Share

Something New (Part 1)

Pauwi na sana si Nathan ng biglang bumagsak ang malakas na ulan. Hindi naman dahil sa wala siyang dalang payong. Pero nakakaramdam siya ng takot kapag umuulan. Pakiramdam niya ay laging may mangyayaring masama. Kaya nakatunganga lang siya sa labas ang pinagmamasdan ang ulan. Hindi siya naglalakas ng loob na humakbang.

"Ui bakit nandyan ka pa?" puna ni Jaspher na kakatapos lang ng meeting nila.

"Hinihintay ko tumila yung ulan" nahihiyang sagot nito. Hindi niya masabing natatakot siya sa ulan.

"What? Sa lakas niyan mukhang mamaya pa titila yan. Tara na sabay ka na saken" alok nito sa kanya. Sabay bukas ng payong nito. Nag-eexpect siya na lalapit na si Nathan sa kanya para makisilong sa payong niya. Pero hindi ito gumagalaw mula sa pwesto niya.

Napansin nitong nag-aalinlangan si Nathan. "Anong problema?"

"Ano kase" nahihiya ito.

"Ano?"

"Takot ako sa ulan" bulong ito. Pero enough na yun para marinig ni Jaspher.

Nakakahiya! Baka maging weird na ang tingin niya saken bigla.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito. Pero nag-alala ito. He has this feeling na parang gusto niyang ingatan si Nathan.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya?

"Hindi ko din alam"

Hinawakan niya ang kamay ni Nathan. He can't help it. Hindi niya alam ang gagawin. He don't know how to comfort someone kaya hinawakan nalang niya ang kamay ni Nathan.

"Hindi mo kailangang matakot. Kasama mo naman ako diba" binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti.

Napatingin si Nathan sa kanya. What is happening? Nararamdaman niya ang pagbilis ng kanyang heartbeat. Pero hindi yun dahil sa kaba o takot. In fact, he feel secured. The feeling of having his hand on him is like familiar to his senses.

"Maniwala ka saken. Walang mangyayaring masama sayo basta kasama mo ko. Ihahatid kita hanggang sainyo"

"Nakakahiya"

"Hindi ka dapat mahiya. Magkaibigan naman tayo. Saka hindi din ako mapapanatag na iwan ka mag-isa dito"

Dahan-dahan niyang hinila si Nathan palabas ng pintuan. Kabado man ay sumunod naman ito sa kanya.

"See walang mangyayari as long as I'm here."

Napangiti si Nathan dahil sa warm attitude na pinapakita ni Jaspher sa kanya.

*It's okay, as long as I'm here*

Nagfade ang ngiti ni Nathan dahil sa narinig niya inside is head. Napansin yun ni Jaspher.

Imagination ko lang ba yun? Bakit parang sinabi saken dati ang mga yun?

"Napano ka?"

"Hah. Wala. Medyo nahilo lang baka dahil sa ulan"

"Huh? Okay ihahatid na kita." dumeretso na sila sa parking kung nasaan ang sasakyan nito.

***

Habang nagche-check ng papers si Skyler panay ang tingin nito sa labas na para bang tinitignan ang ulan. Pagbalik ni Zidane sa faculty napansin niya ang uneasiness ng kanyang estudyante.

Nagmamadali ba siyang umuwi? Pero wala naman siyang gagawin masyado sa bahay niyan hah.

"You look uneasy" puna ni Zidane sa kanya. "Gusto mo ng umuwi?"

"Hindi naman as long as isasabay mo ko" sabay tingin nito sa ulan. Kahit papano grateful siya na sasabay siya kay Zidane sa pag-uwi. Hindi siya mababasa dahil may sasakyan ito.

"eh anong problema?" nagtatakang tanong nito.

"Ang lakas kase ng ulan iniisip ko kung nakauwi ng maayos si Nathan. Takot kase yun sa ulan" kinuha niya ang phone niya para sana tawagan ang kaibigan.

"Huwag ka ng mag-abala. Nakita ko siya kaninang sumakay sa kotse ni Arceo"

Medyo nakahinga ito ng maluwag "Sa palagay mo ihahatid siya?"

"I think so. Narinig ko na parang nag-offer siya na ihahatid si Cruz" pinagmasdan niya si Skyler. He such a sweet friend to him. "Masyado kang caring sa best friend mo hah"

"Of course best friend ko siya"

Maya-maya pa. "Wait itetext ko si Jaspher kung ihahatid niya si Nathan. Ihahabilin ko na din. Bakit naman kase ngayon pa umulan"

"Kasama na niya si Arceo nag-aalala ka pa din. Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?"

"Naninigurado lang ako"

"Okay" Sa expression nito parang may iniisip siyang iba. "Alam mo hindi ka dapat masyadong nag-iinvest diyan sa kaibigan mo. May ibang gagawa ng mga bagay na yan once na nagkalover na siya. Tapos yung sayo one-sided pa rin"

"Hah? Ano bang sinasabi mo?" napakunot ang noo ni Skyler. Ang liit talaga ng tolerance niya pagdating sa prof nila. "Ang dumi niyan ng nasa isip mo. Normal lang naman na magcare sa kaibigan at hindi yun dahil sa may one-sided love ako sa kanya"

"Okay. Sinabi mo eh. Nag-aalala lang nman ako sayo"

"Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo"

Inirapan siya nito na para kay Zidane another winning point na naman para sa kanya. Achievement sa kanya kapag nakikita niyang nagpa-pout si Skyler dahil sa pang-aasara niya.

....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status