Share

Chapter 10 : Secrets

Third Person’s POV 

Pagkaalis nina Travis at Dane ay saka bumalot ang kulay lila at pula na barrier. Itinulak nito lahat ng mga kaaway palabas ng Charm City. 

Kinontrol ni Yui ang panahon at umulan sa lungsod ng mga charmers, binigyan naman ni Frenny ang ilang kalaban ng ilusyon na nakikipaglaban pa rin. 

Pagkahatid ni Travis kay Dane sa Gubat ni Levi ay tinungo naman nito ang Valiant Forest, bago pa man nya marating ang gubat ay marami syang nakasagupa. Pagkarating nya sa bahay nina Timmy at Esther ay kaagad nya na nilikas sila papunta sa academy.

“Ligtas na sa academy, Esther.” sabi ni Travis.

Maraming sugatan na charmers ang pinagagaling ng mga healers. Unti unti namang nagising si Regina at nabawi ang kanyang lakas. Mabilis na nakabalik si Travis kasama ang mag ina. 

“Nasaan si Dane?” Sabay na tanong nina Regina at Esther.

Walang may balak sabihin ang kinaroroonan ni Dane.

“Dhirma, ikaw ang guardian. Nasaan ang summoner mo?” Tanong ni Esther.

Yumuko ito at tumugon, “Nasa gubat ni Levi.” Bakas ang gulat nina Regina, Esther at Timmy.

“Delikado ang lugar na iyon, kung sakali na wala syang fairy na makumbinsi. Papatawan sya ni Levi ng kamatayan.”

Doon lamang natauhan sina Travis.

Tama ba ang desisyon nila na hayaan ang kaisar mag isa sa gubat? 

“Timmy kaya mo bang makipag usap kay Dane?” Tanong ni Grethel

Biglang may pumasok sa opisina ni Regina, si Frea.

“Paumanhin, pero narinig ko ang pag uusap nyo, ano ang nangyari at kailangan nyang pumunta sa gubat na iyon?”

“Kailangan nya iyon para hindi na maulit ang wipeout.” sabi ni Esther.

“Hindi na mauulit yun di ba? Di ba headmaster?” Nag aalalang tanong ni Frea.

Lahat ay nakatungo, hindi alam kung magiging matagumpay ang magiging plano ng kaisar. Pag hindi sya nagtagumpay, mamumuhay sa kalungkutan ang mga charmers.

Biglang napaluhod si Esther at sumuka ng dugo, “Ina ano ang nangyayari sayo?” Nataranta si Timmy.

“Inaatake na nila ang gubat ng greatwoods…” tugon ni Esther habang pinupunasan ang dugo sa kanyang mukha.

“Walang nakakaatake ng mga greatwoods, maliban na lang kung…” natulala si Timmy at naalala ang fairy na si Sheena. May kakayahang gawin si Sheena dahil sa ability nito.

“Itayo mo ko Timmy, alalayan mo ko” sabi nya habang inaabot ang kamay at braso ng anak.

Pagkatayo nya ay hawak sya ni Timmy sa bewang. Pinaglapat nya ang mga palad at nag concentrate, kulay rosas at berde ang liwanag na lumalabas sa mga palad nya. Buong lakas nyang itinaas ang mga palad at kumawala ang iba’t ibang kulay ng liwanag sa palad nya, “Restaurare!”

Mabilis na kumalat ang mahikang iyon at napansin nila na bumalik sa dating anyo ang itsura ng Charm city, may mangilan ngilan na lugar ay nasusunog pa rin, nadagdagan ng mas makapangyarihan na barrier ang buong Charm City.

Lumindol ang buong kanluran. Natigilan ang mga mananakop.

Ang mga greatwoods ay nabigyan ng sariling buhay para lumaban.

Tumakas si Luna pabalik sa Silangan. 

Pasandal na natumba si Esther kay Timmy, “Tawagin mo na ang hari.”

Nagconcentrate na si Timmy sa pakikipag ugnay kay Dane. “Dane, si Timmy ito. Nilapatan muli ni ina ng mas malakas na barrier ang academy. Itinulak ng barrier nya palayo ang mga kalaban. Mag ingat ka sa gubat ni Levi. Masama ang pakiramdam ko sa lakas na nandyan.”

Nagwika si Esther sa kanila na magtatagumpay ang hari sa plano nito, dahil alam ni Dane ang pakiramdam ng mawalan ng lahi. 

“Sabihin nyo kay Dane na ayusin at pagkaisahin ang buong Rimiera.”  Unti unting nagfe - fade ang kulay ni Esther. Ang anak naman nito na si Timmy, ay unti unti ng umiiyak. 

Ang lahat ng nasa kwarto ay nagluluksa sa pagkawala ni Esther, “Magpahinga ka na Esther. Sisiguraduhin namin na hindi mababalewala ang iyong pagkamatay.” bulong ni Grethel.

Sa pagkakataong iyon ay may narinig sila na pagaspas ng pakpak, sinilip ni Regina ang labas. “Nagbalik na sya, nakasakay sa Gryphus.”

Tumayo si Frea at tumakbo palabas,may kung anong liwanag ang nakikita sa kanyang likuran. Nagkatinginan sila at hindi nila sya pinigilan. 

“May nakakaalam ba sa inyo kung ano ang nangyayari kay Frea?” Ani ni Regina.

“Simula ng pinasok sya sa academy. Halata ang kakaibang aura nito, hindi sya taga Rimiera. Isa syang dayo mula sa angkan nina Levi, half fairy si Frea.” Sagot ni Grethel at nagpaalam na sa kanila.

Doon na tumindig ang balahibo nila. 

“Sa oras na mag sixteen sya, magbabago na ang anyo nya, maliban na lang kung may makakilala sa kanyang fairy.”  sabi ni Timmy na kumalma na. Blangko na ang ekspresyon ng mukha nya, kita ang pamamaga ng knyang mata.

“Kung may makaalam man na fairy, ire – release nya ang kakayahan ni Frea bilang isang fairy. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang taglay nya.” dagdag ni Timmy at tumayo, nagliliwanag na ang katawan nya at alam nina Regina at Rhei na handa na itong lumaban. 

Malungkot silang lumabas sa kwarto, si Rhei ay tahimik pero may itim na aura ang kumakawala sa kanya.

Hindi maganda ang kakahinatnan sa oras na madikit kay Rhei, kamatayan ang mangyayari, sadya man o hindi. 

Tinungo nilang lahat ang kaisar. Pagluluksa ang naging pagbati nilang lahat dito. 

Sa paglapit ni Dane kay Frea, ay sya ring paglapit ni Hikaru. Tila kilala nito si Frea, tiniklop nito ang pakpak at tinignan si Frea. Pinaiwas ni Dane si Frea kay Hikaru. Sumunod naman ito. 

Hanggang sa lumapit na ang iba sa kanila.

“Sisiguraduhin ko na wala ng lahi ang mawawala.” Paninigurado ni Dane habang tinitignan nya isa isa ang mga sumalubong sa kanya.

“Pupuntahan ko na si Luna.”  pasakay pa lamang si Dane nang patamaan sya ng mahinang mahika ni Timmy, agad syang bumagsak.

“Ang lakas ng loob mong makipaglaban, halos pitik lamang iyon ay natumba ka nna” galit at pag aalala ang ramdam sa tono ni Timmy.

Nakita nito na may matinding pagdurugo sa braso ni Dane, lalapit na muli sya dito nang sinugod sya ng Gryphus.

Nakataas na ang isang kamay nito at akmang aatakihin na si Timmy nang, “Hikaru, wag!Hikaru”  Sigaw ni Dane at pinilit na tumayo.

Nakadagan pa rin si Hikaru kay Timmy, “Umalis ka na sa ibabaw nya Hikaru.” utos ni Dane at hinimas ang gilid ng pisngi nito. 

Tinulungan nyang tumayo si Timmy na nakatitig pa rin sa braso nya. “Anong nangyari dyan?”

“Ang seal nina Zele na nagpapatunay na isa na akong fairy at beast summoner.”

“Ibig sabihin nagtagumpay ka sa pagpapapayag sa fairy na si Zele.” masaya ang tono ni Grethel 

“Ano ang sabi mo? Nina? Sino sino sila?” Tanong muli ni Grethel.

Itinaas ni Dane ang likod ng kaliwa nyang braso, nakaukit roon ang seal ni Yajima, at nasa noo nya ang seal ni Lucent, hindi makapaniwala ang lahat sa naging resulta ng pagpunta nya sa Gubat ni Levi. 

Handa na silang lumaban. “Maghanda na kayo, ngayong gabi ay pupunta tayo sa Silangan. Si Luna ang nagsimula ng gulo, tayo ang tatapos nito.” Sabi ni Dane at sumang ayon ang lahat 

Dhirma bulong ni Timmy pagalingin mo ang iyong summoner na si Dane. Marami syang malalalim na sugat galing sa ibang fairies 

Lumitaw si Dhirma malapit kay Dane. Natulala ito at sinagot ang tanong ni Timmy sa isipan nya, “Hindi ko maaaring gamutin ang mga seals na si Zele ang gumawa. Mukha lang syang nanghihina, Si Zele ang isa sa pinakamalakas na fairy at walang wala ang kapangyarihan ko sa mahika nya.” 

“Pagalingin mo na lang ang mga sugat na kaya mo.”

Tinitigan sya ni Dane na may ngiti, “Kumusta ka na Dhirma?”

“Maayos lang ako, kaisar. Kailangan na nating pumasok para mapaghandaan ang laban mamaya.”

Napatingin sila sa Gryphus na nakasunod, “Paano yan Dane, mukhang gustong sumama sa atin ng gryphus mo.” ani ni Regina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status