part 1)

Let us live with Harmony - Part 1

Lahat naman siguro nararamdaman ang ganito. Magkahalong kaba at excitement dahil sa first day of school. The thing is college na ako pero kinakabahan pa rin ako sa panibagong environment. Ganon yata talaga kapag introvert ka. Nasaan na ba kase ang best friend ko? Pati ba naman sa college late pa rin siya?


Kinuha ni Nathan ang phone niya at tinawagan si Skyler. Ang bestfriend niya since senior high school. Mas magiging malakas sana ang loob niya kung magkasama sila.

"Hoy! Saan kana?? Huwag mong sabihing magpapalate ka?"

"Hindi hah. Nasa may bungad na ko ng gate. Hintayin mo nalang ako diyan sa classroom." sagot ng nasa kabilang linya.

"Bilisan mo. Naiilang ako. Wala akong kasama dito"

Pagkababa naman ni Skyler sa phone niya ay patakbong sana ito papasok ng gate ng matamaan niya ang isang lalake na may hawak na kape. Natapon ang kape sa damit nito.

"I'm sorry."

"Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw ng lalake.

"Wait lang hah. Ikaw kaya ang pakalat-kalat. Nasa may daanan ka, try mo kayang tumabi" pagsusungit din ni Sky.

"Aba! Ang lakas ng loob mong sigawan ako hah. Kilala mo ba kung sino ko? Teka bago ka ba dito?"

"Wala akong pakealam kung sino ka. Tumabi ka nga" at tumakbo ulit ito.

Badtrip naman. First day palang may nakaaway na kaagad ako. Buti nalang hindi pa kailangang mag-uniform ngayon, hindi niya malalaman kung anong course ko.

Habang naghihintay si Nathan may isang lalake na lumapit sa kanya. "Hi. Wala ka bang kasama?"

Medyo kinabahan si Nathan dahil hindi siya sanay makipag-usap sa ibang tao. "M-meron. Pero padating palang"

"Hah atleast pala may kakilala ka. Wala ako kakilala sa mga kaklase naten kaya nakakailang. Okay lang ba na dito muna ko habang wala pa yung kasama mo?" nahihiyang tanong nito.

"Okay lang naman. Kung gusto mo diyan ka nalang umupo muna" bahagyang naging okay si Nathan ng mapansin na mabait naman ang lalake. Atleast magaan ang aura niya.

"Ako pala si Mark Ivan. Anong pangalan mo?"

"Nathan."

"Yung kasama mo anong pangalan?"

"Skyler."

"Uhm. Why you choose psychology?"

"I want to know more about myself"

Bahagyang nalito si Mark Ivan sa sagot nito. "How could you say that? Of course you know yourself. Ikaw ang higit na nakakakilala  ng sarili mo"

"Usually oo at sana applicable din saken yun" malungkot na tugon nito. Nararamdaman yun ni Ivan and somehow he feel sorry for him.

Magtatanong pa sana si Ivan ng biglang pumasok na si Skyler. Mukhang wala ito sa mood.

"Oh? Napano ka?" tanong ni Nathan sa kanya.

"Nakakainis. Nung papunta ako dito may nakabangga akong lalake, nagsorry naman ako pero sinungitan pa din ako kaya ayun. Nagkasagutan kami. Bwiset yun. Panira siya ng araw ko" sabay bagsak ng bag nito sa upuan. Nang medyo makalma siya napansin nito ang lalakeng nasa kabilang side ni Nathan. "Sino siya?"

"Siya si Mark Ivan kakakilala palang namen ngayon"

Bahagyang ngumiti si Skyler "Wow improving. Marunong kana makipagkilala ngayon hah. Alam mo Ivan mahiyain kase yan kaya mabuti nalang nakilala ka niya. May makakasama siya bukod saken. Ako pala si Skyler"

Nginitian siya ni Ivan "I know. Sinabi na niya kanina yung name mo. Pareho lang kaming may pagkamahiyain kaya lang mag-isa lang siya kanina dito kaya feeling ko madali siyang i-approach."

Tumango ito. "You are free to join us. Nice to meet you"

"hah. Maiba ako." singit ni Nathan "Kailan ka lilipat ng tutuluyan? Yung sinasabi ng mama mo na inaanak niya?"

"Hah yun ba. Baka bukas nalang nag-aayos pa ako ng gamit eh."

"Magiging okay ka lang ba?"

"Oo naman ako pa ba. Madali naman ako makapag-adapt" sanay naman makisalamuha sa kahit sino si Skyler pero kahit papano kinakabahan din siya sa kung anong klaseng ugali meron ang inaanak ng mama niya.

Hindi nagtagal ang pag-uusapan nila dahil pumasok na ang kanilang professor. Nagulat si Skyler ng makita ang mukha ng kanilang professor. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang mukha ng hawak niyang notebook.
Shit! Seryoso ba to?!

Nagtaka ang bestfriend nito. "Anong ginagawa mo?"

"Shit. Siya yun. Yung inaway ko kanina"

"Ano?!" medyo napalakas ang boses nito dahilan para mapansin sila ng kanilang professor. Mabilis niyang nakita si Skyler.

I found you.

"Keep quiet please" nagwalang bahala nalang ang professor nila, na kunwari ay hindi niya nakikilala si Skyler. "I'm sorry if I'm a little bit late. May bumangga kase saken kanina at natapon ang iniinom kong kape sa damit ko. After ng ginawang yun ay tinarayan pa ko. Kinailangan ko tuloy magpalit muna" tumingin ito kay Skyler na medyo naiilang naman. "By the way, I'm Zidane Cortez. I am your professor in Child and Adolescence Development."

Hindi maiwasang kiligin ng mga babae nilang mga kaklase dahil medyo bata pa at gwapo ang kanilang professor.

"Whoa. He is quiet popular" bulong ni Ivan na inirap naman ni Skyler.

Naging

gwapo lang tinitilian na. Hindi nga

nila alam kung mabait ba siya o strict eh. Gay ako pero hindi ako kinilig

sa

kanya nung una kaming nagkita.

Nagsimula ng mag-introduce ng subject ang professor nila ng may pumasok na isa pang lalake. Gwapo ito, matangkad at may pagkamoreno. "Prof. sorry po nalate ako"

Parang tumigil ang mundo ng mga kababaihan dahil sa gwapo ng bagong dating. Bahagya ding natigilan si Nathan sa kanya.

"You are?"

"Jaspher Arceo po" Parang automatic na ngsave sa memory ni Nathan ang pangalan niya.

"Okay. Next time don't be late. Pagbibigyan kita ngayon dahil first day palang. Maghanap ka na ng mauupuan"

Habang naghahanap ng upuan ay napatingin ito kay Nathan na nakatingin pa rin sa kanya. Ang cute niya. Napakakinis at puti ng balat niya compare sa iba. Mas makinis pa nga ata siya kaysa sa mga kaklase nameng babae. Bakiy parang pamilyar siya? Nagkita na ba kami sa kung saan?

"Dito ka nalang" alok ni Skyler. "Wala naman nakaupo dyan" gumanti ito ngiti sa kanya. "I'm Skyler. Nice to meet you"

"Ako si Ivan" singit naman ni Ivan. "ito si Nathan" sabay turo sa bagong kaibigan na tahimik lang na nakatingin kay Jaspher.

This kind of feeling. It's weird. How come you met a stranger but it feels like you already know him a long time ago. Para bang kilala siya ng puso niya.

"Nagkita na ba tayo before?" nagulat si Nathan ng marinig ang tanong na yun sa kanya. Gusto din niya kaseng itanong yung bagay na yun.

"Hindi ko din alam. Pero mukhang pamilyar ka saken"

Ngumiti ito na nagpa skip ng heartbeat ni Nathan. Why do I have this kind of feeling?

"Actually, akala ko nakita na din kita before."

"Ehem." interrupt ni Sky. "Kayo nalang kaya ang tabi? You seems like flirting habang nakagitna ako sainyo"

"Ano bang sinasabi mo." sabay kurot ni sa braso nf best friend niya. Nahihiya siya sa mga sinabi ni Sky. Natatawa nalang si Skyler sa kanya.

"Joke lang."

First day palang may crush na agad

yata ang best friend ko.

*****

Pagkatapos ng klase. Isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante. Nang palabas na ng classroom ang grupo nina Nathan humarang ang kanilang professor. Halatang ang target nito ay si Skyler.

How unprofessional. Sabay irap ni Sky.

"Skyler Sanchez. Now I remember your name" he said with an evil smile.

Anong

pinaplano niya? Baka nakakalimutan niyang teacher siya? Huwag mong sabihin

papatulan niya ang isang

estudyante

dahil lang sa

isang

maliit na pagkakamali?

Naiinis si Skyler pero pinilit niyang ngumiti. "Yes sir Cortez"

"I just found it interesting. Your name seems familiar." lumapit ito kay Sky. "Hindi pa ko tapos sayo. Mukhang matagal tagal pa tayong magkakasama. Let us enjoy the company of each other Mr. Sky" at nauna itong lumabas.

Akala ni Zidane kagaya ng last year ay magiging boring ang school year na ito. Pero mukhang nakahanap siya ng dahilan para mag-enjoy.

"Pinagbabantaan ka ba niya? Bawal yun hah" si Ivan iyun.

"walang bawal dun dahil technically wala naman siyang pangit na sinabi....... so far" sagot ni Nathan sa kanya. "pero tingin ko kailangan mo magready lagi. Baka pag-initan ka niya especially sa klase. Bakit mo ba naman kase siya inaway" alam naman ni Nathan na may pagka matapang ang best friend niya. Kaya minsan nakakalimutan niyang kilalanin kung sino ang inaaway niya.

"Malay ko bang prof pala naten siya. Saka nagsorry ako nung una sa kanya hah." Porket teacher siya magmamatigas siya. Tsk!

"Mukhang may problema kayo sa prof naten hah" concern ni Jaspher sa kanila. Lumapit ito sa kanila. "Ano bang nangyari?"

"As you can see. Medyo nagkaengkwentro itong si Sky saka si sir Cortez kaya ayan ang special niya tuloy kay sir. Pinakauna niyang tinandaan ang pangalan niya" may halong pang-aasar ang pagkakasabi nito.

"Hayaan niyo na. It's not that a big deal. Kumain nalang tayo ng mawala ang stress ko" yaya ni Sky sa kanila.

***

Habang papunta sila sa canteen. Meron isang babae na lumapit sa kanila na mukhang natatakot at nanginginig pa ang mga kamay "tulungan niyo ko. Tulungan niyo kami. Yung mga kasama ko. Binubugbog sila"

Mabilis na pumunta ang apat sa kung saan ang itinuturo ng babae. Nadatnan nila ang sitwasyon kung saan binubugbog ang isang lalake ng mga lima pa. Habang pinipilit niyang i-cover ang babae na kasama niya. Mukhang taga-ibang school ang limang lalake.

"Hoy! Itigil niyo nga yan" sigaw ni Jaspher. "Hindi kayo nahihiya. Pinagkakaisahan niyo sila knowing mas marami yung bilang niyo".

Jaspher may seems gentle. Pero ready siyang ipagtanggol ang isang tao kapag alam niyang mali ang ginagawa sa kanya.

"In short, gusto niyong sumali?" sagot ng isa sa kanila.

"Wala kaming planong sumali. Pero mali yung ginagawa niyo. Saka trespassing kayo sa school namen"

"Wala kayong pakealam. Oh baka gusto niyo ding masaktan kagaya nila?"

"I-rereport namen kayo sa guidance" banta ni Nathan. Hindi naman kase niya feel makipag-away. Jusko sa ganda kung to makikipagsuntukan ako?

Natawa lang ang mga lalake. "Sumbungero lang pala eh. Bakit hindi na lang kayo umalis at magtago sa saya ng mga nanay niyo" at nagtawanan pa sila.

Nainsulto si Nathan sa sinabi ng mga lalake. Sa sobrang inis ni niya ay kumuha siya ng bato at ibinato sa isa sa kanila.

Ilang segundo pa ay narealize nalang nila na nakikipagsuntukan na din sila sa mga lalakeng yun. Ito ang unang pagkakataon na makipag-away si Nathan. Hindi siya pamilyar sa sakit ng katawan na nararamdaman niya ngayon pero wala siyang pakealam. Mas naiinis siya sa idea na may mga tao na basta nalang nananakit ng iba dahil lang sa yun ang satisfaction nila. Naiinis siya sa mga taong hindi man lang kayang magpakatao sa mga kapwa nila.

Hindi nila napansin na may mga guard na pala na umaawat sa kanila.

"awat na!" sigaw ng isang guard. "Bawal yang ginagawa niyo."

"Pero sir pinagtatanggol lang namen ang mga sarili namen dahil sa mga bully na yan" reason out ni Sky.

"Sa guidance niyo nalang ipaliwanag ang lahat. Sumama kayo saken"

***

Pagdating sa guidance. Wala pa ang guidance councillor kaya kinailangan muna nilang maghintay.

"Pasensya na nadamay kayo" nahihiyang bulong ng lalake na tinulungan nila.

"Huwag mong isipin yun. Konsensya nalang namen kung hindi namen kayo tinulungan" sagot ni Nathan.

Napangiti ang lalake. "Pero bilib ako sayo" complement ni Ivan "pinilit mo talagang protektahan yang kasama mo"

"Syempre, magkaibigan kami kaya proprotektahan ko siya." napansin ni Sky na medyo nag-iba ang facial expression ng babae sa sinabi nito. Napailing ito. Akala niya nung una ay magkasintahan sila. Maybe it is one sided.

"pamilyar kayo saken. Kaklase ba namen kayo?"

Tumango sila. "Ako si Anthony. Ito si Daniella" turo nito sa babaeng pinagtanggol niya kanina. "Siya naman si Cassandra. Cassey for short" sabay turo sa babaeng humingi ng tulong kanina sa kanila.

"Maraming salamat sa pagtulong samen. Pero ito tuloy yung kinahinatnan naten" tugon ni Cassey sa kanila. Hindi niya gustong madamay ang kung sino man sa gulo nila. Pero hindi din kase niya alam kung ano ba ang gagawin nung mga oras na yun.

"Okay lang naman. Alam ko naman na nasa tama tayo. Kaysa naman pabayaan namen kayo"

Ilang sandali pa ay dumating si Ma'am Lily. Ang guidance ng school nila kasama niya ang kanilang professor.

Are they couple? Pare-pareho ang iniisip nilang lahat.

"Anong problema?" tanong nito sa mga guard habang isa-isang silang tinitignan.

........

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status