Share

Is This Love (Part 3)

Tahimik lang na kumakain sa isang table ni Alvin habang tinitignan ang mga ibang estudyante na sumasayaw. Nakatingin siya sa kuya niya na halatang masayang kasama sina Ivan at Skyler. Lumapit si Leandro sa kanya.

"Hindi naman sa nakekealam ako sayo hah" bungad nito sa kanya. "Pero nitong mga nakaraang araw parang palaging ang lalim ng iniisip mo. Sa totoo lang nag-aalala ako sayo. Pwede ka magsabi saken. Magkaibigan tayo."

"Salamat Leandro. Pero okay lang naman ako"

"Hindi mo ko mapapaniwala sa okay ka lang. Dahil alam kong hindi. Pero kung hindi ka din kumportable magsabi saken hindi kita pipilitin."

"Pasensya na. Medyo nag-aalala lang ako sa kuya ko. Hanggang ngayon kase hindi pa buo yung alaala niya"

Ngumiti si Leandro "Ang sweet mo sa kuya mo. Pero easy lang. Darating din yung time na yun."

Habang pinagmamasdan nila ang mga sumasayaw. Napansin ni Alvin na lumapit si Arianey kay Mark Ivan. Ilang saglit pa ay parehong umalis ang dalawa.

Magcoconfess ba siya ng feelings niya?

"Mukhang seryoso si Arianey na magconfess sa kanya ngayon hah" comment ni Leandro ng mapansin tinitignan niya ang mga ito hanggang sa pag-alis nila.

"Mukha nga"

Naalala niya yung naging usapan nila ni Ivan dati. Sinasabi niya na may feelings ito sa kanya.

Hindi naman siguro niya sasabihin kay Arianey na may gusto siya saken diba? Kapag nangyari yun baka magalit saken si Arianey.

Ilang minuto ang lumipas ay nainip sa party si Alvin. Hindi naman kase talaga siya mahilig sa mga ganitong events. Kaso may dagdag din kase sa grades kapag nag-attend. Nasa may bungad siya ng cover court ng may lumapit sa kanya.

"Nainip ka sa loob ng party?" simpleng tanong ni Ivan sa kanya. Tumango lang ito.

"Si Arianey? Hindi ba magkasama kayo kanina?"

Bumuntong-hininga si Ivan. "Manghihingi ka ng update sa kung ano na nangyari samen? Edi wala. Sabi ko naman sayo hindi ko gusto yung kaibigan mo. Sinabi ko na ng diretso sa kanya."

Gustong itanong ni Alvin kung sinabi ba niya kay Arianey na may gusto siya dito pero nahihiya itong magtanong.

"Huwag kang mag-aalala. Sinabi ko sa kanya na may iba akong gusto. Pero hindi ko sinabing ikaw yun. Alam ko mag-aalala ka about sa bagay na yun" alam ni Ivan na yun ang iniisip nito kahit hindi niya sabihin. "Hindi ko naman sisirain yung friendship niyong dalawa."

"Ang bait mo naman pala" sarcastic na sagot nito.

"Bakit parang malungkot ang mga mata mo. May iniisip ka ba?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo kung sakali?"

"Ano ka ba. Nag-aalala ako sayo. Siguro nga wala kang pakealam sa feelings ko para sayo pero ako may pakealam sayo. Kaya hindi mo ko mapipigilan na mag-alala sayo."

"Paano ka nakasigurado na may gusto ka nga saken?" nagtatakang tanong nito. "Hindi mo ba nakikita na pareho tayong lalake?" sabay irap nito sa kanya.

"Paano ka din nakakasiguro na wala ka ngang gusto saken?"

"How could you be sa confident?" medyo naamaze si Alvin sa kanya. Pero nalulungkot din siya kase hindi lahat ng gay ganon kalakas ang loob pagdating sa sarili nila at sa mga gusto nila. "Hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin ng ibang tao?"

"Inaamin ko minsan nag-aalala din. Pero okay lang yun. Sa huli, hanggang salita lang naman sila. Ako pa din naman ang magdedecide para sa sarili ko."

"How about your parents?"

"They both know. Okay lang sa kanila"

Sana lahat nasa ganong situation. Sana lahat tanggap ng mga magulang nila.

"Ang swerte mo naman pala kung ganon"

"Actually"

"Gay si kuya"

Tumango si Ivan. "I know, may crush nga yun kay Jaspher eh. And so what?" nagtatakang tanong nito.

"Although out siya sa inyo. Hindi niya yun masabi sa mama namen. Nalulungkot ako para sa kanya."

Nalulungkot ako at naiinis sa mga bagay na kinailangang gawin ng mga magulang ko para lang maipilit kay kuya na straight siya.

"Yan ba yung gumugulo sayo?" hinawakan niya ang balikat ni Alvin. Naghihintay ito na alisin ni Alvin ang kamay niya pero bahagya itong nagulat ng hayaan lang siya nito. "Magiging okay din ang lahat sa tamang oras. Si Nathan, marahil marami siyang naiisip na kulang sa pagkatao niya. Pero hindi yun hadlang para makahanap siya ng happiness sa present niya."

"Sa bagay tama ka naman dun pero...." hindi niya masabi na may alam siya tungkol sa mga nangyari sa kanya dati.

"Alam mo bilib ako sayo. Masyado kang concern sa kapatid mo. Ang bait mo. Sana lahat may mga kapatid na kagaya mo. Pero okay lang kahit wala akong kapatid na kagaya mo. Basta maging boyfriend kita okay na ko"

"Puro ka kalokohan. Saka hindi naman ako mabait." Kung alam mo lang. Ang sama ko kaya.

Umupo si Ivan sa isang bench malapit dun. "Huwag kang masyadong harsh sa sarili mo." tumingin ito sa direction kung nasaan ang party. Hanggang sa labas dinig ang ingay nila. "Mukhang matagal pa ang party. Hindi din naman tayo papayagan na umuwi ng hindi tapos ang party. Gusto mo ba ko samahan dito? O babalik ka na dun?"

Pero sa isip ni Ivan hinihiling niya sana na magstay ito.

Umupo si Alvin sa tabi niya. "Dito nalang muna din ako."

Sa kabilang banda, magaan din pala sa pakiramdam ang ganito. Malayo ka sa maraming tao. Ang kasama mo lang ay ang mga bituin sa langit at ang taong humahanga sayo.

......

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status