Share

Chapter 6 : The New Trainers

Rhei’s POV

Pagkatapos namin sa training room ay ibinalita ko kaagad kay Regina ang mga nangyari. 

“Hindi na nya kailangan magtraining, nagagawa nya ang naisin nya. Sa lawak ng kaya ni Dane ay hindi nya alam kung paano kontrolin iyon at hindi nya alam alin ang dapat na gamitin.” wika ni Headmaster Regina. 

Kinuwento ko kay Regina ang nangyari sa training room. Labis na pagkabigla ang naipinta sa kanyang mukha.


Hindi nya inaasahang ganon ang mangyayari, sabi nya sa akin magsasanay sya sa ilalim ni Grethel at Timmy.

“Sigurado ka, Headmaster Regina?”

“Kailangan nyang magsanay sa mga kagaya nya. May 3% ng Esther Tattoo si Timmy, samantalang si Grethel ay ampon ng mga Charmers.”

Hindi kagaya ng mga Charmers ang kapangyarihan nina Grethel at Timmy. Si Timmy ay half Leviathan at Charmer kaya nagkaroon sya ng Esther Tattoo, mas lamang ang pagiging Charmer nya.


May Godlike allure sya; hindi sya basta basta mapapatay. Sya ang pinakamatanda sa buong Rimiera. Kulay abo ang kulay ng mata nya, light brown naman ang buhok nya na maayos na nakatali , at kulay lumot ang kadalasan nyang suot. Hindi mahahalata ang katandaan nya, mapagkakamalan mo syang nasa 20 yrs old.

Si Miss Grethel, ang tinuring kong ina. Isang syang body manipulator at isa syang anak ng fallen Colossian. Nagkaroon dati ng gyera sa pagitan ng mga kontinente, isa ang Rimiera sa mga nasama sa gyera. 

Nagdadalang tao noon ang ina ni Miss Grethel.


Ipinanganak si Miss Grethel sa boundary ng Colossians at Charmers. Si Timmy ang nakakita sa nag aagaw buhay na ina ni Miss Grethel. Pinangako ni Timmy na aalagaan nilang mga Charmer ang anak nito. Kalaunan ay pinalaki sya ng mga Charmers. Isa rin sya sa mga dahilan bakit may barrier ang buong Charm City. Tinuro sa kanya ang lahat ng pwede nyang matutunan tungkol sa body manipulation at sa close and long range combat. 

Bihira lang ang mga tinuturuan sa ilalim nina Miss Grethel at Timmy. Ang huli nilang naturuan ay si Travis. Isa sya sa tinuturing na pinakamahina, pero nang sina Timmy na ang nagturo sa kanya ay nahasa ang telepathy at teleportation nya. Kaya isa sya sa pinakamahusay pero pasaway na estudyante ng academy.

Ang huling balita sa kanya ay nagtamo sya ng matinding sugat dahil sa bagong barrier, sa pagtatangkang tumakas sa academy. 

***

Third person’s POV

Palabas na sana si Rhei ng tinawag sya ulit ng Headmaster.

“Rhei alam mo ba kung saan nananatili si Timmy?”

“Sa bayan…” natigilan sya ng maalala na walang nakakalabas sa academy dahil sa itim na barrier 

“Sa tingin nyo po ba headmaster magagawan ng paraan ni Dane ang barrier?”

“Malalaman mo yan pag isinama mo sya.”

“Mas maganda pa yata na sa gubat kayo ng Charm City mag ensayo. Ayaw na ni Timmy bumalik dito. Isama mo na rin si Grethel.” Tumango si Rhei, yumuko na ito at nilisan ang opisina ni Regina.

Pagkalabas ni Rhei ay may spell si Regina na ibinulong, “Manicula Manicae schakel.”

Nagliwanag saglit ang kwarto niya at nawala din iyon agad.

Hinanda na ni Dane ang bag nya at nilagyan iyon ng mga dagger na mismong blacksmith pa ng Leviathan ang gumawa. Ang dagger na kasama nya ng tumakas sila ni Faye.

Nasa gate na sina Rhei, Grethel, Dane, Sheena at Dhirma. Natignan ni Dane si Miss Grethel. May iniinda itong mabigat at masakit sa mga kamay nya.

“Ayos ka lang po ba, Miss Grethel?” Tanong ni Dane.

Tinignan sya ni Miss Grethel, “Nagpataw nanaman si Regina ng spell sa akin, magiging ayos lang ako.” nanibago si Dane sa malumanay na sagot nito.

Humarap na si Dane sa gate kung saan nababalutan iyon ng barrier na sya mismo ang gumawa. Inipon nya ang lakas nya at nagconcentrate, gaya ng ginawa nya sa training room. Nagbukas iyon ng lagusan, naging dilaw iyon at malaya silang nakalabas sa academy. 

Nakita nila ang bayan sa labas, maaliwalas at maliwanag parin. Nag iba ang anyo nina Sheena. Naging kasinlaki sila nina Dane.

“Huwag ka ng mabigla Dane, karamihan sa mga fairies ay nagagawa iyan. Sa academy lang nila pwede ipakita ang totoo nilang anyo.” Sabi ni Miss Grethel.

“Bakit?”

“Hindi sila basta basta nagtitiwala,di ko alam pano mo nakuha ang tiwala ni Dhirma.” sabat ni Rhei.

Napatango na lamang si Dane. 

Tinignan sila ni Dhirma, “Ngayon ko lang naramdaman na may binding litany ang ilang fairies sa nagtataglay ng Esther tattoo”

Nagulat sina Grethel sa sinabi ni Dhirma, “Ibig sabihin may posibilidad na hindi lang ikaw ang pwedeng maging fairy ni Dane!?” Biglang nasabi ni Sheena na kitang kita ang pagkagulat, napalakas ang sabi nya kaya may ilang mamamayan ang napalingon. 

Buti na lang at binalewala nila iyon.

Tumango lamang si Dhirma.


Naglakad sila patungo sa Valiant Forest. Habang naglalakad ay napansin nilang may hinahanap si Dane sa katawan.

“Shit.Shit.Shit.” bulong nito sa sarili.

“Ano ang problema, Dane?” Tanong ni Sheena.

“Nawawala ang crest ko.” natataranta nyang sagot, habang patuloy na kinakapa ang mga bulsa at ang bag nya.

“Sa dami ng pwede mong iwala ang crest ni Esther ang winala mo?!” Galit na tanong ni Grethel.

“Si Frenny ang huling nakita kong nakakuha non…” pag alala ni Rhei na salo salo ng ilang daliri ang baba, nakapikit at tila nag iisip.

“Hintayin nyo na lang ako dito, ako na ang bahala.” sabi ni Dhirma na makikitaan ng galit at inis ang ekspresyon ng mukha  nya, at nag anyong fairy bigla.

“Makakapasok ka ba sa barrier?” Pag aalala ni Rhei.

Iba na ang anyo ng barrier, naging dilaw na ito mula sa pagiging itim na barrier.

Tumango lamang ito at umalis.

***

Dane’ POV

“Ano ba ang meron sa crest ni Esther? Bakit importante ang mga crest. Ako pa lamang at si Frenny ang may crest.”

Napa face palm si Grethel, “Hindi nyo ba pinaliwanag sa kanya?”

Umiling si Rhei, “Si Dhirma ang nagbigay ng crest, akala ko ay siya na ang magpapaliwanag.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status