Share

Is This Love (Part 4)

Pagkatapos ng ilang mga masasayang mga tugtog. Nagstart na silang magplay ng mga romantic na music para sa mga couple. Kaya umupo nalang din sina Nathan at Skyler habang pinapanood ang mga couple na sumasayaw.

"Tignan mo" turo ni Skyler kina Anthony at Daniella. "Bakit parang sobrang sweet ngayon ng dalawang yan?"

"Baka sila na. Alam mo naman kapag sa ganitong mga party maraming nangyayari na hindi naten inaasahan"

Wow!!! Buti pa ang mga kaibigan ko mukhang luma-lovelife. Gusto ko ding may magsayaw saken.

" Kagaya ng mga confession?" bumuntong-hininga ito. "Sana ako din. Hindi ko pa naeexperience na may magconfess sa akin"

"Gusto mo ba magconfess ako sayo" Biro ni Nathan sa kanya.

"Yuck. Tumigil ka nga" sabay irap nito.

"Tignan mo oh. Kahit si sir Cortez mukhang luma-love life ngayon" turo niya dito na kasayaw si miss Lily. "Iba ang hinala ko sa dalawang ito eh. Lagi silang magkasama"

"Baka naman magkaibigan lang sila"

"Ang sabi sabi matagal na silang magkaibigan. Mga estudyante palang sila magkaibigan na. Sa haba ng mga panahon na yun sa palagay mo hindi sila maglelevel-up ng relationship?"

"Hindi dapat tayo nag-aassume ng ganyang mga bagay lalo na hindi naman kay sir Cortez mismo nanggaling"

Napansin ni Nathan na nakakunot ang noo nito. "Bakit parang naiinis ka?"

"Hah?? Hindi ako naiinis" Bakit ko pa kase kailangang makita yung nagsasayaw sila? At bakiy nga ba niya sinasayaw ang babaeng yun on the first place?!

"May galit ka pa din kay sir? Alam mo mabait na tao si sir Cortez dapat matutunan mong i-appreciate yun."

"Mas lalong hindi ako naiinis sa kanya! Grabe ka naman. Bakit parang ang sama sama ko lagi sayo. Bestfriend mo kaya ako" sabay pout nito.

Nangiti bigla si Nathan. "Okay. Sorry na. Akala ko lang kase hindi pa kayo okay ni sir"

Pero sa totoo lang naiinis ngayon si Skyler. Hindi rin naman siya pwedeng sumingit dun at sabihin na siya nalang isayaw.

Nakakainis! Kahit magkasama kami sa bahay bakit parang hindi ko malamangan ang babaeng yan. Hmm!

Biglang umupo sa tabi nila si Jaspher. Nakatingin ito kay Nathan. "Pwede ba kitang isayaw?" tanong nito sa kanya.

Nagtinginan sina Nathan at Skyler. "Sige na. Pagbigyan mo na" bulong ni Skyler sa kanya. "Okay lang ako dito. Hihintayin kita."

Nag-aalinlangan si Nathan pero ayaw din naman niyang tanggihan si Jaspher kaya pumayag na din ito.

Habang sumasayaw sila hindi maiwasan ni Nathan na makaramdam ng pagkailang. Hindi ito makatingin sa mga mata ni Jaspher.

"Sorry if I make uncomfortable." mararamdaman sa tono ni Jaspher na malungkot siya. "Siguro nga hindi mo maibabalik yung feelings ko para sayo. Pero sana kahit yung pagkakaibigan lang naten ma-maintain siya"

Ngumiti si Nathan. "Hindi naman sa hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo para saken. Pero kase gusto ko munang makilala ang sarili ko. Gusto ko munang mabuo yung pagkatao ko. Bago ako makapagdesisyon kung tatanggap na ba ako ng love. Pero hindi ko alam kung kailan mangyayari yun"

Sa totoo lang, ayoko din naman na mawala ka saken. Pero hindi pa ako confidence na kaya kitang mahalin ng buo kung alam kong may kulang saken.

"Naiintindihan ko. Pareho lang tayo." sa pagkakataon na ito pareho na silang nakatingin sa mata ng isa't isa.

Suddenly they have this warm feeling inside their chest. This scenario seems familiar. Hindi nila alam sa kung paano na nangyari o sino ang nagsimula. They kissed each other. Sa pagkakataon na yung may mga alaala silang nakita.

*Flashback*

"Hindi ka ba naiilang?" tanong ni Nathan habang nagsasayaw sila sa kanilang prom "Lalake din ang kasayaw mo?"

"Bakit naman ako maiilang? Ito ang pinakamasayang araw saken kase kasayaw ko ang taong mahal ko" nakangiting sagot ni Jaspher.

"Tumigil ka nga sa mga ganyan mo. Mas lalo akong naiinlove sayo"

"Edi mas okay. Para hindi ka na maagaw pa ng iba saken"

Inilapit ni Nathan ang mukha niya kay Jaspher. "Thank you kase minahal mo ko. Kahit paulit-ulit akong papiliin. Ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kahit paulit ulit ako mamatay at mabuhay ulit. Ikaw lang ang mamahalin ko"

"Ako din. Ikaw lang ang mamahalin ko" wala silang pakealam kahit nasa gitna sila ng maraming tao. They kissed each other in front of them.

*End of Flashback*

Dahil sa glimpse ng memory na bumalik sa kanila ay naghiwalay sila sa kanilang pagkakahalik at pati na rin sa pagkakahawak sa isa't isa.

Hindi sila sigurado dahil medyo malabo ang image pero pareho nilang tinatanong ang mga sarili nila kung ang isa't isa ba ang nakita nila?

Nag-iilusyon lang ba ako? tanong ni Nathan sa sarili niya. Si Jaspher ba talaga yung nakita ko? O baka dahil siya yung kasama ko ngayon?

"Nathan may nakita ako" bumilis lalo ang heartbeat ni Nathan sa sinabi nito. Bago pa man ituloy ni Jaspher ang sasabihin niya ay nagsalita na si Nathan.

"Pasensya na pero parang nahihilo yata ako"

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

Bakit ako kinakabahan ng ganito?

Sinubukang hawakan ni Jaspher ang kamay niya pero tinabig yun ni Nathan.

I'm not ready for this.

"I'm sorry kailangan ko ng umalis" mabilis itong umalis sa lugar na yun. Napansin naman ni Skyler ang nangyari kaya mabilis niyang sinundan ang bestfriend niya.

Masyadong mabilis ang lakad ni Nathan kaya kinailangan pa niyang tumakbo para mahabol siya. Ang ikli nalang ng biyas ang bilis pa ding maglakad.

Nang mahabol siya ni skyler ay hinawakan siya nito sa braso.

"Hey! What's happen?"

.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status