Share

Missing Piece (Part 4)

Nakaupo si Alvin sa bench na malapit sa Psychology building. Nang mapansin siya ni Ivan ay umupo ito sa tabi niya.

"Hinihintay mo ba yung kuya mo? Wala siya ngayon diyan. Sinamahan niya si Cassey sa practice nila."

Umiling si Alvin. "Ikaw ang pinunta ko dito"

"Ako? Bakit?" medyo naexcite ito ng malaman na siya pala ang hinihintay nito.

May inabot na sulat si Alvin sa kanya. "Para saken yan?" abot tenga ang ngiti nito. Binigyan niya ako ng love letter.

Tumango si Alvin "Galing yan sa kaibigan ko. Si Arianey, kung natatandaan mo siya. Nakalagay din diyan ang number niya. Kung interesado ka tawagan mo daw siya. Nasa practice din siya ngayon kase kasama siya sa mga magmomodel sa acquiantance kaya hindi niya naabot ng personal" paliwanag nito na halatang wala din namang interes sa mga sinasabi niya.

Nawala ang ngiti ni Ivan. Ibinalik ang sulat sa kanya. Akala ko pa naman sa kanya galing ang sulat. Nakakabadtrip naman!

"Ibalik mo yan sa kanya. Hindi ako interesado" pagsusungit nito.

"Alam ko. Pero try mo lang naman. Malay mo maging okay naman" aalis na sana siya ng humarang si Ivan sa dadaanan niya.

"Tatanggap lang ako ng love letter kung galing sayo"

"Ano?" Ano bang pinagsasasabi ng taong ito. Nababaliw na ata siya.

"Narinig mo ko." lumapit ito sa kanya. "Tutal nasabi mo na ang gusto mong sabihin saken. Sasabihin ko din ang gustong kong sabihin sayo. Hindi ko gusto ang kaibigan mo at hindi ako magkakagusto sa kanya. Dahil ikaw ang gusto ko" napansin niyang nagbago ang expression ng mukha nito dahil sa gulat. "Tama ang narinig mo. Ikaw ang gusto ko. Sayo ako interesado"

"Ano bang klaseng kalokohan yan"

"Hindi ako nakikipaglokohan. Seryoso ako. Gusto kita."

"Kapag hindi ka tumigil isusumbong kita sa kuya ko" pagbabanta nito.

"Edi magsumbong ka. Kapag ginawa mo yun. Hihingi ako ng permission sa kanya na ligawan ka"

"Sa palagay mo papayagan ka?"

"Oo naman. Magkaibigan yata kami ng kuya mo" ngumiti si Ivan. "Salamat sa pagpunta dito. Nakumpleto ang araw ko kase nakita kita" mas inilapit pa niya ang mukha niya kay Alvin.

Tinulak niya si Ivan palayo sa kanya. "Tumigil ka na nga"

****

Sinamahan nina Nathan at Skyler si Cassey para sa practice niya sa pagmomodel sa acquiantance. Siya ang representative ng kanilang course.

Ilang beses napapagalitan si Cassey dahil awkward ang ngiti nito habang rumarampa. Hindi kase siya sanay magmodel kahit na confident siya na maganda siya. Pagdating ng break ay isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

Lumapit si Arianey sa kanya. "Okay ka lang?"

"Hmmm. Nakakahiya. Lagi nalang ako ang napapansin nila" pinanghihinaan na siya ng loob.

"Relax lang. Maganda ka kaya dapat ipakita mo yun sa tao. Dapat magsmile ka ng ganito" nagbigay siya ng sample ng isang ngiti.

Ngumiti bigla si Cassey dahil sa warm na aura ni Arianey sa kanya. "Ang cute mo" complement nito.

"See. You have a beautiful smile. Dapat laging ganiyan ang smile mo. Huwag mong isipin na maraming nanonood sayo. Basta mag-isip ka ng magagandang bagay na pwedeng makapagpangiti sayo"

Namula si Cassey sa pagcomplement nito. Stop doing that or I'll fall in love with you.

"Tignan mo yang si Cassey. Isang araw palang ang practice nakahanap na ng crush" natatawang sabi ni Skyler habang nakatingin sila mula sa malayo. Naiiling nalang ito.

"Skyler" tawag ng isang boses. Napalingon ang dalawa.

"Sir" si Nathan ang sumagot "Anong gingawa niyo dito? Ikaw ba ang nag-oorganize dito?" curious na tanong nito.

"Oo. Pero tinutulungan ako ng guidance naten"

Napatingin si Skyler sa isang sulok kung saan nandoon si Miss Lily.

"Bakit ba lagi kayong magkasama" naiinis na tanong ni Sky.

Nakakainis ang babaeng ito dikit ng dikit kay sir. Feeling girlfriend.

"Sky" bawal ni Nathan sa kanya. Natatakot ito na magsagutan na naman sila. "Huwag niyo nalang siyang pansinin"

"Hindi. Okay lang." tumingin ito kay Sky "Magkaibigan kami kaya lagi kaming magkasama. Kayo anong ginagawa niyong dalawa dito?"

"Sinasamahan namen si Cassey sa practice niya" paliwanag ni Sky.

"Ang sweet niyo naman sa kaibigan niyo."

"Kailangan eh" sabi ni Skyler "Kami ang nagpush sa kanya na magmodel sa acquiantance"

Bahagyang natawa si Zidane. "Kawawa naman pala siya. Bakit niyo naman kase pinilit. Late siya niyan makakauwi dahil hanggang gabi ang practice nila."

"Edi gabi ka din uuwi?"

Tumango si Zidane. Hindi yung idea na late uuwi si Zidane ang ikinaiinis ni Skyler. Kundi yung hanggang gabi sila magkasama ni Miss Lily.

Napansin ni Zidane na sumimangot si Skyler. Bakit ba sobrang cute niya? Kung ganiyan siya ng ganiyan baka bigla ko siyang halikan.

"Gusto mo ba ko hintayin?" tanong nito.

Nagtaka si Nathan sa tanong nito "Bakit ka niya kailangang hintayin?"

"I mean, kayo. Gusto niyo ba ako hintayin tutal nandito din yung kaibigan niyo"

"May gagawin pa akong assignment" pagsusungit ni Sky.

"Okay." Hinayaan na lang muna siya ni Zidane.

......

Related chapters

DMCA.com Protection Status