Share

Let us live with Harmony (Part 4)

Papasok na ng gate ang magkapatid ng mapansin na papasok na din si Skyler. Mukhang wala siyang energy ngayong araw na ito. Nagtinginan ang dalawang magkapatid dahil pareho silang nagtataka.

"Sky. Umagang-umaga ang tamlay mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa best friend.

"Okay lang ako. Buti pala sabay kayong dalawa?" nagtatakang tanong nito.

"wala eh. Nagsawa na siyang kasabay yung girlfriend niya"

"Hindi ko sabi siya girlfriend." bumaling ito kay Skyler "Ang balita ko lumipat ka ng matutuluyan ngayon. Kumusta kuya Skyler? May problema ba sa bahay? o sa kasama mo doon?" feeling ni Alvin yun yung dahilan kung bakit wala sa mood si Skyler.

"Medyo. Si Sir------" natigilan siya bigla. Hindi nila dapat malaman na sa kanila ako nakatira. Baka kung ano isipin nila, this time kailangan ko sundin ang sinabi ni sir. "I mean yung bago kong kasama sa bahay. Ako lahat ang pinapagawa niya ng mga gawaing bahay. Feeling niya boss siya"

"Grabe naman yun"

"Anong grabe dun?" kontra ni Nathan. "Natural nakikitira ka sa taong yun dapat lang mag-offer ka ng service mo bilang kabayaran. Saka matuto ka din mag-adjust dun hah Sky"

Grabe. Minsan talaga iniisip ko kung bakit best friend ko siya. Hindi man lang ako kinampihan.

"Alam ko naman yun. Para namang di mo ko kilala"

"Kilala kita. Kaya alam ko na magpapasaway ka. Umayos ka dun" Alam niya na minsan sa sobrang lakas ng loob niya hindi niya naiisip yung mga consequences ng mga action niya.

"Grabe ka saken"

"Ui Goodmorning" Bati ni Jaspher kina Nathan at Sky ng makita sila sa harap ng gate. "Bakit kayo dito nag-uusap? Pumasok kaya kayo para di kayo pakalat-kalat diyan" biro pa nito.

"Goodmorning. Ito si Nathan plano na naman akong sermonan" natawa nalang si Jaspher sa dalawa. "Saka grabe ka sa pakalat-kalay hah"

Ilang saglit pa napansin ni Jaspher na nakatingin ng matagal sa kanya ang lalakeng katabi ni Nathan. Para bang natulala ito ng makita si Jaspher. Awkward.

"Are you okay?" tanong nito sa kanya.

Umiwas ng tingin si Alvin ng marealize na matagal siyang nakatitig sa kaibigan ng kapatid niya. "Yeah. I'm okay. Magkakilala kayo ni kuya?" mahinang tanong nito.

"Oo nakilala ko siya kahapon. Siya si Jaspher. Jaspher ito ang kapatid ko si John Alvin. Senior High School siya"

"Nice to meet you" inalok ni Jaspher ang kamay niya kay Alvin para makipagkamay sa kanya. Pero tinignan lang niya ito.

"Kuya papasok na ako sa room ko. Nakalimutan ko pala na nasa akin ang notebook ni Arianey. Isasauli ko lang" at mabilis itong umalis sa lugar na yun. Nagtaka man ang tatlo sa ikinilos nito ay nagpawalang bahala nalang sila.

"Bakit parang ang putla bigla ng kapatid mo?" pag-aalala ni Skyler.

"Kaya nga eh nakakapagtaka"

***

Pag-upo ni Alvin sa desk niya ay pakiramdam niya nanghina ng tuluyan ang mga paa niya. Ano ito? Bakit ganito? Jusko ano bang itong nangyayari? Kakayanin ko pa ba?

"Okay ka lang ba? Bakit parang ang putla mo?" tanong ni Leandro. Kaklase ni Alvin since high school siya.

"Okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko" sabay yuko nito sa desk niya.

"Kailangan mo ng gamot?"

"Hayaan mo na. Mawawala din ito maya maya"

"Sigurado ka ba? Nag-aalala ako sayo"

"Okay lang ako. Promise"

***

After ng klase, nagreready na halos lahat para sa pag-uwi.

"Sky. Huwag ka daw munang umuwi sabi ni sir Cortez tulungan mo daw siya sa pagcheck ng papel" tawag ni Anthony sa kanya.

Napatingin si Sky kay Nathan. "Paano ka?" naisip niyang walang kasabay umuwi ang kaibigan. 7:30pm na kaya wala na ang mga senior high school at siguradong umuwi na ang kapatid niya. Nasa meeting pa ng basketball club sina Jaspher at Ivan dahil sumali sila sa basketball para makakuha ng scholarship.

"Ano ka ba. Hindi na ako bata. Kaya kong umuwi mag-isa no. Huwag mo kong alalahanin" assure ni Nathan sa kanya. Pero may doubt sa tingin ni Skyler.

"Tsk. Masyado mo kong bine-baby. Sige na, puntahan mo na si sir Cortez and remember kahit ano pang sabihin niya huwag na huwag mo siyang sasagutin ng pabalang"

Napailing si Skyler. Kailan pa naging palaaway ang naging tingin saken ng bestfriend ko. Ang bait ko kaya. "Yes sir. Good boy ata to"

***

"Sir, pinatawag mo daw ako?" tanong nito sa kanya. Ang cold ng pagkakasabi niya.

"Ganyan na naman ang tono ng boses mo. Huwag mong ipahalata na ayaw mo saken. Ako nga di ko pinapahalata eh" inabot ni Zidane ang mga papel na ipapacheck niya kay Skyler.

Nagulat si Sky sa dami nila. "Sa lagay na yan hindi mo pinapahalata na ayaw mo saken hah. Hindi nga halatang pinapahirapan mo ko." sarcastic na sagot nito "Anong oras ako makakauwi nito"

"Huwag kang mag-alala hihintayin naman kita matapos" sabay wink nito na mas lalo lang ikinainis ni Skyler.

Natatawa lang si Zidane sa kanya. Nakakahanap siya ng kaligayahan kapag napipikon niya ang estudyante niya..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status