Share

Chapter 4 : The Ritual

Chapter 4 : The ritual

Pagkalapit ko ay siya namang paglingon ni Rhei, naka brush up na at mas maayos na ang buhok nito at naka pink itong long sleeves shirt, si Frea naman ay naka-dress na puti at dinisenyohan ng bulaklak na halong puti at asul, naka-bun ng maayos ang buhok n'ya, ang fairy ni Rhei ay masiglang bumati kay Dhirma.

Nakasuot si Sheena ng asul na cocktail dress at naka-braid ang mahaba nitong buhok. Ngumiti lamang si Dhirma.

Frea’s POV

Hindi ko lubusang maisip kung paano s'ya naging Leviathan sa kanyang kapangyarihan. Pinaliwanag sa amin ni headmaster na isa s'ya sa mga napili ni Charmer Esther.

S'ya ang nagtataglay ngayon ng pinakamalakas na kapangyarihan. Pinakiusapan kami ni headmaster na i-train s'ya mabuti para mahasa ang natatagong ability n'ya, at lumabas ang ilang kapangyarihan ng Esther tattoo nya. 

Ilang araw din s'yang tulog simula ng ipakita ni headmaster ang simula ng Esther tattoo.  Sa pamamahinga n'ya ay halos bantayan din sya ng ilang water type na charmer dahil nagliliyab kadalasan ang kwarto nito, nanggagaling sa braso n'ya ang apoy Malamang ay kumakawala pa rin ang kapangyarihan ng tattoo na hindi pa n'ya kayang kontrolin.

Dumating ang araw ng pista, pero hindi kami mapalagay ni Rhei dahil baka ikabigla n'ya ang pagdala namin sa kanya sa academy.

Sumaglit ako kay Nicholas at baka magtampo na s’ya. Miss ko na rin ang aking kapatid na ngayon ay kasama ng pamilyang umampon sa amin. Mas madalas ako sa academy dahil sa maraming kailangang gawin.

Dumaan kami ni Rhei kay headmaster Regina at sinabihan nya kami na kay Dane ipabukas ang barrier ng academy.

***

Dumating kami nina Frea sa bayan, ang mga bata ay nagkakasiyahan , at ilang patimpalak ang ginaganap sa sentro nito. Pinuntahan namin ang isang gusali na may matayog na gate. Nakalagay dun ang logo nila na Staff at Espada na pa ekis ang itsura.

May dragon din na nakapulupot sa bawat sandata, dragon na kahawig ng nasa crest.

Tinignan ako ng makahulugan ni Rhei, nagwika sya, “Dane, sa oras na pumasok tayo rito ay magsisimula ang pag eensayo natin, upang mapalakas at lumabas ang kakayahan mo ngayong nasa iyo ang Esther tattoo. Kaya ganun na lang ang reaksyon ng mga greatwood dahil ikaw ang kinikilala nila na bagong kaisar.” 

“Ano ba ang pupuntahan natin?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

“Papasok tayo sa trial room. Magsasanay ka kasama namin ni Rhei.” Tugon ni Frea na seryoso ang mukha. Hindi ba sya marunong ngumiti?

Bumukas ang malaking gate nito at sa loob makikita ang nakapalibot na itim na barrier. Parang ito ang naghahati sa lugar na pupuntahan namin at ang gate papunta sa bayan.

“Dane subukan mong hawakan ang barrier.” utos ni Rhei.

Hindi ko pa nalalapat ang kamay ko sa barrier ay unti unting nalusaw iyon. Takot at pagkabigla ang napinta sa mga mukha ng mga kasama ko.

Nawala ang barrier at nakita iyon ng mga estudyante doon. Humakbang kami papasok at narinig ko ang bulong ng fairy ni Rhei , “Mali yata na s'ya ang pinagbukas ng barrier ni headmaster.”

Pagkalagpas namin sa kinalalagyan ng barrier ay may kakaibang pumalit sa barrier. Nilingon namin iyon.

Sinubukang hawakan ni Frea ang nasabing barrier, kumislap iyon at kita ang sugat sa paglapat ng mga daliri n'ya roon. Nakita ko ang pag inda n'ya sa kirot sa natamo nya. Nilapitan sya ni Dhirma at ginamitan s'ya ng healing spell.

Nagkagulo ang mga estudyante nang may isang matandang babae ang lumapit sa amin, makikitaan ng galit ang mukha n'ya. Kinabahan ako, napalunok at bahagyang napaatras, sa lugar namin s'ya nakatingin.

“Sino ang sumira sa barrier!?” Salitan ang pagtingin n'ya sa amin. Nakita n'ya ang tattoo sa braso ko at matalim akong tinignan.

Nanginginig ang katawan ko sa takot. Pinaalis n'ya ang dalawa sa gilid ko at mabilis na sumunod ang mga iyon. Wala silang magawa dahil takot din ang bumalot sa kanila, sa porma at pananamit nito, malalaman na isa s'yang pinuno at maaaring prinsipal ng academy.

Mabilis n'yang ikinumpas ang kamay n'ya sa lugar ko, may natamaan s'yang estudyante at biglang nag iba ang kinikilos, body manipulation ang hula ko na kapangyarihan nya gaya ni Luna.

Sinubukan nyang gawin sa akin iyon pero, kumislap lamang iyon ng tumama sa akin, nabigla sila dahil may tila barrier na pumalibot sa akin. Naalala ko ang binigay ni Dhirma na crest. 

“Miss Grethel huminahon kayo. Inutos po ni headmaster Regina na isama ssya” Sabi ni Frea na parang natauhan, ginamitan pala sya ng charm na nawala agad. 

“Tahimik! Hindi kita tinatanong.” sigaw n'ya na nakatingin pa rin sa akin. Nagngingitngit sya sa galit.

Napailing na lamang si Rhei. Naalala kong gamitin ang allure ko, naglaho ako bigla sa paningin nila.

“Wag kang duwag Leviathan! Ipakita mo ang sarili mo, labanan mo ako.” Nabigla ako dahil alam nya ang lahi ko. Tila tinitrigger niya ako na magalit. Inisip ko na lang na isa iyong training pero buhay ang nakasalalay.

Nagpakita ako bigla at sa pagkakataong ito nakita nya na nagliliyab na ang braso ko na may Esther tattoo. Nag - focus ako at sinubukan kung kaya kong kontrolin iyon. Nagbago ang anyo nito, naging stable at naging blade ang kulay itim at asul na apoy. Nagkaroon ng asul na apoy rin sa aking paanan, ikinabigla iyon ng mga estudyante, pilit na pinapakalma ni Frea si Miss Grethel.

Nawala naman ang fairy ni Rhei at pati si Dhirma. Sinabihan ni Rhei na pumasok sa loob ng academy dahil baka may hindi magandang mangyari sa paglalaban namin ni Miss Grethel.

Nakangiting sumugod si Miss Grethel sa akin. Naiwasan ko kaagad iyon.

“Alam ko na hindi lang yan ang kaya mo.” sigaw n'ya.

Tila hindi na ako ang kumikilos. Kinokontrol na ba ako ng tattoo… o si Miss Grethel ang kumokontrol sa akin?

Nilakasan at tinibayan ko ang sarili ko, mabilis na bumalot sa akin ang apoy. Hindi ako napapaso at hindi rin nasusunog ang suot ko. Umiikot iyon sa katawan ko na parang ipo -ipo.

“DISPERSE!”

Isang malakas na hangin ang tumama sa amin, may babaeng sumigaw mula sa entrance ng academy.

Sa kung saan ay biglang nawala ang lakas ni Miss Grethel. Pero nanatili ang kapangyarihan ko sumayaw lamang iyon pero hindi nawala iyon.

Nagulat si Miss Grethel na dumating si Headmaster Regina. Galit at pagkabigla ang makikita sa kanila. Unti unti kong kinalma ang sarili ko at nawala ang kapangyarihan ko.   

Galit na galit ang itsura ni Headmaster Regina, papunta sya sa lugar namin. Nasa tabi na ni Rhei si Frea. Nasa gilid ni Headmaster Regina si Dhirma.

Pagkalapit niya sa amin ay tinignan nya kaming dalawa. Nasa bewang nya ang mga kamay nya at nag aantay ng paliwanag.

“Grethel? Baka may gusto kang sabihin.” tanong ni headmaster.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status