Share

Missing Piece (Part 1)

Pagkagising ni Zidane nakaready na ang almusal at hindi kagaya dati na nakasimangot si Sky habang nagpe-prepare, ngayon ngiti ang salubong niya dito.

Anong nangyari sa kanya? Sinasapian ba siya? O baka fake Skyler yung kasama ko ngayon?

"Mukhang maganda ang gising mo?" tanong nito sa kanya.

Tumango si Sky "Maganda kase ang panaginip ko kagabi and also I decided na hindi na kita aawayin. Basta ba wag mo na kong aasarin." sabay wink pa nito.

"Hindi ko maipapangako yan" he glared at him. "Joke lang. Sige na, and tutal napag-usapan na yan dapat magkaroon tayo ng agreement sa mga ilang bagay"

"Kagaya ng?"

"Hindi kita pagbabawalan sa mga gala niyo. Basta dapat magpaalam ka saken at alam ko kung asan ka para kapag emergency alam ko kung saan ka pupuntahan"

Tumango ito. "I'll remember that. Ano pa?"

"Lagi mo kong sasabayan sa pagkain especially breakfast and dinner. Pwede maexempt yung lunch kapag nasa school."

Tumango ulit si Sky "Sasamahan mo ko lagi na maggrocery."

"Yun lang?"

"Sangayon yun lang"

"Okay"

"Another. Call me by my name kapag nasa bahay tayo" medyo ikinagulat yun ni Sky.

"Is that okay?" Okay lang ba na tawagin ko sa pangalan ang teacher ko?

"Yes. Okay lang yun. Gusto ko lang na mas maging open tayo isa't isa. Tingin ko mas mapapadali yun kung magiging casual lang tayo dito sa loob ng bahay"

Nag-aalangan man ay nag-agree na din si Skyler.

Mas okay na din yung ganito. Pareho lang kaming mapapagod kung maya't maya nag-aaway kami. Lalo na isang buong taon kami magkakasama.

***

Kakatapos lang mag-ayos ni Nathan ng pumasok ang kapatid niya. "May kailangan ka ba?"

"Gusto ko lang sanang sabihin na hindi na muna ko sasabay sayo bukas. Naiinis na kase si Arianey na hindi na ako sumasabay sa kanya." meron siyang iniabot na isang kahon. "Isa pa pala. Naglinis kahapon si mama at may nakita siyang kahon. Hindi niya alam kung kanino ito pero feeling ko nakita ko na sayo dati yan kaya kinuha ko para ibigay sayo"

Puno ng pagtataka si Nathan "Ano to?"

"Hindi ko alam. Pero ang alam ko may ganitong kahon ka sa kwarto dati nung nakatira pa tayo sa Pampanga. Kaya baka sayo yan"

"Anong laman nito?"

"Ang kulit. Hindi ko nga alam. Inabot ko na nga andami ko pang tanong" naiinis na sabi nito. "Kung ayaw mo niyan akin na lang"

"Tumigil ka nga. Check ko muna ang laman nito." sabay kuha ng kahon.

"Sige. Huwag mo na ulit iwawala yan. Malay mo importante pala ang laman niyan" medyo seryoso ang pagkakasabi niya nito.

Sorry kuya. Hindi pa ganon kalakas ang loob ko para sabihin

lahat ng nalalaman ko.

Pagkaalis ni John Alvin. Binuksan ni Nathan ang kahon. What are these? May dalawang pares ng bracelet na may magkaparehong design at kulay. It is a couple bracelet. It seems like a simple red thread na may mga nakalagay na beads na letter "J" and "N".

"This will our sign of love" sabi ng isang

boses at isinuot niya ang isang bracelet kay Nathan. Ipinakita din niya na suot niya ang isa.

"Ang cute naman nito."

"Ako mismo ang may gawa niya para galing

talaga

sa

puso and mas maging special"

Nagulat

si Nathan sa

sinabi

nito kaya mabilis

niyang

tinignan ang kamay ng lalake. "Mabuti naman at walang

sugat yang kamay mo."

"Ano

ka ba. Of course inaalagaan ko ang sarili ko para sayo. Huwag kang mag-alala. Nag-iingat ako habang

ginagawa yan saka simple lang naman gawin yan"

Hindi napansin ni Nathan na may tumulo ng luha sa mga mata niya.

May lover ako. May boyfriend ako. Pero sino siyaBakit hindi ko matandaan ang mukha niya? Bwiset! Wala na kong maalala.

Gulong-gulo ang isip niya at ang unang naging reaction niya ay humingi ng tulong sa taong pinaka pinagkakatiwalaan niya.

****
Naghuhugas ng plato si Skyler ng may tumawag sa phone niya. Dahil katabi ni Zidane ang phone ni Sky mabilis niyang nasilip sa kung sino ang tumatawag.

"Tumatawag ang bestfriend mo"

Mabilis niyang kinuha ang kanyang phone at sinagot ito "Hello?"

"Skyler"

Mabilis napansin ni Skyler na parang may iba sa tono ng boses nito. "Nathan? Napano ka? Umiiyak ka ba?" nag-aalala siya ngayon para sa kaibigan. Sa pagtawag palang ni Nathan sa kanya alam na niyang may problema. Hindi naman kase niya ugaling tumawag para lang makipagchikahan. Kitang-kita ni Zidane sa kung gaano kaconcern si Sky sa kanyang kaibigan.

"I need you right now. Are you free?" medyo malakas ang speaker ng phone niya kaya narinig yun ni Zidane.

Palagi ba silang ganiyan?

"Yes. Pupuntahan kita. Pupuntahan kita sainyo" inalis niya ang kanyang apron na suot niya kaninang naghuhugas ng plato.

"No. Ayoko sa bahay. Baka mag-aalala lang sila saken kapag nakita nila kong hindi okay. Pwede bang sainyo na lang."

"NO!" mabili na sagot ni Skyler "I mean baka hindi pumayag yung may-ari ng bahay. Magkita nalang tayo sa coffee shop malapit sa school"

"Okay"

Pagkababa niya ng kanyang phone tumingin siya kay Zidane "Zidane kailangan kong puntahan si Nathan" halatang natataranta ito.

"Okay" sagot nito habang nagbabasa ng magazine. Kunwari ay wala siyang pakealam. "Sunduin ba kita pabalik mamaya?"

"Bakit mo ko susunduin?"

"Kailangan nateng maggrocery."

"As in ngayon ng araw na to?"

"Yes. After ng usap niyo ni Cruz"

"Sige."

.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status