Share

Inlove With The Campus Heartthrob
Inlove With The Campus Heartthrob
Author: Ellie Xystia

CHAPTER 1

ALEXANDRA'S POINT OF VIEW

"Baby, let's go." Biglang lumaylay ang mga balikat ko nang tawagin ako ni Mommy.

"Time is running. Halika na, bilisan mo."

Nang salubungin ako ng tingin ni Mommy ay agad akong napayuko. Gusto ko pang kumain. Tumingin naman ako kay Daddy at nagbabasakaling matutulungan niya ako. Pero ganon nalang ang panlulumo ko nang makita ko siyang tumango at sinabing sumunod nalang kay Mommy.

Bata palang ako, lahat na ng mga bagay na gugustuhin ko ay agad kong nakukuha. Isang turo ko lang sa bagay na gusto ko ay agad nila itong binibigay ng walang pag-aalinlangan. At kahit na masyado akong spoil, hindi parin nila ako pinapapabayaan. I mean, they're always there when I need them hindi kagaya ng iba na puro negosyo lang ang inaatupag. That is why I am so blessed and lucky to have a parents like them.

"Mom, where are we going?" Tanong ko

"Mall." Maikling tugon niya. Hindi ko nalang kinulit pa si Mommy dahil baka ay marami lang siyang iniisip at ayokong dumagdag pa sa mga iisipin niya at itinuon nalang ang atensyon sa cellphone.

Wala akong maka-chat at ayoko naman na makipag-chat sa mga tao na hindi ko naman kilala. Naisipan kong i message si Kyle kaya nga lang, hindi pa nase-send ang message ko ng bigla siyang mag-out. Kyle is my best friend. We became best friend since elementary at hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang trato namin sa isa't isa.

"Bilhin mo lahat ng mga kakailanganin mo sa school, anak. May tatawagan lang ako saglit." Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil agad rin naman siyang umalis

Hindi man lang ako sinamahan mamili, tsk.

Kinuha ko ang mga bagay na kailangan ko para sa school bukas. Hindi naman marami ang kailangan kong bilhin dahil ilang notebooks at ballpen lang naman ang kailangan ko. Nang maisilid ko ang lahat ng mga iyon sa cart, nagtungo naman ako sa isang side kung saan naka display ang mga phone cases. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makakita ako ng Panda design na case. Ibang-iba sa mga Panda designs na nakita ko online. Wala na akong sinayang na oras at binili ang mga phone cases na nagustuhan ko.

"Nabili mo na ba lahat, anak?" Agad na tanong ni Mommy ng salubungin niya ako sa may counter area.

I nodded. I carried all those things I bought. Nagpalingon-lingon sa bawat madaanan namin. I'm hungry. I love foods, I don't care if they'll call me matakaw. Like duh, I can eat many foods but it won't make my body fat. Hindi naman ako payat, hindi rin ako mataba pero siguro tamang tama lang ang katawan.

"Mom, let's go there. I want to eat, I'm hungry na." Sabi ko sabay himas sa tyan.

"Kain ka ng kain pero hindi ka naman tumataba."

Grabe ka!

Marami akong inorder na mga pagkain s'yempre ayokong palampasin 'to no. Hindi ko na kailangan pang ma conscious sa katawan ko because I'm physically and mentally healthy. Kahit pa marami akong kinakain, hindi ako tumataba kaya maraming pagkain? Go lang ng go!

"Nak, I'm sorry but I have an urgent meeting. Tawagan mo nalang si Manong Caloy, magpasundo ka nalang sa kanya." Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang damit niya. Tumingin si Mommy sa akin ng salubong ang mga kilay.

"Sama ako, please." I pouted my lips.

"No. Hindi ako pupunta doon para makipag-chismisan Alexandra, pupunta ako para sa meeting. Kaya kung pwede ba anak, bitiwan mo na ang damit ko?" Yeah, tama nga naman si Mommy. She'll go there for a meeting. She lean towards me then she kissed me on my forehead.

Iniwan niya ako dito, psh. As if naman na may choice ako. Nakakainis. She drag me inside of this mall then now, she left me alone. Naasan ang hustisya? Nanahimik ako sa bahay e. I need a freaking justice!

Nang matapos ko na mabayaran ang lahat ng mga inorder namin ay nag decide na akong umalis tutal, wala naman akong kasamang gumala. And yes, ako ang nagbayad sa lahat ng mga kinain namin ni Mommy. What's new? Lagi nalang siyang ganoon. Basta basta nalang niya ako iniiwan. Okay lang rin naman sa akin kasi ako naman ang nagyayang kumain e.

Tinawagan ko ang number ni Mang Caloy at sinabing magpapasundo ako. Nang maibaba ko ang tawag ay sakto namang tumawag si Rhea. I really miss her. I can still remember our childhood days, walang araw na hindi kami magkasama. She's like a sister to me. Wala akong kapatid na babae kaya sobrang saya ko nung makilala ko si Rhea. Nang maputol ang tawag, kinapa ko sa yung wallet ko sa bag pero hindi ko ito makuha. Shems!

"Where are you freaking wallet?" Mahinang usal ko habang patuloy ko 'yung hinahanap sa bag ko.

"Damnit! Naasan na ba kasi--“ Nagulat ako nang makabangaan ko ang isang lalaki. Sobrang pula na ng mukha niya dala na siguro ng sobrang galit. Natapon kasi ang frappe ko sa polo niya. Binaba ko ang mga plastic bags na dala ko at saka kinuha ang pinaka paborito kong panyo. Yes, I have a favorite handkerchief.

"I'm really sorry." Sabi ko at patuloy na pinunasan ang nabasa niyang polo.

"It's okay Miss, just stop it." Mahinang sabi niya pero bakas sa boses niya ang pagka-inis pero hindi pa rin ako tumigil sa pag punas.

"No, it's my fault. I'm really–“

"I said stop!" Sigaw niya dahilan para itigil ko ang pagpunas sa kanya.

Pulang-pula ang kanyang mukha ng maiangat ko sa kanya ang paningin ko. Bakas sa kanya ang pagka-inis sa akin, hindi ko rin naman s'ya masisisi dahil kahit sino ay maiinis kapag natapunan ng frappe. Well, baka nga hindi lang sila mainis, baka magwala pa sila sa sobrang galit.

"Look, I'm sorry if--“

"I don't need your sorry Miss. Malilinis ba ng sorry mo ang damit ko? Tatanga kasi, tsk." Inis na sabi niya at bahagyang nanglaki ang mga mata ko nang marinig ko ang huling sinabi niya. Mahina pero rinig na rinig ko!

I can't believe him! Nag sorry na nga ako pero, sinabihan niya lang ako ng tanga?

"I know kasalanan ko but hey, I already apologized. Kung tatanga-tanga lang rin naman ako, eh ano ka naman?!"

"Ang sabihin mo tanga ka para hindi mo ako makita."

"Oo, hindi nga kita nakita dahil may hinahanap ako sa loob ng bag ko. Ikaw, tanga ka rin naman di'ba?"

"Ikaw nga 'tong may--“ I cut him off. Gwapo nga s'ya pero hindi sapat na tawagin niya akong tanga!

"But you have no right to call me tanga kasi in the first place, hindi tayo magkakabangaan kung nakatingin ka sa dinaraanan mo di'ba? And besides, ang laki-laki ng space oh, bakit hindi ka umiwas kung alam mo namang mababanga kita?" Hindi ko maiwasang magalit at mainis sa lalaking kaharap ko. He's speechless. Like duh, nakikipagtalo pa s'ya sakin eh, hindi naman niya ako kaya.

'HINDI AKO ANG TANGA, IKAW! MABABANGA KA BA SAKIN KUNG NAKATINGIN KA SA DAAN? HINDI NAMAN SIGURO DI'BA?! NAASAN UTAK MO, PRE?!'

"I'm sorry but I have to go." Dali-dali kong binitbit ang mga malalaking plastic bags. I have no time para makipagtalo sa isang lakaking...UBOD NG SUNGIT!

"MAGKIKITA RIN TAYONG BABAE KA!" Hindi pa man ako tuluyang nakalayo nang marinig ko s'yang sumigaw. Galit na galit? Gustong manakit? HAHAH...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status