Share

Missing Piece (Part 3)

Napansin ni Nathan na may dalang halaman si Jaspher. "Bakit may dala kang ganyan?" tanong nito sa kanya. Mukhang masaya pa ito dahil sa dala-dala niya.

"Nakita ko to sa gilid ng daan. Mukhang nahihirapan siya mamuhay dun dahil konti yung lupa kaya ililipat ko sa likod ng school saka mas mamomonitor ko yung pagtubo niya. Sama ka?"

Tumango si Nathan. "Mahilig ka sa halaman?"

"Parang."

"Bakit parang hindi ka sigurado" pinagmamasdan niya habang tinatanim ni Jaspher ang halaman. Ibang klase yung ngiting ipinapakita niya ngayong nagtatanim siya. Sobrang hilig niya siguro ito.

"Minsan kase pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko. Pero siguro nga gusto ko ng halaman kase napapangiti ako kapag nakakakita ko ng mga malulusog na halaman"

Nagulat si Nathan sa sinabi nito. Magkapareho sila ng nararamdaman.

Posible kaya na magkapareho kami? Pero imposible yun. Imposibleng magkapareho kami ng sitwasyon. Ang weird naman kung naging magkaibigan ang dalawang taong may amnesia diba.

"Yan. Sana maging mas maayos ka na diyan" sabi ni Jaspher sa halaman. "Lagi kitang pupuntahan dito."

"Nakikipag-usap ka sa halaman?"

"Oo naman. Mas magiging okay ang tubo nila kapag nakikipag-usap tayo sa kanila. Naiintindihan kaya nila ang mga sinasabi naten"

Napangiti si Nathan "Ang cute."

"Mas cute ka" sabay wink ni Jaspher sa kanya.

*Flashback*

"May ipapakita ako sayo" sabi ng isang

lalake na hawak ang kamay ni Nathan. Hinila

siya

nito

papunta

sa

kanilang

likuran.

Naamaze

si Nathan ng makita niya ang iba't

ibang

klase ng mga

bulaklak na nakatanim doon.

"Ang dami naman ng mga ito?"

"Oo. Hindi ko alam pero masaya ako kapag

nakakapagtanim ako" kumuha ito ng isang paso na may rosas "Heto. Para sayo itong white rose. Hindi ba favorite flower mo yan"

"Paano mo nalaman na favorite ko ang white rose?" nagtatakang

tanong ni Nathan.

"Syempre. Mahal na kita kahit nung unang makita palang kita kaya marami na akong alam tungkol sayo." tumingin ito sa

iniabot

niyang

bulaklak "Ingatan mo yang bulaklak na yan. Yan ang unang gift ko sayo as boyfriend mo. Sana lagi mo akong

maalala

sa

bulaklak na yan"

*End of Flashback*

Ang bulaklak na lumitaw sa kanyang alaala ay ang kasalukuyang nasa bintana ng kanyang kwarto. Patuloy pa rin niyang inaalagaan yun dahil pakiramdam niya ang espesyal ng bulaklak na yun.

Hindi niya napansin na may luhang tumulo sa mga mata niya habang lumitaw sa kanyang ang mga alaalang yun. Pinunasan ni Jaspher ang mga luha niya.

"Bakit ka biglang umiiyak?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Inalis ni Nathan ang kamay ni Jaspher. "Wala. Napuwing lang ako."

"Sigurado ka ba?"

Tumango si Nathan "Mauna na ako sa classroom" tumalikod ito kay Jaspher. "Isa pa pala. Huwag kang maging sweet saken. I don't think I deserve it"

"Pero yun ang gusto ko. You are special to me"

"Special ako? Paano ako naging special sayo?"

"Hindi ko din alam. Basta anh alam ko gusto ko lagi kitang naproprotektahan. Gusto lagi kitang napapasaya. Ikaw yung lagi kong iniisip. Yung dahilan ko kunh bakit excited akong pumasok lagi"

"Bakit ganon? Ano ba ko sayo?"

Matagal bago makasagot si Jaspher. "Hindi ko alam"

"Paanong hindi mo alam?"

"Medyo nagugulahan din kase ako"

"Sa kabila ng mga sinabi mo, ngayon naguguluhan ka? Sasabihin mong espesyal ako pero hindi ka sigurado sa nararamdaman mo? Huwag mo nga kong patawanin. Kung wala ka naman talagang nararamdaman saken itigil mo nalang yung pagiging sweet mo"

***

Habang pabalik ng classroom si Nathan. Nakita niyang mag-isa sa harap ng classroom nila si Daniella at nakasimangot.

"Hoy bakit mag-isa ka diyan? Hindi mo kasama yung dalawa?"

"Hayaan mo silang magmoment na dalawa"

"Moment?" sumilip ito sa loob at nakita niyang nag-uusap ang dalawa. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. If you were a third person, iisipin mong nagliligawan ang dalawa.

"Nagseselos ka ba?" natatawang sabi ni Nathan.

"Hindi hah. Bakit naman ako magseselos"

"Tsk. Nagdeny ka pa. Tignan mo nga itsura mo" hinawakan niya ito sa balikat. "Alam mo hindi ka dapat magselos kase hindi kaselos-selos si Cassey"

"Paanong hindi. Ang ganda kaya niya. Tapos ang fashionable pa niya"

"Kaya iniisip mo magkakagusto si Anthony sa kanya? I don't think so. Mas gusto ka niya"  confident na sabi ni Nathan.

"Huwag mo kong niloloko hah"

Yung kamay ni Nathan na nasa balikat ay pumunta sa bewang nito "Wala ka kaseng confident sa sarili mo eh. Dapat ikaw na ang gumawa ng paraan para mglevel-up yang relasyon niyo ni Anthony."

"Ayoko nga. Ako yung babae kaya siya dapat yung gumawa ng paraan."

"Haiy. Ewan ko sainyong dalawa. Huwag ka na ngang mag-emote diyan. Pasok ka na sa loob" hinila niya si Daniella papasok habang nakahawak pa rin sa bewang niya.

Mabilis yung napansin ni Anthony kaya lumapit ito sa kanila at mabilis na inalis ang kamay ni Nathan sa bewang ng kanyang kaibigan. "Yang kamay mo hah"

"Seryoso ka diyan?" natatawang sabi ni Nathan. "Kahit ako na kaibigan mo na GAY ayaw mong humahawak sa best friend mo?"

"Oo. Kase kahit gay ka lalake ka pa din naman"

"Pero ang point dun is hindi ko siya magugustuhan. Saka kung ganiyan ka na laging bantay sarado kay Daniella paano magkakaboyfriend yan"

"Hindi niya kailangan ng boyfriend kase nandito naman ako"

"As best friend niya. Ibang usapan ang boyfriend"

Narindi lang lalo si Daniella sa mga pinagsasasabi nila "Tumigil nga kayo. Huwag niyo kong pakealaman. Ako ang magdedesisyon kung magboboyfriend ako o hindi"

"Pero kailangan ipaalam mo saken kapag nagboyfriend ka" paalala ni Anthony sa kanya. "Kailangan kung magboboyfriend ka ay yung matino"

"Bakit ko naman ipapaalam sayo? Tatay ba kita?"

"Tsk. Basta kailangan ipaalam mo saken."

Nagtinginan sina Cassey at Nathan habang pasikretong natatawa.

.......

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status