Share

Something New (Part 3)

Pagkatapos ng klase ay tumuloy sa shabu-shabu ang grupo nina Nathan. Nagspark ang mga mata ni Cassey dahil favorite niya doon.

Mabilis silang nakahanap ng pwesto nila.
"Oh. Dahan-dahan lang ang kain hah Cassey baka wala ng magkasya sa mga damit mo" puna ni Skyler sa kanya.

"Tigilan mo nga ko. Ngayon nga lang ako kakain ng marami."

"Wait. Diba kapatid mo yun?" turo ni Jaspher kina Alvin. May kasama itong babae. "Girlfriend ba niya yung kasama niya?"

"Sabi niya kaibigan lang niya pero ewan ko. Laging magkasama yang dalawang yan eh."

"Magkapatid nga kayo" si Ivan ang nagsabi nun. Napatingin si Nathan sa kanya.

"Bakit?" tanong nito.

"Pareho kayong maliit"

"Huwag mo kong simulan hah baka ibuhos ko sayo tong sabaw"

"easy" awat ni Jaspher "Pareho naman kayong cute"

"Isa ka pa diyan. Nambola ka pa" pero halata sa kanya na nagbu-blush siya.

"Alvin" tawag ni Sky sa kapatid ni Nathan. Mabilis din silang napansin ng dalawa. "Kayo lang bang dalawa?"

Tumango si Alvin.

"Sama nalang kayo samen. Ay kaso baka mahiyain yang kasama mo"

"Hindi. Okay lang. Mas masaya kung may kasama tayong iba." mabilis na sagot ni Arianey na sa paningin ni Alvin is mas naging hyper kaysa usual.

Anong nangyari sa kanya?

"Hah? Pero hindi ba ikaw ang nagsabi na mas okay na tayong dalawa lang?" nagtatakang tanong nito.

"Huh? Wala akong sinabing ganyan hah. Sasali kami sainyo okay lang?" excited na tanong nito. Nang tumango ang lahat ay mabilis siyang umupo. Nagkamot nalang ng ulo si Alvin at umupo din sa tabi niya.

Habang kumakain sila. "Sabihin niyo nga. Lover ba kayong dalawa?" si Ivan ang nagtanong.

"What?! Hindi hah!" halos sabay na sagot ng dalawa.

"Ang defensive hah. Pero sabi nitong kuya mo lagi kayong magkasama"

"Magbest friend kami since High school kaya lagi kaming magkasama. Pero never kaming nagkaroon ng feelings sa isa't isa." sagot ni Arianey. "Ikaw kuya Ivan, may girlfriend ka na?"

Muntik mabulunan si Alvin sa tanong ng kaibigan. So ito pala yun? Hindi naman siya masyadong nagpapahalatang may gusto siya sa lalakeng ito no?

"I'm single" natatawang sagot ni Ivan. "Pero mukhang malapit ko ng makita ang the one ko"

Mukhang nakita ko na nga eh.

"Talaga? Sino?" kinikilig naman si Arianey. Habang ang iba ay nakatingin sa kanya at naghihintay ng sagot

"Malay ko. I just have this kind of feeling."

Napansin ni Alvin na naglalagay ng pagkain si Jaspher sa plato ni Nathan at nagkaka-argument sila ng pabulong lang.

"Mananaba ako sa ginagawa mo. Punong-puno na yung plato ko"

"And so what? Mas okay yun para mas tumaba yung cheeks mo" sabay pinch sa pisngi nito.

"Kung gusto niyo magdate na kayo lang sana sinabi niyo sa amin para nabigyan namen kayo ng space na kailangan niyo" pang-aasar ni Skyler sa kanya. "Hoy Jaspher ano ba talagang motibo mo sa best friend ko hah? Sabihin mo na"

"Ano bang sinasabi mo. Wala naman akong ibang motibo. Pero inaamin ko sobrang kumportable ako sa aura ni Nathan"

"Ibig sabihin sa amin hindi ka kumportable?"

"Hindi yun ganon. Pero minsan pakiramdam ko parang matagal na kaming magkakilala and yung mga bagay na ginagawa ko ngayon para bang sanay ako na gawin sila"

Nasamig bigla si Alvin sa iniinom niya ng marinig yun kaya napatingin ang lahat sa kanya. Inabutan siya ng tissue ni Ivan "Okay ka lang? Dahan-dahan lang sa pagkain"

"I'm okay. Kaya ko ang sarili ko" konting pagsusungit nito. "Ikaw. Tigilan mo ang kuya ko hah. Hindi magandang biro yan"

"Pero hindi naman ako nagbibiro"

"How can you even say that samantalang hindi pa naman kayo masyado magkakilala"

"I also don't know" tumingin ito kay Nathan "Sometimes I have this feeling na parang kilala ko na siya. Siguro soulmate kami sa past life namen. Kaya din I have this urge na parang gusto ko siyang alagaan." bahagya din napasmile si Nathan. He also feel the same way.

Natahimik si Alvin sa sagot nito. Pinagmamasdan din niya ang kanyang kuya. Kumikinang ang mga mata nito. He may seems relax pero deep inside alam niyang kinikilig ang kapatid niya.

Napansin ni Nathan na hindi na kumibo si Alvin. "Ano ka ba Alvin masyado kang seryoso. Normal lang naman na alagaan ang kaibigan diba"

Pero hindi lang yun bilang kaibigan. Dahil hindi lang kayo magkaibigan. Tumango nalang si Alvin.

***

Late na ng makarating na ng apartment si Skyler. Pagpasok niya ay nakaabang sa sala si Zidane. Mukhang galit ito.

"Saan ka galing?" tanong nito.

"Lumabas kami ng mga kaibigan ko" mabilis na sagot nito papasok sana siya ng kwarto ng hawakan ni Zidane ang kamay niya.

"Hindi pa ko tapos sayo. Bakit hindi mo sinabi saken na malalate ka ng uwi?"  Akala ko napano ka na.

"Dahil sigurado naman na hindi mo ko papayagan"

"Talagang hindi."

"See"

"But still sana man sumagot ka sa mga message ko o sa mga tawag ko. Para alam ko kung nasaan ka at anong ginagawa mo. Alam mo ba na hindi ako mapakale dito kase hindi ko alam kung ano na ang nangyari sayo"

Bahagyang natigilan si Sky pero hindi niya pinahalata "Nag-aalala ka saken?" mahinang tanong nito.

"Of course. Anong sasabihin saken ni Ninang pag may nangyaring masama sayo"

Hindi alam ni Sky kung bakit parang nadisappoint ito sa sinabi ng kanyang teacher.

Si mama lang pala ang dahilan kaya nag-aact siya na caring saken.

"Kung ganon pasensya na sa abala. Pero hindi ko kailangan ang pag-aalala mo na hindi naman taos sa puso. Kung gusto mo bukas din maghahanap ako ng ibang malilipatan. Ako nalang ang bahalang magsabi kay mama"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin"

"Tama na. Pagod ako" at dumiretso ito sa kwarto niya.

Ilang minuto ang lumipas ay sinilip ni Zidane si Skyler sa kwarto niya. Tulog na ito kaya dahan-dahan siyang lumapit. Nilagyan niya ito ng kumot.

"Totoo naman talagang nag-alala ko sayo eh. Kahit hindi tayo magkasundo mas gusto ko na nandito ka. Wag kang aalis. Ayokong maiwan mag-isa dito" natawa siya sa sarili niya. "Hindi ko kayang sabihin yun sayo kapag gising ka. Kaya mukhang mag-aaway pa rin tayo sa mga susunod na araw. Pero kahit ganon mas gusto ko pa rin na kasama kita"

Hinimas ni Zidane ang buhok ni Skyler. "Huwag mo na ulit akong tatakutin ng ganon. Akala ko talaga may masama ng nangyari sayo" hinalikan niya sa may noo.

Pagkaalis ni Zidane ay idinilat ni Skyler ang mga mata niya. He still feel the warm of Zidane's voice.

.....

Comments (1)
goodnovel comment avatar
rod bialba
why are alvin and jaspher's mom seems to keep from the two the truth about their forgotten memories??? I'm so curious about what really happened for them to have partial amnesia...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status