Share

CHAPTER 3

ALEXANDRA'S POINT OF VIEW

*KRRIIIKK, KRRIIIKK*

'Tunog buto 'yan kaya 'wag OA'

6:30 am. Maaga akong nagising ngayon at himala dahil nagising ako bago mag alas-siete.

"Good morning world." Nakangiting sabi ko. S'yempre, dapat mag-inat bago pumunta sa banyo.

My exercise only took 5 minutes, nagpahinga saglit then I did my morning rituals. Pangiti-ngiti akong lumabas galing sa banyo. I don't know why I feel so happy today. Maybe because I have a good sleep or I'm just excited for the enrollment. Ah basta, good mood ako ngayon. 

I went downstairs then I saw Mom and Dad having their breakfast. 

'Ang aga nagising ah.'

"Good morning Mom, Dad." I greeted. Mommy just smiled at me and when I glanced to Daddy, he's busy reading on the newspaper while taking a sip of his coffee.

"So, would you mind if I'll ask you what happened yesterday? Sinabi ni Aling Nene, mainit raw ang ulo kahapon nung umuwi ka dito." Napa-angat ako ng tingin. They're looking at me seriously. 

'Wow, ang ganda ng tanong ah! Just wow.'

"Ah 'yung k-kahapon po ba naku, wala po 'yun. Nag-enjoy nga po ako eh." I lied. Gusto ko mang ikuwento sa kanila ang lahat ng kamalasang nangyari sa akin kahapon, pero mas okay na siguro kung hindi nila malalaman. 

"Hmm, really?"

"Yes po. Nag-arcade po ako kahit ako lang mag-isa tapos kumain ako nang mag-isa." Alam kong hindi sila naniniwala sa akin pero sana naman bumenta. I'm not good in lying! Kaya hirap akong lutusan ang mga tanong nila.

"Masaya ba talaga?" Tanong ni Daddy. Tinanggal niya ang kanyang suot na salamin at tinitigan ako ng diretso. DIRETSO SA MATA!

'Sabi na nga ba hindi bebenta.'

"Fine, fine. Mom left me alone yesterday. She just told me to go home after and sinunod ko naman. Nang makarating ako sa parking lot, hinanap ko 'yung wallet ko pero hindi ko makita until I bumped with a guy. A hotheaded guy. I know it's my fault that is why I apologized." Talagang nanggigigil ako habang kinukwento 'yun sa kanila. 

"Then?"

"He called me tanga! Oo kasalanan ko kung bakit kami nagka banggaan pero may kasalanan rin siya, Dad. He's not looking on his way. Come to think of it, mababanga ko ba siya kung tumingin siya sa dinaraanan niya? Sobrang laki ng space sa parking lot dahil konti lang ang mga sasakyan na naka parking. So tell me Dad, tama bang tawagin niya akong tanga?!" I can't help to burst out my anger. He is the only one who called me tanga. At iyon ang hinding-hindi ko matatangap!

'Wala na. Nasira na ang araw ko dahil sa lalaking 'yun.'

"Okay we understand. Eat up, Alex."

"Sorry but I lose my appetite. Mamaya na lang po ako kakain."

"Where are you going?"

"Magpapa-enroll lang ako, Dad. I'll be back." Akmang tatayo ako nang pinigilan niya ako. 

"You're already enrolled." 

'Whoah, really?! Kyaaaaahh!!'

"Really? Doon po ba sa University kung saan naka enroll si Kyle, Dad?" I asked him with full of excitement. I thought he'll say yes pero umiling siya. Guess it's a No.

"But why? Napag-usapan na namin ni Kyle na doon ako papasok sa University nila. Dad naman eh."

"Ipinasok ka namin sa ibang University. My friend and I owned the University pero ang alam ng lahat, siya ang nag mamay-ari ng Xin High University. Bukod sa pa ron, isa rin tayo sa mga stock holders and that University won't stand without our help kaya dapat lang na doon ka pumasok." Dad explained. He explained everything at hindi ko akalain na kami pala ang ikalawang may-ari ng isang sikat na University.

"Don't worry Alex, sigurado akong mababait ang mga studyante doon kaya madali ka lang makakahanap ng mga bagong kaibigan." Mommy said with a smile. I guess I have no choice kundi ang mag-aral sa University na 'yun.

Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa kwarto ko. I need to talk to Kyle. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi kami magiging mag schoolmates? Sigurado akong magtatampo siya sakin.

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ni Kyle. Siguro naman, maiintindihan niya ako.

Calling: Gwapong Kyle...

"Hey Kyle, how are you?"

"Not good." Rinig ko ang kanyang buntong hininga. 

"May problema ba?"

"Yeah but don't worry magiging okay rin 'to. By the way, nakapag-enroll ka na ba?" Biglang tanong niya at napatahimik ako ng ilang segundo.

"Y-Yeah pero sa ibang University."

"It's okay. Aalis rin naman ako papuntang California next month. Kailangan kong i manage ang company ng mag-isa dahil malapit na itong malugi." 

"What? How about Tito? Does he know about that?"

"Yes, of course alam niya. He's in the hospital. Isinugod namin siya doon at nalaman naming may mild stroke s'ya."

"Okay, okay. Sabihin mo kay Tito na magpagaling siya. Tatalunin ko pa s'ya sa chess." I said then I heard Kyle chuckled. I really miss my best friend.

________________________________________________________________________

MONDAY 

Nagising ako sa tunong ng alarm clock. Halos mapatalon ako sa kinahihigaan ko nang makita ko ang oras. 

'7:27 a.m'

Nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo. 15 minutes ligo, 10 minutes para mag-ayos ng sarili at her 10 minutes para kumain.

'Grabe, hindi man nila ako ginising. Late na tuloy ako!'

Nagpahatid ako sa driver dahil sabi nila wala raw sina Mommy at Daddy dahil may urgent meeting daw. Kaya nagpahatid nalang ako kaysa naman ma-late ako sa klase ko. Habang nasa biyahe ay panay ang tingin ko sa relo ko. Mabuti nalang at hindi masyadong traffic kaya makakahabol pa ako.

Xin High University

Nang makarating ako sa University ay agad akong kumarimpas ng takbo. Mapapansin na konti nalang ang mga studyante na naglalakad sa hallway ng University. Malaki ang University na ito at maraming ring pasikot-sikot. Thanks to my father dahil sinabihan niya agad ako kung saang building at kung saang room ako papasok. 

"F-Finally, nakarating rin sa w-wakas." Hinihingal kong sabi. Nakita ko sa may dulo ang room ko. Hinding naman ako nag-aksaya pa ng oras dahil sobrang late na talaga ako. Kung sana hindi nalang ako nagbabad sa panonood ng K-Drama kagabi, sana ngayon hindi ako late.

Nasa harap ako ng pinto. It was close maybe they're starting. I knocked before I enter the room. Bumungad sa akin ang napakaraming studyante at lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Good morning, I'm sorry if I'm late." 

"First day of class but you are now late. Reminder everyone, I want all of you to be here inside before I enter this room. I want everything to be settled. Are we clear?" Sabi niya at tinanguan niya naman ako para pumasok.

"Yes, Miss." 

"Introduce yourself, young lady." Shit, akala ko wala na ang pakilala? Sa lahat ng ayaw ko, ay ang magpakilala sa harap ng maraming tao!

"Hi, I'm Alexandra Keirrah Park." Muli ay tinanguan ako ni Ms. Bea. I saw her name on her name plate. Bakit ba? Nakita ko eh.

Dahan-dahan akong naglakad at inilibot ang aking tingin sa mga upuan. I was hoping na may extra pang upuan. Ayos lang kahit nasa likod ako naka-upo.

'Gosh, paano na'to? Wala ng vacant seat!'

"Psst Alexandra, tabi tayo." Nakangiting sabi ng isang babae sa akin. Akala ko wala ng upuan, meron pa pala.

"Thank you."

"I'm Daisy." Aniya at saka ngumiti sakin.

"Thank you, Daisy." 

Nagsimula ng mag discuss si Ms. Bea. Mabait naman pala talaga s'ya, hindi lang halata kasi palaging nakataas ang kilay niya. Sinulat ko lang yung mga important details then after dismissal, nagsilabasan na yung mga classmates ko dahil lunch na. Gutom na rin kasi ako. Magkasabay kami ni Daisy na nagpunta sa canteen. Bago ko lang siya nakilala pero sobrang gaan ng loob ko sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status