Share

Missing Piece (Part 5)

Kahit nagtatampo si Skyler ay pinagluto pa rin niya si Zidane. Gusto niya pag-uwi nito ay may madadatnan siyang pagkain.

Kakatapos lang niyang magprepare ng may tumawag sa phone niya.

"Hello. Nakakagulat na tumawag ka saken." pagdududa ni Skyler kay Jaspher. "Kung mangungutang ka wala akong pera ngayon"

"Hindi ako mangungutang no"

"Oh bakit ka tumawag?"

"Ganiyan ba talaga yang best friend mo. Hindi marunong magbigay ng chance?" nalulungkot na sabi nito.

Huh? Ano bang nangyari sa kanilang dalawa?

"Bakit? Nanliligaw ka ba?"

"Hindi naman. Pero masama ba na maging sweet sa kanya?" mababakas sa boses ni Jaspher na nalulungkot siya.

Bumuntong-hininga si Skyler. "Depende sa kung anong motibo mo. Kung ginagawa mo lang yan para paglaruan siya mas mabuti pang tumigil ka na lang"

"Hindi naman ako nakikipaglaro. Seryoso ko. Gusto kong mas mapalapit sakanya"

"At bakit? Gusto mo ba siya?"

Matagal bago sumagot si Jaspher. Pero naghihintay pa rin si Skyler ng sagot. Kahit siya gusto niyang malaman kung ano ba talagang motibo ni Jaspher sa bestfriend niya "Hindi ko alam"

Ano daw?! Masasapak ko tong taong ito. Paanong hindi niya alam?

"Anong hindi mo alam? Hindi pwede yun. Gusto mong gumawa ng mga bagay na hindi na sakop ng pagiging kaibigan tapos hindi mo alam ang dahilan? Bago ka gumawa ng moves sa kanya siguraduhin mo muna yung sarili mong feelings. May pinagdadaanan ngayon si Nathan kaya huwag mo ng dagdagan ng mga bagay na walang kasiguraduhan" although naiinis siya, he make sure na kalmado lang ang tono ng boses niya.

"Anong pinagdadaanan?"

"Basta."

"Sino yang kausap mo?" tanong ni Zidane na kakadating lang ng bahay. "Wow pinagluto mo ko" naeexcite na tanong nito.

Narinig ni Jaspher ang boses niya at pakiramdam niya is familiar ang boses na yun. "Yan ba yung kasama mo sa bahay? Bakit parang pamilyar ang boses niya? Sir Cortez" nagtatakang tanong nito.

"Hah? Magkaboses ba sila?" maang-maangan nito na medyo kinakabahan "Oo nga no. Ngayon ko lang napansin na magkaboses sila. Hah." kunwaring natatawang sabi nito "May gagawin pa pala ko ibababa ko na ang phone"

Pagkababa ng phone. "Ano ka ba? Basta ka nalang sumisingit nakikita mong may kausap ako"

"Malay ko bang kaklase mo ang kausap mo" napansin ni Zidane ang ni-ready na pagkain ni Skyler. "Sabi ko na eh. Ipagluluto mo pa rin ako. Kaya kahit nagyaya sila kumain sa labas hindi ako sumama" naexcite na sabi nito.

"Bakit hindi ka sumama? Ayaw mo nun naextend pa sana yung moment niyo ni Miss Lily."

"Hmm. Bakit pa? Mamimiss ko lang ang luto mo. Mas masarap pa yung luto mo kaysa sa mga nasa restaurant" sa way ng pagkakasabi ni Zidane ay wala lang sa kanya yun pero bahagyang namula ang pisngi ni Skyler.

"Huwag mo na akong bolahin kumain ka nalang diyan."

****

Bakit

kase

ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maexplain ang sarili ko. Masaya ko kapag

nakikita ko si Nathan, lalo na kapag

kasama ko siya at nakangiti

siya. Gusto ko siyang

alagaan, gusto ko siyang

protektahan. Para bang we always have this kind of connection na parang matagal na kaming magkakilala. Love na ba yun? Pero kung love itong

nararamdaman ko bakit parang ang bilis naman. Unang kita ko palang

sa

kanya

ganito na kaagad ang nararamdaman ko.

Sa sobrang pag-iisip ni Jaspher ay nakatulog na siya.

"Kapag

magkasama na tayo pupunuhin ko ng white roses yung harapan ng bahay

naten para sayo" sabi ni Jaspher

sa

isang

lalakeng

ka-holding hands niya.

"TalagaGagawin mo yun para saken?"

"Oo naman. Gagawin ko lahat para mapasaya

ka."

"Ang effort mo lagi

pagdating

sa akin. Paano ko ba masusuklian ng lahat ng ginagawa mo para saken"

"Enough na saken yung napapasaya mo ko. Yung binigyan mo ko ng privilege na mahalin ka. Hinayaan mo ko na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Yung ako ang pinili mo. Hinding-hindi ko sasayangin yung pagkakataon na binigay mo saken"

Biglang nagising si Jaspher. Nanaginip na naman siya about dun. Nitong mga nakaraang gabi laging nananaginip si Jaspher about sa isang lalake na parang boyfriend niya pero hindi niya maaninag ang mukha.

Parte ba siya ng nakaraan ko? o imagination ko lang siya? Sa panaginip ko lang ba siya nag-eexist?

.......

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status