Share

Let us live with Harmony (Part 3)

"Sir Zidane?!" gulat na nasabi nalang nito. "Anong ginagawa mo dito?!" Shit! Huwag mong sabihin

siya yung may-ari ng bahay. How can I survive with this?!

"Obvious ba? Dito ako nakatira. Welcome home" tugon nito na may halong pang-aasar ang ngiti niya.

"Seryoso?"

"Seryoso. Actually nung makita ko palang ang name mo alam ko ng ikaw ang hinabilin ni ninang saken. Exciting diba, araw-araw tayo magkakasama. Araw at gabi" parang good mood siya ngayon.

"Ang malas ko naman sa araw na to" bulong nito sa sarili. Gusto niyang wag nalang tumuloy pero nakapangako na siya sa nanay niya. Isa pa, laging tatawag ang nanay niya kay Zidane para kumustahin sila. Kaya kahit naiinis siya ay push na din niya ang pagstay sa kaniyang prof.

Habang nag-aayos ng gamit napansin ni Zidane na nakapout siya. Natawa ito. Ang cute niya. Parang ang sarap niya tuloy

asarin

lagi.

"Bilisan mo mag-ayos diyan. Para makapagluto ka na" he make it sounds normal para hindi halatang inaasar lang siya nito.

"Ano?" tama ba ang narinig ko?

"Yes. May problema ba? Nakikitira ka dito saken bilang kapalit dapat pagsilbihan mo ko. As in, ipagluluto moko, ipaglalaba at ipaglilinis" bahagyang napaisip si Zidane "Or wait. Hindi ka ba marunong ng mga gawaing bahay?"

"Marunong kaya ako."

"Yun naman pala eh"

Wow. Para pala akong nag-apply ng katulong

dito eh. "Okay po kamahalan" pabalang na sagot nito. Although my point naman siyaSige na nga.

"Talagang hindi mo alam kung paano makipag-usap sa mga taong nakakatanda sayo no. In fact, teacher mo pa" although hindi naman talaga galit si Zidane sa kanya. Pero ayaw niyang i-tolerate yung pagiging ganon ni Skyler.

"Kung sanang maganda ka din makitungo saken nung umpisa palang edi hindi ako ganito sayo"

"Tapos na tayo sa isyu na yan Mr. Skyler Sanchez. Ang sinasabi ko ay yung ugali na pinapakita mo saken ngayon. Hindi pa kita pinakitaan ng hindi maganda kaya matuto kang igalang ako"

"Okay okay sorry na po sir."Medyo nagbaba na siya ng kanyang tono.

"kung makikitira ka dito. Siguraduhin mong magiging maayos yang attitude mo. Remember, irereport ko sa nanay mo kung ano man ang ginagawa mo dito man sa bahay o sa school"

Well he is right. Ako lang ang talo

dito. Nanahimik nalang siya.

****

I have hard time to breath. Sinusubukan kong idilat ang aking

mga mata. Pero dahil

sa pressure ng tubig

nahihirapan ako. May naramdaman

akong

humawak ng aking

kamayDahil

sa

hawak niya parang gusto kong magstrive para mkaahon at mabuhay. I desperately want to live. Pero habang

tumatagal mas nahihirapan

akong

huminga.

"Nathan!" sino yun? May tumatawag ng pangalan ko.

"Kuya Nathan gising!" napabaliktwas ito mula sa kanyan kinahihigaan. Tumambad sa kanya ang mukha ng kapatid na halatang nag-aalala.

"Kuya Nathan? Okay ka lang ba? Nananaginip ka yata ng masama"

Panaginip lang ang lahatMabuti naman. Akala ko mamamatay

talaga ko eh. "Okay naman ako Alvin.

"Ano bang napanaginipan mo?" mababakas pa din sa mukha ni Alvin ang pag-aalala

"Hindi ko din alam eh. Medyo magulo. Pero parang nakakatakot din" hinawakan niya ang kamay ng kapatid. "Pero don't worry okay na ako. Mabuti nandiyan ka, ginising mo ko"

"Nanonood ka siguro ng horror movie bago matulog no" tumayo ito at kinuha sa drawer ang uniform ng kanyang kuya. Minsan parang mas matured ba umarte si Alvin sa kanya. Nahihirapan kase minsan si Nathan na magising ng maaga unlike Alvin kaya siya madalas ang nag-aayos ng gamit ng kanyang kuya.

"And so what? Hayaan mo na ko sa mga yun. Favorite ko mga horror eh."

Umiling nalang si John Alvin. Ang hilig

manood ng horror kaya kung ano

ano ang napapanaginipan eh.

"Kuya sabay ako sayo ngayon hah"

"Bakit? Hindi mo kasabay yung girlfriend mo?"

"Kuya! Hindi ko girlfriend si Arianey"

"Edi crush."

"Mas lalong hindi." halata sa mukha nito ang inis.

"Okay okay. Edi hindi. Bakit nga ba di mo siya kasabay?"

"Masyado siya matagal mag-ayos naiinip ako" reklamo nito.

"Antagal niyo ng magkaibigan ngayon mo lang narealize yun?"

"Nagsawa ako" natatawag sabi nito "iniisip ko nga kung magkakaboyfriend yun"

"Andyan ka naman kung sakali"

"tsk. Ikaw nalang ang magvolunteer na boyfriend niya. Tutal wala ka naman girlfriend ngayon" pagkasabi nun ay mabilis napansin ni Alvin ang pag-iba ng facial expression nito. Medyo napatahimik siya.

"Kuya. Pwedeng magtanong?" umupo ulit ito sa tabi niya.

"Ano yun?"

"May nagugustuhan ka ba ngayon?" seryoso ang tanong ni Alvin. Kaya medyo kinabahan si Nathan.

"Ano ka ba. Syempre wala"

"Kung sakali na makahanap ka ng taong magugustuhan. Pwede bang sabihin mo saken. Tatanggapin ko kahit sino pa ang taong yun. Susuportahan kita. Pangako" mararamdaman sa mga mata nito ang sincerity.

"Okay. Pero bakit ang serious mo?"

"Wala. Mabuti pa mag-ayos ka na. Maghihintay ako" at nginitian niya ito.

Nang pumunta na si Nathan sa banyo para maligo mabilis nagfade ang ngiti ni Alvin.

"I'm the worse brother. I'm sorry kuya. I'm sorry"

Related chapters

DMCA.com Protection Status